Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 16

671 11 4
By julliacath

Kabanata 16

Challenge

''Lucy! Jarrell!'' rinig kong sigaw ng mga naiwanan namin sa gym.

Hindi ko na nalingon ang mga sumigaw dahil hila pa rin niya 'ko papunta sa kung saan. Kitang-kita ko ang ugat sa braso niya at ang mabilis niyang paghinga. His grip is tight that I can almost feel pain in my wrist. Hindi ko alam kung bakit ba siya biglang lumapit at sinampal palayo ang kamay ni Javier sa 'kin, e nagpapakilala lang naman 'yong tao. He suddenly showed up and acted as if we did something wrong to him! Ano'ng problema nito?

Pero okay lang. Gusto ko naman. Tinatanong ko lang, 'di naman ako nagrereklamo. Napangiti ako sa aking isip.

''Magtatanan na ba tayo?'' humagikhik ako. ''Kailangan ko na bang umuwi at mag impake? Ilang anak ang gusto mo?''

Tumigil siya sa paglalakad nang marahas niyang binuksan ang pintuan para makapasok kami sa isang kwarto. I heard a tiny noise when he maneuvered something on the door knob. Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin iyon dahil pinasahadahan ko ng tingin ang lugar kung nasa'n kami. 

I immediately assume that this is their locker room. Sa matataas na cabinet pa lamang ay alam ko na agad kung nasa'n ako. Ang itim na locker cabinet ay nasa dalawang gilid ng kwarto, mukhang matagal nang ginagamit. Maraming kalat at karamihan do'n ay mga t-shirt, jersey tops, and bottoms. May mga bola at sapatos sa sahig.

This room is too small for the two of us. Pakiramdam ko, ang lapit-lapit niya sa 'kin kahit may distansya naman ang espasyo naming dalawa.

Tinitigan ko siya at sinubukang pigilan na ngumiti. Ang gwapo niya talaga. Now that he's infront of me; close to my presence, mad and hot, I can't avoid but to adore him more. With his godly-like features; well-defined jaw, plump lips, sharp nose, and ocean-like eyes, I couldn't help but to fell for him harder. Idagdag pa ang cute niyang kulot na buhok. Ano kayang pakiramdam na hawakan 'yon?

''Anong gagawin natin dito?'' inosente kong tanong habang nakangisi. ''Ang wild mo naman. Dito talaga natin gagawin?''

Marahas siyang bumuntong hininga. Ang pag-aalaga niya sa kanyang pasensya ay ramdam na ramdam ko. 

''Anong ginagawa mo?'' mariin ang tonong gamit niya, tila nagpipigil. Nakahawak pa rin sa braso ko habang nakakunot ang noo niya, halatang-halata ang pagiging iritable. I moved my wrist a bit so his grip would loosen up ngunit mas humigpit lamang iyon.

''Me? What did I do?'' sagot kong nagmamaang-maangan. ''Wala naman akong ginawa, ah? Ako ba yung lumapit? Si Javier 'yon!''

''I told you to stop. Why can't you listen? At talagang pumunta ka pa rito?'' 

I smirked. ''Bakit ako titigil? Gusto kita pero hindi ibig sabihin no'n, alipin mo na 'ko,'' mariin kong sagot habang nakangisi pa rin.

Humakbang ako ng ilang beses para mas mapalapit sa kanya. I know I have always been transparent with my feelings for Jarrell but saying it right infront of him still made me nervous.  

''Why are you mad, anyway? Was it because I'm starting to annoy you? O dahil..'' naningkit ang mga mata ko at tinitigan ang labi niya. ''I'm starting to have an effect on you.. for some reasons? Tell me,'' I traced my fingers on his jaw. His forehead creased.

Hahawakan ko na sana ang pisngi niya nang mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko, pinigalan ang muli kong paghawak sa kanya. He stared at me with the same burning look I gave him. ''Why can't you listen? Ang kulit-kulit mo.''

