Fire Me Up, Second (BXB) [COM...

By lorenzoism

244K 14K 3.3K

(Numero Series #2) "Magiging CPA rin ako" is the personal mantra of Crist Second Estevar. To be a Certified P... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (Part 1 of 2)
Numero Series 3

Chapter 28

4.1K 310 40
By lorenzoism

FMUS | CH28

"So, mag-isa ka lang talaga?'

Tumango ako. "Kinakaya ko naman. Malungkot minsan pero okay lang. Naiintindihan ko naman na para rin sa 'min 'yun. Kaya tinitipid ko rin ang pera kasi parang nako-konsensya akong gumastos nang gumastos. Sabi ni Mama, 'wag ko raw tipirin ang sarili ko pero hindi ko mapigilan. Alam ko kasing mahirap magtrabaho," kwento ko.

Naka-titig lang siya sa akin habang nagke-kwento ako. Ramdam ko talaga na nakikinig siya sa bawat salitang sinasabi ko. Paunti-unting nawawala ang intimidation ko sa kanya dahil sa senior ko niya.

"You amaze me," sambit niya.

"Mas nakaka-bilib ka. Dami mong pinagsasabay-sabay gawin. Accounting palang nga e sobrang loaded na agad sa gawain tapos nasa Student Council ka pa," sagot ko. Madalas ko siyang makita na may mga kausap na estudyante at prof. At tuwing nakikita ko siya sa hallway, madalas ay may mga dala siyang folders at minsan nga ay kahon pa.

Marami akong gustong sabihin kasi bilib talaga ako sa kanya nguni't pinili ko na huwag banggitin 'yung sa pamilya nila dahil nakita ko mismo na sobrang bigat ng pressure na binibigay sa kanya nina Tito Arthur. Baka kasi ayaw niyang mapag-usapan. 'Di ko rin alam. Ang gusto ko lang ay maging sigurado ako sa mga sasabihin ko kasi hindi lang naman ako ang may problemang dinadala. Pati 'yung iba ay meron din sadyang hindi lang natin alam kasi 'di natin napapansin at madalas ay pinipili nilang 'wag nalang sabihin.

"I'll accept that, sure. But we have different battles and you're still amazing. I can't even imagine myself being a million miles away from my parents. I live separately but still, your situation is unbearable for me."

"Hiwalay ka?" tanong ko.

"Yeah. I already have my own place. Gusto ko lang maging independent—kind of," sabi niya at medyo natawa. "That's why I envy how good you are at handling things."

"Kaya mo rin naman."

Nagkibit-balikat siya. "Maybe?"

"Kaya mo rin. Magaling ka."

"Thank you," sagot niya saka kumain ng pasta niya. "Na-i-intimidate ka pa rin ba sa 'kin?" biglang tanong niya.

Uminom muna ako ng tubig sa baso ko bago sumagot. "Konti. 'Di ko kasi maiwasan."

"What should I do?"

"Bakit?" tanong ko.

"Para 'di ka na ma-intimidate."

"Okay lang sa 'kin. Ikaw 'yan. Hindi mo kailangang mag-adjust."

Tinignan niya ako nang diretso. "You're really a kind person. Noon palang pansin ko na 'yan sa 'yo."

"Parang hindi naman. Meron din akong mga maling nagagawa at nasasabi."

"Can we be friends?"

Tumango ako. "Magkaibigan na tayo."

"I mean, a kind of friends who talk like this and hangout without minding that someone might get mad." Medyo kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. "You know, Alli..." dagdag niya.

Napa-ngiti ako nang pilit. 'Yun pala ang tinutukoy niya. "Wag kang mag-alala. Bukod sa pagiging senior namin sa BSA ay kaibigan na rin kita," sagot ko.

"Walang magagalit sa 'yo?"

"Wala na. Hayaan mo na 'yun."

