South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.5M 747K 404K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 44

186K 11.2K 5.5K
By JFstories

HE'S IN MY PLACE. Dito sa loob ng maliit at masikip kong studio type apartment. Nakatayo si Arkanghel sa harapan ko matapos niyang i-lock ang pinto. Tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok patungo sa kanyang leeg at balikat.


Bakit siya nandito? Bakit sa dami ng lugar, bakit dito pa? Magkaibigan ba kami?


"You look pale," puna niya na halos hindi ko na gaanong na-proseso sa isip.


Lumakad ako patungo sa kama at naupo sa gilid. Kinalma ko muna ang sarili ko.


"Nakikita mo bang napakaliit lang ng lugar ko? May mga magagandang hotel sa Ortigas..." hirap kong salita. Hinihilot ko ang noo ko gamit ang aking mga daliri. "Bakit hindi ka na lang sa isa sa mga iyon..."


"Are you sick?" Parang wala siyang pakialam sa sinabi ko.


"Hindi." Maagap akong umiling. Lalo tuloy akong nahilo.


Hindi naalis ang titig niya sa akin. Ako ang unang bumawi.


"May pasok ako ngayon."


"Kahit may bagyo?"


"Walang bagyo sa BPO."


"Kung papasok ka, so maiiwan akong mag-isa rito?"


"Mag-stay ka talaga?" balik-tanong ko.


Ibinaling niya ang paningin sa ibang parte ng apartment ko bago siya sumagot. "Traffic pabalik ng QC."


Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga palad ko. He's really going to stay the night here.


"Can I borrow a shirt?"


Basa nga pala ang balikat niya. Sa pang-ibaba naman ay iyong bandang tuhod at laylayan ng pants niya ang basa.


"Bakit ka kasi nagpaulan? May kotse ka naman..." mahinang sabi ko.


"I don't have an umbrella. Diyan ako nabasa sa tapat ng pinto mo dahil ang tagal mong magbukas."


Kasalanan ko? Kumibot-kibot ang mga labi ko.


Siya naman ay naglalakbay ulit ang paningin sa kabuuhan ng apartment ko. Gustuhin ko mang mahiya ay wala akong lakas. Bahala na lang siyang i-judge ang pamumuhay ko.


Tumayo ako at tiniis ang pagkahilo. "Sandali ihahanap na kita ng shirt."


Nag-isip ako kung ano bang meron sa orocan ko na pwede sa kanya. Hindi ko sigurado kung may makikita ako na pwede sa kanya rito. Marami akong loose unisex na t-shirts ang kaso halos lahat ay nasa Cavite. Kung meron man akong nadala rito ay mostly pangbabae ang design.


"And pajama kung meron."


Tumango ako habang naghahanap. Nakakuha agad ako ng pajama na pwede sa kanya. Nakuha ko ito sa exchange gift sa dati kong pinasukang BPO sa Imus, Cavite. Dahil malaki at mahaba sa akin kaya minsan ko lang magamit. Purple ito na may design na maraming cartoon baby elephants.


Binalikan ko ang paghahanap ng t-shirt. Naalala ko ang binili kong oversized BFF tees last month na para sana sa aming dalawa ni Carlyn. Nandito pa ang dalawang shirts na iyon dahil palagi kong nakakalimutang dalhin kapag umuuwi ako sa Cavite. Hinanap ko ang plastic na pinaglalagyan.


Nang makita ko ang plastic ay binulatlat ko agad ito. Kahit pa baby pink ang mga kulay ay papasa namang unisex dahil nga oversized. Ang para sa akin ay may nakasulat sa front na: "Mild One", ang para kay Carlyn naman ay "Wild One". Ang para sa akin ang kinuha ko para ipasuot kay Arkanghel. Lalabhan ko na lang pagkatapos niyang gamitin.


Nang harapin ko siya ay muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong pajama at t-shirt nang makitang kinukuha niya ang gamit kong tuwalya na naka-hanger sa pader.


"What? Makikiligo rin ako." Nakataas ang isang kilay niya. "Hindi mo naman siguro iniisip na suutin ko na lang basta 'yang mga damit nang hindi man lang ako nakakapagbanlaw?"


Kahit mahilo-hilo ay nagmadali akong makalapit sa kanya. Ibinigay ko sa kanya ang pajama at t-shirt. "May malinis akong tuwalya! 'Wag 'yan ang gamitin mo!"


Binitiwan niya naman ang tuwalya na naka-hanger. Nakasunod siya sa akin ng tingin nang bumalik ako sa orocan.


