My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty-Four (Congratulations)

10.5K 315 4
By Badorita

"Something cool finally happened!"

Alpha Q, Transformers: Energon

_____

"Philcan! Philcan! Ahh!" natatarantang lumapit si Philcan sa kanya.

"Bakit?! Anong masakit sa'yo?" kabuwanan na niya ngayon at naghihintay na lang sila kung kailan lalabas ang tatlo niyang anak.

"Manganganak na yata ako,"

"Ano? Teka?! Pa'no.Sandali!" hindi na ito mapakali. Sinampal niya ito.

"Tawagin mo na si Alican para maiteleport na ako sa medical facility, bilisan mo!"

"Mga baby ko, h'wag muna kayong lalabas, wait lang,"

"Bilisan mo na! Ang sakit na!" feeling niya ay natatae na siya. Kaso ang itatae niya nga ay mga anak niya. Caesarean Section daw ang gagawin sa kanya dahil triplets ang kanyang iluluwal, saka C-Section naman talaga kahit na nga isa lang maging anak niya, hindi naman kasi p'wedeng ipadaan sa rectum.

Pinagpapawisan na siya ng dumating si Philcan kasama ang ama at uncle nito.

"Let's go!" pagkasabi niyon ay nasa hospital bed na agad siya.

"Nasaan ang mga medical beta?!" sigaw ni Philcan.

"Tumahimik ka nga, hindi naman ikaw ang manganganak," sigaw niya rin dito.

Iyon ang pagdating naman ng mga medical beta, mabilis ang mga naging kilos ng mga ito. Maayos agad siyang nailagay sa medical bed para sa paglilipat sa operating room.

"Vulcan, sa labas na muna tayo, hayaan na natin ang mga beta rito," inaya na ni Alican ang kanilang Patrem Vulcan.

"Huwag mo akong iwan, dito ka lang sa tabi ko," sabi niya kay Philcan.

"Oo," hinawakan nito ang isang kamay niya. "You'll be okay, I promise, don't be afraid, I'm here," hinalikan siya nito sa ulo.

"Apolectus Unum, sisimulan na po namin ang operation, magrelax lang po kayo, huwag po kayong mag-alala everything is under controlled," tumango na lang siya.

Lumutang ang kanyang isip ng turukan siya ng anesthesia. Alam niyang nasa tabi niya lang si Philcan, hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay nito. Hinalikan nito ang likod ng kanyang palad. Lutang ang kanyang isipan kaya naaalala niya ang mga pinagdaanan ng kanyang buhay pag-ibig....

“Abby?!” bungad ni Philcan sa kwarto nito ng buksan ang pinto, nanonood siya ng mga oras na iyon sa napakalaking tv nito ng once upon a time nasa season 3 na siya, buti na lang talaga may mga dalang movie at tv series ang mga ito sa Xenica.

“Oh bakit?” simula ng maging mated na ito parati na lang itong balisa at ito na nga ang ikalawang araw ng pagiging balisa nito. Kapag ganoon na ang itsura nito alam na, hay naku tinatamad siya ngayon saka busy siya sa panonood.

Bahala ka diyan maglupasay sa ka-olalahan mo.

“Magdate tayo.”

Muntik na siyang mahulog sa sofa, tama ba siya ng narinig, “Anong sabi mo? Paki-ulit nga?”

Nagkamot ito sa ulo, “Ano..ahm..kako magdate tayo ngayon,”

So tama nga siya ng narinig, niyayaya siya nitong makipagdate, “Alam mo bang ibig sabihin ng date?”

“Oo naman, napanood ko ‘yon sa mga movies?”

“So, bakit mo ako niyayayang magdate ngayon?”

“Ano..ahm.. basta! Ang dami mo namang tanong, gusto mo ba o ayaw mo?”

“Aba’t! hoy alien! Hindi ganyan ang nagyayaya ng date, saka katirikan ng araw..”

“Ang hirap mo namang yayain, napakaconservative mo naman, mated na rin naman tayo,” pasalampak itong umupo sa tabi niya.

“Eh ano naman,” may tampo pa rin siya rito ng konti dahil ng mangyari nga sa kanila noong isang araw ang inaasahang mangyayari, ang pagmamate nila, napaamin na siya ng nararamdaman dito samantalang ito ay wala man lang tugon. Ang sakit kaya n’on. Pagkatapos niyong magsex tapos nag- I love you ka tapos wala man lang response rito ni hindi niya nga alam ang totoong nararamdaman nito.

