My Sweetest Revenge

Bởi glossysaa

23K 159 14

Lahat ng tao sa paligid niya ay trinaydor siya ngunit sa kabila nito, may naghihintay rin ba kayang kapayapaa... Xem Thêm

Prologue
DISCLAIMER
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

527 29 1
Bởi glossysaa

Anika's pov

"Anika! Dalawang buwan ka ng hindi nakakabayad! May balak ka pa bang mag bayad!?" imis na sabi sakin ni Aling Sonya

"Ang sabi ko po mamayang gabi po ako magbabayad kasi po sahod ko, promise po, ako po mismo kakatok diyan sa kwarto niyo para magbayad" sagot ko

"Oh sige hihintayin ko yan ah!" sabi nito saka tumalikod at umalis, saka ko siya binelatan.

Kainis! Umagang umaga naniningil! Parang nakapakaganda naman ng apartment niya e ang dami namang ipis!. Pero buti nalang at nagising niya ako, tanghali narin kasi.

Pag katapos ng usapan namin ay isinara ko ang pinto saka naligo dahil ayokong malate sa school, baka mabilad na naman ako sa araw.

Hirap na hirap kong sinuklay ang buhok ko dahil naubusan ako ng shampoo, buti nalang talaga at sahod ko mamaya. Working student ako, pag katapos ng klase ay diretso ako sa coffee shop ng tita ko. Medyo nakakapagod lang kasi sa umaga istudyante ako at sa gabi naman ay empleyado, pero ayos lang naman saakin, ang iniisip ko nalanh ay parusa ko na 'to.

I'm Anika Turalba, 17 years old and I'm grade 12 student. Abm ang strand ko, hindi ako magaling sa math kundi gusto ko lang yung strand na yun. Nag aaral ako sa Saint Anthony Academy, isang private school, yun lang kasi ang school na malapiy sa tinitirhan ko kaya no choice akom

Patakbo akong pumunta sa gate ng school ngumit huli na ang lahat. Humarang si Mr. Nam sa harap ko habang malawak ang ngiti kaya bumagsak ang dalawang balikat ko.

"Aba! Bwena mano ka hija ah! First day of school pero late ka? Napaka husay!" nakangiting sabi nito, ka vibes ko 'to e.

"Talaga Mr. Nam? Ang galing apir tayo diyan!" nakangiting sabi ko at nag apir kami saka sumeryosi ang muka niya.

"Pwesto!" sigaw nito at tinuro ang isang bakante.

Sumunod naman ako, tinaas ko ang bag ko at tumayo lang. Ito ang parusa sa mga late, 10 minutes ito kaya mabababad ka talaga sa init. Istrikto kasi ang eskwelahan na ito dapat before 20 minutes na mag uumpisa ang klase dapat nasa loob ka na ng campus dahil kung hindi, may parusang nakaabang sayo, diba napaka istrikto.

"Second runner up ka lang ngayon Mr. Arevalo!" rinig kong sabi ni Mr. Nam kaya napabuntong hininga ako at naramdaman kong tumabi saakin yung tinutukoy na second runner up.

"Hahaha" tawa nito ngunit hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko ang ulo ko "Hoy gurang"

Kung minamalas ka nga naman!'

"Gurang anong section mo ah?" tanong niya

"Abm b" walang gana kong sagot

"Uy tanga classmate tayo"

Natanga pa ako ng hinayupak.

"Hoy ba't di ka sumasagot ah! Matapang ka na!?"

Luh? Kitams! Kung ano ano iniisip.

"Kayong dalawa! Pwede na kayong pumasok!" sabi ni Mr. Nam at binaba ko ang kamay ko saka sinuot ang bag.

SABAY TAKBO NANG MABILIS!.

Baka kung ano pang gawin sa 'kin ng alien na yun!.


Siya si Prince Lucas Arevalo ang isang malaking BWISET sa buhay ko!. My one and only enemy!.

NAG SIMULA YAN LAST YEAR.


Ganito yan!.

