Falling in Reverse (Saint Ser...

By gereyzi

101K 3.6K 1.7K

4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two bro... More

Falling in Reverse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 22

2.3K 85 32
By gereyzi

Chapter 22
Flowers

"Tita Shawny!"

Nagulat ako nang may dalawang bata ang mabilis na yumakap sa aking bewang matapos kong makababa sa hagdan mula sa ikatlong palapag. Kagigising ko lang dahil umaga pa naman.

Nagtataka kong nilingon ang mga bata at saka ako bumaling sa lalakeng papalapit na sa akin ngayon.

"Jabez Manzanilla. Your brother," he smiled at me before kissing my cheek.

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakaimik at tanging pagtango lang ang aking naging sagot.

This isn't a dream or dimentia.

I know him. Sadyang nakakalimutan ko.

"They're my children. Amora and Mezzo."

Napanganga ako sa sinabi ni... Kuya Jabez. I nodded. Nilingon ko naman ang labas nang makita na may iilang tao pa roon.

May mga bisita pala ngayong araw kaya nagpalinis kahapon si Madam.

"Nand'yan ang ilan sa kaibigan ni Payton together with their wife," dagdag ni Kuya. Mabilis akong tumango.

Hindi ko alam ang dapat kong i-react sa mga sinasabi ni Kuya. Ang alam ko na lang ay isinama ko sa kusina ang dalawang bata dahil aayaw din naman nila na lumayo sa akin.

This feels so strange.

Hindi ko alam kung ano ang mayroon pero magaan ang loob ko sa kanila.

Baka nga malapit sila sa akin dati pa.

"Tita, where should I put this ba?" maarteng tanong ni Amora at saka niya itinaas ang balat ng papaya.

Magkatabi silang kambal na nakaupo sa highchair na nasa harapan ko habang ako naman ay nasa tapat nila. Sila Ate Betty naman ay mga abala na sa pagluluto.

"Bakit hindi ka na naman nagpo-po?!"

Biglang pagsusungit ni Mezzo sa kapatid.

Napangiti ako dahil doon. Itinuro ko naman kay Amora ang basurahan kaya mabilis siyang bumaba sa upuan at pumunta roon. Bumalik din kaagad at namewang sa kapatid.

"Eh bakit ba?! I'm speaking English kaya! Walang po at opo sa English, 'no!"

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya. May point naman s'ya.

"Oo alam ko! Pero hoy! Pilipino tayo kaya kahit mag English ka d'yan ay dapat may paggalang ka pa rin!"

Hinayaan ko na lang ang dalawa sa pagtatalo dahil baka kapag nakisali pa ako ay mas lumala lang ang kanilang away.

Ang ginawa ko na lang ay nagligpit ako ng mga kalat sa kusina at saka dinala ang basurahan palabas ng bahay dahil kailangan na itong itapon. Baka mamaho pa sa loob.

"Saan ba dapat ilagay iyon kung ganoon? Give me some details kaya para ma-sure ko na if what to do ba exactly!"

Isang conyo na boses ang aking narinig nang mapadaan ako sa front yard. Naroon pa sila Payton at mga abala sa kuwentuhan.

"I'll send you an email soonest, Shanne," si Payton ang sumagot habang nakasunod ang mga tingin sa akin.

"Ito kasing si Romulo ay hindi na inasikaso kaya iyan! Tambak ang works!"

"Yeah, my fault, Baby. I'm sorry," sabi naman noong isang lalake saka humalik sa pisnge noong Shanne na tinawag ni Payton.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa nakarating na ako sa labas ng gate. Doon ko inilagay ang mga basura.

Nang matapos ako roon ay babalik na sana ako sa loob nang makita ko si Render na nasa may papasok ng gubat. Mabilis akong lumapit sa kaniya.

"What are you doing?"

Tanong ko.

Halatang nagulat si Render at saka mabilis na inilagay ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang likuran. Mas nagtaka ako dahil doon. Nangunot ang aking noo at sisilipin sana ang kung ano mang itinatago niya pero mabilis siyang umiwas.

"Ano 'yan, Ren?" seryoso kong tanong.

Nanlalaki ang mata niya na umiling. Umatras pa siya ng bahagya. Umabante naman ako at s'ya naman ay umiling ulit.