Sandali siyang nag-isip habang naka-tingin sa akin. "Is there a problem between you and—" biglang siyang tumigil. "Sorry. It's not my place to ask."

"Hindi kami maayos," pag-amin ko.

At kailanman hindi na.

Mabuti nalang at nagbago na rin siya ng topic. Naramdaman niya siguro na hindi ako okay na mapag-usapan ang tungkol doon.

Sabi nila, kung gusto mo raw maka-move on ay kailangan mong marinig at banggitin 'yung issue madalas na parang normal na bagay lang. Pero para sa akin, masyado pang maaga para paulit-ulit kong sariwain ang pangalan niya. Hinog pa rin ang sugat. Kailangan ko pa ng oras para roon at alam ko naman na magiging maayos din ako.

"Thank you," sabi niya pagkalabas namin ng restaurant. Napa-himas ako sa tiyan ko dahil masyado yata akong nabusog sa mga kinain namin.

"Salamat din."

"Uuwi ka na?"

Tumango ako dahil wala na rin naman na talaga akong ibang pupuntahan pa. Ang plano ko ay bibili lang sana ng libro. Pero mabuti na rin na nakita namin ang isa't isa dahil pakiramdam ko ay nakapag-unwind din ako dahil kay Fino. Ang dami naming napag-usapan na dalawa.

"Uuwi ka na rin?" tanong ko.

Tumango siya. Pansin kong may gusto pa siyang sabihin kaya hindi ako makapag-paalam sa kanya. Ang sama naman yata kung iiwan ko agad siya sa kabila ng pagiging mabait niya sa 'kin.

"May gusto kang sabihin?" tanong ko na lang habang kaharap ko siya. Naka-tingin lang siya sa akin na parang pinag-iisipan pa niya ang sasabihin.

Huminga siya nang malalim. "Can I have a picture with... you?" tanong niya.

Ngumiti ako. "Okay."

"Okay?" napa-kurap siya.

Tumango ako. "Okay. Tara."

Mabilis niyang kinuha 'yung cellphone niya sa bulsa. Tumabi siya sa akin at saka kami nag-picture nang magkasama.

"Thanks, Estevar."

"Ingat ka sa pag-uwi," sabi ko. Kumaway pa ako sa kanya upang magpaalam na saka naglakad paalis nguni't bago pa man ako tuluyang maka-layo ay nagulat ako nang patakbo pala siyang sumunod sa akin. Tinignan ko siya nang nagtatanong habang naglalakad kami nang magkatabi.

"You're going to the parking, right?" tanong niya na tinanguan ko. "Sabay na pala tayo. I almost forgot that my car is there, too."

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nagpahinga. Nang magaan na ang tiyan ko ay saka ako umidlip saglit dahil pagkagising ko ay mag-aaral na ako. May ulam pa naman doon sa ref kaya hindi ko na kailangang magluto pa, iinitin ko nalang 'yun sa microwave.

Pagkagising ko ay chineck ko ang listahan ng mga gagawin ko lalo na ang mga petsa ng deadline. Ang dami na naman agad. Tatapusin ko 'yung mga kaya ko ngayong weekend dahil siguradong madadagdagan na naman sila sa susunod na Linggo.

Habang naka-upo ako paharap sa study desk ko ay naka-ramdam ako ng uhaw kaya awtomatiko kong inabot 'yung tumbler na nasa ibabaw rin ng lamesa. Kukunin ko na sana iyon upang palitan na ng tubig dahil noong isang araw ko pa iyon huling pinalitan nang ma-realize ko na iyon 'yung bamboo tumbler na binili para sa akin ni Alli.

Agad na bumigat ang dibdib ko sa alaala na parang nag-flashback sa utak ko nguni't kinuha ko nalang din. Bumaba ako sa kitchen at itinago iyon sa drawer. Sumagi sa isip ko na itapon nalang pero hindi ako ganung klaseng tao—na basta-basta nagtatapon na lang kapag hindi na kailangan.