Kaibigan ko kasi ang ex gf niya, nag break sila dahil sakin o dahil narin kay Prince bwiset na yan!. Nahuli ko siyang nakikipag halikan sa ibang babae at sinumbong ko yun sa kaibigan ko, kaya sila nag hiwalay. Nalaman ni Prince na ako ang nag sumbong dahil binuking ako ng kaibigan ko. Diba hanep! Nag malasakit na nga ako e binuking pa.

Kaya simula nun lagi na akong pinag iinitan at pinag titripan ng hinayupak na prinsipe ng mga alien na yun. Gumaganti lang ako pag nasa mood ako, masyadong mahalaga ang oras ko para i-aksaya sakanya.



-------------------------------------------------------------------------


Nag order ako ng burger at pumunta sa pinakadulo saka doon kumain. Natigil ako sa pag nguya nang maramdaman kong may pumunta sa harap ko. Ibinaba ko ang pagkain ko saka uminom at nagpunas ng labi.

"Gurang! Ba't mo ako tinakbuhan kanina ah!"

Hindi ko siya singot, tumayo nalang ako at umalis. Hindi dahil sa duwag ako, ayoko lang talaga ng gulo.

Pag katapos ng klase ay dumiretso ako sa coffee shop ng tita ko at nag unpisang magtrabaho.

"Oh ito yung sahod mo, dinagdagan ko pa yan" nakangiting sabi saakin ni Tita Marie at inabot sakin ang sobre.

"Thank you tita, muntik na akong mapalyas kanina hahaha" sagot ko naman

"E bakit kasi hindi ka pa umuwi-"

"Tita.." pag puputol ko sa sasabihin niya.

"Ok fine, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa 'kin"


"Ok tita, thank you" nakangiting sagot ko saka kami nag lakad palabas ng coffee shop at isinara ito.


------------------------------------------------------------------


"Oh aling sonya, yan na yung bayad ko, kompleto yan"


"Hm.. Magaling, teka—" sagot nito at may kinuha sa loob ng bahay niya "Oh, ulam mo" nakangiting sabi niya at iniabot saakin ang isang mangkok na may lamang sinigang na bangus.

"Naks naman, may paulam pa ah! Salamat po" nakangiting sagot ko saka tumalikod

Pagkatapos kong kumain ay humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko, at nag basa ng mga text.


From: Inang araw
check your credit card


Pagkabasa nun ay pinatay ko na ang cellphone ko saka ako pumikit at natulog.

-----------------------------------------------------------------




"Ang aga ah!" bati sakin ni Manong Guard.

"Naman!" pag mamayabang ko.

Marami akong nakakasundo sa campus na 'to. Lalo na kay Manong Bentong na guard at kay Mr. Nam. Madalas kasi akong late.

Pagkarating ko sa room ay isa palang ang istudyante na nadatnan ko at umagang umaga, kinakarma na naman ako.


"Gurang tabi tayo ah!" maingay na sabi ni Alien, hindi ko siya sinagot at umupo nalang ako sa dulo.

"Hindi ka pa ba tapos diyan sa paghihiganti mo sakin?" walang gana kong sabi.

"Hangga't hindi pa ako nakaka move on! Hindi pa ako tapos gurang!"

"'Bat ka kasi nag loko? Ayan tuloy nag dadrama ka!" nakangising sabi ko

"Kasalanan mo to! Kung hindi ka lang sana nangialam—"

"Nyenyenye ngenge nge" pang gagaya ko sakanya

"Nang aasar ka ba!?"

"Nyenyenye!?" pang gagaya ko sakanya.

"Tumigil ka nga!!"


"Nyenyenye—aray!" napahinto ako sa pang aasar ko ng bigla niya akong kutusin.


Tumayo ako at kumuha ng walis tambo saka ko ito tunutok sakanya.

"Ah.. yan ang gusto mo ah! Teka!!" usal nito at kumuha rin ng walis tambo saka tinutok sakin.


"AHH!!/AHH!!" Sigaw naming pareho saka patkbong sinugod ang isa't isa

Para kaming nasa gyera na nakikipaglaban gamit ang walis na hawak namin nang biglang—


"Excuse me,"


Napahinto kami at sabay na napatingin sa pintuan nang biglang may nagsalita galing dito.

"Oh?" Ani Alien.

