QUEENS OF LOVE SERIES 01: HER...

By IAMROMME

10.8K 625 31

Heroine Andrada knows no fear but meeting Thorr Matthew Sandoval, she started to knows that four letter word... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
EPILOGUE

31

188 12 1
By IAMROMME

"Good Morning."

Masayang bati ni Kim sa akin pagdating ko sa school. Ang ganda ng ngiti nito... pati siya mismo ay maganda rin. Blooming.

"Morning."

Bati ko rin dito bago nagpatuloy sa paglalakad habang siya ay tumabi sa akin.

"You look—"

Hindi natapos ni Kim ang sasabihin ng biglang may sumigaw mula sa likuran namin.

"Poop!"

Tumigil ako at nilingon ito. Nailing na lamang nang makitang tumatakbo ito habang ngiting-ngiti, deritsong nakatingin sa akin, parang nkita lang yung idol eh.

"Careful." Inayos ko ang damit nito at ang bag nito na wala na sa ayos. "Ang aga-aga puno ka na ng pawis."

"Good Morning." Masayang bati nito.

"Hm. Good morning din."

Kinuha ko ang panyo at pinunasan pa muna ang pawis nito. Ang likot-likot na bata, umagang-umaga ay pawis na pawis na. Pero kahit ganoon ay mabango pa rin ito.

Perfume ata ang pawis niya. Tss.

"Uhm... Hero? Mauuna na ako. Andito na yung mga kaibigan ko." Paalam ni Kim.

"Mag-iingat ka."

Nginitian ko ito at mahinang pinisil ang pisngi niya na nakaagaw ng atensiyon ko.

"See you."

Umalis na ito at pumunta sa mga kaibigan niya. Kumaway pa muna ito bago ito tuluyang umalis.

"Akalain mo 'yon, Poop. Naging kaibigan mo na rin siya." Iiling-iling na sabi niya.

Simula nang iligtas ko si Kim naging mabait na ito. Palagi akong nililibre, binibigyan ng chocolates, pinapakilala sa mga kaibigan niya at sinasabihan ang mga itong huwag na akong guluhin, at iba pa.

"Ikaw nga sinuntok lang ako dati pero ngayon ay manliligaw ko na." Yes, manliligaw ko na ang lalaking abnoy na 'to. Simula nung nangyari sa bahay nila, nagsimula na siyang manligaw dahil si ako pumayag naman.

"May 200 item quiz na naman si panot mamaya."

"Ano naman big deal do'n? Palagi naman siyang nagpapaquiz."

"Kapag naprefect mo, ililibre kita ng orange flavor na cake, Haikyuu."

Natigil ako sa paglalakad at nilingon ito habang nanlalaki ng mga mata. "Talaga?"

"Oo! Pero kapag ako naman nakaperfect," lumapit ito na tila may ibubulong. "I will kiss you."

"Baliw ka talaga." Natatawang saad ko at nauna ng maglakad.

"Basta 'yon yung deal, Poop." Pangungulit nito.

"Hindi pa nga ako pumapayag, eh."

"Edi pumayag ka na."

"Wow naman."

Natawa ito. "Sige na kasi."

"Oo na. Oo na. Ang kulit mo." Nailing na lang ako.

Tindi talaga ng lalaking 'to, dinaig pa ang babae sa pagiging makulit.

"Yes!"

Niyugyog pa ako nito habang may malapad na ngiti. Nabaliw na ang tangina. Tindi ng tama. Masyadong hyper.

"E-pe-perfect ko talaga yung quiz."

Narinig ko pa na bulong nito pero hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko lang ito na magpakalutang sa sariling imahinasyon.

Nang makapasok sa room ay dumeritso ako sa upuan ko. Napatitig ako sa katabi na hindi man lang ako napansin na nakalapit, palagi kasi itong bumabati kapag dumating ako. Napunta ang paningin ko sa tinitingnan ni Totga, nakatitig ito sa magandang babae na ngayon ay masayang tumatawa.

Napangisi na lamang ako nang ma-realize ang nangyayari. Mukhang may nakakuha na ng interes ng best friend ko.

Inilapit ko ang upuan sa kaniya saka sunod na inilapit ang mukha sa tainga nito at bumulong. "Baka matunaw."

"H-Huh?" Gulat na tanong nito nang lingunin ako. "S-Sino?"