"W-wala ito!" depensa niya at muling umiling.

Saglit ko pa siyang pinakatitigan bago sinulyapan ang bulaklak na kanina pa niyang pilit na itinatago. Tumango ako kalaunan at saka lumingon sa bahay.

"Anong mayroon? Bakit sila narito?"

Pag iiba ko na lang ng usapan at saka ako naupo sa malaking bato na nasa gilid. Mabilis naman na sumunod sa akin si Render at tumayo sa aking harapan. Nakatago pa rin ang bulaklak sa likuran.

Binata na si Render.

"Ah. Ang alam ko ay araw daw ng mga puso kaya rito naisipan na mag date ng mga mag aasawa," he replied and nodded. Trying to convince me more. Mas itinago ang bulaklak.

Tumango na lang din ako dahil hindi ko naman alam na may pakielam pa pala ang mga tao sa araw ng mga puso. Add the fact that we're old for that already.

Or its just me.

I'm turning twenty nine and yes I think I'm too old for that already.

Pinanood ko ang mga bata na nagtatakbuhan ngayon sa bakuran. May dalawang babae at tatlong lalake roon.  Ang isang babae na mukhang amerikana ay tahimik na nakaupo at mahinhin na nakikitawa sa mga kalaro. Halatang mas maedad ang... isang pares ng kambal.

Dalawa kasi ang kambal sa mga bata. Ang isang kambal ay kapwa lalake habang ang isa naman ay babae at lalake. Halatang iba ang magulang noong isang babae. Lahat sila ay kakaiba ang mga hitsura at mga mukhang mayayaman.

Hindi ko alam na mahilig pala sila sa kambal. Kahit kasi si Kuya ay kambal din ang anak.

Kung ako ay mas pipiliin ko na lang ang walang anak kaysa idamay pa sa problema ko. Mas ayos na aking mag isa sa buhay para wala na akong maulila pa kung mamatay na ako.

Kung tutuusin ay swerte na ako dahil ilang taon na akong confirmed na may sakit pero buhay pa rin ako. Karaniwan daw kasi ay hindi nagtatagal ang tulad ko na may sakit na Alzheimer's.

Mas ayos na nga sa akin ang narito sa MeiLo. Malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Less grieve, less burden.

Matapos ang saglit ko pang pananatili sa harapan ni Render ay umalis na rin ako dahil baka tuluyan nang nagkagulo ang dalawang bata sa kusina. Baka pati maudlot pa ang pagdiskarte niya sa kung sino mang pagbibigyan ni Render ng bulaklak. Ako pa ang masisi.

Dala ang basket ng basura ay dumaan ako sa likuran ng mga batang naglalaro. Lalagpasan ko sana iyon kung hindi lang ako tinawag noong isang babae na bata.

"Hi, Tita Shawny!"

Bati niya sa akin at saka pumunta sa aking harapan. Nagulat pa ako nang magmano ito sa akin.

"I'm Ree po. Anak po nila Papa Astrid at Papa Reego. Inaanak n'yo po ako," she smiled at me.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko at saka tumango. Nag iwas ako ng tingin. Nakita ko na palapit na rin sa amin ang iba pang bata. Sila Payton naman ay nakatingin na sa amin.

Nilingon ko uli ang inaanak ko raw.

Nako, mukhang hahabol pa ito sa paskuhan. Isa pa naman akong kapos palad!

"Ganoon ba? Pasensya ka na at wala akong papasko ha—"

"Hi po! Ako po si Creed!" pagputol sa akin noong mukhang mas bata pero ubod ng gwapo. "Ito naman po si Thaddeus. Twin ko po. Anak po kami nila Daddy Rom. Nice to meet you po!"

Nilingon ko ang Thaddeus na sinasabi niya. Hindi sila magkamukha pero sigurado akong pagkakaguluhan ang mga ito ng mga kababaihan sa mga susunod na panahon.

"Ako naman po si Andy po! Kakambal ko po si Ate Ree!"

Napalingon naman ako sa batang lalake na ubod din ng kagwapuhan. With his curled brown hair, para siyang espanyol.

"If I'm not mistaken, you two are thirteen?" usal ko. Mabilis silang umiling.