Kinuha ko nalang 'yung isa sa mga tumbler ni Alonzo para iyon nalang ang gamitin ko rito sa bahay. Meron pa namang akong isang tumbler na dinadala ko sa school.

* * *

"Nakaka-usap mo 'yun?" tanong ni Jorah habang naglalakad kami palabas ng building nila Beatrice. Nagpasama kasi si Hugo. Ewan ko ba sa kanya. Samahan daw namin siya dahil wala naman daw klase. Tumambay lang kasi saglit.

"Minsan lang pero nakaka-salubong ko rin 'yun madalas."

"Tell him na isang lapit niya pa sa 'kin e sasakalin ko na talaga siya," seryosong sabi ni Jorah.

"Sasakalin mo si Nile? Grabe naman! Mahal ka lang nung tao, Jorah," sagot ni Hugo.

Habang naglalakad kami pabalik sa building namin ay hindi namin napansin na mapapadaan nga pala kami sa College of Science. Hindi ko na rin napansin dahil nakikinig ako sa mga kwento ni Hugo tungkol sa mga alaga niya raw na guinea pig sa bahay nila.

"Balik na tayo. Doon tayo sa kabila dumaan. 'Wag na dito," pigil ni Hugo.

Wala sa aming nagsalita dahil hindi na siguro kailangan pa ng paliwanag kung bakit kailangan naming umiwas sa parte na 'to ng campus. Tumalikod nalang kami at nag-iba ng daan nguni't huli na ang pag-iba namin ng direksyon.

"Bilisan nalang natin," seryosong sabi ni Jorah habang patuloy kami sa paglalakad.

Naramdaman ko ang kamay ni Hugo na humawak sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa kanila ni Jorah habang naglalakad kami sa pathway. Humugot ako nang malalim na hininga nang mas lalo ko pang matanaw na sa kabilang dulo ng dinadaanan namin ay si Alli na may apat na lalaking kasama.

Tahimik lang kaming tatlo. Halos pigil-hininga ako nang maka-salubong namin siya. Pinilit ko ang sarili kong 'wag na siyang tingnan pa dahil wala namang maidudulot na maganda kong ipupukol ko pa ang mga mata ko sa kanya. Dahil sa tuwing pumapasok ang imahe niya sa utak ko, isa lang ang nararamdaman ko... 'yung sakit kung paano niya ako sinasaktan nang paulit-ulit.

Hindi ko masabi kung nakita niya rin ba kami pero malaki ang posibilidad na ganoon nga dahil kami lang naman ang naglalakad pasalubong sa kanila. Nilagpasan namin ang isa't isa na parang wala lang nangyari. Na parang hindi kami magkaka-kilala. Na parang hindi kami naging masayang apat. Hindi ko maiwasang manghinayang.

Na parang kahapon, okay pa.

Kinabukasan, biglang hindi na.

Walang nagsasalita sa aming tatlo hanggang sa maka-balik kami sa building namin. May kung anong bigat sa dibdib ko dahil hindi ko maiwasang hindi isipin na baka nga kasalanan ko talaga kung bakit kami naging ganito.

Tumigil ako sa paglalakad sa kalagitnaan ng hallway. "Sorry," sabi ko sa kanila.

Tumigil din silang dalawa sa paglalakad at hinarap ako.

"It's no one's fault, Crist. 'Wag kang mag-sorry. It was his choice to be an asshole. Hindi siya kawalan," sagot ni Jorah.

Ngumiti sa akin si Hugo. "Magiging okay rin tayong tatlo," sabi niya.

Tumango ako sa kanilang dalawa at nagpatuloy na kami sa paglalakad. May bigat pa rin sa dibdib ko dahil hindi ko maitatanggi sa sarili ko na may parte pa rin sa mga nangyari na kasalanan ko.

* * *

"Ilan score mo?" tanong ni Hugo.

