The Mysterious Girl of Terren...

By MoonlightMaddox

1.5M 61.8K 12.4K

Unveil the mystery of the mysterious girl. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1: The Arrival
Chapter 2: Dormmates
Chapter 3: First Day
Chapter 4: The Royalties
Chapter 5: Friends
Chapter 6: Confused
Chapter 7: With The Royalties
Chapter 8: Amanda Shion
Chapter 9: Messed with the Wrong One
Chapter 10: Training
Chapter 11: Power Leveling Day
Chapter 12: Unknown Power
Chapter 13: Curiousity Begins
Chapter 14: Her Other Power
Chapter 15: Fire Dinner
Chapter 16: Gold Section
Chapter 17: Goodbye Friendship
Chapter 18: Miko Werlock
Chapter 19: Fire vs. Fire
Chapter 20: Kianah and PootsieToothsie
Chapter 21: Friends Again
Chapter 22: With Them
Chapter 23: Frozen
Author's Note
Chapter 24: Who's that guy
Chapter 25: The Lost City of Eronda
Chapter 26: Attacked
Chapter 27: The Fight and The Mission
Chapter 28: Mount El Sierra
Chapter 29: Lorna the Wicked White Witch
Chapter 30: Face Swap
Chapter 31: Combat Training
Chapter 32: The Confession
Chapter 33: Two Broken Hearts
Chapter 34: Who's The Real One
Chapter 35: Into the Lake
Chapter 36: Love In Madness
Author's Note
Chapter 37: Bad Fortune
Chapter 38: Girl From Nowhere
Chapter 39: Jealous
Chapter 40: Vampire's Attack
Chapter 41: Tail
Chapter 42: Meet The Parents
Chapter 43: Awaken
Chapter 44: Dawn Devons
Chapter 45: I Love You
Chapter 46: Silhouette
Chapter 47: It's A Date
Chapter 48: The Fight
Chapter 49: The Battle
Chapter 50: Letter
Chapter 51: The Key
Chapter 52: Replicate
Chapter 53: Water Kingdom
Chapter 54: Into the Sea
Chapter 55: Sea Monsters
Chapter 56: Mermaid
Chapter 57: Promise
Chapter 57: Tears of Sadness
Chapter 58: Danger
Chapter 59: Zokusian's Kingdom
Chapter 60: Against Them
Chapter 61: Against All Of Them
Chapter 62: Fire in the Water
Chapter 63: Black Smoke
Chapter 64: Stolen
Chapter 65: Met Him
Chapter 66: Founded
Chapter 67: Announcement
Chapter 68: Time
Chapter 69: Tornado
Chapter 70: Suspend
Chapter 71: Faila the Fairy
Chapter 72: Threat
Chapter 73: Sneak a Peek
Chapter 74: Flame
Chapter 75: Presence
Chapter 76: Shopping
Chapter 77: The Traitor
Chapter 78: Pretend
Chapter 79: Ready
Chapter 80: Terrensia's Magissy Ball Part I
Chapter 81: Terrensia's Magissy Ball Part II
Chapter 82: Terrensia's Magissy Ball Part III
Chapter 83: The War Part I
Chapter 84: The War Part II
Chapter 85: The War Part III
Chapter 87: Disaster Part II
Chapter 88: Disaster Part III
Chapter 89: The Air
Chapter 90: Red Moon
Chapter 91: The Chaos
Chapter 92: Winged
Chapter 93: Golden
Chapter 94: Exposed
Chapter 95: Cloak
Chapter 96: After the War
Chapter 97: Cherish the Moment
Chapter 98: Book of the Prophecy
Chapter 99: Mourn
Chapter 100: Sorrow
Chapter 101: Damsel In Distress
Chapter 102: The Truth
Chapter 103: Powerless
Chapter 104: Set Up
Chapter 105: Tertheia
Chapter 106: Punishment
Chapter 107: Finale
Epilogue
CLOSE
MoonlightMaddox's Notes
SPECIAL CHAPTER

Chapter 86: Disaster Part I

8K 317 52
By MoonlightMaddox

THIRD PERSON'S POV

"SHAM! SHAMIERE!!" Tila nagising sa isang bangungot ang dalaga.Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid.Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa gitna ng napakalawak na sahig.

"Sham! Pinakaba moko!" Sinubukang aninagin ng dalaga ang mukha ng lalaking nagsalita at ganun nalang ang pagluha ng mga mata niya nang makitang si Miko ito.Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa hita nito at umupo sa harap niya.Maluha-luha niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at sinuri ang kabuuan ng mukha nito.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na buhay ang lalaking nasa harapan niya.

"A-Akala ko, akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin." Pagkasambit niya ng mga katagang yun ay mabilis niyang sinakop ang distansya nila ng binata at agad itong niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"H-Ha? Ano bang sinasabi mo Sham? Teka,ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang malay,akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Naguguluhang wika ni Miko.Pero nanatili lang na nakayakap si Shamiere sa kaniya.

