My Alien Soulmate (boyxboy) [...

Par Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... Plus

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)

10.6K 281 5
Par Badorita

"It's funny, you work so hard, you do everything you can to get away from a place, and  when you finally get your chance to leave, you find a reason to stay,"

Vincent, Gattaca

_____

(Philcan's Point of View)

Mahimbing na natutulog ang tatlong mumunting baby niya sa enclosed apparatus dito sa medical facility breeding ground room. Nagpapahinga na ngayon si Abby sa recovery room, naging successful ang operation at nagpapasalamat siya sa bagay na iyon dahil ligtas ang kanyang peter et filius.

Kapag nakikita niya ang bunga ng pagmamahalan nila ni Abby hindi niya maiwasang manubig ang mga mata. Ganito pala ang pakiramdam ng isang Patrem. Kahit gaano pa katatag at katigas ang pagkatao niya makita niya lang ang tatlong munting filius niya ay lumalambot ang kanyang puso.

Bumalik sa alaala niya lahat ng mga pangyayari lalo na ng magtapat siya ng nararamdaman kay Abby.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito? Kala ko ba magdi-date tayo,"

"Nagdidate nga tayo," tipid niyang sagot. Napilit niya rin itong sumama sa kanya kahit na nga puro reklamo ang inabot niya. Kesyo naiistorbo raw niya ang panonood nito ng palabas. Kesyo mainit raw. Pero ng isakay niya ito sa CBR5110R niya naging tahimik na ito. Mukhang nagustuhan na rin nito ang pakikipagdate sa kanya. Masaya kasi nitong pinagmamasdan ang kapaligiran. Ang akala niya ay matatakot ito ng paliparin niya ang CBR5110R pero mukhang nagustuhan nito iyon. Dadalhin niya kasi ito sa isla na tanging paglipad lamang ang paraan para makapunta.

Nang nasa himpapawid na sila panaka-naka niyang ninanakawan ito ng halik kanina. Iyon ang kanyang layunin kaya pinaupo niya ito sa harap para manakawan ng halik.

"Bakit dito? dapat sa sector Ba tayo pumunta, maraming makakainan doon, hindi rito sa gubat...teka pumunta na tayo rito dati ah," mukhang napansin din nito ang lugar.

Gusto niya kasing maging espesyal dito ang pagtatapat niya ng nararamdaman kaya naisip niyang dalhin na ito sa talon na noon nga ay naudlot. Balak niya na kasing sabihin dito ang laman ng kanyang damdamin. Lalong kinabahan siya sa naisip na pagtatapat. Mukhang pinagpawisan ata siya. Kahapon niya pa pinagpapraktisan ang mga sasabihin at talagang sinaulo niya pa. Ang kaso makakalimutan niya ata lahat dahil sa sobrang kabang nararamdaman.

"Uy Philcan..lutang ka na naman, ano bang nangyayari sayo?" untag sa kanya ni Abby.

"Ah. Wala. Halika na nga," nauna siyang naglakad habang magkahawak sila ng kamay. "Maganda ang lugar na pagdadalhan ko sayo, sobrang espesyal 'yon para sa akin, doon ako kadalasang nagsasanay mag-isa para kontrolin ang aking kakayahan," pagkukwento niya rito para mabawasan ang kabang nararamdaman.

"May makakainan ba r'on?"

"Meron," pinaset-up niya pa talaga ang lugar na iyon para maging maganda sa paningin ni Abby. Sa tulong siyempre ng kanyang matatalik na kaibigan.

"Kung gayon bilisan na natin, nagugutom na ako," nauna na itong maglakad habang hila-hila siya. Bigla itong huminto, "Mauna ka pala, hindi ko alam papunta,"

Ngumiti siya, "Sige lang, sasabihin ko naman sa'yo ang daan," ganito pala ang feeling ng nakikipagdate. Sobrang gaan sa pakiramdaman lalo na ang kasama mo ay ang nilalang na may malaking puwang sa'yo. Medyo nawala ang kanyang kaba ng mga sandaling iyon.

Narating nila ang talon, tulad ng kanyang inaasahan sobrang ganda pa rin nito. Makikita ang pagdaloy ng malakas na tubig na nanggagaling sa taas pababa sa isang malawak na batis. Makikita ang luntiang kulay ng tubig sa baba ng talon.

Napatingin siya sa napatigil na ka-date niya, manghang-mangha ito sa nakikita.

"Ang ganda Philcan,"

Ngumiti siya, mabuti naman nagustuhan nito.

"May ganito palang lugar, parang nasa fairy tale lang tayo ah,"

Nagmadali itong pumunta malapit sa inaagusan ng tubig.

"Oy. Maingat ka, dahan-dahan lang, hintayin mo ako!"

Bumaling ito sa kanya, "Bilisan mo, ang bagal mo!"