Walang anu-ano ay lumuhod ito sa harap niya na parang magpopropose lang, “Can you go on a date with me?” seryoso itong nakatingin sa kanya, pinagdikit pa talaga nito ang mga kamay na parang nagdarasal, “Please?” dugtong pa nito sa masuyong tono. Pinapakilig na naman siya ng damuhong ito.

Tumango na lang siya. Nadala na naman siya sa mga pakulo nito.

“Yes! Let’s go!” hinila na siya nito palabas ng kwarto.

“Wait lang, patayin ko muna ‘yong pinapanood ko,”

“System shut down.” sabi lang nito at bigla na lang namatay lahat.

Oh eh di wow.

“Excited lang, first time mo bang makipagdate?” tanong niya pababa na sila ng hagdan.

“Yup.” tipid na sagot nito.

“Ay. Kaya pala,” biglang tumigil ito sa paglalakad at bumaling sa kanya.

“Bakit ikaw? Huwag mong sabihing nakipagdate ka na? Kanino?” natawa siya sa reaksiyon nito. Ang kaninang mukhang masaya ngayon nga ay napalitan ng kunot na noo. Ang bilis talaga magbago ng expression ng mukha nito. Napaka-expressive. Nakakaadik. And then he fell in love all over again.

“Secret!” pang-aasar niya rito. Kahit ang totoo ay first time niya ring makipagdate.

“I don’t believe you, I’m your first,” sarkastikong sabi nito.

“Just because you’re my first doesn’t mean na hindi na ako nakipagdate sa iba,” pinipigil niya ang matawa, nararamdaman niya kasi ang paghigpit ng kamay nito. Bigla na lang siya nitong pinansandig sa nakasarang pinto sa entrance ng bahay. Iniharang nito ang mga braso para hindi siya makawala, “What are you doing?” nakaharap na kasi siya sa mukha nito. Bigla na naman tuloy siyang kinabahan.

“Say I’m your first,” titig na titig siya sa mga blue nitong mata para siyang nahihipnotismo niyon.

“I’m your first,” pagsunod niya sa sinabi nito, sobrang kinakabahan na naman siya lalo pa’t nararamdaman na niya ang mainit na hininga ni Philcan na nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa kanyang sistema.

“Say you love me,”

“I love you,”

“Good,” ngumiti ito. “Let’s go, Open.” bigla na lang bumukas ang sliding door. Muntik pa siyang matumba mabuti na lang maagap siyang nahawakan sa baywang ni Philcan. “Careful, love” hinalikan siya nito sa labi ng mabilis.

Hindi pa rin siya makaget-over sa pangyayari kani-kanina lang, naglalakad na sila ni Philcan papunta sa nagsisilbing garahe sa bahay na iyon, naroon lahat ng iba’t ibang sasakyan nito, naisahan na naman siya ng ugok na ito. Mukhang alam na nito ang totoo niyang nararamdaman at pinaglalaruan siya nito. Bwusit! Sinipa niya ito sa binti.

“Aw! Ano na naman?! Ganito ka ba makipagdate? hindi pa nga tayo nakakarating sa pupuntahan natin, bugbog sarado na ako sa’yo,” reklamo nito habang hinihimas-himas ang nasaktang binti.

“Huwag mo ngang paglaruan ang nararamdaman ko,” kinurot niya naman ito sa tagiliran.

“Aray! Napakabayolente mo talaga buti na lang talaga mmmm kita,” hindi niya narinig ang huling sinabi nito.

“Ano?”

“Wala, kako halika na,” nakita niyang sumakay ito sa CBR5110R, ito ‘yong astiging motorcycle na nagtatransform na dala nito sa earth at ginamit nila minsan doon. “Hop in,” kinindatan pa siya nito. Mukhang namula ata siya.

Lumapit siya rito, sa likod sana siya sasakay pero pinigilan siya nito.

“Dito ka sa harap ko, para secured ka,”

“Bakit hindi ba ako secure sa likod?”

“Hindi naman sa gan’on baka kasi panggigilan mo ako, mahirap na baka 'di pa ako makapagpigil, alam mo na,”

“Ang yabang mo talaga! Kung gusto mong maging maganda itong date natin huwag mo akong bwusitin!”