"Hindi po! Ten lang po kaming dalawa!" tangging tanggi na sabi ni Andy kaya natawa ako at hinaplos ang kulot niyang buhok. Hanggang balikat ko na kaagad sila gayong 5'8 or 5'9 na yata ako. "Ito naman pong sila Creed ay parehas pong five!"

Tumango ako sa kwento ni Andy at hindi maiwasang mamangha sa kanilang lahat.

Binalingan ko naman ang batang babae na kulot ang mala caramel na buhok. Hanggang bewang iyon. She looks so shy.

"Hi, what's your name?" tanong ko na dahil halata namang wala siyang balak na magsalita.

"Hoy, tinatanong ka!" bulong ni Thaddeus dito. Natawa ako ng mahina dahil doon.

Napakagat sa pang ibabang labi ang batang mahiyain saka siya nahihiyang tumungin sa aking mata.

Hindi ko naman maiwasang mailang dahil sa kakaibang titig niya. Nakaka intimidate iyon. She has deep blue eyes. So fascinating.

Bakit ganito ang mga batang ito? Walang kapintasan!

"I'm Enoch po. My... parents are Noelle and Jacos Santiago po... and I'm six," she said shyly.

Napanganga naman ako nang marinig ko kung sino ang magulang niya.

And the way she talks... napaka prim and proper.

"Ang arte talaga. Buti pa si Bryce, maganda na nga tapos hindi pa pa-baby," parinig ni Andy na siya kong ikinagulat.

Natutop ni Enoch ang kaniyang bibig at kitang kita ko ang kaniyang pasimpleng irap sa kalaro.

"Andy, your mouth nga! Inaaway mo na naman si Enoch, eh!" saway ni Creed at saka inakbayan si Enoch na halatang nagulat.

"Uhm... bathroom lang po ako, Tita," biglang paalam ni Enoch at saglit na tinignan si Andy bago ito tuluyang umalis.

"Ito talagang si Dy ay napaka sama talaga ng ugali kay Enoch! Inaano ka ba noon?! Umalis tuloy!" sermon naman ni Ree sa kakambal.

Sumimangot si Andy at humalukipkip. Mukhang walang balak na magpakumbaba.

I sighed.

"How about let's just go to the kitchen and let's help Amora and Mezzo there?"

Pagpigil ko na sa nabubuong away.

Natigil ang kanilang sigawan at sabay sabay na nilingon ako.

"Totoo po?!"

"Yes. Let's go?"  

Hinawakan ko sa kamay si Ree habang ang tatlong lalake naman ay sumunod na sa amin.

Dumaan kami kung saan nagkukwentuhan sila Payton. Hindi nila kami tinawag o ano pero kitang kita ko ang paglingon nila sa amin. Hindi ko na pinagtuunan pa iyon ng pansin hanggang sa nakarating na kami sa kusina.

"I'll just look for Enoch then we'll do the cooking, okay?"

Ngumiti ako sa kanila na kani-kaniya nang pagpwesto sa mga highchair.

"Omg, Ree, look at this oh!"

Pagbaling kaagad  ni Amora kay Ree. Magkaedaran sila.

Hinayaan ko na sila sa kusina matapos kong sumenyas kay Ate Betty na nakangiting tumango sa akin.

Tuluyan na ako lumabas ng kusina at nag umpisa nang hanapin si Enoch. Ang buong MeiLo ay may limang CR na para sa mga bisita kaya naman paniguradong mahihirapan ako.

Una kong pinuntahan ay ang CR na malapit sa sala. Mula sa dito sa banyo ay rinig na rinig ko ang malakas na tawanan at kuwentuhan nila Payton.

"Gago, sino ba naman 'yong paasa na tinulungan pang gumawa ng thesis iyong senior high school na crush na crush n'ya noong college tapos iniwan din naman?!"

If I'm not mistaken, it was Romulo's voice. Namuo muli ang tawanan dahil doon.

"Babalikan ko iyon, makita mo," it was River this time.

"Rivs, will you have some balls, please?!"

I think that's... Astrid?

"Gosh, hanggang kailan ba na ganiyan kayo?!"

Napailing ako nang mapansin kong wala naman talaga si Enoch doon sa CR pero nanatili ako dahil sa pakikipakinig ko.

