One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 22

1.3M 36K 13.1K
By jonaxx

Kabanata 22

You're Right

Sa labas pa lang ng restaurant kung saan kami magkikita ni Arielle ay nahagilap na siya ng mga mata ko. Naka upo siya ng naka patong ang kaliwang hita sa kanan. Pulang maiksing tube dress, matingkad sa sinag ng araw sa umaga. Umiling ako at tinahak ang hagdan na siyang magdadala sa akin sa loob non.

Pinagbuksan ako ng security guard at binati pa ako ng magandang umaga. This better be fast. I have a flight to catch!

Ngiting ngiti si Arielle habang pinagmamasdan ang menu at sumusulyap paminsan sa labas. She's expecting her prince charming. I'm sorry to break it to you, bitch, but the I'm here to slap you with the reality.

"Good morning, Arielle," sabi ko sabay upo sa upuang nasa harap niya.

Napawi kaagad ang kanyang ngiti. Umayos siya sa pagkakaupo at nilapag ang menu. Kinuha ko ito at naghanap ng makakain.

"I'll have the best breakfast, please. Gutom kasi ako. And a shot of espresso." Ngiti ko sa waiter. Naglahad ng kamay ang waiter para sa order ni Arielle ngunit umiling lang siya sa gulat. I shooed the waiter away with my order and then I faced her.

"Where's Brandon?" Nahimigan ko ang alarma sa kanyang boses.

"Oh he's still in Tagaytay. Don't worry, he's fine." Sarkastiko kong ngiti.

"Tagaytay? Sinabi niya sakin kagabi na magkikita kami dito?" Agad siyang tumingin sa kanyang cellphone.

I don't care. Kung malaman man ni Brandon ngayon na nandito ako ay wala na rin siyang magagawa. Aalis na ako bago pa siya makaapak sa Manila.

"Arielle Zalea Garcia, isn't it?" Nanginig ang boses ko sa galit. Huminga ako ng malalim at inipon ang natitirang lakas para mapigilan ang sarili ko sa pagsabunot sa kanya. "I am so tired of this game. Ginawa ko ang lahat para lang malaman ang lahat at ito lang pala 'yon, walang kwenta." Sabay ngisi ko.

Nagtaas siya ng kilay at natigil sa kanyang cellphone. "Ginawa mo ang lahat? So... you did go to The Highlands to find some information about me. And I can see that you've succeeded?" Tumalim ang kanyang tingin. "Sinabi ba ni Brandon ang lahat ng ito sayo?"

Nagtiim-bagang ako. Tinagilid niya ang ulo niya at naghintay ng sagot. Hindi ko nalaman kay Brandon iyon ngunit sa kagustuhan kong masaktan siya ng husto at magkabuhol ang lahat ay hindi ako magpapatalo. Pride's what's only left of me. From this day on, I have to accept that things between my father and I would never be the same again no matter how hard I try. My life is scarred forever. But I will never let that scar ruin the entirety of my being. Nor would I let Brandon and my feelings for him cloud my thoughts. I am better than that. I was, still am Aurora Veronica Rama Pascual, fierce and unwavering.

"Oo." Lumaki ang ngisi ko nang nakita ang kamandag ng aking sagot sa kanyang mukha. "You think Brandon would never tell your secret to anyone? Nagkakamali ka, Arielle."

Kakaibang ligaya at galit ang naramdaman ko nang nakita ang panlulumo sa kanyang mukha. I don't care if I go to hell for this. Hindi naman ako pang langit.

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Bigo na ang tanging taong siguro'y inasahan niyang hindi mababali ay baling bali sa ngayon. "Sinabi niya sa akin na hayaan ka na lang sa mga katangahan mo dahil inaalipusta ka ng pamilya mo." Umiling ako. "But no... I will never let you have my father."

Lumiwanag ang mukha niyang talunan kanina. "Sino ka para mag desisyon niyan? Daddy likes me. You know that. Kaya hindi kayo binalikan ng mommy mo kasi ako ang mahal niya. I am his princess. You're just a bad substitute of me."

Nilapag ang pagkaing inorder ko sa harap naming dalawa. Pinigilan ko ang pagsasalita. Pinagdikit ko ang aking mga ngipin at inangat ang labi habang hinihintay ang waiter na matapos sa kanyang paglalapag.

"Enjoy your meal, ma'am." Anang waiter.