"Kala ko ba nagugutom ka na, kumain na muna tayo," itinuro niya ang nakaset-up sa isang patag na bato. Maganda ang spot na iyon dahil kitang-kita ang kabuuan ng talon.

"Wow! picnic lang, talagang pinaghandaan ng totoy ang date,"

"Syempre," kinindatan niya ito.

Nakita niya ang pamumula nito.

"Kinilig ka 'no?"

"Hindi ah!" nauna na ito sa patag na bato, "Kanino mo naman nalaman ang kilig kilig na 'yan, kanina ko pa yan naririnig sa'yo," nakasunod lang siya rito.

"Sekretong malupit!"

Humarap ito, "Alam mo nagiging katulad ka na ni Cerus, lumayo-layo ka nga minsan sa kanya,"

"Ooooopo,"

"Ewan ko sa'yo, halika na nga," hinila nito ang tainga niya.

"Aw! Abby naman, masakit!"

"Heh! Tumahimik ka!"

Narating nila ang nakahandang pagkain para sa kanila. Natatakpan ang mga ito.

"Aba may pa wine wine pang nalalaman!" isa-isa nitong pinagbubuksan ang mga pagkain. "Wow! sarap naman nito," agad itong sumubo ng pagkain. "Teka? kailangan bang maging formal ang date natin, pasensiya na," agad nitong nilunok ang pagkain.

"Of course not! You can do whatever you want!"

"Sabagay, nasa bundok naman tayo, wala naman tayo sa mamahaling restaurant, ayan kumain ka na rin, masaya ito!" excited na excited na naman ito habang siya ay nagsisimula na namang kabahan. Later is the right time to tell him everything about how he feel for him.

Nagpatuloy ito sa pagkain. Siya naman ay pinagmamasdan lamang ito.

"Huwag mo nga akong titigan, kumain ka rin, huwag mong sabihing nararamdaman mo na naman..,"

"Hindi," inunahan niya ang iniisip nito, "Hindi ko lang mapigilang pagmasdan ka, mas maganda ka pa sa lugar na ito,"

"Bolero ka na rin," uminom ito ng tubig.

"Sa'yo lang,"

"Kanina ko pa napapansin parang balisa ka, may sasabihin ka ba sa akin?"

Biglang sumukbo ang kanyang kabang nararamdaman, "Tapusin mo muna 'yang pagkain mo,"

"P'wede mo namang sabihin sa akin sa pagitan ng pagkain ko ah, h'wag mo nga akong pinapakaba, may nangyari ba?"

"Wala, wala," umiling iling pa siya. Tuluyan na nitong itinigil ang pagkain.

"Sabihin mo na, mamaya na lang ako kakain after," mukhang desidido na itong malaman.

Tumayo siya at humarap sa talon, huminga siya ng malalim bago muling humarap kay Abby. Iginiya niya ito para tumayo, nagpatiunod naman ito.

"Makinig ka sa lahat ng sasabihin ko sayo, matagal ko...,"

"Oh no! hindi maaari buntis na ba ako..dalawang araw pa lang ah. Ang bilis namang malaman..,"

"Hindi iyon, makinig ka muna kasi!"

"Oh sorry naman, nakakakaba kasi ang itsura mo..,"

"Abby please, makinig ka naman, makakalimutan ko lahat ng sasabihin ko,"

"Fine! Ano ba kasi 'yon?"

Huminga ulit siya, "Naalala mo ba noong una tayong magkita sa gubat?" magsasalita sana ito pero pinigilan niya, "At that moment when you held my hand, at that moment when you look at me in the eyes, at that moment when I almost kiss you, at that moment when you hug me tight and at that moment I fell in love with you," nakita niya ang pagkabigla sa mga mata nito.

"Simula noon, hindi na maalis sa isipan ko ang maamo mong mukha, nakasanayan ko na ngang matulog na iniisip ka, you're the reason why I slept peacefully at night and why I wake up happy every day, hindi ko pa malaman ang kahulugan noon until mawala ka dahil sa lintik na training mo, I feel so alone parang nawala ang kalahati ng pagkaxygus ko nang hindi kita makita, then I realize you're the only one who can fill the emptiness in my heart at doon ko nabigyan ng kahulugan ang nararamdaman ko sa'yo,"

"Mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko ng maging mated na tayo, I strongly believe that we're destined to each other, 'yon na yata ang pinakamasayang pangyayari sa buong buhay ng pagiging Xygus ko, I know I already took your body but I don't need your body if I can't have your heart ....," nakalimutan niya na ang sasabihin. Hindi niya na nga nasunod ang mga nakabisado niya dahil sa sobrang kaba. Kung anu-ano na lang ang lumabas sa bibig niya, no it came from his heart. Nakita niya ang mga luha na kumakawala kay Abby, mukhang sinasabayan niyon ang talon.