Bumuntong hininga ako at umalis na sa CR. Hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang usapan nila Payton at dumeretso na ako sa isa pang banyo rito sa first floor. Wala rin doon si Enoch.

Napabuntong hininga na ako dahil mukhang kailangan ko pang pumunta sa ikalawang palapag. Wala ang mga kasamahan ko dahil paniguradong abala sila sa palaisdaan dahil ngayon ang paghango sa mga ito.

We love helping there. Pakiramdam namin ay bago lagi sa aming paningin at pakiramdam. Hindi lang ako nakasama ngayon dahil nawala na naman iyon sa aking isipan.

Nag umpisa na akong maglakad papunta sa hagdan nang may tumawag sa akin. Sumabay pa si Payton sa aking lakad sa hagdan.

"You're looking for Enoch?"

He asked.

Saglit akong natigilan bago tumango. Nagpatuloy uli ako sa paglalakad. Muli, sumunod sa akin si Payton.

Nasaan ba kasi si Madam? Sa akin na naman tuloy bumubuntot itong sugar baby niya!

"Why are you following me again?"

Biglaan kong harap ko kay Payton nang nasa pinaka huling baitang na kami ng hagdan sa ikalawang palapag.

Gulat siyang napaatras habang ako at patuloy ang pag abante palapit sa kaniya.

Mas inilapit ko ang aking katawan at mukha sa kaniya hanggang sa napasandal na siya sa railing ng hagdan.

"You won't stop pestering me, don't you?" inis kong bulong at napalunok naman siya habang titig na titig sa akin. "Sunod ka nang sunod! Kapag ako ay pinalayas ni Madam dito sa MeiLo dahil sa kalandian mo—"

"At... bakit ka palalayasin, e isa ako sa may ari nito?" bigla niyang putol sa akin na siyang ikinatigil ko. Napaisip ako dahil doon.

Kinuba ni Payton ang tyansa na iyon at mabilis siyang kumawala sa akin.

He chuckled and stood proudly. Like he wasn't frightened of me a few seconds ago.

"Come to think of it, Shawny. MeiLo. It won't be like that for nothing," he added.

"And what's with Lo?" tanong ko.

Umatras ako at sinulyapan ang unang palapag. Nakita ko ang mabilis na pag iwas ng tingin nila River nang makita na lumingon ako sa kanila.

"Lopez. River's my parter in building this house. Which means, you own this place, too, because you are my—"

"I'll be going now. I have to look for Doc Elle's—"

"I'll help you, then," mabilis niyang sabi.

Natigilan ako at saka siya sinulyapan. Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit? I don't even get it, you being here? Ang sabi ni Render ay date ito ng may mga asawa."

Bwelta ko.

Pinakatitigan niya ako bago siya tumango.

"You're my wife. I own the place. What's wrong with me being here—"

"Stop with your fantasies," umiling ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Sumunod na naman ang asong si Payton. Naiinis na ako.

"Will you, please, believe me?" mahina niyang pakiusap.

"And if I believe you? What would I do? Push myself to believe that I'm still so in love with you? You would settle for less?" I fired. Doon siya natigilan.

His lips stick together. I saw how pain walked its way through his eyes.

Napaiwas ako ng tingin doon.

"Yes. I would settle for less," he replied seriously.

Inis ko siyang nilingon. I sighed frustratedly.

"I'd rather bend and break than never have you at all," mariin niyang sabi at lumapit sa akin. I saw how his fists clenched. He breathe heavily. "Yes, Shawntell. I would settle for less than have you gone without trying at all."

Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na niya ako. Naglakad na siya pabalik sa hagdan. Pababa na ulit.

"Bakit ako umalis sa'yo?" lakas loob kong tanong.

Alam ko naman ang kasagutan.

Umalis ako kasi alam kong masasaktan sila kapag mas nanatili ako at hindi naman sila naaalala. Nakaka offend 'yon.

Natigilan si Payton sa paghakbang pababa ng hagdan. Nanatili siya nakatalikod. I saw how his shoulder went down.

Nilingon niya ako kalaunan. "I made a huge mistake."

Humakbang si Payton palapit pero nanatili siyang malayo. Tumayo siya sa aking harapan. Kinakabahan at titig na titig sa akin.

