Finding Mr. Perfect

De DyslexicParanoia

1.4M 27K 1.7K

Katropa Series Book 3 [Completed] Language: Filipino What are your chances in finding a Perfect Guy who can... Mais

Finding Mr. Perfect [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 20

51.4K 984 47
De DyslexicParanoia

Laura's P.O.V.

My life was a hopeless mess before Art came into my life. Noon, akala ko, panghabang-buhay na akong mananatili sa dilim--kung saan pilit akong inilugmok ng kinilala kong ina at ng dating kong nobyong abusado.

Akala ko, hindi na ako makakaalis do'n. Akala ko, tadhana ko na talaga ang maging punching bag at parausan ng isang demonyo. Mabuti na lang pala at hindi naman 'yun ang itinadhana ng Diyos para sa akin.

Matapos ang limang taon, nahatulan na rin sa wakas ang walanghiyang si Dex. Hindi man ako nakasama sa maraming babaeng nagsampa ng iba't-ibang kaso laban sa kanya, masaya na rin ako na nakamptan nila ang hustisya, na para bang, isa na rin ako sa nakakamit nito.

Noong una, gusto ko sanang sumali sa kanila para tuluyan nang maparusahan si Dex sa lahat ng mga ginawa nito sa akin. Pero nang malaman ko na may mas malala pa pala itong ginawa sa ibang may hawak na mas matitibay na ebidensyang siguradong makapagdidiin sa kanya, hindi na ako nakisali pa. Wala rin naman kasi akong matibay na ebidensya at maraming saksi. Kung meron man akong iilang saksi, isa na si Art iilang 'yun. I do not want to drag Art's name into my mess. Ayoko rin na magka-official record ang mga bagay na ayoko nang maalala pa.

Being sexually and physically assaulted and abused is traumatic enough for me. Having a permanent record of what exactly happened to me--which will serve as a constant reminder of my misfortune, will not help me move on. Mas mabuti na ang walang record. Kapag walang record, mas madali kong maikukundisyon ang sarili ko na isang masamang panaginip lang ang nangyari sa akin. Hindi ko naman sinasabing tama 'yun para sa iba, pero sapat na 'yun para sa akin.

Speaking of moving on. I have indeed, moved on. Naalala ko pa rin ang lahat ng kamalasang nangyari sa akin, pero hindi ko na matandaan ang eksaktong pakiramdam.  Malaking bagay ang nakahanap ako ng isang taong tinanggap ako nang buong-buo, na siya ring naghilom sa bawat nagnanaknak na mga sugat na minsang nanakit sa aking buong pagkatao.

Si Architect Arthur "Art" Falcon Montero.

The former working student slash humble Janitor, who actually happened to be one of the two legitimate heir of the multi-billion real estate magnate, Don Rodrigo Montero.

He's the tough good guy who saved me from a couple of unpleasant circumstances.

That extraordinarily handsome, sexy, sweet and sensitive guy who treated me like a queen, in spite of my unfortunate past.

That guy, who entrusted me with his name and fathered my two sons.

That guy...

That wonderful gentleman kept me as he made my difficult life worth living.

"When I grow up, I want to be like my Dad." Proud na proud na wika ni Patrick nang tinanong ito ng emcee, sa once in a blue moon family reunion ng mga Montero.

"And why is that?" Tanong ng emcee na nagpa-tula kay Patrick sa program.

"I also want to be a good father to my kids one day." Narinig ko ang oohs and aahs sa audience. "And a good husband to my future wife." Napalingon ako sa biyenan ko. Pinupunasan nito ang kanyang maluhaluhang mga mata.

"Hindi ba masyado ka pang bata para isipin ang mga ganyang bagay?" Tanong ulit ng babaeng emcee sa kanya, "Ilang taon ka na ba, Patrick?"

"Seven years old po."

"So seven years old ka palang, 'yan na agad ang iniisip mo? How about, kung ano ang gusto mong maging paglaki mo?"

"'Yun nga po. Tulad nga po ng Daddy ko." Nagtawanan ang ilan sa audience.

"No, I mean propesyon. Anong propesyon? Maging duktor, abogado--"

"Yun nga po..." Medyo naiiritang sagot ni Patrick sa microphone, "Katulad nga po ng sa Daddy ko, ang kulit n'yo naman po eh."

Lalong lumakas ang tawanan ng mga tao sa audience. Napalingon ako kay Art. Nakaupo ito sa aking kaliwa. Sumulyap muna ito sa akin bago nito hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Bakit, ano ba ang propesyon ng Daddy mo?"

"Architect po."

"So, gusto mo ring maging Architect?"

Napakamot sa ulo si Patrick.

"O, bakit?" Tanong ng emcee dahil sa pagkakamot nito.