"Sandali lang. Maghahanap ako." Sinenyasan ko siyang maghintay saka ko binuksan ang drawer ng orocan ko para magkalkal ulit.


Puro damit ang nakalkal ko sa una at pangalawang drawer. Hindi ako makapag-isip nang tama dahil nga sa nahihilo ako, plus pa na natataranta, kaya naman kahit alam kong hindi lalagyanan ng tuwalya ang drawer na binubuksan ko ay binuksan ko pa rin.


"Giniginaw na ako," mayamaya ay narinig kong sabi niya. Hindi naman siya tonong giniginaw, pero malay ko ba.


Nilingon ko siya. "Saglit lang."


Nakatayo siya sa kinatatayuan niya kanina habang hawak ang tshirt at pajama. Medyo namumutla na nga ang pisngi niya pero mamula-mula pa naman ang kanyang mga labi. Napalunok muna ako bago nag-iwas ng mga mata. "Ah, sige. Pumasok ka na sa banyo. Isusunod ko na lang."


Panandalian lang nang marinig ko ang tunog ng lock sa doorknob ng banyo. Matunog kasi talaga iyon kapag pinipindot. Pagkatapos ay kasunod kong naulinigan ang lagaslas ng shower. Naliligo na siya.


Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may biglang bumayo sa loob nito. Ilang segundo akong tulala bago muling nagpatuloy sa paghahalughog sa orocan nang bigla kong maalala na last towel ko na nga pala iyong hawak ni Arkanghel kanina. Napasabunot ako sa buhok ko.


Nawala na ang lagaslas ng tubig. Nagsasabon na siya. Kaunti na lang ay matatapos na siya. Umalis ako sa tapat ng orocan at napatitig sa tuwalya kong naka-hanger sa pader. Nagbuga muna ako hangin bago ko iyon nilapitan at kinuha. Tatlong beses ko na itong nagamit.


"Okay pa naman siguro ito," nakangiwing bulong ko.


Inamoy-amoy ko ang tuwalya. Amoy naghahalong Safeguard pink and Palmolive violet. Bahala na si Arkanghel. Magtiis siya.


"Tuwalya!" sigaw ko nang puntahan ang pinto ng banyo.


Bumukas naman nang bahagya ang pinto at lumabas ang basa niyang kamay. Agad kong ipinatong roon ang tuwalya saka nag-alis agad ng paningin.


Bumalik na ako sa kama dahil nahihilo na talaga ako. Pagkapa ko sa leeg ko ay mainit ako. Pati ang buga ng hangin mula sa bibig ko ay mainit din. Sinubukan kong tumayo nang bigla akong mapaupo ulit.


Dati-rati'y kahit nagpapaulan ay hindi naman ako nagkakasakit, ah? Bakit ngayon pa ako nagkasakit? Bakit ngayon pa na sunod-sunod na ang atraso ko sa trabaho?


Bakit ngayon pa kung kailan nandito si Arkanghel sa apartment ko?!


Inabot ko ang phone ko sa kama. Wala naman akong magagawa kung hindi mag-call in. 


Makikiusap ako na baka pwedeng maghalf-day ako. Iinom ako ng gamot at magpapahinga nang kaunti, magbabaka sakali na bumuti na ang pakiramdam ko mamaya para makapasok pa rin ako.


Nagsend muna ako ng text message sa team leader ko sa office. No reply, kaya ang next ko nang kailangang gawin ay tumawag. Two missed calls. Hindi ako sinasagot. Naiiyak na ako. Siguradong galit si TL. Mortal sin sa BPO ang ma-late at umabsent. Naiiyak na talaga ako dahil lalong sumasakit ang ulo ko sa hilo.


Kahit nanlalabo ang paningin ay pinilit kong magtype ng message. Pinaliwanag ko na hindi ko talaga kayang pumasok. Nangako ako na babawi na lang at mag-o-OT, kahit OT-TY pa. Wala pa ring reply nang ilagay ko na ang phone ko sa bedside table.


"You're not feeling well."


Napaangat ang mukha ko kay Arkanghel na nakatayo na pala ngayon sa harapan ko. Magulo ang basa niyang buhok. Suot niya na ang pajama at shirt ko. Sakto lang iyon sa kanya. Cute.


"Are you?" Salubong ang makakapal niyang kilay at amoy Safeguard pink siya.


Ang bango-bango niya. Amoy baby. Hindi na amoy CEO. Naamoy ko pa talaga kahit sinisipon ako.


