Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 2

146 6 0
By issakalsada

Chapter 2
Alone

Nanay Wilma is on her mid 50's now. Medyo ubanin na. Siya ang nag-alaga at nagpalaki saakin simula no'ng ipinanganak ako ni Mama. She became my second mother. Kung tutuusin,siya na ang tinuturing kong tunay na ina dahil hindi rin naman ako tinuturing na anak ng tunay kong Nanay.

Siya ang nagbigay sa akin ng pangalan. Marrielle malapit sa pangalan ni Mama. At Sereno naman ang apelyido ng aking ama. Maski si Nanay,hindi kilala kung sino ba talaga ang tunay kong tatay dahil masyadong malihim si Mama noon. Ayaw ni mama na ibigay nalang ang apelyido niya saakin dahil sa galit.

She loves me. She taught me everything. Umuwi lang siya dito,8 years ago,noong twelve years old na ako,dahil namatay si Tatay Ali,asawa niya. At hindi na siya bumalik pa sa bahay at dito nalang namalagi.

"Ano nanaman ang ginawa ng Mama mo sayo,Rielle?" tanong ni Nanay pagpasok namin sa loob.

Hindi ako nagsalita.

Inabutan naman ako ni kuya Brock ng tubig at si Adair naman ay naghahanda ng pagkain.

"Anong nangyari diyan sa braso mo?saan mo 'yan nakuha?nakipag-away ka nanaman ba,Rielle?" si Adair. He's still so protective to me as usual. He's a serious type of guy. He's handsome,has a fair-complexion,lumalabas ang malalim niyang dimples kahit hindi siya ngumiti. Kaya maraming nagkakandarapang babae.

"Ano ka ba naman,Tol. Hindi naman nakikipag-away itong kapatid natin kung walang ginawa sa kanya di ba?kaya,tama lang 'yon,Rielle. Good job ka diyan!" nakangising sabi ni kuya Brock at inakbayan pa ako. He's a type of person na kapag nasa tama ka,dapat panindigan mo 'yon. He doesn't tolerate wrong doings. As much as possible,kapag naagrabyado ka,lumaban ka. Huwag kang lalampa-lampa.

Adair and Kuya Brock,sila ang apo ni Nanay sa nag-iisang anak na babae,si Tita Gelline. Matanda si Kuya Brock saakin ng limang taon at dalawang taon naman ang agwat namin ni Adair. They treated me as their sister,as their family. Huli kong natatandaan no'ng isinama ako dito ni Nanay noon,mabilis nila akong tinanggap. Halos ayaw na nga nila akong pabalikin sa Maynila eh. Pero kailangan. Pare-pareho pa kaming nag-aaral no'n.

"Kumain ka na muna. Ang layo ng binyahe mo." si Nanay.

Pinagmasdan nila ako habang kumakain ako. I know that they have so many questions to me right now but they kept their mouth shut. They just let me eat first. But I'm not comfortable with their stares so I stopped.

"Uhm...Nay...pwede po bang,dito muna ako pansamantala?m-magbabakasyon lang,don't worry po,uuwi din po ako kapag---" hindi na ako pinatapos ni Nanay sa pagsasalita.

"Pinalayas ka ng Mama mo?" mataman niyang tanong saakin.

"Hindi naman,Nay. Gusto ko lang po sanang...mag-isip-isip."

"'Yon naman pala,Nay eh!ayos!mas mabuting nandito ka,Rielle. Maliban sa mag-isa lang si Nanay dito,makakasama ka pa namin." masayang sabi ni Kuya Brock.

"Dito ka na,Rielle. Walang tanong-tanong,talagang dito ka titira." seryosong sabi naman ni Adair.

"Salamat nga pala sa perang pinadala mo,Rielle." si Kuya Brock. Pinadalhan ko siya ng pera para sa panganganak ng asawa niya. Wala namang kaso saakin 'yon,at least nakatulong ako sa kanya.

"Ayos lang,kuya." tipid na sabi ko.