I chuckled. ''Gusto nga kasi kita. Gustong-gusto. 'Di mo ba naiintindihan?'' mas lumapit ako sa kanya ngunit humakbang siya patalikod kaya't humakbang rin ako papunta sa kanya.

''Hindi ka ba marunong makinig? I don't like you. I don't like you and your guts, you hear me? I don't like you, Miss,'' he reiterated ruthlessly.

Really, Pessumal? Why do you seem so affected, then?

Tila hindi na 'ko tinablan ng sakit sa mga salita niya. His words pierced through me yesterday. I can't afford to get my heart broken again now.

Pinagsingkitan ko siya nang mata. Humakbang akong muli upang mawala na ang nakakairitang distansya sa aming dalawa. Hindi na siya makalayo kaya't tumama na ang likod niya sa locker cabinet. Narinig ko ang pagtama ng likod niya ro'n.

Ngumisi ako. ''Ayaw mo sa 'kin? Talaga?'' pang-aasar ko. He stiffened because of that. 

I remember the days when he used to smile at me. And he greeted me on my birthday as well! Sinong nagsabi sa kanya no'n, kung ganoon?

I slowly traced my fingers on his lonely jaw. Ang paglunok niya nang malalim ay nagpangiti sa akin. I have that effect on you, Jarrell? Akala ko ba, wala kang gusto sa 'kin?

Halos tumingkayad na ako para maabot lang siya. I looked at his lips again and saw how he licked his lips. Ramdam ko  pagpipigil niya.

 ''Your lips look lonely. Should they meet mine?'' I smirked as I slowly went closer to his face. Ang gwapo niya talaga sa malapitan. I have seen alot of handsome men in my life. Sa mga katrabaho ni Daddy, sa mga kaibigan kong lalaki noong highschool, at lalo na ang mga kaibigan ni Kuya Ismael. But it is only Jarrell who made my heart flutter this much. Kainis naman!

Umawang ang labi niya. ''Tigilan mo na 'to,'' he said, seemingly tired with my persistence. Mariing nakahawak ang kanyang kamay sa aking braso at diretso ang tingin sa mga mata ko.

Nang-aasar akong ngumiti. ''Ayoko nga. Ikaw 'tong makulit sa atin, e.''

I once again traced my fingers on his jaw before rudely grabbing his jersey top so he can be closer on me. Binaba ko ang tingin sa kanyang labi at nakita ang pag-awang no'n.

Ngumisi ako. ''Are you anticipating for my kiss?'' I asked huskily. Imbis na halikan siya ay dumiretso ako sa kanyang tenga para bumulong. ''Date me, Jarrell,'' I whispered in a very, very seductive way. 

Naningkit ang kanyang mga mata at kinagulat ko nang bigla niyang binitawan ang hawak sa braso ko at maras akong itinulak. Nanlaki ang mga mata ko at unti-unti napalunok.

I thought all he wanted was to give us space but I was shocked when he walked closer to me. Sa bawat pag-atras ko ay ang paglapit niya. Sa bawat pagtibok ng puso ko ay kasabay ang pagkagat sa labi ni Jarrell. 

Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba. Ano ka ngayon, Lucy? Duwag ka naman pala, e! Akala ko ba matapang ka?

Hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng tsansa na maging ganito kalapit sa kanya kaya't kailangan ko nang ipahayag ang gusto kong sabihin. I am very determined. He may have hurt me but I like him so much that I'm willing to get hurt again but seeing how he's starting to be dominant now gives me chills because of excitement! 

Sige nga, Jarrell. Ano pang kaya mong gawin?

Ilang segundo ko siyang hinintay na magsalita ngunit ang paghinga niya lamang ang narinig ko. Wala na akong aatrasan kaya't tumama na ang likod ko sa locker cabinet. Halos magbunyi ang mga lintek na paru-paro sa tiyan ko nang hinarang niya ang kaliwa niyang braso sa gilid ng ulo ko, tila kinukulong ako sa bisig niya. 