Napatigil ako sa pag-amoy nang makaramdam ng pagkailang. Matiim ang titig ng kulay abo niyang mga mata sa akin na tila sinusuri ako.


Nakagat ko ang ibaba kong labi. Hindi ko na maitatanggi sa kanya na hindi nga talaga maganda ang pakiramdam ko.


Nilapitan niya ako at hindi na ako umiwas nang kapain niya ang leeg ko gamit ang likod ng kanyang palad. Napaungol siya nang masalat kung gaano ako kainit.


"You're not going to work tonight. 'You hear me?"


Sisinghot-singhot lang naman ako. Bakit mas mabango ang amoy ng Safeguard ko sa kanya?


"Kumain ka na ba?"


Umiling ako. Wala akong gana kumain.


"Anong meron diyan?" Inginuso niya ang maliit kong cupboard sa itaas ng lababo.


"Noodles at itlog..." mahina ang boses na sagot ko.


Napahagod siya ng mga daliri sa kanyang basang buhok. "Pwede na 'yan."


Napamulagat ako sa kanya. "W-wag mo sabihing magluluto ka?"


Tinaasan niya lang ako ng isa sa makakapal niyang kilay.


"Arkanghel, you don't have to..."


Hinawakan niya ako sa braso para alalayang umayos ng pwesto sa kama. Kasing init ko yata ang mga palad niya na nakahawak sa akin.


"Diyan ka lang," bilin niya na parang kapag umalis ako dito ay may parusa.


Hinila niya ang kumot hanggang sa dibdib ko. Pagkatapos ay pumunta siya sa may lababo ko.


"Bukas na tayo umorder ng food. Kawawa ang magde-deliver ngayon sa lakas ng ulan," sabi niya habang nagbubukas ng cupboard.


Pinanood ko siya habang kumikilos siya. Ang tangkad at ang perpekto niya para sa isang maliit at makitid na lugar na katulad nitong tinutuluyan ko. Masinop at kalkulado ang bawat kilos niya. Ninugnugan niya ang maliit kong kaserola bago niya nilagyan ng tubig at sinalang sa maliit kong single electric stove. Nagpakulo siya ng tubig.


"May gamot ka ba riyan?"


"Biogesic..."


"Nasaan?" Nilingon niya ako.


"Sa orocan ko..."


Nang tingnan niya ang orocan ko ay sinubukan kong maupo sa kama.


"Ako na..." pigil ko sa kanya. Baka may makita pa siyang kung ano kaya ako na lang ang kukuha.


"'Wag ka sabing aalis diyan," saway niya sa akin. Tinungo niya ang orocan ko.


"Sa pangalawang drawer... Nakalagay sa pink na pouch..." dama ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nasa drawer din kasi na iyon ang mga underwears ko.


"Ito ba?" Inangat niya sa ere ang pouch na may lamang mga gamot.


Tumango ako. Kung namumula man ang mukha ko ngayon ay hindi na mahahalata dahil nga may sakit ako. Pwedeng dahilan na namumula ako dahil sa init.


Isinara niya na ulit ang drawer. Sana makalimutan niya na ang iba pang laman niyon.


"Kakain ka muna bago ka iinom nito."


"Safe ang Biogesic kahit walang laman ang tiyan..."


"Sino may sabi?"


"Si John Lloyd..."


"Sabihin mo sa kanya magtigil siya."


"Sinabi naman talaga sa commercial na pwede kahit walang laman ang tiyan e..." Napanguso na lang ako at sumiksik sa kumot dahil ang sama ng tingin niya sa akin.


Nang kumulo ang tubig ay nilagay niya na ang noodles at seasonings. Binasagan niya rin ng itlog. Nang maluto na ay nagsalin siya sa mangkok.


"Kaya mo bang kumain?" Bitbit niya ang mangkok papunta sa akin.


Tumango ako saka inagaw sa kanya ang kutsara kahit nanghihina ako. Baka kasi maisipan niya pa akong subuan, lalo pa akong magkasakit sa stress.


Hindi naman kasi kami close. Makikitulog na nga siya, pakakainin niya pa ako. Masyado nang kalabisan.


"Kumain ka na rin..." sabi ko dahil nakakailang naman kung papanoorin niya lang akong kumain.


Mabuti at tumayo siya. Binalikan niya ang kaserola. Doon na siya kumain mismo at hindi na nagsalin sa mangkok. Kinutsara niya na direkta roon ang natirang noodles.