"Bakit ka nauutal?" Nanunudyong tanong ko.

"Ginugulat mo kasi ako." Napalabi ito.

"Ang ganda ba?"

"Nino?" Patay malisyang tanong nito.

"Huwag ako, Totga." Inilapit ko ang mukha sa kaniya dahilan para magulat ito, nanigas bigla. "Hindi mo ako madadaan sa pagganiyan-ganiyan mo." Saad ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.

Pero nabigla na lamang ako nang may humawak sa mukha ko at ipinihit ang mukha ko paharap sa kaniya.

"Bakit ang lapit-lapit mo sa kaniya?" Naiinis, kunot ang noo at nakabusangot na tanong ni Shit.

"Magkasama na naman kayong dalawa?" Tanong ni Totga.

Nagsamaan sila ng tingin ni Shit. Parang mga bata na nag-aaway ang mga baliw.

Nagkaayos na sila ng nakaraan. Ewan bakit sila nagkatampuhan pero naging maayos naman sila. Nag-uusap at nagkukulitan na, eh.

"Bakit? Pakialam mo ba? Nagseselos ka ba? Ayan kasi ayaw ni Poop sa'yo kasi am'pangit-pangit mo raw." Banat ni Shit.

Sa nakalipas na ilang linggo ay ganito sila palagi kaya hindi na bago sa akin ang ganitong bagay.

"Hoy! Kaibigan at parang kapatid na ang turing ko kay Heroine, huwag kang advance diyan, Thorr! Tsaka sa ating dalawa ikaw yung pangit. You're so pangit. Sana hindi ka sagutin ni Hero! Hindi ako boto sa'yo."

"Kapag ako hindi sinagot, ililibing kita sa basurahan at ipapakain sa mga ipis." Pagbabanta ni Sandoval.

"Kung kaya mo." Bawi naman ni Havoc.

Hinayaan ko lang sila, nawiwili ako sa kulitan nilang dalawa.

Medyo payapa naman na ngayon ang buhay ko basta hindi nagtatagpo ang landas namin ng Lexi na hangal.

Napunta kay Kim ang atensiyon ko nang makita itong papalapit at may dala-dala na namang box ng chocolate.

"Hi, Hero." Bati nito at nginitian ako ng matamis.

"Ano atin?" Tanong ko sa kaniya.

"For you." Bigay niya ng isang box ng chocolate.

"Sumasakit na yung ngipin ko kakakain ng chocolates na dala mo araw-araw, eh. Hindi ba kayo nauubusan niyan? Baka mamaya hanapin na ni mommy mo 'yan, ah?" Biro ko rito.

"Hindi." Umiling ito at inilahad sa akin iyon. "Maraming chocolate sa bahay pero ito binili ko talaga para ibigay sa'yo. I want to give you a special one because you're also special, Hero."

She's so pure and innocent while confessing her feelings. What a cutie. Sadly, I can't reciprocate it.

"Why not, ibigay mo na lang kay Totga yan, paborito niya yung chocolates. Siguradong matutuwa 'yon." Inayos ko ang buhok nito at inilagay sa likod ng tainga niya.

Napanguso naman ito."Pero dinala ko'to para sa'yo." Kinunutan ko naman siya ng noo.

"But I can't eat that, Kim. Totga can and he will surely will." Nakangiting saad ko habang deritsong nakatingin sa mga mata niya.

Not only the chocolate but also her feelings. I'm sure Totga will accept them both.

"Go ahead. Give it to him."

"Sige na nga." Napalabi ito, mukhang hindi bukal sa loob na ibigay kay Totga ang dala.

Lumapit ito sa dalawa na agad namang tumigil nang mapansin si Kim. Inirapan pa sila nito, may pinipili ang kabaitan niya.

Halatang nagulat si Totga nang ibigay ni Kim sa kaniya yung chocolates.

Lagot ka, Havoc. Tiyak ako'ng magsisimula na ang kilig massacre diyan sa puso mo.

"Hero!"

Kakarating lang ng dalawa, sina Speaker at Yui, agad ang mga itong dumeritso sa upuan nila sa gilid ko. Tsismis dito, tsismis doon ang ginawa ng dalawa.

"Good morning." Bati ni Shin na kakarating lang.

"Morning." Bati ko pabalik.

Umayos at tumahimik lang ang lahat nang dumating si Sir, yung adviser namin na magiging first sub namin ngayon.