"W-Wag ka ng mawawala sakin ha?" Pautal-utal na tanong ng dalaga na lalong nagpataka kay Miko.

"Ha? Hindi kita maintindihan Sham."

"Ipangako mo! Ipangako mo na hindi mo na ulit ako iiwan." Halos pumiyok na ang boses na anas ni Shamiere,walang nagawa si Miko.Kahit takang-taka man ay ginawa niya pa rin ang sinasabi ni Shamiere.Pinunasan niya ang mga mata nito bago magsalita.

"P-Pangako,hinding-hindi kita iiwan." Mas hinigpitan pa ng dalaga ang pagyakap niya kay Miko.Naguguluhan man sa inakto ng dalaga ay dinamayan niya pa rin ito.Hinagod niya ang likuran ni Shamiere kasabay ng pagpapatahan niya rito.

***

"Pwede mo bang sabihin sakin ang nangyari?" Maya maya'y tanong ni Shamiere matapos mahimasmasan.Humiwalay na ito ng yakap kay Miko at tumayo,ngunit nakahawak pa rin siya sa braso ng binata,tila takot na baka bigla nalang maglaho o mawala ang kaibigan.

"W-What do you mean Sham?"

"Ano ang nangyari? Bago ako mawalan ng malay?"

Natigilan si Miko dahil sa narinig.

"Miko? Ano ang nangyari?" Pag-uulit pa ng dalaga.Tinitigan siya ng mariin sa mga mata ng binata.

"Y-Yung babaeng nakasagutan mo k-kanina, si Dawn. May ginawa siya sayo. Sa tingin ko, napaloob ka sa isang ilusyon na kagagawan niya, Sham."

Natahimik si Shamiere.

Wala sa sarili siyang napatingala, doon niya nakita ang napakalaking chandelier na nanatiling nakadikit sa kisame,buo at walang pinsala.

"Hindi niya ko pinaloob sa isang ilusyon Miko, dahil pinasok niya mismo ang isipan ko." Nagtatangis ang bagang sambit ni Shamiere kasabay ng pagsarado ng mga kamao niya.

"Teka ano? Akala ko ba hindi yun ang kapangarihan niya? Pero aaminin kong may nararamdaman akong napakalakas na enerhiyang nagmumula sa kaniya...kagaya ng nararamdaman ko sayo."

Muli na namang natahimik ang dalaga.Subalit makaraan ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita.

"Nasaan na siya? Si Dawn? Saan siya pumunta?" Tanong niya habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng silid.

"Bago ka mawalan ng malay,may pinalabas siyang itim na usok sa mga palad niya at pumasok ito sa katawan mo Sham, matapos nun mabilis siyang naglaho na parang bula sa kinatatayuan niya. Hindi ko na alam kung saan siya napunta."

Mas nadagdagan ang galit na naramdaman ng dalaga sa narinig niya sa kaibigan.Nagsisimula ng magdurugo ang palad niya sa sobrang higpit ng pagkuyom niya.

*BLAAAAAG!!!*

Magkasabay silang napatingala sa itaas nang makarinig ng pagbitak.Nakita nila ang pinsala sa kisame,palaki ito ng palaki.Pero nagtaka sila nang mapansin nila ang malaking butas na tila natatakpan ng isang malapad na bagay.

*BLAAAAAAAAAAAAAAGGG!!!"

"Sham!" Mabilis na hinila ni Miko si Shamiere at pinrotektahan gamit ang katawan nito nang biglang gumuho ang buong bubong,nabasag ang lahat ng mga bintanang gawa sa mamahaling kristal.Maging ang chandelier ay bumulusok pabagsak sa direksyon nila.

Naniningkit na iminulat ng binata ang kaniyang mga mata para sana pahintuin ang oras ngunit natigilan siya sa kaniyang nasaksihan.

Nakapaloob silang dalawa ng dalaga sa isang barrier na gawa sa napakalakas na enerhiya dahilan para hindi sila matamaan ng iilang parte ng kisame pati na ng chandelier.Wala sa sariling napabaling siya ng tingin sa kasama. Napako ang paningin niya sa mga mata ni Shamiere.Wala siyang ibang nakikita kundi ang kaniyang sarili,tila naging salamin ang mga mata nito.

"Sh-Sham?" Utal na usal ng binata.Napakurap-kurap si Shamiere at napatingin sa barrier na nagsisilbing proteksyon sa kanila.

*CLAAAAAAGGG!!"

Napahawak ng mahigpit si Miko sa kasama nang biglang yumanig ang paligid.

"A-Ano ang nangyayari?" Wala sa sariling naibulalas niya.

