South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.3M 742K 402K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 43

170K 9.8K 2.8K
By JFstories

"HEY, ARE YOU CRYING?"


Yumuko ako at mabilis na humawak sa aking pisngi. Basa nga ng luha. Hindi ko napansing umiiyak ako. Humakbang ako paatras sa kanya hanggang sa mapunta na ako sa gilid ng daan.


"Bakit ka nandito?" tanong ko sa mahinang boses nang hindi tumitingin.


"Bakit ka umiiyak?" he sounded very concerned. At ayaw ko nang ganoon.


"Arkanghel, bakit ka nga nandito?" inis na tanong ko na hindi pa rin siya tinitingnan. Hiyang-hiya ako sa itsura ko. Malamang na nakita niya rin akong parang tangang naglalakad kanina.


"Why I can't be here?"


Right. Business center ito, businessman siya. Okay lang na nandito siya. Napa-ismid ako. Wala akong pakialam kung nakita niya iyon.


"So why are you crying?"


"Ha?" maang-maangan ko. "Hindi ako umiiyak. Umaambon kaya nabasa ang mukha ko."


"I'm from The Medical City."


Nang marinig ko ang sinabi niya ay napatingala ako sa kanya. Bakit galing siya sa Medical? Anong ginawa niya roon?


"S-sinong may sakit?" napakaliit ng boses ko nang magtanong. Sinubukan kong kaswalan ang tono at nagtagumpay naman ako, iyon nga lang ay bahagya akong nautal. Huling-huli ko kasi ang bahagyang pagtaas ng sulok ng mapula niyang mga labi.


"My mom's friend. Inutusan niya akong dalawin para sa kanya."


"Ah, I see." Tumango-tango ako.


"And I heard from Art na dito ka nagta-trabaho sa RBC Tower 2 na katabi lang ng Med City kaya pumunta ako rito."


Tumaas agad ang isang kilay ko. "Bakit?"


"Samahan mo akong magkape."


"Ha?" nabibiglang sambit ko.


"Kanina pa ako rito. You owe me a cup of coffee."


"Wala akong budget!" hindi nag-iisip na sabi ko pero hindi ko na binawi. Totoo naman kasi.


"Okay. Pauutangin kita."


Napatawa ako sa sinabi niya kahit seryoso siya. Hindi ko napigilang hindi matawa. "'Wag na. Wala kong pambayad." Umiling-iling ako at itinaas pa ang isang palad.


"I also have something to ask you."


"Itanong mo na lang ngayon." Tumatakbo ang oras. Late na ako masyado. Saka hindi naman siguro mahaba ang sasabihin niya, hindi rin naman siguro importante. "'Tanong mo na."


Funny that we are having a casual conversation here. Sa sobrang casual, ang weird sa pakiramdam. Habang tumatagal, the feeling was getting weider and weirder.


Namulsa siya sa suot na jeans. "Alam ba ng tatay mo na pinupuntahan ka ni Hugo sa apartment mo?"


Kahit walang laman ang aking bibig ay nasamid ako. "Excuse me?!"


There, tinapos niya na ang magaang usapan.


"I'm just curious," balewalang sagot niya.


"Oo alam niya," hindi ko itinago ang iritasyon. "Wala lang kay Tatay Bear kasi kilala naman niya si Hugo."


"So you're still together," sabi niya na hindi patanong.


Naitirik ko ang mga mata ko dahil mapapatid na ang pasensiya ko. Nage-gets ko na pinaparatangan niya akong sinungaling. Sinabi ko kasi sa kanya sa kotse noong galing kami sa mansiyon nila, na hindi kami ni Hugo, pero that day nga, tyempo na nadatnan namin na naghihintay sa akin si Hugo sa labas ng apartment ko. Hindi ko naman kailangang i-explain kay Arkanghel ang tungkol doon, pero sa ikatatahimik ng kaluluwa niya, okay sige.


"Magkaibigan lang kami ni Hugo. Alam iyon ni Tatay Bear," tuwid kong sabi sa kanya at bahala na siya kung maniniwala siya. Wala naman akong pakialam.


Nagulat ako nang ngumiti siya. It wasn't a big smile, but still he smiled at me. Ito iyong unang beses na nginitian niya ako kaya nakakagulat.


"Okay. Magkape na tayo."


"Wala nga akong pera!" napalakas ang boses ko sa pagpipigil ng pagka-irita. Napatingin tuloy sa amin ang mga dumaraan.


Napahugot ako ng hininga para magpakalma. Hindi pwedeng siya kalmado tapos ako, nai-stress dito.


Ilang beses akong nagpakawala ng paghinga bago nagsalita. "Late na ako sa work at kailangan ko nang pumasok," kalmante na ang boses ko ngayon. "Magkape ka na lang mag-isa, ha?" Tinalikuran ko na siya.



"Sussie," tawag niya.