"Sir, you're late again."

Natigil si Sir sa balak na pagsusulat sa board nang marinig ang sinabi ko.

"Sorry about that, Heroine. It's traffic." Rason nito.

Natawa na lamang ang klase para hindi maging awkward, alam kasi ng mga ito na bibirahin ko na naman si sir kapag hindi ang mga ito gumawa ng paraan.

Nagsimula na yung klase namin at physical science yung tinuturo ni Sir ngayon. Hindi naman ako tinatawag kaya nahiga na lang ako sa kamay ko.

"Let's go back to periodic table of elements that was already been discussed when you are in your grade 9 and 10. Do you still remember? Of course, you should remember that because it's important. So can you please give some question or sentences that is related to our topic for today? Yes, Mr. Sandoval?"

"Ms. Andrada, can you help me about this one?" Tanong ni Toma.

Kinunutan ko naman siya ng noo pero tumango pa rin. Ano na naman kaya ang iniisip ng lokong 'to.

"I just want to ask you if... can you be my Baruim, Boron and Yttrium?"

Agad naman akong natawa dahil ang cringe ng linyahan ng loko.

Napasipol naman ang iba naming kaklase na naka-gets ng banat niya.

"Hm... Let me think of it for a second. I can't choose between two choices kasi." Nginisian ko ito. "Whether I will say... Nitrogen-Oxygen or Oxygen-Flourine-Carbon. What do you think is the best combo among those two, Mr. Sandoval?"

Natawa si Sir pero hindi ko ito masyadong pinansin, tutok lang ang atensiyon ko kay Shit.

"May naiintindihan ka ba, bhie?"
"Oo naman, no. Nakakakilig nga, eh."
"Eh, ano raw sabi?"
"Hindi ka kasi nakikinig."
"Nakikinig ako kaso wala akong maintindihan, bhie. Alam mo naman, ganda lang ang ambag ko sa lipunan."
"Kaya hindi ka nakakatungtong sa special section, eh."
"Luh? Namemersonal? Ikaw rin kaya, baliw. So, ano nga sabi?"
"Ganito kasi 'yon. Sabi ni Thorr, ganito, 'I just want to ask you if can you be my baby'.  Tapos sagot naman ni Heroine hindi raw siya makapili between two choices.  Whether she will say No or Ofc. Feeling ko naman alam mo na yung ofc, palagi nating gamit sa chat 'yan."
"Oo naman, no. Of course ang meaning niyan. Pero gagi! Kinilig ako bigla."
"Pero kanina loading ka pa."
"Sorry na, alam mo namang maganda lang 'tong kaibigan mo."

Rinig na rinig ang tsimis ng dalawang babae na nakikinig pala mula sa bintana.

Marami kaming audience ngayon. Ang mga dumadaan ay nanonood sa amin, at marami sila.

"Please choose the latter. It will be the best combo, for sure." Nakangiti ngunit seryusong saad nito.

"Yieeeee! Si Hero kinikilig na 'yan." Tumatawang saad ni Speaker na sobrang ingay, bagay talaga yung pangalan niya sa kaniya.

Nag-excuse muna si Sir dahil kinausap niya yung dalawang babae sa labas kanina, may hihiramin ata. Kami naman ay nakaupo na ngayon at nagtatawanan at banatan.

"Speaker. Speaker. Tae kaba?" Tanong ni Yui na namumula na kakatawa.

"Bakit? Bakit?" Tatawa-tawa namang tanong ni Speaker.

"Nagtanong ka pa." Humagalpak naman agad  si Yui ng tawa.

"Gago." Sinakal ni Speaker si Yui, pareho pa rin na tawang-tawa.

Makaraan pa ang ilang minuto ay bumalik na si Sir at nagklase na ulit. Kagaya kanina ay nagkasayahan lang kaming lahat pero agad din na naputol iyon nang dumating si Panot na parang demonyong makangisi.

May pa long quiz na naman kasi.

At hindi nga siya nagsisinungaling, nagpa-200 item quiz nga siya. Halos nasa 50 lang ata yung may choices at yung iba ay identification na. Ang bilis pa magtanong kaya yung iba natataranta at nilalaktawan na lang yung ibang numbers. Pero sa akin talaga nakatuon ang atensiyon niya at kay Shit para bang ang tindi ng kasalanan namin sa kaniya, pero dahil mayabang ako, lalo ko pa siyang iniinis. Ngisian ko rin ito, nang-iinis, habang patuloy sa pagsaot.

