The Night We Met in Intramuros

By Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

11

12 5 0
By Savestron

THE MAP OWNER

"BUMANGON ka na riyan, kakain na tayo." Naaninag ko sa pintuan si Allestair nang nagmulat ako.

Tumango lang ako sa kaniya saka nag-inat ng mga braso at mga binti. "Sige, susunod na ako. Kumain na kayo, 'wag niyo na akong hintayin."

"Bilisan mo kasing kumilos." Sumilip si Jiovanni mula sa maliit na awang ng pintuan.

Maaliwalas ang umaga. Paglabas ko ng kuwarto, nag-toothbrush ako at naghilamos. Sa hindi malamang dahilan, nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako bumangon-at iyon ay para kumain. Pagkatapos kong maghilamos, naglakad ako palabas ng bahay.

"Sa'n ka pupunta? Kakain na, bakit aalis ka pa?" sita ni Jiovanni sa 'kin habang nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin at mag-isa akong naglakad papuntang kalsada na ni isang sasakyan ay wala pa akong nakikitang dumaan mula nang dumating kami rito. Ramdam ko pa ang lamig ng kalsada dahil sa hamog. Mamasa-masa pa ang mga damo at dahon ng mga puno.

Para akong timang na naglalakad sa gitna ng daan. Hanggang sa isang piraso ng papel ang nakita kong inilipad ng hangin at bumagsak sa harapan ko. Tila isang love letter ito na halos kalahati ng papel ay sunog. Marahan kong kinuha ang papel mula sa kalsada saka ito pinagmasdan. Malabong-malabo na ang mga letrang nakasulat, dahilan upang hindi ko na ito halos mabasa. Ngunit sa lahat ng nakasulat sa papel, tatlong letra ang nangibabaw sa lahat: L.V.J.

Napaisip ako saglit. Hanggang sa maalala ko ang panyong ipinakita ni Allestair na galing sa lolo niya. May L.V. J. din na nakaburda roon. Isa na ba itong clue?

Napailing ako at pilit na kinumbinsi ang aking sarili na wala itong ibig sabihin. Paglingon ko sa letter ay tila tuluyan na itong nasunog sa aking kamay pero hindi ko ramdam ang init ng nag-aapoy na papel. Itinaas ko ang aking tingin sa mahaba at mahamog na daan kaya hindi ko makita ang malayong bahagi ng kalsada. May nakaputing dalaga na tumatakbo nang nakapaa. Nakasunod sa kaniya ang isang lalaki na sa palagay ko ay kasintahan niya. Nang mag-abot ang kanilang mga kamay ay niyakap nila ang isa't isa saka hinalikan ng binata ang kamay ng dalaga. Masaya silang nagsayaw.

Humakbang ako palapit sa kanila at nakita kong masaya't tumatawa silang dalawa pero hindi ko iyon naririnig. Limang metro na lamang ang layo ko sa kanila. Laking gulat ko nang isa pang hakbang ay bigla na lang silang naglaho na parang usok.

Biglang nagdilim ang paligid kaya pinilit kong tumakbo pabalik sa bahay ni Allestair pero bigla akong dumilat. Hindi ko pala talaga nakikita iyon.

Hawak-hawak ako ni Jiovanni sa balikat habang niyuyugyog ako. "Okay ka lang ba? Ano'ng nangyayari sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Lumingon ako at nakitang nasa likuran ko si Allestair. Napakabigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makahinga at nahihilo ako. Para akong tutumba. Pagkatapos, hinawakan ako ni Allestair sa balikat at inalalayan ako pabalik sa loob.

Ipinagtitimpla ako ni Jiovanni ng kape sabay tanong ng, "Ano'ng nangyari sa 'yo? Alam mo bang ten minutes kang nakatayo sa gitna ng kalsada habang nakapikit? 'Tapos hindi ka gumagalaw at ayaw mo ring dumilat kahit niyuyugyog na kita nang malakas," aniya.

"Nakatatlong sampal nga pala ako sa 'yo, kaso hindi ka nagising," biglang sabi ni Allestair.

"Ten minutes?" Tumingin lang ako sa kanila, naguguluhan.

"Ten minutes and forty-nine seconds, to be exact," sagot ni Jiovanni.

Napangisi ako sa sobrang pagkamangha at pagtataka. "Wala akong naramdaman. Gising ang diwa ko pero hindi ko alam na nakapikit pala ako. Imagination. Panibagong imahinasyon ko na naman 'yon," paliwanag ko at mukhang naniniwala naman sila sa akin.