Sumimsim ng tubig si Arielle sa kanyang baso. Nilabanan ko ang pamimilit ng sarili kong sabuyan siya ng tubig at mga pagkain. I'm not done yet.

"He married my mother. He didn't like you. Akala mo lang ay mahal ka ng taong nakapaligid sayo pero pare pareho lang sila. Brandon broke his promise to you. He lied to you. And you think he'll never do that?"

Napangiwi si Arielle. Now she's hurt again. Nagtaas ako ng noo, kahit nasaktan ako ay hindi ko ipapakita sa kanyang duguan ako. Not while I'm still alive.

"My father loves me so much. He adored me. He married my mother because he wanted a family with her. He wanted our family. You're just desperate-"

"Kung mahal ka ni daddy, bakit di siya bumalik sa inyo? Simple lang!" Bawi niya. "Ako ang mahal niya. He realized that you and your mother deserved nothing!"

Nalaglag ang panga ko. Don't. You. Ever. Insult. My. Mother!

"My mother deserved the world! My father gave us the world! Pero nong dumating ang isang tulad mo na desperada at ginawang panlaban ang pagiging maawain ng daddy sa mga kawawang ipokrita, ipinagpaliban niya muna kami. Because he knows that I have the world! That I was loved by him, by everyone, from the very start and you were not!" Sigaw ko, nagkukumahog na habulin ang aking hininga sa mga salitang binitiwan ko.

Hindi na maitsura ang mukha ni Arielle. She's on the verge of crying and laughing. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mabaliw na siya. I feel no regret whatsoever. She deserved it! Walang matinong babae ang mag iisip na ilayo ang padre de pamilya sa kanyang minamahal na pamilya.

Gumalaw siya. Ang akala ko ay sasabuyan niya ako ng tubig o sasampalin pero hindi niya ginawa. Kitang kita ko ang tubig sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ipinagpaliban? Sige! Subukan mo kung babalik pa ba siya sa inyo! He will never come back! Kahit na sabihin mong nasa bingit na ng kamatayan ang iyong ina ay hindi siya babalik para sa inyong dalawa. He will choose me because he loves me!" Giit niya kahit na talunan na.

Tumawa ako. Hindi pinansin ang kanyang sinabi tungkol sa aking ina. Mapapatay ko rin ang babaeng ito sa tamang panahon. "Kung mahal ka nga niya, bakit hindi niya pinanagutan ang mommy mo nong pinag bubuntis ka pa?" Singhal ko. "O binalikan man lang noon pa? You're nothing but a bastard! Always trying to fit in, but never really succeeding. You're a misift. Owned by no one. Ni si Brandon tinalikuran ka."

Pansing pansin ko na mas nasasaktan siya pag binabanggit ko si Brandon. Tila umuusok ang kanyang ilong sa mga sinabi ko. "Hindi niya pinanagutan si mommy dahil dumating 'yang walang hiyang ina mo!"

Tumawa ako sa galit. "See? Kami ang pinili niya! Kami ang mahal niya!"

"Kung kontento na siya sa inyo, bakit kailangan niya pang magpakita sa akin? And Brandon? I don't believe you. He'll never betray me. Mahal ako ni Brandon!" Giit niya.

"Magpapakita siya sa iyo para maglinis ng konsensya! Because my dad is a good person. Gulat nga ako, e. Ikaw? Anak niya? I don't think so. Why don't you ask your mother again if si Atty Guillermo Pascual ba talaga ang daddy mo? Hindi kaya anak ka ng isang mental patient?"

Isang lagapak ng kamay ang naramdaman ko sa aking pisngi. Pagkakuha ko non ay binigyan ko rin siya ng isa. Kahit na nanuot ang sakit ng sampal niya sa akin ay hindi ko ipinakitang nasaktan ako ng kahit katiting. Siya naman ay nakahawak sa kumaliwang pisngi niya dahil sa sampal ko.

Napatayo na kaming dalawa sa away. Parehong mabilis ang hininga. Bumuhos ang kanyang luha at wala na akong pakealam na ilang tao na rin ang nakapansin sa sampalan namin. May security guard nang papalapit.

"How dare you, bitch! You're a bitch!" Sigaw niya sabay turo sa akin. Nanginginig ang boses niya. "Kaya hindi nagtagal si daddy sa inyo kasi walanghiya kang anak at ang nanay mo ay walang kwenta! Mang aagaw ka! Inagaw mo si Brandon sa akin!"