"W-what mistake is it?" napalunok ako. Nakita ko rin ang paglunok niya. Napaatras pa siya ng bahagya.

"I... I cheated on you."

Like a bomb, that bombarded my whole system.

Hindi ko alam kung bakit tila nabingi ako gayong alam ko naman na wala akong nararamdaman sa kaniya.

Tumango ako nang makabawi. "I left because of that?"

That's nonsense.

"No. You left because..." tensyonado niyang sabi. Nakita ko ang mas tuminding kaba niya. Tinitigan ko lang siya. Nag iwas siya bago nagsalita ulit. "You left because you wanted me to become a responsible father —"

"O-okay, Payton."

Para akong nanlamig bigla dahil alam ko na ang sasabihin niya.

Mabilis akong tumalikod at naglakad na ulit.

"H-hindi ako nagkaanak sa iba, Shawntell, trust me," pahabol niya na hindi ko na lang pinansin.

He's confusing. Matapos sabihin na kailangan niyang maging responsableng ama ay saka sasabihin na hindi siya nagkaanak sa iba.

How could he say that?

Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Enoch. Nahanap ko siya sa balcony sa second floor. Mag-isang nakaupo roon at may nilalarong bulaklak.

"Hi," bati ko sa kaniya at naupo sa upuan na malapit.

Natigilan siya sa kaniyang ginagawa at saka ngumiti sa akin.

"Pasensya na po kayo sa attitude ko," she said shyly again. She pouted right after. Muling nagpatuloy sa paglalaro ng bulaklak.

Kagaya iyon ng hawak kanina ni Render.

Baka nakita niya na malungkot ang bata kaya binigyan ng ilang pirasong bulaklak.

"It's okay. I understand," ngumiti ako.

Saglit pa kaming nag-usap ni Enoch sa balcony bago ko siya nakumbinsi na bumalik na sa baba dahil ang mga kalaro niya ay nasa kusina.

"Pasensya ka na talaga at naabala ka pa ni Enoch," ngumiti sa akin si Elle.

"Ayos lang. She's a good girl. Napahiya lang kanina kaya nag walk out," ngumiti rin ako sa kaniya.

"She's so kind and soft. Mana sa ama ng ugali."

"Pero mana sa'yo kung paano kumilos," tumango kaming parehas.

Narito kami sa may pintuan ng kusina. Biglang lumapit si Elle kaya naman napakwento na ako.

"Hi, Shawny!"

Napalingon ako nang may babae na biglang pumasok sa kusina. She's not tall but average.

"I'm Shanne Rivan. Rom's wife," she added and offered her hand.

Tatanggapin ko na sana iyon kaso lang ay bigla niya akong hinigit at niyakap. "We're so glad to see you," she whispered.

"Hi! Astrid here! I am Reeg's and he is mine, too!"

Masiglang bati naman ni Astrid at mabilis akong niyakap.

"Girl, you're so ingay talaga," umiling si Shanne at saka kumapit sa braso ni Astrid. Si Elle naman ay nakitawa at tumango.

"Si Enoch ay pinaiyak na naman ni Andy," umiling si Elle.

Si Astrid naman ay napabuntong hininga. Namewang kalaunan.

"Ewan ko ba riyan sa bata na iyan! Kay Enoch lang naman masungit."

"Pansin ko nga," tumango si Elle.

"Baka crush ni Andy si Enoch kahit si Bryce ang bukambibig! I heard him and Thad! Ang sabi ay naiinis daw s'ya when Enoch's around," maarteng sabi ni Shanne.

"Buti kayo at may mga anak na. Masaya ba?"pagsali ko sa kanilang usapan. Natigilan sila dahil doon.

Nagkatinginan  ang tatlo. Si Elle ang sumagot. "Masaya naman, Shawntell."

Matapos ang aming usapan ay tumulong na rin kami sa paghahanda ng pagkain. Kami ni Astrid ang naghugas ng pinggan habang sila Elle at Shanne naman ang nagligpit.

Dumating ng hapon ang mga kasamahan ko. Saglit na nagpahinga bago nagkayayaan na maglaro sa kagubatan.

"Ikaw, Klary, sasali ka?!"