Huminto naman ako at lumingon sa kanya. "Hindi ako mayaman na pwedeng mag-decide kung kailan ko trip pumasok sa trabaho. Hindi ako boss. Empleyado lang ako na pa-sweldo ng kumpanya kaya kailangan kong magsikap para hindi ako masesante."


"My company is hiring."


Naglapat ang mga labi ko sa inis. Napatid na naman ang pisi ko. "Pinagyayabangan mo ba ako?"


"Would you believe me if I say no?" balik-tanong niya na wala man lang kahit anong emosyon.


Hindi nga naman siya tunog o mukhang nagyayabang. Actually, ang kalmado nga lang niya. Siguro insecure lang talaga ako o masyadong praning. Hindi nga naman kasi kami close. 


"Papasok na ako sa work," pagkasabi ko ay tinalikuran ko na siya ulit.


Hindi na ako lumingon pa kahit pa gusto ko. Hindi ko alam kung bakit gusto ko.


Iyong akala ko na hindi na kami magkikita, nagkita pa rin kami. May kasunod pa ba ito? Sana naman wala na. Ubos na ubos na kasi ang pasensiya ko.


Hindi ko sigurado kung nakasunod siya sa akin ng tingin, pero ramdam kong oo. Ayaw ko namang i-check kung totoo. Binilisan ko na lang ang mga lakad ko hanggang sa marating ko na ang lobby ng building kung saan ako nagta-trabaho.


Late na late na ako paglabas pagkarating ko sa office. Sa locker area ay nakasalubong ko ang dalawa kong teammates na sina Emma at Irene. Katabi ko ang locker ni Irene kaya nakita agad nila ako.


"Sussie, di ba hindi ka naman pinayagan ni TL kahapon? Bakit um-absent ka pa rin?" tanong niya. Chineck niya ang phone niya sa kanyang locker.


"Tagged as NCNS ka tuloy," ani naman ni Emma. "Sira ang records mo."


Kasabay ko sila na ma-hired dito, hindi ko nga lang sila naging ka-close dahil hindi ako sumasama sa mga gimik after shift at tuwing off. Ngayon si Irene ang kalaban ko for the team leader position kapag naging manager na ang TL namin.


"Babawi na lang ako," sagot ko. Pagkabukas ko ng locker ay inilagay ko na agad sa loob ang bag ko.


"E late ka nga rin ngayon."


Hindi ko na sinagot si Emma. Umalis na ako sa locker area. Pagpasok ko sa floor ay hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan nang ipatawag ako ng TL namin. Just like what I've expected, nasabon ako.


Nakakalungkot kasi ayaw ko talagang nasisira sa trabaho. Kahit noong nag-aaral ako, hanggat kaya ko, gusto kong palaging nasa oras at nasa tama ang lahat ng ginagawa ko. Kaya naman sobra akong nalulungkot ngayon.


Pinag-OT ako after shift pero nag-decline ako. Bahala na kung anong isipin ng teammates ko. Kaysa magkalat ako sa floor, umuwi na lang ako. Wala kasi talaga ako sa huwisyo at lalo lang magsa-suffer ang stats ko kung ipipilit kong mag-over time.


Paglabas ko ng building ay umaambon-ambon. Hindi na ako naglabas ng payong dahil ambon lang naman. Binilisan ko na lang ang lakad ko hanggang sa sakayan ng jeep sa tawid ng kalsada. Patawid na ako nang biglang umulan nang malakas. Late na para maghagilap ako ng payong sa bag. Mabuti na lang at may dumaan na agad na jeep na byaheng Lifehomes, Pasig. Sumakay na agad ako sa loob. Iyon nga lang ay nabasa na ako ng ulan bago pa ako makasakay.


Naghilamos at nag-toothbrush lang ako pagkauwi sa aking studio type aparment. Hindi ako naligo dahil puyat ako. Saka mabigat din ang ulo at katawan ko kaya pagkabihis ay nahiga na agad ako sa kama. Matutulog na sana ako nang mag-ring ang phone ko.


"Hello, Car? 'Musta?" sinagot ko agad nang makita ang pangalan ni Carlyn.


Nakahiga ako habang kausap siya sa phone. Ilang minuto rin kaming nag-usap. Nagkasundo kami na magkikita pag-uwi ko ng Cavite sa off ko.


Marami kaming napag-usapan. Iyong iba kung anu-ano lang. Hanggang hindi ko na natiis, i-kwinento ko sa kanya ang mga sinabi ni Hugo sa akin kagabi.


Ang sagot ni Carlyn: "Weh tangina niya tumigil nga siya!"


Hindi siya naniniwalang hindi na nambababae si Hugo. Inaasahan ko na rin na hindi siya maniniwala dahil kahit sino naman, mahihirapang paniwalaan iyon. Iba talaga kasi kapag nakatatak na sa 'yo na ganoon ka, mahirap paniwalaang pwede ka pang magbago.


"Iyon ang sinabi niya, and honestly, naniniwala ako." Bumuntong-hininga ako. "He was serious when he said that."