Palihim akong natatawa tuweng sinasamaan ako nito ng tingin. Bakas kasi talaga sa mukha niya kapag inis ito. Yung tipong parang bulldog na mangangagat, 'yon yung mukha niya lagi.

Pero sa totoo lang, isa siya sa mga gusto ko'ng guro rito sa school, siya kasi yung tipo ng teacher na hindi mo mapaplastic, hindi maiisahan o mauutakan. Kahit highblood sa amin ang matandang ito, kabaliktaran naman siya kapag pumupunta siya sa mga bata sa kalye, nagbibigay siya ng pagkain sa mga batang nangangailangan ng walang hinihinging kapalit.

Pft. Mga matatanda talaga.

"Pass your paper in five seconds. Hindi ko tatanggapin kapag late." Sigaw nito nang matapos na siyang magtanong.

"Putekk, may anim akong hindi nasagutan. Ikaw ba, Hero? Nasagutan mo lahat?" Tanong ni Yui na nasa likod.

"Oo."

"Ang bilis kasi ni Mr. Dumago magtanong, grabe. Dinaig pa si Flash." Bulong naman ni Speaker.

"Ayaw niyang may makaperfect sa quiz niya kaya binibilisan." Saad ko.

"Hindi pa nakaklase yung nasa tanong."

Natawa naman ako ng parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Speaker.

"Ilan ba hindi mo nasagutan?" Tanong ko.

"Sampu ata. Bahala si panot, minus ten na siya sa langit."

Natawa naman kami ni Yui dahil sa sinabi ni Speaker kaya agad lumanding ang mga mata ni Panot sa amin.

"Isang ingay niyo pa, minus 50 kayong tatlo."

Nagkatinginan naman kami saka lalong tumawa pero hindi na kami gumawa ng ingay. Si Speaker pinagpapawisan na kakapigil ng tawa lalo na ng liparin ng hangin ang wig ni panot na mabuti na lang at nahawakan niya kaagad. Si Yui naman ay namumula na at naiiyak kakatawa habang palihim na tinuturo ang ulo ni panot. Kinalma ko na lang ang sarili ko ng makitang senenyasan kami ni Sir na manahimik na.

Matapos ang sampung taon na pagche-check ng mga papel, tuluyan na siyang tumayo habang hawak-hawak yung mga papel namin. "Ang unang tatawagin ko ay siyang pinakamataas at siya ring puwede ng lumabas." Saad nito.

"Andrada."

Pagkarinig ko sa apelyido ko ay tumayo na ako at nagsimulang maglakad palabas ng kuwarto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni panot at tinaasan pa ako ng kilay.

"Lalabas na. Alam ko na ang score ko bago mo pa ma-check yung papel ko." Mayabang na saad ko.

"Mayabang ka talaga, Andrada."

"Nasa dugo na, sir." Nakangising sabi ko.

"Tss. You're perfect. Puwede ka ng lumabas." Pasinghal pa na saad nito.

Pumalakpak naman ang mga kaklase ko pero Hindi ko na pinansin pa iyon. Senenyasan ko yung mga kasama ko na mauuna na muna ako.

"Adder..."

Lumabas na ako saka deritsong naglakad papunta sa cr dahil parang sasabog na yung pantog ko.

Pigil na pigil mula kanina.  Actually, nakalimutan na dahil sa pa-quiz ni panot na pa'ng bar exam na sa dami.

Pagkarating ay agad na akong pumasok sa isang cubicle at pinalabas lahat ng dapat ilabas. Nang matapos ay dumeritso ako sa salamin pero napangiwi rin nang makita si Lexi at ang mga alipores niya.

Required ba talaga na may alipores yung kontrabida?

"Ano atin?" Tanong ko.

"Lock the door, girls."

Narinig kung lumagatik na ang pinto. Tyempo namang tapos na akong maghilamos. Kumuha ako ng tissue saka sinimulang tuyuin ang mukha ko. Napasulyap ako sa gilid at nakita silang anim na nandoon at mukhang may binabalik talaga na hindi maganda.

"Oh my god." Worried na saad ko habang nakatingin sa kanila.

"What?" Malditang tanong ni Lexi.