Tawag pansin sa akin ni Kira nang mag uumpisa na sila.

"Hindi muna. May lilinisin pa ako," umiling ako.

Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Rendero na ngayon ay kasali sa mga nakabilog. Naroon din sila Jacos, River, at Rom. Kasama ko naman si Elle. Si Payton ay nakita kong kasama kanina ni Madam na umalis gamit ang sasakyan ni Two.

Baka susulitin ang araw ng mga puso.

Nag umpisa silang maglaro habang ako naman ay inayis ang sala. Naging abala naman sila Elle sa kani-kanilang mga anak. Si Shanne ay kasama ang kambal sa balcony. Nakita kong nag de-design sila ng kung ano roon. Marunong na ang dalawang bata.

Lumipas ang halos isang oras. Natapos ang laro nila sa gubat at mga pagod ngayon na nakauponsa damuhan. Sila Astrid ay dinaluhan ang asawa at inabutan ng tubig at pamunas. Ako naman ay narito sa gilid at katulong ni Ate Betty sa pag aayos ng mga halaman na didiligan.

"Ayun oh!"

Muli akong napalingon sa kanila nang marinig ko ang hiyawan.

Nangunot ang aking noo noong una pero napailing at napangiti rin kalaunan.

"Sayang iyang dalawa. Ang komplikado nga lang," biglang salita ni Ate Betty. Tumango ako.

Nilingon ko ulit si Two na kasalukuyang nag aabot ng bulaklak kay Kira. Kitang kita ang pagkagulat ni Kira dahil doon. Kita rin kung gaano siya napasaya noon pero pinipigilan ang emosyon.

Bumalik ako sa aking ginagawa at ipinagpatuloy na lang iyon. Hindi ko na nakita si Payton buong maghapon dahil naging abala rin naman ako. Wala na rin si Madam.

I hate how my brain forgets everything and how my heart reminds me of the things that I should really forget. They're contradict.

Kung alin pa ang siyang gusto kong ibaon sa limot ay siya naman itong nagsusumiksik sa akin.

Natapos ang maghapon. Umalis na lang at lahat sila Elle pero hindi pa rin nabalik si Payton.

Ayaw ko ng nangyayare.

Ayaw ko ng isipin na naghihintay ako sa pagbabalik niya gayong imposible iyon.

"Klary, pakisara na nga ng gate at baka bukas na ang balik ni Madam," utos sa akin ni Ate Betty. Sila Kira naman ay abala na sa paglilinis uli dahil nagkalat sila matapos ang laro

Tumayo ako mula sa prenteng pagkakaupo ko sa sofa at mabilis na sumunod sa utos. Nakita kong tumayo rin si Render at pumunta kung saan. Hindi ko na iyon pinansin at lumabas na lang.

Naisara ko na ang isang gate nang may tumigil na sasakyan sa may hindi kalayuan.

May ilaw iyon kaya nahirapan pa akong alamin kung kanino. Napagtanto kong kay Payton iyon nang bumaba siya mula roon dala ang malaking bouquet of flowers.

"Hi," panimula niya.

Hindi na ako nagulat nang iabot niya sa akin ang bulaklak.

Saglit ko iyong tinignan bago tanggapin. Pasimple kong nilingon ang kaniyang sasakyan dahil mukhang wala sa plano niya ang ipasok iyon.

"Ano... uh..." napakamot pa siya sa batok at tila hiyang hiya na akala mo ay isang teenager. "Happy Valentine's day," he added.

Tumango ako at niyakap ang bulaklak. "Salamat."

I bit my lower lip and stares at him for a bit.

"Ano... uh, isasama sana kita sa date kaso... noong nagpaalam ako kay Jabz ay... hindi siya pumayag. Hindi ka raw pwedeng ilabas dito," he sighed. Halatang nahihiya. Nag iwas pa ng tingin sa akin.

Tumango ako. "Hindi rin naman ako sa'yo sasama kahit pumayag si Kuya," I smiled plainly.

Napalunok siya at halatang nahiya. Tumango kalaunan.

"At saka hindi rin ako handa. Wala akong damit na pang porma," dagdag ko.

"Ayos lang naman kahit anong suot mo. Sobrang ganda mo naman," kunot noo niyang sabi.

Siyempre, tumango ako.