Bakit ganoon? Bakit kahit kumakain siya sa kaserola at cartoon baby elephants ang design ng pajama niya ay kagalang-galang pa rin siyang tingnan?


Habang pasimpleng nakamasid sa mga kilos niya ay hindi ko namalayang nauubos ko na ang noodles at itlog sa mangkok ko, kahit pa wala akong panlasa.


Kahit malaki na talaga ang ipinagbago niya ay nakikita ko pa rin sa kanya iyong dating Arkanghel na nakasama ko noon sa Cavite. Lalo nang hugasan niya na sa lababo ang kaserola. Pulido pa rin ang mga kilos niya. Sanay pa rin sa gawaing bahay na katulad noon.


"Sussie, sabi ko kung tapos ka na?"


"Ha?" Napakurap ako dahil kinakausap niya na pala ako.


Dahil maliit lang ang espasyo ay saglit lang nang makalapit siya sa akin. Ichineck niya ang mangkok ko at nang makitang ubos na ang laman ay ngumiti siya.


"Good. Now, you need to take your med."


Inihanda niya ang tubig na iinumin ko saka ang Biogesic.


"S-salamat..." ilang na ilang ako dahil sumagi sa mga labi ko ang dulo ng daliri niya nang isubo niya sa akin ang gamot.


"Matulog ka na. You need to rest."


Ibinigay ko sa kanya ang isa kong unan. "Ayos ka lang ba sa sofa?" nahihiyang tanong ko.


Nagusot ang matangos niyang ilong. "'You think kasya ako roon?"


Napatingin naman ako sa maliit kong sofa, at napangiwi nang marealized na hindi nga siya kakasya. Paupo siguro o pabaluktot, pwede siyang kumasya.


Tumayo siya na bitbit ang unan na ibinigay ko. "Okay na ako sa sahig. Pahingi na lang ng pansapin."


"Nasa baba ng orocan ko, may comforter na pwedeng sapin..."


Pagkakuha niya ng comforter at naglatag na siya sa baba ng kama ko. Hindi niya pinatay ang ilaw nang mahiga na siya sa sahig.


Ilang taon sa US si Arkanghel. Ilang taon siyang humihiga sa malalambot at mamahaling kama kaya posibleng hindi na siya sanay sa matigas na higaan.


Hindi ako mapakali na alam kong nasa sahig siya. Ang hirap isipin na napahiga ko siya sa sahig. Bukod sa nakakahiya para sa kanya ay nahihiya rin ako sa mommy niya. Ano kayang iisipin ni Ma'am Ingrid kapag nalaman niyang nasa sahig ngayon matutulog ang kanyang anak?


"Okay ka lang?" hindi ko napigilan ang sarili ko na tanungin ang pakiramdam niya.


"Yeah," matipid niyang sagot.


Pilit kong kinakapa sa kanyang tono ang nararamdaman niya at parang okay lang naman siya. Pero hindi pa rin ako sure.


"Bakit kasi hindi ka na lang nag-hotel?"


"Shut up and sleep."


Ang sungit! Parang inaalala ko lang naman siya riyan, ah.


Akala ko hindi ako aantukin dahil sa isiping kasama ko si Arkanghel ngayon. Naiilang ako at hindi mapakali, kaya nang antukin ako ay nagtalukbong ako ng kumot. Mahirap na dahil baka makatulog ako na nakanganga, at makita niya pa.


Hindi ko na matandaan kung kailan ako nakatulog, basta naalimpungatan na lang ako na may malamig nang bimpo na nakapatong sa aking noo.


Nang magdilat ako ng mata ay ang maamong mukha ni Arkanghel ang nasilayan ko. Nasa abo niyang mga mata ang pag-aalala habang nakayuko siya sa akin.


"How are you feeling?"


Umuungol lang ako. Wala akong lakas na magsalita.


Narinig ko ang mahina niyang pagmura.


Umalis siya sa harapan ko at pagbalik ay may dala siyang panibagong bimpo. Siguro ay nagkalkal siya sa orocan ko kanina. Nilublob niya ang bimpo sa maliit na plangganang may tubig na nasa bedside table. Pag-ahon niya sa bimpo at pinigaan niya naman ito.


Inangat niya ang isang braso ko at pinunasan ng bimpo. Napatingin ako sa manggas ng suot kong t-shirt. Iba na ang suot kong damit sa suot ko kanina nang matulog ako.


"Don't worry I didn't look," depensa niya agad.


Bumuka lang ang mga labi ko pero walang salitang nanulas mula roon.