"Don't go too close to the heater, babe. Remember that plastic fucking melt fast?" Inosenteng sabi ko pa, balak talagang inisin sila.

At mukhang success ako dahil parang lalapain na nila ako ngayon.

"Look at that!" Gulat na saad ko at tinuro ang mga mukha nila. "You should listen to me, ladies! Your masks are melting."

"You!"

Agad na sumugod ang isa sa kanila pero itinulak ko lang ito ng walang kahirap-hirap. Ang isa naman ay balak sana akong buhusan ng tubig pero bago niya pa maibuhos sa akin iyon ay sinipa ko na siya sa  tiyan kaya sa kaniya mismo nabuhos lahat ng tubig. Ayon tuloy, parang basang sisiw.

Hinawakan ko sa damit ang panibagong babae na sumugod. "Nag-effort na kayo nito? Sa susunod ayusin niyo naman." Natatawang saad ko saka itinulak papunta sa kanila ang hawak ko na babae.

Tumalikod na ako at ibinalik na sa bulsa ang mga kamay. Balak ko na sanang buksan ang pinto nang may biglang humatak sa buhok ko.

And that ruined my mood.

"Where are you going?! Hindi pa tayo tapos." Saad ni Lexi at lalong hinigpitan ang kapit sa buhok ko.

Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang braso nito sa malakas na paraan. Diniinan ko iyon hanggang sa bumitaw siya. Wala akong pakialam sa sigaw nito. Mas lalo ko'ng hinigpitan iyon at hindi tinigilan.

"You should know when to stop." Seryusong saad ko at malakas na sinampal ito dahilan para matumba ito sa sahig.

"It hurts!" Galit na sigaw nito.

"I know." Sinampal ko ulit ito, hindi pa rin siya binibitawan.

"Heroine!" Galit na sigaw nito.

"Let me teach you that you shouldn't mess someone like me."

Nagpatuloy ako sa pagsampal sa kaniya. Hindi ako tumigil kahit na nagmamakaawa na ito. Kahit na umiyak ito ay hindi ako nakaramdam ng awa.

Mali sila ng taong kinalaban. Dahil ako yung tipo na kapag naubos na ang pasensiya ay hindi na magpapakita ng awa.

Tumigil lang ako nang tuluyang naputol ang tali ng buhok ko. Binitawan ko na ito. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili.

Nang magmulat ay napunta ang paningin ko sa salamin, napatitig ako sa sarili.

Ahh... I look like a mess rightnow.  

"H-Heroine... s-she's the fighter underground that people called monster." 

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ng isa sa mga babae. Agad ko itong nilingon at sinamaan ng tingin. Bakas naman ang takot sa mukha nito habang deritsong nakatingin sa mukha ko.

"You should stop spouting stuffs about me, lady." Pagbabanta ko rito.

Agad naman nitong natabunan ang bibig gamit ang nanginginig na mga kamay.

Nilisan ko na ang lugar na iyon at agad na dumeritso sa likod ng building at nagsindi ng sigarilyo. Humithit ako ng makailang beses at nahilot ang ulo dahil pakiramdam ko ay sasabog iyon.

Inayos ko ang buhok pero nalalaglag lang ulit ito papunta sa mukha ko.

Putangina kasi. Putangina talaga.

"Help!"

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng sigaw. Pamilyar ang boses na iyon, hindi ako puwedeng magkamali.

Pinuntahan ko na iyon at tama nga ang hinala ko. It's Kim. And people are harassing her.

"H-Heroine? Is that you? Please help me! They're trying to rape me." Umiiyak na saad nito, halatang takot na takot.

"People are really pissing me of today."

Matapos humithit ay itinapon ko na ang sigarilyo at wala ng sinayang na oras, agad na pinulbos ang mga tarantado. Ang kaninang inis ay sa kanila ko ibinuhos at hindi tumigil hangga't hindi iyon nauubos.

Kailangan ko'ng mailabas ang inis ko para tuluyang kumalma.

Nang wala ng nakatayo ay doon na ako tuluyang tumigil. Pabato ko'ng binitawan ang huling ginulpi at agad na hinanap si Kim.

Nasa isang sulok ito at yakap-yakap ang sarili. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak at hindi rin natigil ang panginginig.

Nilapitan ko ito at sinapo ang mukha para kunin ang atensiyon niya. "Let's go to the clinic."