The air in this room suddenly feel hot and humid. Hindi ko alam kung dahil ba walang hanging pumapasok o dahil ba sa tensyong namamagitan sa amin ng lalaking nasa harap ko. He's locking me on his arms like I am his possession.

Why don't we make it official, Sir? Napangisi ako.

''What? Tatanga ka na lang ba riyan?'' wika ko dahil nauubos na ang pasensya ko sa paghihintay. Kinulong niya na ako sa kanya at lahat, wala pa rin siyang sasabihin?! 

Love is patient, yes. Like what they said. But I'm not! I need an immediate answer!

Nakarinig ako ng ingay galing sa labas kaya't naiinip ko siyang tinignan muli. What's taking you so long, Jarrell? You want it, too, right? But your ego can't accept it. Your pride can't accept it. Say it! 

Napatingin ako sa pinto dahil narinig ko ang pagpihit do'n. Ang ingay ng mga team mates niya ay rinig galing dito sa loob. May mga malakas ding kalabog gawa ng paghampas sa pintuan.

''Jarrell! Dude! Nandito ba kayo?''

''They won't do it here-''

''I locked the door,'' agad niyang pagsingit. Mas nilapit niya pa ako sa kanya, para bang gusto akong itago. Naamoy ko tuloy ang mabango niyang pawis.

Hindi naman ako natatakot na maabutan nila kaming dalawa rito. The scene he caused earlier was enough for them to have an idea of what's going on. Hindi naman sila tanga para hindi magkaro'n ng ideya.

Ngumisi ako. ''Ay, bakit mo ni-lock? Edi sana nakita nila tayong.. ,'' pilya kong wika at tinignan siyang muli. Naabutan ko ang pagtitig niya sa labi ko.  I couldn't control myself anymore that's why I landed my lips on his cheek. Dampi lang iyon at agad ko ring inilayo ang labi ko. ''Shall I take your silence as a yes, Mister?''

His jaw clenched as he gritted his teeth. ''Do you really want to date me, Miss?''

''Hindi kita hahabulin hanggang dito, kahit pa sinabi mong lumayo ako, kung hindi kita gusto, Mr. Pessumal,'' matapang kong ani kahit kabadong-kabado na 'ko. ''So.. what's your answer?'' Isinabit ko ang mga braso ko sa kanyang leeg.

''I will date you by my terms,'' he licked his lips as he stared at me. ''You're too brave and feisty. I need to tame you a little bit, Miss.''

Tumawa ako. ''Challenge me, then,'' bulong ko sa kanya. Narinig ko ang kanyang marahas na paghinga.  ''Dominant ka rin pala, Sir. 'Di mo sinabi sa 'kin. Pero okay lang..'' lumapit ako sa kanya at hinalikan ang gilid ng kanyang labi. ''I'll see you tomorrow. Manonood ako ulit.''

''No. Don't watch our practice games anymore starting tomorrow, get it?'' tinaasan niya ako ng kilay. ''See me tomorrow. In my condo,'' aniya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bahagya niya 'kong itinulak palayo. Nang tumalikod siya sa 'kin ay do'n ko lamang napagtanto na kanina ko pa pinipigilang huminga. At mas lalo akong hindi nakahinga nang hinubad niya ang jersey top at ibinato iyon sa isang upuan. 

Halos magpormang puso ang mga mata ko. This is my first time seeing his naked body. Alam kong maganda ang katawan niya dahil halos araw-araw ang training nila para lumakas pero hindi ko inakalang ganito kaganda! His well-toned bisceps complements his glorious and juicy pack of abs. Kahit nasa bahagya siyang nakatilod sa 'kin at gilid niya lamang ang nakikita ko ay malinaw ko iyong natitignan.