Lihim akong napangiti. Even though they are not my family or relatives,perhaps,tanggap parin nila ako.

Nagpaalam na sila Kuya na uuwi na. Hinintay lang nila akong matapos kumain at nag-kwentuhan saglit. Si kuya Brock, hinahanap na ng asawa niya. Si Adair naman,may trabaho pa bukas,nags-summer job sa Rice Mill,habang bakasyon pa.

Bumukas ang pinto ng kwartong inilaan para saakin ni Nanay at napatingin ako doon.

"Alam ko kung ano ang problema,Rielle. Kilala mo naman ang Mama mo di ba?" sabi niya. Itinigil ko muna ang pag-aayos ng damit at huminga ng malalim.

"Pero masaya ako at naisipan mong pumunta dito. Ngayon,hindi na ako masyadong mag-aalala sa kalagayan mo dahil nandito ka na." patuloy niyang sabi.

Naligo ako at nagpahinga na. Gabi na nang nagising ako at dahil 'yon sa sunod-sunod na katok. Inayos ko muna ang sarili at pinasadahan ng daliri ang buhok ko at inayos iyon sa pagkakatali at binuksan ang pinto.

"Ate Rielle!" bumungad saakin ang isang babae. Agad niya akong niyakap at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ikaw nga!ang ganda-ganda mo,ate!" puri niya saakin.

Nilagpasan ko siya at naglakad patungong kusina. Hindi ko nakita si Nanay. Hindi ko rin alam na nakasunod pa pala siya saakin.

"Nasa hacienda pa si Nanay,ate." Hacienda? "Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya.

"No." sabi ko. Napaatras siya at nakitaan ko ng takot ang kanyang mga mata.

Fuck!mukhang natakot ko ata siya?

"Look...I just don't remember you." sabi ko sa kanya.

"Ah...a-ako to...si Andeng." pagpapakilala niya saakin. Andeng? "'Yong batang tinulungan mo noon?Doon sa mga batang lalaking nang-bully saakin?" sabi niya pa. Hindi ko talaga matandaan. Tatlong araw lang naman ang itinagal ko dito no'ng sinama ako ni Nanay,at hindi ko matandaan kung ano ang sinasabi niya.

"Ganito nalang,hindi mo rin naman ako natatandaan,ipapakilala nalang kita sa mga tropa ko. Ano?game ka ba?diyan lang naman sila sa lab---"

"I don't want to." sabi ko at tinalikuran na siya. Dumaan ako sa likod ng bahay pababa sa papunta sa dalampasigan.

Waves crashing on the shore. Narinig ko agad ang hampas ng alon at naamoy ang alat ng dagat. Nakakalat din ang mga sasakyang pandagat sa pampang. Binalot ng lamig ang aking katawan lalo na at manipis lang ang suot kong t-shirt at leggings. Tanaw ang mga bituin sa kalangitan,umupo ako sa isang malaking bato malapit sa dagat.

I can live here and I can survive. There are no malls, hotels,bars or clubs, elite restaurants,and luxury goods in here. But I don't mind,I don't need it,anyway. I'm not a party girl and I don't attend social gatherings. Mas gugustuhin ko pang makipag-karera o makipag-bilyaran nalang kaysa makipag-sosyalan.

Ilang minuto lang ang itinagal ko doon at nagpasya na akong bumalik sa bahay. Narinig ko ang ingay sa labas. Mukhang may nagkakasiyahan.

Lumabas ako ng bakuran at may pumaradang itim na pick up sa harapan ko. Inilabas no'n si Nanay. Lumapit ako at binuhat ang dala niyang basket na may lamang mga gulay.

"Ayos lang,Nay Wilma. Dito rin naman ang punta ko kaya sinabay ko na kayo." sabi ng isang baritonong boses.

Napakunot ako ng noo at tumingin sa kausap ni Nanay.

A man wearing a dark maong pants and a white shirt. I still need to look up on him because he's tall. Pero hindi ko masyado maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim. But I can sense that he's looking at me with his unsmiling lips.