“Okay,” ngumiti ito. “Tara na,”

Sumakay na siya sa harap nito, naramdaman niya ang mga braso nito na nakayakap sa kanya. “Sino kaya ang nanggigigil sa atin ngayon?"

"Inaayos ko itong manibela oh, hindi mo ba nakikita,"

"Kunwari naniniwala ako,"

"Hmm. Pakipot." hinalikan siya nito sa balikat. Nakiliti siya sa ginawa nito.

Huwag diyan, may kiliti ako diyan, h'wag diyan. Sasabihin niya sana kaso nahiya siyang bigla baka sabihin gusto niya ang ginawa nito. Well, kinikilig nga siya kaso sa kanya na lang 'yon, baka kasi pagtripan na naman siya nito.

Huwag diyan. Maharot ang bakla. Huwag diyan may kiliti ang bakla.

Hayop. Lumayas ka nga.

Bwahahahahahaha

Panira talaga ang kanyang evil inner self sa kanyang pagsintang kulafu. Hindi man lang siya damayan sa kamiserablehan niya sa pag-ibig. Naramdaman niyang umandar na ang sasakyan. Napakapit siya sa kamay ni Philcan na nakahawak sa manibela.

"Don't worry, you'll be alright, I'm here," bulong nito sa kanya.

"Don't worry, you'll be alright, I'm here, we're almost there my kleinos, konting tiis na lang," bumalik ang lumulutang niyang isip sa operating room. Kung saan nagaganap ang panganganak niya. Kanina pa manhid ang buo niyang katawan.

Mayamaya pa ay narinig niya na ang iyak ng isang bata. Sinundan ito ng isa pa at isa pa. Hindi niya nakikita ang ginagawa ng mga medical beta dahil natatakpan ang kalahati ng kanyang katawan. Mabilis ang pagkilos ng mga beta. Nararamdaman lamang niya na malapit ng matapos ang ginagawang operasyon sa kanya. Napakahigh-tech kasi kaya mabilisan lang.

"Thank you. Thank you." nakita niya ang mga butil ng luha sa mata ni Philcan. Hinalikan siya nito sa ulo. Nakita niya ang tuwa sa mga mata nito kaya maging siya ay napaiyak na rin.

Mayamaya pa ay lumapit na sa kanila ang tatlong beta. Nakita niyang kalong ng mga ito ang tatlo nilang anak. Ibinigay kay Philcan ang isang anak nila, he saw the joyfulness in Philcan's face and it was the most precious moment, kung may camera lang siya ay pinictureran niya na ito.

Ibinigay naman sa kanya ang isa, and the moment he held his child in his arms, he broke into tears. Lahat ng paghihirap niya sa nakaraang siyam na buwan ay nawalang parang bula at napalitan ng kasiyahan. Ang mumunting anghel ay mahimbing ng natutulog.

"The babies are very healthy po Alpha Philcan at Apolectus Unum, ilalagay na po namin sila sa enclosed apparatus para po makapagpahinga na rin kayo Apolectus Unum, mayamaya lang po maghihilom na ang mga closed incision niyo and you'll be numb until then, sige po, Congratulations!" sabi ng pinakahead ng mga medical beta na nag-opera sa kanya.

"Salamat," sabi niya. Kahit na nga hindi siya pagod namamanhid pa rin ang buong katawan niya kaya naman gusto nang matulog ng kanyang diwa. "Philcan?"

"Yes, may masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling siya, "Matutulog lang ako," unti-unti ng nilalamon ng antok ang buo niyang pagkatao.

"Okay, sleep well," hinalikan siya ulit nito sa ulo.

_____

Credits

Photo

CBR5110R- an advance motorcycle that can be used on land, air and water.

Continue Reading

You'll Also Like

138K 3K 24
Are you a homophobic? You dont believe that true love can exist in same sex relationship? But what if I'll tell you that it can? can you believe me? ...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
Triple X By Adamant

General Fiction

117K 4.1K 44
[BoyXBoy|Yaoi] ~Triple X~ Sa tatlong magkakapatid na maagang sinubok ng buhay, naulila at nauwi sa isang bahay ampunan. Lumaki mang hindi salat sa pa...