Pinunasan niya ng kanyang daliri ang mukha nito, "Marami pa sana akong sasabihin..but screw it! I just want you to know that I love you," kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa kanyang dibdib, "Ikaw lang ang nakakapagpakaba sa akin ng ganito, hindi ko nararamdaman iyon since I'm an Alpha, wala rin akong kinakatakutan pero ng makilala kita may isa na akong kinakatakutan, ayokong nakikita kitang nasasaktan, I will give up everything just to keep you safe."

"Yes, I am a strong person but every now and then I also need someone to take my hand and say everything will be alright, I want you to be that someone, I love you so much," hinalikan niya ito sa noo at niyakap.

"Kainis ka talaga! Pinaiyak mo na naman ako!" nakuha na rin nitong magsalita.

"Tahan na, ayaw kong nakikita kang umiiyak,"

"Eh ikaw lang naman nagpapaiyak sa akin eh!"

"Papawiin ko 'yan," bigla na lang niya itong hinalikan sa mga labi.

Tumugon ito sa mga halik niya. Ramdam niya na ang pagkakaunawaan ng mga damdamin nila para sa isa't isa. Ito ang unang bumitaw sa halikan nila.

"Teka, kailangan ko rin bang magtapat?"

"Hindi na kailangan, saka matagal ko ng alam na mahal mo ako, natatandaan mo ba 'yong sinabi ko sayo ng nasa kalawakan tayo, sabi ko noon na don't fall in love with me, kaso hindi mo ako sinunod at pinagpapasalamat ko 'yon,"

"Kapal mo! hindi pa ako sa'yo in love n'on,"

"I saw it in your eyes,"

"Weh?!"

"Umiyak ka ng umiyak ng mawala ako sa kalawakan hindi pa ba sapat 'yon na patunay,"

"Sige na nga,"

Tumawa siya, "Kaya mahal na mahal kita, ang bilis mong kausap," niyakap niya ito.

"Ayaw mo bang marinig kung pa'no ako na in love sa'yo,"

"Gusto, pero sa ngayon sapat na sa akin na malaman na mahal mo ako and besides araw araw ko naman maririnig iyan kasi that would be our bedtime story to our pea,"

"Sige na nga, pero dapat mo rin sigurong marinig na Philcan na walang apelyido, ang gwapo kong alien I love you to the earth and back!"

Tumawa siya, "Abenido Legarda, ang pasaway kong kleinos I love you rin!" inihagis niya ang magkayakap nilang katawan sa malawak na stream.

"Waaaahhhh!"

Maririnig ang malakas na pagbagsak ng tubig galing sa taas. Nasa gitna sila ng malawak na stream habang nakalutang sa ere. Gumawa siya ng heart shape sa pamamagitan ng tubig at iyon ang nagsisilbing nakapalibot sa kanila ni Abby habang naghahalikan.

..... I know that it might sound
More than a little crazy
But I believe

I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life

There's just no rhyme or reason
Only a sense of completion
And in your eyes, I see the missing pieces
I'm searching for, I think I've found my way home

I know that it might sound
More than a little crazy
But I believe

I knew I loved you before I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before I met you
I have been waiting all my life .....

Nakangiti siyang nakatitig sa salaming nakaharang sa nursery room, "Hey! Buddies! Patrem is here!"

_____

Credits

Photo

Waterfalls- the place where Philcan confess his love

Video

(background music for the confession and end kiss)

Song: I Knew I Loved You (Acoustic Demo)

Performed by: Darren Hayes

Songwriters: JONES, DANIEL/HAYES, DARREN STANLEY

Published by: Lyrics © Warner/Chappell Music, Inc.

Original Version: Savage Garden

Studio: Sony /ATV Music Publishing

Piano by: Jameson Boyce

Photo-montage by: Osvaldo Enrique

 _____

SPOILER ALERT!

Hi Readers,

Good day.

They say that at the end of the tunnel there is light, but before you see the light there is DARKNESS.

Love is not always a bed of roses. Sometimes the red petals will turn into BLOOD.

In every story before the end and the climax the most important part of the plot is the CONFLICT.

I remember a talk by George Wald, an american scientist, on March 4, 1969 in his speech a generation in search of a future given in the midst of the Vietnam War that carries a message for all the generations, he said, "I think we've reached a point of great decision, not just for our nation, not only for all humanity, but for life upon the earth."

It is a rhetoric phrase that means it reached the peak point of the staircase, Philcan and Abby's love story reached the point of great decision. What will happen next? Is love enough to face the grim of the storm? Not just for Xenica, not only for all the Xygus but for life upon earth also.

We're almost there. DARKNESS is coming. Sit back, relax and wait for the next update.

Love lots,
Badorita

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

144K 8.5K 39
Puti ang kulay na naglalarawan kay Joshua. Mabuting binata, matalino at isang sakristan na kinagigiliwan ng lahat Itim ang kulay na naglalarawan kay...
Triple X Par Adamant

Fiction générale

117K 4.1K 44
[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pa...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
6.5K 459 5
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...