"May kutob akong merong nangyayaring hindi maganda sa labas." Tugon ng dalaga sa kaniya.Akmang maglalakad na sila nang muli na namang yumanig ang kapaligiran.

"Kailangan na nating makalabas dito!Guguho na ang buong gusali." Saktong paghila ni Shamiere kay Miko para magteleport palabas ay ang tuluyang pagkawasak ng kinalabasan nilang silid.

Dahil sa laki at bigat ng suot na damit ni Shamiere ay napasalampak silang dalawa sa damuhan.Napapadaing na bumangon si Miko upang tulungan ang dalaga.

"Ayos ka lang Sham?" Tanong niya nang makatayo na silang pareho.Tinanguan lang siya nito nang hindi tinitingnan.Abala ang dalaga sa pagtingin sa paligid samantalang abala naman siya sa pagpapagpag ng suot niyang damit dahil sa duming dumikit dito.

"Ano bang-WHAT THE!" Agad na napamura ang binata nang iangat niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng paligid.Halos lumawa ang kaniyang mga mata habang iniikot ang paningin.Hindi siya makapaniwala sa nakikita niyang senaryo sa harapan.

Mga tuyong damo,patay na mga punong-kahoy,mga gumuhong lupa,mga umaapoy na gusali at mga nagkalat na mga bangkay.

"YUKO!"

Nagulantang siya sa biglaang pagsigaw ni Shamiere,pero mabilis niyang sinunod ang inutos ng kasama.Daglian siyang yumuko, at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang isang malalaking pares ng paa ng dragon ang marahas na dumaan sa harapan niya.

"D-Dragon?!"

"Miko!" Hindi pa man din nakakabawi sa pagkagulat ang binata ay muli na naman siyang napaigtad sa sigaw ni Shamiere.Dali-dali siyang tumayo at humarap sa dalaga.

"Ba-Bakit Sham?"

Tumingala ang dalaga na mabilis naman niyang sinundan.

Agad siyang napaatras sa nakita.

Palapit na ng palapit sa kinatatayuan nila ang napakalawak na kalupaan mula sa himpapawid.

"Shit! Shit!" Halos mamutla na ang buo niyang katawan sa takot at gimbal.

"Makinig ka sakin Miko! Kailangan mong pigilan ang takbo ng oras ng pagbagsak ng kalupaang yan.Naiintindihan moko?" Hinawakan pa ni Shamiere ang magkabilang pisngi ng binata.Tumango-tango naman ito ng wala sa wisyo.

Bago tuluyang umalis ay niyakap pang muli ni Shamiere si Miko.

"Mag-iingat ka okay? Nangako ka."

Iniwan na siya ni Shamiere nang hindi pa man din siya nakakatugon, mabilis na nawala sa harapan niya ang dalaga.

***

LUMITAW mula sa kawalan ang dalaga.

Nasa harap niya ngayon ang likuran ng binatang may kagagawan ng pagpapaibabaw ng kalupaan ng kagubatan na siyang tatapos sa buhay ng lahat.Nasaksihan niya kung paanong pigilan ng mga Reyna at Hari maging nina Theo ang binata ngunit sadyang buo na ang pasya nitong tapusin na ang laban.

*BLAAAAAAAAGGGG!!!*

Awtomatikong napatingala ng tingin si Shamiere nang muli siyang makarinig ng pagguho sa itaas.Hindi na niya napigilan pa ang sariling sumigaw.

"VAN!"

Biglang tumahimik ang buong paligid.

Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa kaniya.Maging ang binatang si Van ay napatigil sa kaniyang ginagawa para tingnan siya.

Sa isang kisap-mata lang ay nasa harap na siya ng binata.

"Itigil mo na to! Hind ito ang makakapagpatapos sa lahat!" Aniya ngunit tanging pag-iling lang ang tinugon ni Van.

"Makinig ka sakin Van!" Patuloy lang sa pag-iling ang binata na tila walang naririnig.

"MAKINIG KA!"

"NO SHAM! THEY KILLED MY DRAGON! THEY KILLED EARTHEÑA!" Halos pumiyok na ang boses na sambit niya bago ilihis ang kaniyang paningin.Muli niyang tiningnan ang wala ng buhay niyang dragon.

"They killed Eartheña..." Nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya.

"AND I'M GOING TO KILL THEM TOO! ALL OF THEM!"

Biglang tumalsik si Shamiere papalayo.

"SHAM!" Sigaw nina Mitch.

Muli na namang yumanig ang lupa at mas dumami pa ang mga bitak sa paligid.Ang lahat ay napatingin sa kalupaang babagsak na sa kanila mula sa itaas.

"Concideret Dissiliunt!"

Sigaw ni Shamiere sa itaas habang nakaangat ang kanang kamay sa ere matapos tumayo.Nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang itaas at ilang saglit pa ay isang napakalakas na pagsabog ang nangyari dahilan para magsiyuko sila upang maprotektahan ang mga sarili.Umulan ng sanga't mga tuyong lupa sa buong paligid.