"At pinaka-weird na ginawa mo, parang tanga ka na pumunta sa gitna ng daan. Ginawa ka na naming punching bag pero walang effect, pikit na pikit ka pa 'tapos naka-straight body," dugtong ni Jiovanni habang ginagaya kung paano ako tumayo kanina. Sira-ulo talaga.

"Okay ka naman?" tanong ni Allestair. Tinanguan ko naman siya at saka ako naupo sa sofa.

"Tuloy ang Ilocos Sur trip mamaya?" Tiningnan ako ni Jiovanni at hinintay kung muli akong tatango. Lumingon ako sa kaniya at saka kumindat bilang tugon sa tanong niya.

***

HABANG naghuhugas ng pinagkainan, napatingin ako sa cabinet malapit sa lalagyan ng mga plato. Nakita ko ang isang framed picture ng isang pamilya. Dalawang anak na lalaki, nanay, at tatay. Si Allestair ang isa sa mga anak na nasa litrato. Kung kapatid niya iyon, bakit parang magka-edad sila? Parehas sila ng shorts at damit. Magkamukha rin sila. Hindi kaya may kakambal si Allestair? Kung mayro'n, nasaan siya? Bakit hindi niya kasama si Allestair?

Nang matapos ako sa aking ginagawa, agad kong kinuha ang picture frame. Nag-focus ako sa kambal at doon ko natukoy ang pagkakaiba nilang dalawa: ang isa ay may nunal malapit sa kaliwang mata-si Allestair, at ang isa naman ay may balat sa kanang braso.

"May kukuhanin lang ako sa cabinet," wika ni Allestair kay Jiovanni kaya mabilis kong ibinalik ang picture frame sa ibabaw ng cabinet, saka ko binuksan ang gripo at kunwari ay naghugas na lang ng kamay.

"Oh, sakto, katatapos mong maghugas ng pinagkainan?" bati niya sa 'kin.

Napangiti ako bago sumagot, "Oo, katatapos ko nga. Naghuhugas na lang ako ng kamay." Muntik mo na akong mahuli.

Matapos iyon, agad kong napansin ang pagsulyap niya sa ibabaw ng cabinet kung saan nakalagay ang picture frame. May katabi itong tatlong itim na pouch na hindi ko alam kung ano ang laman. Kinuha niya ang mga iyon dahilan para kumalansing ang laman. Nakita ko rin nang bahagya niyang punasan ang picture frame. "Nagmo-moist pa yata ang frame, medyo basa," wika niya sa 'kin bago umalis.

Hindi 'yan nag-moist, hinawakan ko kasi kaya basa.

Pumasok na rin ako sa kuwarto para mag-ayos ng mga gamit. Mabilis ko namang nailagay sa bag ang lahat ng mga gamit ko. Nauna pa ako sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ay nagtutupi pa rin si Jiovanni ng mga damit. Si Allestair naman ay abala pa sa paghahanap ng mga dadalhing gamit.

Kanina pa siya may hinahanap sa mga basket sa cabinet sa kuwarto kaya naisipan ko nang tanungin. "Kanina ka pa nagkakalkal diyan, ano ba'ng hinahanap mo?"

"'Yong kuwintas nami-'yong kuwintas ko," utal niyang sagot habang patuloy pa rin sa paghahanap.

"Saan mo ba huling inilagay?"

"Dito lang. Dito ko lang naman inilalagay 'yon. Hindi ko isinusuot simula no'ng... Basta, matagal ko na 'yong hindi naisusuot," pautal-utal uli niyang sagot na parang may iniingatan siyang bagay na ayaw niyang mabanggit.

Napaisip ako. Bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto, muli kong tiningnan ang picture frame sa ibabaw ng cabinet at napansin kong may kuwintas pala silang suot-letter A ang sa kaniya, letter L naman ang sa kakambal niya.

Bumalik ako sa kuwarto upang kunin ang bag ko, saka ako lumabas ng cabin. Naupo ako sa labas ng bahay kung saan mas malamig at mas malalanghap ang preskong simoy ng hangin. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni nang lumabas na rin si Jiovanni.

"Patapos na rin daw siya. May hinahanap lang," bungad niya.

'Yong kwintas ba 'yon ng kakambal niya?

Dumeretso na si Jiovanni sa sasakyan at inilagay sa loob ang kaniyang mga gamit. Pagbalik niya ay kinuha na niya ang gasolina, saka ito inilagay sa tangke ng sasakyan.

"All right, tara na," wika ni Allestair nang lumabas at akmang isasara na ang pinto ng cabin.

Mabilis akong tumayo para pigilan siya. "Ako na lang ang magla-lock ng pinto. May kukuhanin pa ako sa loob, mauna na kayo sa sasakyan." Iniabot ni Allestair sa akin ang susi at pumunta na sa kotse.