"Natatakot ako, Hero." Yumakap ito sa akin nang mahigpit.

"Ayos na ang lahat. Let's get out of here. Kailangang magamot ng nga sugat mo."

Inayos ko pa muna ang uniform niya dahil wala na sa ayos iyon. Nakikitaan na siya.

Hindi pa man din kami nakakaalis ay dumating na ang mga guards. Pinagmumura ko naman ang mga ito dahil sa pagiging huli nila sa lahat, kung hindi pa ako naunang dumating ay may taong nadisgrasya na sana. Inutusan ko ang mga itong dalhin sa dean's office ang mga lalaking putangina, ang dean na ang bahala sa kanila.

Binuhat ko na ito at dinala na sa clinic. Hindi ko na inabala pa'ng pansinin ang bulungan ng mga taong nadadaanan namin. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating sa clinic.

Inihiga ko ito sa kama at tiningnan pa muna sandali ang kabuuan niya bago napagdesisyonan na umalis pero agad din ako nitong pinigilan.

"Please don't leave me." Pagmamakaawa nito.

"Kukuha lang ako ng damit. Babalik ako kaagad."

Umiling ito at mas lalong humigpit ang hawak sa braso ko. Napabuntong-hininga na lang ako at inihiga na ulit ito saka tinawagan si Totga.

Nakailang ring pa bago niya sagutin ang tawag.

"Nasaan ka na, Heroine Andrada? Nagsisimula na ang klase. Punta ka na rito —"

"Nasa clinic ako. Magdala ka rito ng damit ngayon din." Iyon lang at pinatay ko na ang tawag.

Dumating na ang nurse at sinimulang linisin ang sugat ni Kim. Nang matapos ay sinunod niya itong gamutin.

Medyo malalim ang mga galos niya sa tuhod at siko marahil ay dahil sa magaspang na semento ito tumama.

Matapos siyang gamutin ng nurse ay umalis na rin ito dahilan para maiwan kaming dalawa. Panay pa rin ang iyak nito. 

"Natatakot ako, Hero. B-Baka balikan nila ako." Halos naging pabulong na lang iyon.

"Hindi mangyayari iyon. Tahan na. Kanina ka pa umiiyak."

Naupo ako sa gilid ng kama at tinitigan ito. Pinahiran ko ang luha niya saka kinumutan ito.

"I like you."

Ang sunod niyang ginawa ay hindi ko na namalayan, ang bilis ng pangyayari. Bigla na lang ako nitong niyakap at hinalikan. Mabuti at na-balance ko na hindi kami malaglag na dalawa sa sahig pero napahiga naman ako sa higaan at ngayon ay nasa taas ko siya, kasunod niyon ay ang paglitaw ni Thorr matapos nitong hawiin ang kurtina.

Napako ito sa kinatatayuan at mukhang nagulat sa nasaksihan pero agad din na bumalatay sa mga mata nito ang sakit. Sakit na hindi ko gustong maramdaman niya.

Bago pa ako makapagsalita—makapagpaliwanag ay umalis na ito, tumakbo ito papalayo sa akin, hindi man lang hinintay ang paliwanag ko.

Agad ko'ng kinalas ang pagkakayakap ni Kim para sana sundan si Thorr pero pinigilan lang ulit ako nito.

"Dont leave me. I need you." Pagmamakaawa nito.

Maingat ko itong inihiga sa kama saka tumayo at inayos ang sarili.
"Why did you kiss me?"

"Ako ang humalik sa'yo ng mga panahon na 'yon."

Natigilan ako dahil sa naging sagot nito. Tinitigan ko ito ng ilang sandali, hindi ako nagsalita.

"I—"

"You should rest. Let's talk later." Saad ko at tinitigan pa ulit ito.

Nagmamakaawa ang mga mata nito na huwag ko'ng iwan. Pero kusang gumalaw ang katawan ko at piniling umalis na ro'n at hinanap si Thorr.



Continue Reading

You'll Also Like

545K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
838K 5.4K 19
●Unedited●(Completed)They really deserves a second chance.
142K 6.5K 36
After making a tough and final decision to leave home where family clearly didn't want her, Sang meets Phil and is joined into the academy very quick...
79.5K 1.4K 36
Sonic has broken poor Amy's heart and has hit it big but when he remeets Amy Rose he hits her with a door and goes to the hospital but then gets hims...