Napa-tingin ako sa papel ko. "8 lang."

Sandaling natahimik si Hugo habang naka-titig sa akin dahil sa gulat. "Seryoso? Gago, baka lahat tayo bagsak. 5 lang tamang sagot ko." Bumaling siya kay Jorah. "Ikaw? Ilan score mo?"

"9. Tangina," sagot naman niya.

"Shit. Sana hindi ako ang lowest. Nakaka-hiya."

Tahimik nalang akong napa-titig sa papel ko. 8 lang ang score ko out of 45 items. Bigla akong na-disappoint sa sarili ko. Nag-aral naman ako o siguro kulang pa 'yung ginawa ko. Dapat yata chineck ko nang paulit-ulit 'yung mga solutions ko. Hindi naman ito 'yung una na bumagsak ako pero nakaka-disappoint pa rin. Nakaka-baba ng tingin sa sarili.

"Kahit isa walang pumasa. Ni walang umabot sa kalahati," mariing sabi ni Sir Fabian. Tahimik ang buong block namin. "Nag-aral ba kayo o binasa niyo lang pero hindi niyo inintindi?" Sandali akong napa-tungo. "Paano kayo aabot ng 3rd year niyan? Hindi na kayo mga 1st year students." Halata ang stress sa mukha ni Sir nang tignan niya ang record na hawak-hawak niya at ini-scan iyon. "Highest score, Miss Muestro, 13 out of 45."

Tinanaw ko si Haily na sa parteng unahan naka-upo. Tahimik lang din siya at bahagyang naka-tungo. Siya ang pinaka-bihira sa aming bumagsak sa block. Siguro ganoon nga talaga kahirap 'yung quiz.

"Class dismissed," galit na anunsyo ni Sir Fabian nguni't tila hinintay muna namin na mauna siyang lumabas ng klase bago kami kumilos.

Nang maglabasan kami ay halos walang nagsasalita sa amin. Siguro lahat sa amin ay disappointed sa kinalabasan ng score. Major subject din kasi. Nang makita ko ulit si Haily ay tahimik siyang lumuluha palabas ng klase sukbit ang bag niya. Naalala ko 'yung kwento niya na ililipat siya ng program ng magulang niya kapag bumaba ang grades niya.

"Uwi na 'ko," paalam ni Jorah.

"Ako rin. Ikaw Crist?" tanong ni Hugo.

"Mauna na kayo. Pahinga muna ako," sagot ko. Gusto ko sanang ngumiti kahit kaunti lang nguni't parang ang bigat para sa labi ko na gawin iyon.

Pumunta nalang ako ng library para doon magpalipas ng disappointment sa sarili ko. Kung didiretso kasi ako sa bahay ay mag-isa lang ako kaya iisipin ko lang lalo iyon hindi katulad dito na mayroong ibang estudyante akong makikita.

"Drained?" rinig ko.

Napa-angat ang ulo ko na naka-patong sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko talaga alam kung ano'ng eksaktong gagawin ko rito. Gusto ko na lang munang magpahinga sa dami ng nangyari buong araw. Sobrang nakaka-pagod.

"Fino," banggit ko sa pangalan niya.

Ipinatong niya ang librong dala niya sa table. Hinila niya ang upuan na malapit sa kanya at saka naupo patabi sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Nakaka-pagod," reklamo ko.

"Feel free to tell me anything," sabi niya habang naka-tingin sa akin na parang naka-handa talaga siyang makinig sa kahit ano'ng reklamo ko.

Bumuntong-hininga ako. "Kay Sir Fabian, bumagsak kaming lahat sa long quiz niya. Kaninang umaga sa Economic Dev, muntikan na akong walang maisagot sa quiz. Bukas, deadline na ng financial statement analysis namin tapos hindi ko pa tapos ang interpretation. May readings pa ako sa taxation mamaya kasi palagi na lang may recit. May report pa ako about auditing theory na kailangang aralin. Bukas may dadagdag na naman," reklamo ko at napa-hinga na naman nang malalim dahil pagod na talaga ako.