'Gaya ng sinabi ko, bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang picture frame. Inilagay ko ito sa aking bag. Kinuha ko rin ang tumbler ko at pinuno ng tubig bago tuluyang lumabas.

"Ano'ng kinuha mo sa loob?" tanong ni Jiovanni, kaya ipinakita ko ang tumbler ko.

Pag-upo ko sa passenger seat ay ini-start na agad ni Jiovanni ang sasakyan. Paalis na kami nang biglang hinawakan ni Allestair ang mga balikat namin. "May God bless our trip, boys," bulong niya. "Amen."

"Amen."

"G?" Nilingon kami ni Jiovanni.

"Ano pa nga ba? G na!" sagot ni Allestair.

Tuluyan na kaming umalis at bumiyahe. Relax trip lang habang binabaybay namin ang daan. Kapansin-pansin ang luntiang paligid dahil sa mga puno sa magkabilang bahagi ng daan.

Nang marating namin ang bayan ay huminto kami sandali sa 7-Eleven para bumili ng kani-kaniya naming meryenda. Kape lang ang binili ko at bumalik na agad sa sasakyan. Sumunod si Allestair na may dalang tatlong bag ng chips, at huli naman si Jiovanni na may dalawang hotdog sandwich, kalahating litro ng root beer at dalawang potato chips.

"Ganiyan ba talaga siya kumain?" tanong ni Allestair habang nakatingin kami kay Jiovanni.

Tumango ako. "Ganiyan talaga 'yan, masanay ka na. Mamaya, may stopover na naman tayo at marami ulit kakainin," sagot ko.

Binuksan ko ang isang bote ng kape na binili ko at nadiskubre kong hindi pamilyar si Allestair dito. "Alam niyo ba na bihira lang akong makakita ng ganiyang kape?" panimula niya. "Kapeng barako ang nakasanayan kong kape. Saka sabi ko nga sa inyo, mahirap lang kami kaya wala kaming pambili ng mga sosyaling kape." Napangiti siya at sumubo ng chips. "'Yong bahay, kay Lolo 'yon. Ibinigay niya sa akin dahil sikreto lang ang pagkawala niya. Hindi niya agad sinabi sa amin na may nararamdaman na pala siyang masama sa katawan niya. Kaya simula n'on, ibinigay niya sa akin ang singsing, panyo, saka 'yong susi ng bahay. Hindi ako totally naglayas. Naglayas ako para sa kaniya. Gusto kong malaman kung para saan ang mga ibinigay niya sa akin," pagpapatuloy niya. "At magaling mag-English si Lolo kaya marunong din ako. Wala lang, gusto ko lang i-share sa inyo."

"Mission," wika ni Jiovanni.

"Parang gano'n na nga," sagot naman niya. Natahimik siya at panandaliang nag-isip. "Eh, kayo ba? Saan nga ba talaga kayo papunta?" tanong niya.

"Si Kielvinson ang tanungin mo, driver lang ako rito," sagot ni Jiovanni.

Inilabas ko ang sketch pad at ipinakita sa kaniya si Blythe. "Sa kaniya kami papunta."

Nakita ko ang pagkamangha sa kaniyang mukha. "Ang galing mo palang mag-drawing," wika niya.

"Marunong lang," depensa ko.

"Sus! Pa-humble, mag-thank you ka na lang kasi," pagsingit si Jiovanni.

"Teka lang, teka lang, i-explain niyo nga sa akin. Pa'nong sa kaniya kayo papunta? Nasaan ba siya ngayon?" sunod-sunod niyang tanong.

"I have the ability to create imaginations that could actually happen in the future."

"Déjà vu Master," mangha niyang sabi.

"Hindi ko masasabing oo dahil hindi naman lahat ng imaginations ko ay nangyayari. 'Gaya kanina, nagkaroon na naman ako ng imagination, pero hindi ko alam kung mangyayari 'yon. Minsan kasi, may gusto lang iparating na mensahe sa akin," paliwanag ko.

"Ah, parang 'yong pagtayo mo sa daan kanina? Nag-i-imagine ka no'n? Ano naman ang na-imagine mo? Puwede mo bang sabihin sa amin o bawal?"

"Puwede naman." Ngumisi ako.

"Sige nga, ikuwento mo."

"Nakatayo lang ako sa kalsada nang biglang may papel na unti-unting nahulog sa daan. Pinulot ko pero hindi ko mabasa. Kalahati ng papel ang sunog pero may tatlong letrang nangibabaw sa mga nakasulat: L.V.J. Pagkatapos no'n, nag-fade ito at nasunog sa kamay ko pero hindi ko naramdaman. 'Tapos, nakita ko ang isang dalaga na tumatakbo, hinahabol siya ng isang binata. Masaya silang nagyayakapan at hinalikan ng binata ang kamay ng dalaga. After no'n, unti-unti na silang naglaho, parang mga usok," kuwento ko sa kanila.