"Baka popormahan ka na ng gago."


Sunod-sunod na ang mura niya kaya parang gusto kong pagsisihan na na-open ko pa sa kanya ang tungkol doon. 


"Susana Alcaraz, bago mo tanggapin 'yang si Hugo, pa-check mo muna ang lawit niyan. Baka mamaya may HIV 'yan, naku tangina niya talaga, ha!"


"Bunganga mo, Car..." saway ko sa kanya. Doble na ang lakas ng boses niya kaysa kanina. Ako nga na kausap niya sa phone ay halos mabingi na. "Naririnig ka yata ng inaanak ko."


"Wala, tulog!" sagot niya. "Saka nilagyan ko ng bulak sa tainga!"


"Sira ka talaga."


"Ay, bye na pala muna. Mag-aayos ako. Lalayas ako ngayon."


Pagkatapos ng call ay mag-flight mode ako. Tumihaya ako sa pagkakahiga sa kama. Hinila ko ang kumot ko at saka ako nagkumot dahil bigla na lang akong nakaramdam ng ginaw.  Hanggang sa kinain na ako ng pagod at antok.


Nagising ako around 5:00 pm na. Mabigat ang pakiramdam ko at kumikirot ang aking sentido. Nilalamig din ako at natuloy na nga ang sipon ko. Pinatay ko ang electricfan na nakatutok sa akin.


"Umuulan pa ba?" paanas na sambit ko. Nanakit ang lalamunan ko nang magsalita ako.


Nang i-off ko ang electricfan ay naulinigan ko ang pagpatak ng ulan mula sa labas.


Tumayo ako sa kama at tinungo ang bintana na isang dipa lang ang layo mula sa akin. Hinawi ko nang kaunti ang kurtina para sumilip doon. Hindi ko na kinailangang buksan ang jalousy dahil nakita ko na agad ang pagragasa ng tubig mula sa labas. Mukhang natuloy ang pagpasok ng pangalawang bagyo.


Inalis ko sa flight mode ang phone ko dahil tiyak na tatawag o magti-text sa akin si Tatay Bear. Hindi nga ako nagkamali dahil may three missed calls at one text message na siya agad sa akin. Kinukumusta ako. Kinumusta ko rin siya dahil may bagyo.


Si Art ang huling nag-text sa akin. Hindi ko alam kung ano ang trip ng lalaking ito at ganito ang text niya.


Handsome Artemi:

The engagement between my brother and his fiancée is only for the merger. It's all for the business. They have their own lives. Wala silang relasyon.


Wala? Pero ano naman? Gusto ko na lang tawanan ang text ni Art dahil mukhang lasing siya. Pero hindi ako natatawa. May iba akong nadarama, at hindi ko gusto ang kung ano man ito.


Kumikirot pa rin ang sentido ko kaya nahiga muna ulit ako sa kama. Mukhang may sipon na nga ako. Magpapahinga lang ako ng ilang minuto pagkatapos ay maliligo na ako at magre-ready. Kahit may bagyo at masakit ang ulo ko, kailangan ko pa ring pumasok sa trabaho. Ayaw ko nang dagdagan ang aking work tardiness.


Ang balak ko na babangon din ay hindi ko nagawa. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko matapos ang ilang minuto. Nakaidlip na rin ako at hindi na sana magigising kung hindi lang may kumatok sa pinto.


"Sino 'yan?" paos na sigaw ko.


Hindi ko marinig kung sumagot ba siya dahil parang nabibingi ako dahil sa sakit ng ulo. Imposibleng si Hugo ito kasi ang alam niya na bukas pa ako uuwi. Sinabi ko na magdo-double shift ako. Unless na lang kung hindi siya naniwala. Imposible pa rin na siya. Iyong itsura niya nang hinatid niya ako, ganoon ang itsura niya na hindi muna magpaparamdam at magpapakita ng ilang days.


Pinilit ko lang makabangon sa kama para puntahan ang pinto. Mas mabigat na ang katawan ko ngayon. Nararamdaman ko rin na nananakit ang mga kasukasuhan ko.


"Sino 'yan?" Binuksan ko ang pinto.


Kalahati lang sana ang pagbukas ko pero itinulak ng nasa labas ang pinto kaya naging malaki ang pagbukas nito.


"Can I crash here tonight?" buo at kasing lamig ng hangin sa labas ang boses na narinig ko.


Napaawang ang mga labi ko sa gulat nang tingalain ko siya. Basa ng ulan ang buhok at balikat niya, sa likod naman niya ay matatanaw ang naka-park niyang sasakyan.


"I'm from Med City. Traffic pabalik sa QC because of the heavy rain, and this is the only nearest place I know."


Bago pa ako makapag-react ay pumasok na si Arkanghel sa loob ng studio type apartment ko. Siya na rin mismo ang nagsara at nag-lock ng pinto bago pa ako makapagsalita.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
4M 239K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020
1.2M 49.4K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.