"Wala akong inagaw sayo kasi ako ang gusto ni Brandon! Ikaw? Awang awa lang siya sayo!" Ngumiwi ako bilang panunuya sa kanya. "Nakakaawa ka. Alam ko. Sinabi niya sayo na hindi ka niya kailanman pagsisinungalingan. Hindi niya kailanman sasabihin sa kahit sino ang mga sekreto mo pero nagkakamali ka. Sinabi niya sakin. Kung gaano ka inalipusta ng mga magulang mo. Maaawa na sana ako. Kung hindi ka lang demonyita!" Sigaw ko.

"Walang hiya ka!" Sigaw niya sabay akmang sampal ngunit pinigilan ko ito.

Mariin kong hinawakan ang kanyang braso. Kitang kita ko ang hilakbot sa kanyang mukha nang hawakan ko ang braso niya.

"Pinaasa ka ni Brandon. Pinaasa ka niya na walang makakapantay sayo para sa kanya. Pero ang totoo, napantayan na kita. Nalagpasan pa nga!" Ngisi ko.

"Walang hiya ka!" Nanlaban siya.

Pinisil ko ang braso niya sa galit. "At wag na wag mong isali ang mommy ko sa lahat ng ito o babasagin ko 'yang basag mong mukha!"

"Bitch!" She cried.

"Yes, I am. Now you know." Mariin kong sinabi sabay bitiw sa kanyang braso at kuha ng espresso para paliguan siya. "Pay for that all. Alam kong pera ng daddy ko ang nasa wallet mo."

"Avon!" Sigaw ng isang buo at pamilyar na boses sa likod ko.

By instinct ni Arielle nang narinig ang boses ay humikbi kaagad siya. Dinama niya ang espresso na tinapon ko kanina. Nagmukha siyang sisiw na basa sa putik. Ngunit nang dumating si daddy kasama ang mga security guards ay ako naman ang parang nabuhusan ng malamig na tubig.

Shit!

"Avon! Anong ginawa mo?" Dumalo siya sa kay Arielle na ngayon ay humihikbi sa kanyang braso.

Hindi ako nagsalita. Tapos na ako dito. Ayaw ko nang masira pa ang lahat. Natatakot akong sabihin ni daddy sa harap ng ipokritang iyan na hindi niya ako kailanman pipiliin. Natatakot ako na ang pananalig na ako ang kanyang prinsesa ay wala ng parang bula. Na ang pananalig habang binitiwan ko ang masasakit na salita kay Arielle kanina ay pawang kasinungalingan at paghahambog lamang.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin, galit. Inalo niya si Arielle na humihikbi at nag hihisterya ng husto para mapansin.

Naalala ko kung paano siya inalo rin ni Brandon noong humikbi siya sa harap ko. She wants the attention so much. She loves being the damsel in distress.

"You're right! Dapat ay wala ako dito. Excuse me, I have to vomit." Sabay kuha ko sa aking Louis Vuitton at tulak sa iilang security guards na nakatunganga roon at naghihintay ng mando ni daddy. Nilagay ko ang aviators ko sa aking mata.

I have a flight to catch. Magsama kayong dalawa!

Pumara kaagad ako ng taxi sa labas at taas noo akong pumasok roon. Ni hindi ko nilingon ang loob ng restaurant o nagpakita man lang ng kung anong emosyon.

Pero nang nakalayo na ay hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. I will never forget this. Didiligan ko ang galit na namumuo sa aking puso para sa mga taong dapat makadama nito.

Sa eroplano ko na naalala ang nangyari sa amin ni Brandon. The memories of last night hurt me a lot. I am physically and emotionally hurt. Pinagtabi ko ang aking mga hita. I can still feel Brandon in between me. Gusto kong kalimutan ang lahat ng iyon. Pero paano? Gayong binigay ko sa kanya ang lahat at hindi na ako nagtira ng para sa sarili ko.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko. It was my fault, alright! It was my fault! I loved him. Na ang tanging inisip ko na lang sa mga sandaling iyon ay ang mga salitang binitiwan niya. Na inakala ko ring tunay na mahal niya ako. Yes, my real motive was to get to Arielle but I told him about my feelings. I told him nothing but the truth. Siya. Siya ang nagsinungaling. At kahit na gaano ka sakit ang inabot ko kay Brandon, kay daddy, kay Arielle, ay taas noo akong babalik sa Cebu. Taas noo akong lalaban sa kahit na anong ibato sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
3.5M 95.3K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...