"Alam ko. Pero ang sinasabi ko lang ay wala akong planong sumama sa'yo."

Nang marinig ni Payton ang aking sinabi ay mas kumunot ang noo niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumawa siya at tumango.

"Same old Shawntell," he smiled at me genuinely. Napatitig ako sa kaniya dahil doon. Hindi ko maiwasang mapangiti rin.

"Hindi ka na papasok? Uuwi ka na?" pag iiba ko ng usapan.

He bit his lower lip and nodded. With a hint of another smile.

"Kung gusto mo lang naman na tumira ako d'yan—"

"Goodbye, Payton. Thanks for the flowers," ngumiti ako at nag-umpisa nang maglakad papasok ng gate. Narinig ko ang pagtawa niya.

Naisara ko na ang gate kaya naman lumapit siya sa gate and leaned on it. Tinitigan ako.

"Can I ask you something?" tanong niya.

"What?" tanong ko at inilagay na ang padlock sa gate.

"Can I court you?" bigla siyang kinabahan. "I'm your husband, I know, but I would like to start from scratch just to have your feelings again," pakaiusap niya. Hindi nilulubayan ng titig ang aking mga mata. Naiilang ako.

"You know it's impossible. I forget things so easily. Hindi ko maaalala ang nararamdaman ko—"

"Ayos lang," agap niya. He then gulped. "Kung kinakailangan na araw-araw ko sa'yong iparamdam ay ipaparamdam ko kahit paulit-ulit."

Natigilan ako sa sinabi ni Payton. Saglit ko siyang pinakatitigan bago ako tumalikod na at naglakad na papasok ng MeiLo.

"What, Shawntell? Please?"

Habol niya nang malapit na ako sa balcony. Nasa labas pa rin siya.

Nag isip ako saglit bago siya hinarap.

Slowly, I nodded.

"Make me remember you," sagot ko.

Natulala siya saglit bago sunod-sunod na tumango.

"Yes. I won't promise but I'll do it. Thank you!"

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero... masaya ako.

Nakaalis na at lahat-lahat si Payton pero heto pa rin ako at nakatulala sa labas ng MeiLo. Natigil lang iyon nang may umubo sa aking gilid.

"Mukhang handa ka na uli para sa kaniya, ah," it was Render.

Nasa gilid siya ng bahay at nakasandal. Kalaunan ay naglakad na papalapit. He's wearing a hoodie jacket with a pocket in the front. Naroon ang isang kamay niya at nakatago.

"Hindi ko lang alam kung ganoon pa rin hanggang bukas," ngumiti ako.

Sinulyapan ko saglit ang kaniyang bulsa. Lumalabas na kasi roon ang dahon ng kaniyang bulaklak.

Hinawakan ko naman ng maayos ang bulaklak na dala ko saka ako ngumisi kay Render.

"Natorpe ka? Hindi mo naibigay 'yang bulaklak mo?"

Akma kong hahawakan ang kaniyang kamay na nakatago pero mabilis siyang umatras. Kita ko ang kaba sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at inilabas ang bulaklak na kagaya noong bulaklak kanina ni Enoch.

"Hindi naman ako natorpe," he pouted. Umiwas ang tingin sa akin. "Nahiya lang ako na ibigay kasi ang ganda ng hawak... mo... na bulaklak ngayon. Halatang mamahalin."

Napanganga ako nang maunawaan ko ang kaniyang sinasabi. Tumango ako kalaunan.

"That's fine. Those are still flowers and will be given to... me genuinely," ngumiti ako.

Mas napakamot si Render sa kaniyang ulo at saka iniabot sa akin ang bulaklak. Tinanggap ko iyon.

Medyo lanta na pero amoy ko pa rin naman ito.

"Salamat. Much appreciated," ngumiti ako.

"Happy Valentine's day, Klary!" he smiled.

I smiled back. "Happy Valentine's day, too."

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 157 24
Band Series #2 || Traumatized by daunting experience, Yzel cannot withstand the touch of a man and found herself setting boundaries with them. Nihan...
113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
309K 9.7K 44
SG President Adina Balmori was uptight and too formal. She grew up believing that she shouldn't settle for imperfections because she had an image to...
164K 5.4K 33
3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang...