Wicked Angel (Part Two) The T...

By DonaQuixote

2.9K 430 341

[ONGOING] - [SNAIL UPDATE] ✓ We all lie. We all have a darkest secret. We all have a devil/demon inside. Wi... More

Declaimer
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY
❣️💌Note💌❣️
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX (Inter High - Opening Remarks)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FIVE -(Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY NINE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY ONE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY TWO - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY THREE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FOUR - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY FIVE - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SIX - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY SEVEN - (Interhigh)
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FOURTHY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY TWO
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY THREE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FOUR
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY FIVE
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SIX
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY SEVEN
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY EIGHT
CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY NINE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY ONE
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY TWO - (THE TRUTH)
CHAPTER ONE HUNDRED SEVENTY THREE - (THE TRUTH)

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE

47 11 14
By DonaQuixote

Author's note : Hi Annyeong!✋Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa iisa at mabagal na update ko.Sorry na labs!.Ewan ko kung normal ba pero humahapdi mata ko every time na nagseselpon ako kaya minsan mas pinipili kong wag magselpon at magsulat muna, pakiramdam ko kasi ay mabubulag ako hahaha.Anyway,enjoy reading!.

cute niyong author char hahaha
_tatashart💕

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY NINE
(The past repeat its self)

Angel's  point of view

"Chad!,"malakas na sigaw na nanggaling sa kusina ang pumukaw sa pagmumuni muni ko.

Agad na napabalikwas ako ng bangon.

"Anong nangyayari don?!"tanong ko sa sarili ko bago ako nangmamadaling lumabas ng kwarto ko at naabutan ko silang...

Naabotan ko silang nakapagitna kay Chad na yukom na yukom ang kamao habang pailalim kung tumingin kay Justin na nakasalampak ngayon sa sahig habang sapo sapo nito ang muka.

Akmang lalapit na ako sa gawi nila upang makiusyoso pero natigil din ako sa kinatatayuan ko ng may nagsalita.

"What's wrong with you two?!Huh?!"ingit ni Cole kila Chad at Justin. Mukang nag away ang dalawa.Hayst sayang di ko nakita pero anong pinag awayan nila?.

"Hayaan niyo silang magpatayan dyan!."inis na sambit ni Klein at naglakad na palayo sa gawing yun.

"Klein,"suyaw naman ni Lisa kay Klein dahil sa sinabi nito.

"What?!,Tell me,what's going on?!.Pag usapan niyo ng maayos hindi 'yung nananapak ka nalang"sambit ni Cole sabay tingin kay Chad na kanina ay masama ang aura na ngayon ay kalmado na."At ikaw.Ano na naman bang ginawa mo?!"baling naman ni Cole kay Justin na ngayon ay nakatayo na pero makikita mo sa muka niya na wala siyang paki alam sa sinabi ni Cole dahil nakatingin lang 'to kay Chad habang blangko ang muka.

Teka?Bakit ganon?Anong nangyayari?.

"Anong na naman?"medyo asar na balik tanong ni Justin kay Cole na napahinga ng malalim.

"Ako nalang magsasalita."natuun ang atensyon ko kay Carl ng sabihin niya 'yon at gan'on din ang iba."Just...nagbago ka alam mo ba yun?Simula nong lumabas ka ng hospital...ang laki ng pinagbago mo."iling na sambit ni Carl.

"Hindi ka naman ganyan dati eh."dagdag din ni Oscar na sinang ayunan nilang lahat.

"Hindi niyo pa kasi alam ang totoo, hindi ko rin gusto 'to,nahihirapan din naman ako."sambit ni Justin at napa igta ako ng tumingin siya sa gawi ko kaya napatingin din ang iba sa'kin.Matapos n'on at umalis na siya,naiwan silang lahat na naguguluhan habang ang tingin ay nasa sa'kin pa rin.

"B-bakit ba?Anong ganap?"napamura nalang ako sa isip ko dahil nautal pa ako.Lumapit ako sa gawi nila.Buntong hininga lang ang sinagot nila at nilayasan na ako.

eh?

"Tangina naman..."usal ko nalang at bagsak ang balikat na naglakad na para bumalik sa kwarto.Bakit pakiramdam ko...ako yung sinisisi nila sa nangyari sa pagitan ni Chad at Justin?.Panong naging ako?Payapa na nga akong nagmumuni muni sa kwarto ko.

"Nag away sila dahil sayo..."napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa nag salita.

"Ano?Pa'nong dahil sa'kin"iritabling sagot ko dahil pati 'tong kaharap ko ngayon ay sa tingin palang ako na ang sinisisi.

"Tsk.Ang gulo na Angel,"then Owen's walk away.

Ano?.

Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin.Hindi palang kasi niya pinaintindi sa'kin eh!.Anong magulo?Bakit parang ako yung sinisisi niya?Ano ba kasing hindi ko alam?Ano bang dahilan ng pag aaway nila? Dahil sa'kin?Bakit?.Hindi ko naman kasi masasagot yan.Kaya naman nagtungo ako sa kwarto ni Chad.Nakasampung katok ako ng buksan niya ang pinto at bumungad sakin ang bagong ligong si Chad na nakasuot na ng pantulog habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang twalya.

"What?"Wala pa man ay naiirita na siya.

-_-

"Wag mo akong what whatin!.Ano nangyari kanina?Pwede sabihin mo sa'kin ng maintindihan ko!Hindi 'yong lalayasan niyo ako eh nagtatanong pa'ko!"inis na sambit ko pero inirapan niya lang ako at akmang isasara niya ang pinto ng pinigilan ko 'yon."Ano ba!?,Chad,"inis ng sigaw ko.

"Don't shout at me,"kalmado siya pero napatigil pa rin ako dahil bakas sa mata nito ang pagkainis din.

"Okay,sorry..."kalmadong paghingi ko na ng tawad dahil alam kong hindi kami magkakausap ng maayos pag galit din ako."Sabihin mo sa'kin kung anong nangyari."Sabi ko pero si Chad nanatiling nakatingin lang sakin kaya napabuntong hininga nalang ako,mukang wala siyang balak magsalita.

Nakatingalang nakatingin lang ako sa mata niya na dati ang bilis ko lang matukoy ang emosyon at iniisip niya pero ngayon...wala,wala akong mabasa,wala akong kaideidea sa iniisip niya.Yung tingin na tinapon niya sakin kanina nong kausap niya ako sa harap ng room namin,ganon na ganon pa rin hanggang ngayon.

Bakit ba...nililito ako ng Chad na 'to!.

Bigla nalang nag flashbacks lahat ng araw na galit siyang nakatingin sakin habang sinasabing nagseselos siya.Nagseselos...Bakit?,Wala namang kami.Wala kaming level.Nagpapanggap lang kami.Hindi totoong kami.

"Chad---Oh shit!"naputol ang sasabihin ko ng biglang sinara niya ang pinto kaya mabilis na napaatras ako.Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya!Gago 'yan!Kung hindi ako nakaatras ng mas maaga dumamba na sana yung pinto sa muka ko!.

Napabuntong hininga na naman ako.Nasa kanya kanyang kwarto na silang lahat.Ako naman ay dumeretso sa kusina,bigla kasi akong nakaramdam ng gutom.Kumuha nalang ako ng prutas at hiniwa hiwa ko 'yun at nilagay sa maliit na mangkok at binuhusan ng honey---uhm yummy!.Pantawid gutom lang,tinatamad kasi akong magluto eh.

Magmomovie marathon nalang ako mag isa.Nagpunta ako sa sala at naghanap ng cd na pwedeng panoorin at nang makakita na ako ay agad ko 'yung sinampak sa naupo na ako para manood.Ang pinapanood ko ngayon ay isang babae at lalaki na nagkainlove-an sa isa't isa sa isang halik lang hahaha ang cute nga eh,yung babae hindi niya sinasadyang mahalikan yung lalaki kasi natapilok ito at si lalaki ang sumalo sakanya sa akmang pagkasubsub sa lupa.Ako naman ay kinikilig habang nanonood.Napaka clechi ng story pero kinikilig pa rin ako.

Natapos ko yung pinapanood ganon din ang kinakain ko.Napawi na ang gutom ko pero hindi naman ako madalaw ng antok.Nagdesisyon akong kumuha ng beer at uminom muna.Dumeresto ako sa pool area at hindi ko inaasahan na makikita ko ron si Owen at Justin na nag iinoman.Lumapit ako sakanila.

"Yow!"agaw pansin ko sakanila.Lumingon sila sa gawi ko.

"Oy!Si Angel,hahaha"sambit ni Owen at base sa boses niya...lasing na siya.Namumula na rin ang muka niya.Mukang kanina pa sila rito,mukang habang nagmomovie marathon ako eh nag iinoman sila rito dahil marami ng bote ng beer ang nasa gilid at pakalat kalat at wala ng laman.

"Lasing ka na Owen,"natatawa at umiiling na sambit ko.

"Nakainom lang ako!Hindi ako lasing!"sagot nito sakin pero kabaliktaran ng sinasabi niya ang kilos niya,kilos lasing hahaha.At ngayon ko lang nakita si Owen na gan'to kalasing.Kasi ilang beses na kaming nagkasalo-salo at nagkaharap sa inoman at hindi ko pa siya kahit minsan nakita na ganyan kalasing.May problema kaya siya?.

Tumayo siya at pagiwang giwang na lumapit sa'kin.Magsasalita palang sana ako upang tanongin siya pero hindi ko na natuloy dahil bumagsak na siya sa balikat ko at naririnig ko na ang mahinang hilik niya.

Hindi daw lasing...

"Ihahatid ko lang siya sa kwarto niya."imporma ko kay Justin sa pag aakalang tutulungan niya ako pero nagkamali ako.Tinignan niya lang ako saglit at tumango.Hayst! pasalamat ka Owen hindi ako basta basta.Inilagay ko ang braso niya sa balikat ko saka ko siya inilakad wala na akong paki kong nagagasgas sa sahig ang paa niya.

Inilapag ko siya sa kama niya at lalabas na sana ako ng marinig kong magsalita siya.Mukang nananaginip dahil nakakunot ang noo niya.

"Don't leave me..."sambit nito habang kumikiwal kiwal ang ulo."Please stay awake,Karen, please..."sinong Karen?Hayst bahala na nga!.May sarili rin akong problema bakit ba iniintindi ko pa ang iba?!.Hindi kasi siya iba!Damn it!.

Hindi ko man siya gustong iwan dahil gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya,makikichismis sana kaso naalala ko nasa pool area pa pala si Justin.Kung hindi nila ako masasagot si Justin nalang ang tatanongin ko.Magtitiis nalang ako sa kacoldan niya sa'kin tatanggapin ko nalang ang masasakit na salitang bibitawan niya sa'kin.Gusto ko kasing malaman ang dahilan kung bakit sila nag away ni Chad at kung bakit ako ang dahilan?. Hindi kaya sinabi na naman niyang ako yung traydor pero imbes na maniwala si Chad sakanya eh nagalit pa gaya nong nangyari sa cafeteria?.

Hindi ko namalayan na narito na pala ako sa pool area.Tumabi ako sakanya ng may ilang distansiya ang layo."Justin."

"Ano?"

"Uhm...pwede ko bang malaman kung anong pinag awayan niyo ni Chad?"walang pag aalinlangang tanong ko na sa pakay kong tanongin sakanya.

"Ikaw."napalingon ako sakanya ng sabihin niya yun pero nasa malayo ang tingin niya.

"Bakit?Paanong ako?"

"Chad's like you."naibuga ko naman ang iniinom kong alak dahil sa sinabi niya at naramdaman kong bahagyang nilingon niya ako

"Pa'no mo nasabi?"umuubong tanong ko.

"Ang manhid mo talaga kahit kailan.Hindi mo ba maramdaman? Hindi mo ba nakikita?...sa mga mata niya eh,sa mga kilos niya,sa reaksyon niya."tanong ni Justin habang nasa malayo pa rin ang tingin.Sa tanong ni Justin na 'yon napa isip na naman ako.Si Chad... talaga bang may gusto sa'kin 'yon?.Oo sinabi niya na sa'king nagseselos siya pag may kasama o kausap akong lalaki,makakakita ka ng galit sa mata niya habang sinasabi 'yon.Pero hindi ibig sabihin n'on na gusto niya ako.Baka makakaramdam lang siya ng ganoong pakiramdam kasi gusto niya sakanya lang ang atensyon ko.Oo,tama,'yon nga 'yon!.Minsan niya na ring nasabi sakin yun!.Mahal din niya si Pia kaya nga nagpapanggap kami para masigurado ni Chad na mahal nga siya ni Pia eh kaya napakaimposible ang sinabi ni Justin.

Pero bakit ang sakit isipin 'yon?.Tangina naman eh!Hindi ko lang siguro matanggap na mapupunta lang ang isang Richard Andrie Riech Montelabano sa isang baliw na Pia Alba Grande.

"Napa isip ka?."doon bumalik ako sa ulirat at natigil sa pag iisip."Iniisip mo na impossible di'ba?.Oo,malabo na magustuhan ka ni Chad dahil gaya ko, Hindi ikaw ang tipo niya."pasiring na nilingon ko si Justin sa sinabi niya pero napaiwas din ako ng tingin dahil nakatingin na pala siya sakin."Pero sinabi ko na sayo...kakaiba ka,meron kang katangian na nakakaagaw pansin sa mga lalaki.Kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko.Kaya nga nagustuhan pa rin kita kahit na hindi ikaw ang tipo ko."sambit niya kaya nilingon ko uli siya at sa pagkakataong 'yon nagsalubong ang tingin namin.

Ibang iba na ang mga mata niya...

Nawala ang sigla ng mga 'yon.Tama si Carl... nagbago si Justin.Nagbago siya simula nong nalaman niya ang tungkol sakin.

Hindi niyo pa kasi alam ang totoo, hindi ko rin gusto 'to,nahihirapan din naman ako.

Nagbago siya ng pakikitungo sakin.Ganon sa iba at mukang hindi niya yun gusto at nahihirapan rin siya.

"Gusto ka ni Chad to the point na gawin niya ang lahat malinis lang pangalan mo sa lahat ng nakapanood ng vedio mo."nakatingin lang kami ni Justin sa isa't isa habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon."Gusto ka ni Chad to the point na gumawa siya ng paraan madelete lang yung kumakalat na picture mo na may kayakap na ibang lalaki sa social media"mukang ang tinutukoy niya d'on ay ang litratong pinost ni Shang sa facebook niya."Sinuntok niya ako kasi sinabi kong mahal na kita,at akin ka lang"nanlaki ang mata ko ng sandaling sinabi niya 'yon.Bumubuka ang bibig ko,may gusto akong sabihin pero parang kinuha ng pusa ang dila ko.

I'm speechless.

Naging matunog ang pagngisi niya."Bakit ko sinabi 'yon?Kasi gusto kita kahit na galit ako sayo kahit na anong gawin ko 'tong nararamdaman ko...Hindi ko mabago at ewan ko 'yung pagkagusto ko mas lumala...mahal na kita eh.Nakakatawa hindi ba?.Oo,isa 'yun sa dahilan pero alam mo ang pinakadahilan kung bakit ko sinabi 'yun?"bahagyang umiling ako bilang sagot at mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya.

Bakit?ano?

"Kasi kaibigan ko si Chad,ayokong maramdaman din niya 'tong nararamdaman ko ngayon."sambit niya at bahagyang sinuntok ang dibdib kung nasaan ang puso niya. "Ayokong dumating ang punto na mahal ka na niya.Ayokong masaktan siya ng sobra pag nalaman niyang ang taong mahal niya...isang traydor,peke,hindi totoo."

Naiwan akong nakatulala sa pool area dahil matapos sabihin 'yon lahat ni Justin iniwan niya na ako.Ni hindi man lang ako nakapagsalita o nakapagreact man lang!.Masyadong nakakagulat ang nalaman ko.Ano nga uli iyon?May gusto sa'kin si Chad?Mahal na ako ni Justin?.Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa frustration!.Mas lalong nagulo ang lahat!.

Bakit parang hindi ko na alam ang gagawin ko?!.

Ang mga naiwang kalat nila Owen at Justin ay ako na ang naglinis bago ako umakyat sa kwarto.Padapang nahiga ako at sa unan ko binuhos lahat ng frustration na nararamdaman ko ngayon.Kaya ayon gutay gutay na!.Kawawa naman.

Kinabukasan...

Ito ang gusto ko sa second semester walang masyadong klase puro event lang at meetings para sa parating na sport festival.Nasa room ako ngayon katabi ko si Gaio na nakalumbaba habang nakatingin sa'kin.Hindi ko na siya sinita kahit muka siyang tanga sa ginagawa niya masyado akong marami iniisip.Maya maya lang ay may umagaw sa atensyon ni Gaio kaya inialis niya na ang tingin sakin.

"Bruce,mah friend!"bati ni Gaio at mabilis na lumapit sa lalaking 'yon.

"Magpractice na raw tayo sabi ni coach Asher,parepareho lang naman tayong walang klase ngayon."imporma nito kay Gaio.

"Nice!Game ako d'yan!"tapos tinalikuran na ni Gaio yung Bruce daw ang pangalan at masayang hinarap niya ako."Tara na sa basketball court Angel malabs!,"

"Susunod nalang ako."

"Eeh?!"

"Hindi naman agad magsisimula 'diba?"

"Ah hihihi oo,warm up muna uhm...segeh,pero ano pa bang gagawin mo malabs?"kamot batuk na sambit nito.

Iniwan na ako ni Gaio matapos kong sabihin kung anong gagawin ko.Sinabi ko lang naman na najejebs ako tapos ang gago halos mamatay kakatawa.Hindi naman totoo 'yon gusto ko lang huminga muna saglit bago uli ako sumabak sa bakbakan.Alam ko kasi na pagpunta ko sa basketball court makikita ko sila Chad at Justin!.Ang malas bakit ba naman kasi pareho pa silang basketball ang sport?!.Noong sinabi ni Gaio sa'kin na kateam niya sila Chad at Justin,noong sinabi ni Gaio na ang captain nila ay si Justin!.Nagbalak akong wag ng tumuloy na manood ng practice nila kaso nakaoo na ako kay Gaio,at alam ko naman na kahit na tumanggi ako... pipilitin pa rin niya 'ko.

Nasa rooftop na ako ngayon at nilalanghap ang preskong hangin.Nakapikit ako habang hinahayaan na humampas ang hangin sa muka ko at tinatangay ang medyo may kahabaan ng buhok ko.

Ang gulo na ng buhay ko...

Mas lalong gumulo ang lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay napagdisesyonan ko ng pumunta sa court pero bago 'yun ay bumili muna ako ng tatlong malamig na bottle of water at kinuha ko yung dalawang towel ko sa locker ko at nagpapasalamat akong wala akong naka away sa daan pero pinagtitinginan at pinagbubulungan pa rin ako sa tuwing daraan ako sa harap nila.Nasaan na uli ang paki ko?Shit!nawawalaa!.

Pagkarating ko d'on nagkasalubong agad ang tingin namin ni Chad na tumatakbo.Parang slow motion ang nangyari...mabagal ang pagtakbo niya habang ang tingin ay nasa sa'kin.Parang eksena sa pinikula pero nawala ang slow motion moment na ,
'yun ng matapilok ako or should i say may nampatid sa'kin.

"Clumsy..."komento ni Pia habang nakangising nakatingin sa'kin.

-_-*

Puta?

Huminga naman ako ng malalim at sasagutin ko na sana siya ng...

"What's going on here?"napalingon ako sa nagsalita at si Chad yun na papalapit na sa gawi namin ni Pia.Nakasuot siya ng jersey at kitang kita ang magandang muscle niya at hubong ng malalapad niyang dibdib. Agad namang lumapit si Pia kay Chad at kumapit sa braso niya.Nakaramdam naman ako ng inis dahil sa nakita.

"Tinulungan ko lang naman siya kasi natapilok siya,tapos siya pa ang galit."sumbong ni Pia kay Chad na agad namang tinignan ako,naniniwal agad si Chad sa sinabi ni Pia.

"Hayst,Oo nalang"Sabi ko at nilagpasan na sila at saktong pagtapak ko sa court sakto namang sinigaw ng coach nila na break muna.

Sinalubong naman agad ako ni Gaio. "Ang tagal mo malabs,"ngusong reklamo nito sa'kin at kinuha yung bottle of water sa kamay ko at ininom yun.Hindi siya nakasuot ng jersey naka suot lang siya ng puting sando at nababakas din doon ang magandang hubog ng katawan niya lalo na't pinagpapawisan siya.

"Oh towel"abot ko sa towel pero hindi niya 'yon inabot bagkus tumalikod siya sakin.

"Punasan mo likod ko,"ngusong sambit nito.Ginawa ko nalang ang sinabi niya.Pinunasan ko ang likod niya at hindi ko maintindhan parang may nakatingin sa'kin kaya naman habang pinupunasan ko ang likod niya ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko si Chad na inaasikaso ni Pia pero hindi naman nakatingin sakin.Sino 'yon?. Nilibot ko uli ang tingin ko at nakita ko naman si Justin na nakahiga habang hinihingal sa sahig.

Matapos kong punasan ang likod ni Gaio ay nilapitan ko si Justin.Umupo ako at inabot sakanya yung bottle of water na hawak ko.

Inabot niya 'yon."Salamat"sambit niya bago niya ininom ang tubig na binigay ko.Nakasuot rin siya ng sando gaya ni Gaio kaya naman humubog din at kitang kitang ang magandang hubog ng katawan niya.Hindi maipagkakaila lahat silang magkakaibigan ay may mga magandang pangangatawa.Napakagifted nila.Inabot ko rin sakanya 'yong towel na agad naman niyang inabot at pinunasan ang pawis niya.Kinuha ko yung towel sa kamay niya ng makitang hindi niya maabot at mapunasan ang pawis sa likod niya.Takang tinignan niya ako.

"Ako na"ngiting sambit ko at pinunasan ang likod niya.

Tahimik lang kaming dalawa habang pinupunasan ko ang likod niya at maya maya lang ay nakita ko na papalapit na sila Chad at Pia sa gawi namin.

"Punasan mo rin ang likod ko"sambit ni Chad.

-_-?

"Wala na akong towel,sorry kay Pia ka nalang"pantataboy ko.Tinignan ko si Pia na nakangiti ng matamis habang nakatingin kay Chad na nakatingin din kay Pia.

Oh segeh!Magtitigan kayo!

Pero nagulat ako ng kinuha ni Chad 'yong towel na hawak ni Pia at inabot 'yon sakin.

"Punasan mo ang likod ko."Sabi niya at umupo sa tabi ko at iniharap ang likod niya sakin.Ginawa ko naman 'yon kahit na labag sa loob ko.Narinig ko rin ang munting mura ni Pia bago nag walk out.Pahiya eh.Marami rin kasing nakatingin sa'min.Mga kateammate niya at mga student na nakikipanood sa practice nila.

Matapos ang eksenang 'yon ay dumeretso ako sa bench para doon manood.Maya maya lang ay nabakanti si Gaio na agad na tumabi sakin.

"Yung rule no.5"napatingin ako kay Gaio ng sabihin niya yun pero ang tingin naman ni Gaio ay na kay Chad at Justin na naglalaro."Ginawa 'yon dahil sa pagmamahal na hindi masuklian."Sabi ni Gaio at nilingon na ako.

Naguguluhan pa rin ako.

Meymbro na ako ng gang nila at unti unti rin nilang ipinaiintindi at sinasabi sakin ang mga rule nila pero 'yong rule number 5 pa rin ang pinaka magulo dahil hindi nila 'yon sinasabi ng directa sa'kin.Binibigyan lang nila ako ng hints at clue kung minsan naman ay hindi malinaw kaya malabo pa rin.

"The story of the past repeat its self."Sabi ni Gaio na nakapagpagulo na naman sa'kin.

___
Your votes and comments are highly appreciated!💕Thank you ng hard! 💕I love you extremely!💕

-Tatashart ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

186K 4K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...
931K 82.8K 38
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
1.1M 59.6K 38
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
230K 6.8K 49
we young & turnt ho.