"Ate Rielle!" sigaw ni Andeng saakin. Natanaw ko siya sa may tindahan,may mga kasama. Naninigarilyo ang dalawang lalaki.

"Sige na,Nak. Doon ka na muna,maghahanda lang ako ng pagkain. Ako na nito." sabi ni Nanay saakin.

I took a deep breath bago tuluyang naglakad palapit sa may tindahan. Nauna na ang lalaking kasama ni Nanay at mukhang doon din ang punta niya.

Nang tuluyan na akong makalapit,dumako agad ang tingin ko sa lamesa. May ilang bote ng beer ang nakalatag at chichirya bilang pulutan nila. Are they allowed to drink?and smoke?ilang taon na ba ang mga taong ito?saka,dito pa talaga sa gilid ng kalsada.

"Guys!ito ang Ate Rielle ko. Ang ganda niya di ba?" umakbay pa si Andeng sa balikat ko habang ipinagmamalaki niya ako sa mga tropa niya. Isa-isa ko silang tiningnan. Mariin din ang titig nila saakin. Pamilyar ang mga mukha nila. "Mga tropa ko,Ate. Si Ralph,si Fernan,si Kevin at si Sofia." pag-iisa-isa niya sa mga ito. Sila ang mga naka-tambay dito kaninang hapon,kaya pala pamilyar saakin.

"H-hi,Miss." nauutal na bati ni Fernan at Ralph saakin. I tilted my head into the different direction because I smell the smoke of cigarettes in them.

"Ralph,Fernan." isang malamig na boses ang tumawag sa dalawa. Pagkatapos ay tinapon nila agad ang hawak na sigarilyo.

Tinaasan naman ako ng kilay ng babaeng kasama nila na sobrang ikli ng short at si Kevin?naka-poker face lang.

Dumako ang tingin ko sa isang misteryosong lalaki na ngayon ay naka-tayo pa rin. Titig na titig sa akin. Ngayong maliwanag na,napagmasdan ko na rin ang lalaking kasama ni Nanay. There's a thin point of hair on his forehead and he's looking at me with his dark eyes,long lashes and thick brows.

"At siya naman si Cross,ate." sabay turo niya dito.

He looked at me with curiosity. I just raised my eyebrow and tilted my head to the different direction,particularly sa mga inumin sa lamesa.

"Umiinom ka,Ate di ba?" si Andeng. "Shot ka muna oh!" nilahad niya saakin ang isang baso ng alak at agad ko naman iyon tinanggap at walang pag-alinlangang nilagok ko iyon ng diretso.

Agad na kumalat ang pait ng alak sa lalamunan ko. Napangiwi ako.

"Whoah!" gulat nilang sambit. At nagtawanan pa.

"Ang galing mo naman,Rielle!" si Ralph.

"Upo ka,Rielle. Samahan mo kami." si Fernan naman.

Hindi ako nagsalita. Kanina pa ako nakakaramdam ng may mga matang tumitingin saakin kaya hindi na ako nagdalawang-isip na titigan siya pabalik.

His eyes drifted on my eyes,then to my arms...twice!tumagal ang titig niya sa braso ko kaya tumingin din ako doon.

"Shit!" mahinang mura ko at hindi na nagpaalam na talikuran sila at tumakbo papasok sa bahay.

Agad kong hinubad ang damit ko na may dugo na sa manggas nito at napamura nalang ulit nang makita ang pagdaloy ng dugo sa braso ko. Hinugasan at ginamot ko na iyon.

"Anong nangyari?" si Nanay. Pumasok siya sa kwarto ko. "Uminom ka na ba ng gamot?"

"Hihilom din naman ito Nay. Hindi naman masakit." sabi ko sa kanya. Pinandilatan niya lang ako ng mata at binawi ang betadine at bulak saakin at inayos niya ang dressing ng sugat ko.

I suddenly realize, I am surrounded by so many people, but no one knows the real me. Even Nanay Wilma.

It's sucks to be alone.

Continue Reading

You'll Also Like

66.4K 4.4K 12
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...