Halos maestatwa ang lahat sa dagliang nangyari.

Hindi pa man din sila nakakabawi ay muli na naman silang napaigtad nang sumigaw ang dalaga.

"Pigilan niyo siya!" Sigaw niya na tinutukoy ang mga kaibigan.Napakurap-kurap pa sina Serene bago sundin ang sinabi niya.Mabilis na bumuo si Serene ng pantali na gawa sa tubig at pinulupot ito sa mga kamay ni Van.Agad ring kumilos si Gino at ginawang yelo ang taling gawa ni Serene.

Nang matauhan si Van ay tiim-bagang niyang tinitigan ang lahat lalo na si Shamiere.

"What's this?! Let me go! I'm going to kill them!!!" May luhang umaagos sa mga matang padyak niya.

"They killed Eartheña! They killed her! I'm going to make them pay!" Pumipiglas na dagdag pa niya.

"Van,please stop.Stop it,she's gone, hindi na natin siya maibabalik pa." Puna ng mga magulang niya.

"No!!! Make this thing out of my hands!!"

"Van,makinig ka sa akin." Sa pagkakataong ito ay si Shamiere na naman ang nagsalita.

"Nasa gitna tayo ng digmaan,kailangan nating tatagan ang mga sarili natin."

"No Sham! My dragon! They killed my dragon! My dragon-"

Mabilis na bumagsak sa katawan ni Gino ang walang malay na si Van nang kumpasin ni Shamiere ang kamay niya sa mukha ng binata.

"Anong tinitingin-tingin niyo? Magtititigan nalang ba tayo dito?!" Singhal niya sa mga kalaban at tila kay bilis ng hangin na gumawa ng sandatang gawa sa pilak at agarang tumakbo pasulong sa mga kaaway.

Nabalik naman agad sa ulirat ang mga ito at naghanda rin ng atake.

"LUSOB!!!"

Ang dalawang panig ay muli na namang nagdigmaan.

Kabutihan laban sa kasamaan.

Terrenians laban sa mga Zokusians.

***

Habang nagdidigmaan ang dalawang panig ay may isang nilalang na lihim na naglalakad sa ginanapan ng unang digmaan kanina lang.Walang sinuman ang nakapansin sa kaniya.

Naglalakad siya na tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil siya sa harapan ng isang bangkay.Nakita niya ang malaking butas sa parteng dibdib nito't wala ng buhay.Agad niyang nakilala ang taong ito.

Si Valmir.

Walang emosyon niyang tiningnan ang katawan nito.Maya maya pa'y pumaskil sa mapupulang labi niya ang isang ngisi.

"Nararapat lang sa iyo ang iyong sinapit, mahal kong Ama."









SERENE'S POV

Wherever I look is on a chaos. The whole academy is on a great chaos!

This is war!

This is a disaster!

Shamiere lead the other students to fight the Zokusians,while us? Here.

"Take him to the healers!" I told Gino pertaining to Van.He just nodded his head before he carry Van and leave our spot.

"Prepare yourselves! Here they come!" Theo's father mumbled as he formed a fireball on his palm.

Me and the others also created a weapons using our powers but i stopped when i noticed that there's someone who is not here.

"Where's Yvonne?!" I asked.

"No time for questions!" Dad stopped me.I hissed and looked around,but she's nowhere to be found.

"Attack!!!"

His powerful voice echoed in my whole system as the Terrenians run towards the enemy.I started to build tons of watersnakes and make them attacked into the monsters.

But we were just in the midway when we feel a sudden earthquake.We stopped.

The ground is shaking continously!

"What's happening?!" I shouted.

"Something's wrong!" Theo retorted.

I looked at Shamiere's direction,she didn't even bothered to stop fighting those Zokusians.

"Take cover!" I heared Headmaster's voice.

And I stilled for what happened next.

Right infront of us,the ground explode and huge water flow out from it.

But that's not the thing,

Seamonsters started to crawl out of the big hole and starts roaring around.

Continue Reading

You'll Also Like

300K 7.2K 52
One tragic day. One magical world. One girl with great responsibilities. It happens in a blink of an eye. She's good, she's evil. REVISED VERSION | C...
913 122 15
Si Shine ay isang evil witch na sinumsumpa ang lahat, tao, hayop o kahit halaman pa. Satingin niya ay siya ang pinskapowerful sa lahat, ewan ko kung...
52.6K 4.4K 61
In an uncharted island called Dijon Island, humans are classified into three races: the avaries, the mafias, and the cannibals. MAFIAS, the richest a...
578 77 9
Lucky and Zaphael gradually adapted to living in the Legendarria world after getting engulfed in the realm that existed within the book. As they unco...