"Get more rest. Kapag bukas, mainit ka pa rin, dadalhin na kita sa Medical City."


Niligpit niya ang planggana. Masakit at mabigat ang buong katawan ko kaya hindi ako makabangon. Ang kamay ko na lang ang sinubukan kong itaas na nagawa ko naman. Dinama ko ang leeg ko. Mainit pa rin ako. Mukhang natuluyan na ako sa trangkaso.


Pumikit ulit ako pero hindi na ako makatulog. Nakapikit na lang ako. Iniisip ko kung nag-deliryo na lang ba ako. Baka kasi hindi pala totoong nandito si Arkanghel.


Baka hindi totoong dumating siya kanina para maki-stay. Baka hindi totoong nakiligo rin siya sa banyo ko at pinahiram ko siya ng mga damit ko. Baka hindi rin totoo na inaalagaan niya ako ngayon.


Napaka-imposible kasi nang lahat ng ito. Parang napakalabong mangyari.


Umuga ang kama kaya napadilat ako. Umupo siya sa tabi ko at dinama ng likod ng palad ang aking leeg. Nakatingala lang naman ako sa kanya at nakatitig sa perpekto niyang mukha.


"Why are you living alone? Bakit ka pa umalis ng Cavite? Kung wala ako rito, sino ang mag-aalaga sa 'yo?" mahinang sermon niya sa akin. "Paano kung may mangyari sa 'yo?"


Para talagang hindi totoo ang lahat ng ito. Lalo na ang nakikita kong pag-aalala sa kulay abo niyang mga mata na nakatunghay sa akin. Mas nanikip ang dibdib ko.


Namalayan ko na nanunubig na ang mga mata ko habang nakatingala ako sa kanya. "N-nandito ka ba talaga?" pinilit kong makapagsalita.


Tinanggap ko nang nagde-deliryo ako. Talagang kinakausap ko siya.


"Arkanghel..." My lips were shaking as I tried to talk. "Nang umalis ka, akala ko hindi na kita makikita..."


Kahit namimigat ang mga mata ko ay pinipigilan ko. Gusto kong pakatitigan siya.


Inangat ko ang mga kamay ko para abutin siya. Ibinaba niya naman ang katawan para maabot ko siya dahil nanghihina ako.


"I am happy because you're living a good life."


He was just swallowing hard as I was staring at him. Hinawakan ko siya sa pisngi habang ang mga mata ko ay naglalakbay sa kabuuhan niya.


"But I miss you, Arkanghel..."


My tears started to fall.


"Itinatanim ko palagi sa isip ko na hindi ako dapat magtampo na kinalimutan mo na talaga ako... Kasi hindi naman ako importante para isipin mo pa..."


Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi na katulad nang dati kong ginagawa. Ganoon pa rin ang pakiramdam at init na hatid sa akin ng balat niya.


"Ang importante lang sa akin ay okay ka... Masaya na ako sa ganoon kahit hindi mo na ako naalala."


Kinuha niya ang isang kamay ko na nakahawak sa mukha niya. "You're wrong."


"Arkanghel..."


"There isn't one day I haven't thought of you."


Dalawang kamay ko na ang hawak-hawak niya. Napahikbi ako. Tuloy-tuloy ang mga luha.


"I worked hard to better myself in the US. I kept myself busy with my therapies, studies, and my family."


Nakayuko na siya sa aking balikat habang mahigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.


"But still, I always miss you."


Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko kung saan siya nakayuko.


"I always miss you..." basag na basag ang boses niya.


Naririnig ko na ulit ngayon ang Arkanghel ko noon.


"Kahit nandito pa ako noon. Kahit durog na durog ako nang malaman ko kung sino talaga ako... Kahit ang gulo-gulo... Gusto ko pa ring umuwi sa 'yo..."


Siya na ulit iyong naririnig ko. Nakasubsob na siya sa akin habang nanginginig ang mga balikat niya.


"'Tapos bumitiw ka na. I left the country for six years pero uwing-uwi ang pakiramdam ko, kahit alam kong wala na akong uuwian dito. Anim na taon... Anim na taon na hindi ako okay. Anim na taon pero sa 'yo ko pa rin gustong umuwi."


"Shh..." alo ko sa kanya. Niyakap ko siya para hayaan siyang ilabas ang lahat ng nasa dibdib niya. "Welcome home, Anghel..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

610K 22.1K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE ♥ MPMMN 3: Together Forever Copyright © Pinkyjhewelii, 2014
1.6M 96.6K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
759K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.