Lord, bakit ang yummy?! Kailangan ko ng tubig!

I kissed my crush and I'm dating him, too! Damn! I can't believe he gave in that.. freaking easy?! He gave in easily?!

Naglakad na ako papunta sa kanya para magpaalam. I need to go now because the noises made by his team mates are so loud that I know it can be heard by the people inside the building. Ayokong magawan pa ng isyu rito. Kahit gusto ko pang titigan ang abs niya ay ipasasabukas ko na lang. Masosolo ko naman siya. 

''I'll see you tomorrow, then. Bye, love..'' I alluringly bid goodbye as I gave him my sweetest smile. Guguluhin ko sana ang buhok niya ngunit nilayo niya ang ulo niya kaya't binaba ko na lang tingin sa kanyang katawan at napangisi. Thank you so much, Lord! Grabeng blessing naman 'to!

Muli siyang lumunok at tinignan ako hanggang sa makalabas. Halos matawa ako dahil sa gulat na mga itsura ng kanyang mga team mate nang buksan ko na ang pintuan at makita nila akong lumabas ng kanilang locker room. With their lips parted and wide eyes, I'm sure they thought that we did something sexual. At idagdag pa na nakahubad si Jarrell!

''Dude, what the fuck?!'' 

Hindi ko nasila tinapunan ng tingin at dumiretso nang lumabas papunta sa walkway. Saka ko lamang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko nang makalabas na ako ro'n. Napapikit ako nang mariin dahil sobra ang kabang naramdaman ko.

I did it! I fucking did!

Akala ko, mahihirapan akong sabihin 'yon. But everything went out of my mouth because of desperation. Kung hindi niya 'ko kayang magustuhan, edi ta-trabahuhin ko para lang ay may maramdaman siya. Hindi pwedeng wala akong gagawin dahil talagang gusto ko siya.

Nang makasakay ako sa taxi ay agad kong binuksan ang phone ko. Maraming mensahe ang agad kong natanggap mula kay Bea at Stephen but I did not give even an ounce of  effort to read it. Magkikita rin naman kami bukas kaya't ipasasabukas ko na lang.

Napangiti ako nang pindutin ko ang message button ng profile ni Jarrell. Nagtipa agad ako ng mensahe.

eldefensor

This message is a reminder that starting today, August 15, you are officially dating me, Mr. Pessumal.

I miss you, love!

P.S. reply-an mo na 'ko!

Ipit akong tumili at napapikit nang mariin dahil sa tuwa nang pindutin ko ang send button. Pinadyak-padyak ko pa ang paa ko dahil kinikilig talaga ako dahil sa kanya! Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at tila sasabog na 'ko sa saya.

Hindi ako makapaniwala. I'm really dating him! I'm dating Jarrell! Sinubukan ko lang naman siya kanina pero hindi ko inakalang papayag siya. I know he's affected but not to the extent of being that affected of me!

Napatigil ako sa pag-iisip ko dahil tinitignan na pala ako ng driver ng taxi sa rear-view mirror ng sasakyan. Nagpipigil iyon ng tawa. Masyado siguro akong masaya na mukha na 'kong tanga rito sa loob ng sasakyan.

But does that matter?! I'm dating my crush! This is a dream come true!

Sinara ko ang phone ko at naghanda nang makababa dahil nakapasok na ang sasakyan sa village namin. Kumuha na rin ako ng pangbayad sa wallet ko at inabot 'yon nang tumigil na ang taxi sa tapat ng gate namin.

''Thank you, Kuya! Hindi ako baliw! Masaya lang!'' masaya kong wika nang makababa ako sa taxi. Pakiramdam ko kasi ay iniisip nung driver na nababaliw na ako. Hindi naman, e! Masama bang kiligin?