"You need time to rest."

"Para kasing kapag nagpahinga ako, sobrang sayang ng oras."

"Taking care of yourself isn't a waste of time. You have to breathe when you feel you're tired," pangaral niya at binigyan ako ng malambot na ngiti. "The absence of rest will only intensify your frustration—it's a further burden."

"Hindi ko na alam..."

Ginulo niya ang buhok ko habang naka-ngiti sa akin.

"Come on, Crist. Hindi matatapos ang mga gawain mo kung tutuloy ka na wala man lang pahinga." Tumayo siya. "If you want to rest, I'll bring you somewhere na alam kong magugustuhan mo."

"Saan naman?"

"You want to rest?"

Tumango ako.

Pagkatapos noon ay namalayan ko nalang ang sarili ko na kasama siya papalabas ng library at ng building.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang nasa parking na kami.

"We'll have a coffee but it's not the usual place," sagot niya.

Napag-usapan namin na iwan ko nalang ang kotse ko sa bahay. Pumayag nalang din ako dahil hindi ko rin naman alam kung saang lugar ang tinutukoy niya na pupuntahan namin. Basta raw ay maganda roon at siguradong makakapag-pahinga ako kahit sandali lang.

"We're here," sabi niya.

Bumaba kami ng kotse at umakyat ng hagdanan. Umakyat lang kami nang umakyat saka ko napagtanto na nasa mataas pala kaming parte na lugar kung saan kita ang mga bundok at ang siyudad ng Cebu.

"Ang ganda," mangha na sabi ko habang tinatanaw ang view. Kitang-kita ko ang kulay kahel ng langit dahil palubog na ang araw. "Fino, sobrang ganda rito." Napa-ngiti ako sa kanya. Naka-tingin lang din siya sa akin.

"I'm glad you're liking the place," sagot niya at tinanaw din ang view. "It's also my first time being here."

"Seryoso?" tanong ko.

"Yeah, I just saw this place on a Facebook post. Maganda pala talaga."

Umukupa kami ng table at saka umorder ng kape. Hindi ko alam na may ganito palang klase ng coffee shop dito. Bagong bukas lang din daw kasi 'to.

"May mga gagawin ka rin yata," sabi ko sa kanya habang magkaharap kami.

"I'm already tired, too. And it would be nice to have a rest with you," sabi niya. "Nakaka-sawa ng magpahinga nang mag-isa."

Ngumiti ako. "Bilisan din natin, ha?" paninigurado ko sa kanya.

"Yeah but we'll only leave kapag okay ka na ulit para mag-aral."

Nagkape kami at tumayo rin upang magtungo ulit sa deck para tanawin ang view ng lugar. Madilim na kaya kitang-kita ang mga city light sa ibaba. Sobrang namamangha ako kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at kinuhanan iyon ng litrato. Aayain ko rito sina Hugo kapag may free time kami.

"Crist," tawag niya.

Tumingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"I want to tell you something," seryosong sabi niya.

"May problema ba?" tanong ko.

"This might sound weird to you but I am hoping that soon, you can treat me more than a senior and more than a friend."

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 536 36
[NOTE: THIS IS A BL STORY] Kevin has a creative imagination that leads him to keep inspired in everything, living with his friend in a dorm to study...
374K 14.8K 36
Ever since they were little, he has this confusion feelings towards to that innocent looking boy. Growing up, he didn't realize that he have already...
8.7K 381 48
Wala sa plano ni Hurace na ma-in love kanino man, mapa babae o lalaki man. Kontento na siya na may magulang siya kahit pa pareho itong lalaki. He doe...
53.6K 2.1K 55
Tagalog-English BL - When Severino "Seven" Almaria's parents passed away, his late mother's best friend took him in, welcoming him into her home alon...