Hindi ito sumagot at tinignan kami ni Alien mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay.

"Anong kailangan mo?" tanong ko.

"senior high building ba 'tung napauntahan ko o mga junior kayo?" tanong niya habang salubong ang kilay.


Problema nito?'


"Bakit? Muka ba kaming juniors?! Ako baby face talaga ako pero ito—" tinuro ako "Gurang na 'to! Hahaha!" natatawang sabi Alien at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang kailangan mo? May hinahanap ka ba?" tanong ko sa lalaki habang nag pipigil ng inis.

"Saan ang room ng ABM A dito?" tanong niya.

"Sa taas, second floor" sagot naman ni Alien habang nakaturo sa taas.

"Ok" tipid na sagot ng lalaki saka nag lakad paalis.

"Thank you ha!!" sarkastikong pahabol ni Alien sakanya saka ibinalik saakin ang tingin.

"ANO!?/ANO!?" Sabay naming sabi sa isa't isa.

"Pukol ko sayo 'to e" inis kong sabi at iniamba sakanya ang tambo

"Gurang!"

"Alien!"

"Gurang!"

"Abnuy!"

"Gurang!"

"Kokey!"

"Gurang!"

"Taga pluto!"

"Teka! Bat ang dami!?" inis niyang sabi

"Nyenye nyenyenyenye!" pang gagaya ko sakanya saka ko binitawan ang tambo at bumalik sa upuan ko, nag bukas ako ng isang chewing gum at nginuya.

"Hi Sandy" sabi ni Alien habang nakatingin sa labas kaya tumayo ako at sinilip yun.

"Bes!" bati ko sakanya saka ako lumapit.

"Mag kaklase kayo?" bulong nito saakin.

"Badtrip nga e"

"ABM A ako" masayang sabi nito

"Uy! May transferee! Ang gwapo!" parinig ko kay Alien.


"Baliw! Sige akyat na ako, bye" paalam niya.

"Sandy! Hatid na kita!" pahabol ni Alien ngunit hindi ito pinansin ni Sandy at nag patuloy lang siya sa pag lalakad.

Pinag kross ko ang dalawang braso ko at sumandal sa pader habang tumatawa "Hahaha! Ano ka boy!?" pang aasar ko sa alien ng hurao ito saakin habang salubing ang kilay. Pinalobo ko ang chewing gum ko sa harap niya.



Napapikit ako nang bigla niyang putukin ito kaya dumikit sa kalahati ng muka ko.


"Hahaha! Ano? Sige yabang pa!" sabi nito saka pumaosk, inis ko namang inalis ang chewing gum na dumikit sa mukha ko saka ko binalik sa bibig ko. Sayang e.

"Masakit ba? Yun yung sinayang mo! Ayan namnamin mo!" sabi ko sakanya habang nag lalakad pabalik sa upuan ko. Hindi siya sumagot at isinuot niya ang headset niya.

Si Sandy ang kaibigan kong niloko ni Alien dati. Magkaibigan parin kami hanggang ngayon, at hanggang ngayon ay umaasa parin si Alien na mag kakabalikan sila!. Ang kapal ng muka! Matapos niyang gaguhin ay aasa pa siyang babalikan siya ng kaibigan ko!.

Sobrang nasaktan noon si Sandy, lagi siyang umiiyak. Si alien ang first bf niya at minahal niya talaga ito nang sobra kaso, itong si bwiset na alien na 'to ay ginago lang ang kaibigan ko. Sino namang hindi masasaktan dun!. Isipin mo ah! Yung first bf mo ay pinag pustahan ka lang pala ng mga tropa niya!.

Kaya pag nag kabalikan ang dalawang yan! Isa ako sa tututol, pero kung yun naman ang ikasasaya ng kaibigan ko wala narin naman akong magagwa kundi sumuporta nalang.



THANK YOU
GOD BLESS

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

2.7K 133 26
Different kinds of one-shot stories. Enjoy Reading!
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
6.8K 221 5
The ways to Forget your Ex!
20.2K 238 25
A girl na pinaglalaruan ng tadhana dahil sa mga unexpected na nangyayari sa buhay niya. How will she carry the truth in her life as the Black Butterf...