Pumasok na ako sa loob. I don't think someone could ruin this day for me. Sa ilang buwan kong paghabol kay Jarrell ay akala ko'y wala akong mapapala. I didn't expect to be his partner romantically but I know deep in me that I want to be connected to him.. in a special way. Kaya't ang saya-saya ko ngayon dahil mukhang mangyayari 'yon.

''Hi, Dad! Good evening, Kuyas!'' masaya kong bati sa kanila nang naabutan ko silang nakaupo sa dining table, mukhang nagsimula nang kumain. Humalik ako sa kanila isa-isa.

''Good evening, hija,'' Daddy greeted back. Pinagmamasdan niya lang ako.

''What's with the happy mood?'' Kuya Ismael flinched when I was about to kiss his cheek. Sungit din nito minsan, e!

''Lagi namang masaya 'yan,'' ani Kuya Roman at sumubo ng pagkain.

''No. There's something different today. Anong problema mo?'' si Kuya Ismael ulit.

''Manang, pakikuha naman ng plato itong si Lucia para makasabay na sa amin,'' singit ni Daddy. Tumango ang kasambahay at pumunta na sa kusina.

''I have an announcement!'' I excitedly uttered after I sat in front of Kuya Ismael. ''Basta 'wag kayong magugulat! No, dapat talagang hindi! Maganda ako kaya natural lang na mangyari 'tong announcement ko!''

Nag tinginan si Kuya Ismael at Kuya Roman, tila nawi-weirduhan sa 'kin. Si Daddy naman ay nakatingin lang sa akin, mukhang nag-aabang ng sasabihin ko.

Malalim akong bumuntong hininga bago magsalita. 

''May boyfriend na ako!'' 

Nanlaki ang mga mata ni Daddy habang natawa naman si Kuya Roman. Kuya Ismael shook his head, tila hindi naniniwala sa sinasabi ko. Ang mga kasambahay naman ay tila nagpipigil ng tawa.

Hindi ba ako kapani-paniwala?!

''May boyfriend na nga ako! 'Di kayo naniniwala?''

''Sino naman 'yan, Lucy? Baka nag-iimagine ka na naman,'' si Kuya Roman iyon. Natawa naman si Daddy sa sinabi niya.

Hmm. Napaisip tuloy ako. Sasabihin ko ba agad? I mean, ngayon lang naman kami nagsimulang mag date. Pwede kong sabihin agad na si Jarrell, pero sa tingin ko ay maaga pa para ro'n. Sa ngayon, ang kailangan kong gawin ay ang mapaniwala sila na may boyfriend na talaga ako! Ano bang akala nila sa 'kin, hindi pinagpala?!

''Is it Lionel?'' Kuya Ismael suddenly asked. Uminom siya ng tubig pagkatapos niyang sabihin iyon.

Napatigil ako. Hindi na dapat ako magtaka na si Lionel ang iniisip nila ngayon dahil siya lang naman ang pinakilala ko sa kanila na mag-isa ako. Most of my male friends in high school were introduced together with my female friends. Tanging si Lionel lang talaga ang iyong kaming dalawa lang. Bigla ko tuloy namiss ang mokong na 'yun.

''No! Bakit naman siya?'' I made a face as if I am disgusted. Umirap din ako.

''Too bad it's not him.'' Nagkibit-balikat si Kuya.

Umubo si Daddy. ''You introduced him to us, Lucy. Kaya't kung hindi siya, sino naman?''

Ngumisi ako at nagsimula ng kumain. You'll meet him soon, Dad!

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 690 44
Lost In Love #2 Owning the leading and largest hotel chains in the country, the Salvador Hotel Groups, Eunice Salvador grew up without her parents on...
81.1K 2.4K 52
Hechanova Series 1/4 Celestine Sea Vesta is a Campus Journalist who loves playing with words, no wonder why she is a Feature writer. Being a lady, It...
3.3K 95 33
Kirsche Artemis Sanchez was taught to value her family above all. And she brought this learning with her till she grew of age. Anything she does, she...
128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...