"Hindi kaya may connection 'yong imagination mo na 'yon kay Lolo? Nakita mo 'yong L.V.J., 'di ba?" si Allestair.

"Maaari, pero puwede ring hindi. Hindi ko alam," sagot ko.

"Eh, tungkol naman kay-sino ulit 'yon? Blythe? Basta siya, ano namang imagination mo sa kaniya?" pahabol niyang tanong.

Bahagya akong napangiti nang maalala ang mukha ni Blythe at ang malamig niyang boses. "Siya. Siya mismo ang nakikita ko sa aking imagination," nakangiti kong sagot.

"Ang ibig niyang sabihin, in love siya sa babaeng hindi pa niya nakikita sa personal," dagdag na paliwanag ni Jiovanni kaya mas naintindihan ni Allestair ang ibig kong sabihin.

Dumungaw siya sa akin mula sa back seat. "In love ka pala, ha? Namumula ka na," pang-aasar niya. Pareho sila ng ugali ni Jiovanni. Mas hyper lang siya nang kaunti.

"Hindi, ah," kontra ko pero hindi ko maitago ang aking ngiti.

"Nako, namumula ka nga nang sobra. Ano 'yan, sinampal ka ng katotohanan kaya namumula ang pisngi mo?" Nagpatuloy si Allestair. "Bakit hindi muna siya ang puntahan natin? Hindi naman mawawala sa mapa ng Pilipinas ang Ilocos Sur, eh."

"I know how she and the place look like, but I have no idea where I can find them. So, hindi ko alam kung saan 'yon. Alam ko lang ang hitsura ng lugar pero hindi ang pangalan. Gets mo ba? Kaya nga kung saan-saan kami napapadpad kasi naghahanap kami," paliwanag ko. "Pero habang naghahanap kami, marami kaming nakikilala. Para bang kusa kaming dinadala ng tadhana sa kung saan-saan kaya sinasabayan namin.

"Gets. Ibig sabihin, nagtra-travel kayo around the Philippines para hanapin siya at ang lugar na 'yon?"

"Ten points para sa effort," biro ko.

"Oo naman. Tamad na tamad nga akong lumabas ng bahay minsan, eh, 'tapos kayo, kung saan-saan na nakarating. Saka marami rin akong regrets sa buhay dahil natakot akong magkamali, kaya okay lang 'yan kahit medyo risky ang choice niyo." Tumango-tango si Allestair.

"That's why the bigger the risk, the bigger the reward."

"Kung hindi ka lalagapak."

"Ang mahalaga, sumubok. Mas okay 'yon kaysa habang-buhay mong iisipin na, 'Sayang, dapat pala ginawa ko.'"

"Tama, may point ka. Honor student ka, 'no? Ang talino mo magsalita, eh."

"Masipag lang."

"Ganiyan ang sinasabi ng taong matalino kapag sinabihan sila na matalino."

"Lahat naman tayo may kani-kaniyang talinong taglay. Kailangan lang natin hanapin at i-enhance."

"Grabe ang words of wisdom, napakalalim."

"Hindi naman."

"Mukha ba akong nakikipagbiruan? Alam mo ba, ganiyan na ganiyan si Lolo, matalino rin magsalita kaya hindi mo siya matatalo sa bungangaan at palaging may sagot. Ang iba nga ay hindi mo pa maiintindihan kasi ang lalim ng mga salitang ginagamit niya."

"Ganiyan din ang daddy ko..." Napahinto ako. "...no'ng buhay pa siya."

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa makaramdam kami ng antok sa mahaba pang biyahe papuntang Ilocos Sur.

This whole adventure is one of the best things I've ever done. I'm more than grateful to have friends, not just to be with me during these times but as part of this great adventure, and so I'll cherish that forever.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 751 77
INTO YOU by cutenixA A Tagalog-English story. Beau a.k.a the bully. Students in their school are scared of him because of his reputation of being a...
943 160 34
[SEVENTEEN SERIES #1] Zafiro Deifen Axien ✔️ Stephanie Chanisha Zhuang, a girl with an introvert and serious personality. She also have an attitude t...
34.6K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1K 51 24
Iloilo Escapade #1 Pagkabigo sa pag-ibig ang siyang nagtulak kay Uriel na bumalik sa bayang sinilangan nito sa Iloilo, ngunit hindi niya inaasahan na...