"Ang kulit n'yo po kasi eh. Paulit-ulit po ang tanong n'yo."

Lalong naghagalpakan ng tawa ang mga kaanak ni Art sa side ng kanyang ama. Maging ang aking biyenan, napapailing at napapatawa na rin.

"Ah, sorry po, Sir" Biro ng emcee sa panganay ko, "Ipinaglihi kasi ako ng nanay ko sa sirang plaka eh."Pero mabalik nga tayo doon sa tula mo. Seven years old ka pa lang, love poem na agad ang ni-recite mo. Para kanino ba 'yun?"

"Sa girlfriend ko po."

Nagulat ako sa sagot n'ya. Napatingin ulit tuloy ako kay Art; nagkibit-balikat ito sa akin.

"Aba! At may girlfriend ka na?" Gulat na gulat ang emcee.

"Kasasabi ko lang po, di ba? Ang kulit niyo po talaga, alam n'yo 'yon?" Sagot ni Patrick.

Muling nagtawanan ang audience.

"Ah, eh, sorry po Sir." Biro sa kanya ng emcee, "Nagulat lang ho ako dahil mabuti ka pa pala at may girlfriend ka na. Eto kasing kasamahan ko sa sounds system, isang uod na lang ang hindi pumipirma para maging ganap na Zombie, hindi pa rin nagkakanobya." Naghalakhakan ulit ang mga tao, "O eh, ano naman ang pangalan ng girlfriend mo?"

"Zoe po." Deretsahang sagot nito. Natinig ko agad ang bulungan sa audience.

"So, nandito ba si Zoe?"

"Wala po."

"Eh nasaan siya."

"Sa bahay po nila."

"Oh eh, bakit wala s'ya rito kung girlfriend mo s'ya? Hindi ba dapat kapag girlfriend, ipinakikilala mo na sa pamilya mo."

"Eh..." Kakamot-kamot si Patrick.

"Eh ano?" Itinutok ulit ng emcee ang mic sa bibig ni Patrick.

"Strict po kasi ang parents n'ya, kaya mag-ii-skype na lang po kami mamaya."

Nakabibinging hiyawan at halakhakan ang muling narinig ko sa audience. It may not show dahil nagugulat ako sa paraan ng pagsagot ni Partrick, but I'm really, really proud of him. And I am more than glad, na ang tatay nim'ya ang kanyang iniidolo.

"The boys are growing up too fast." Bulong ko kay Art. Yakap-yakap ko ang pangalawa naming anak na si Paolo. Nakasandal ito aking mga tuhod. "You have no idea how happy I am na lumalaki silang katulad mo. Mababait, guwapito at ismarteng mga bata."

"And you have no idea how glad I am that you're their Mom, mahal ko." Tinaniman n'ya ng halik ang noo ko. "Kung hindi sa hands-on na pag-aaruga at pagtuturong ginagawa mo para sa kanila, kahit na ako pa ang tatay nila, I don't think na lalaki silang ganyan."

"I love you." Bulong ko sa kanya. "Thank you for bringing up the best me."

"I love you too." Sagot n'ya.

"Ang sweet niyo naman." Natatawang sabat ni Paolo sa amin ni Art.

Hinawakan ni Art ang tuktok ni Paolo at bahagyang ginulo ang buhok nito.

"Teka Dad!" Bulalas nito, sabay kalas sa akin.  Lumayo ito sa amin ng mga dalawang hakbang.

"O bakit?" Nagtataka si Art.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Wag niyo naman pong guluhin ang buhok ko." Pilit nitong inaayos ang kanyang buhok.

Napatingin sa akin si Art. Inipit ko ang bibig ko para mapigilan ang pagtawa.

"Manang-mana ka talaga sa tatay mo, Paolo!" Sabat ni Rodel. Nakatingin pala ito sa amin mula sa kabilang lamesa. "Ganyan din ang tatay mo eh. Guluhin mo na ang lahat sa kanya h'wag lang ang buhok niya." Humgalpak ito nang tawa.

Napailing ako. Natatawa. Gano'n din naman si Art.

***

"Gusto mo ba ng hot coco?" Alok ko kay Art. Nakatanaw ito sa malayo sa aming balkonahe.

Madaling araw na natapos ang reunion. Tulog na ang mga bata. But we were both too wound up to sleep.

"I would love to." Kinuha n'ya ang hot coco.

"Hindi ka rin makatulog?"

"Naparami ang nainom kong kape sa party. Inaantok kasi ako kanina."

Natawa ako. Alam ko 'yun dahil binilang ko kung ilang tasang kape ang nilantakan n'ya kanina. Walo. Walong matatapang na black coffee.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ah. Ok ka lang ba?"

"O-oo. Ayos lang ako, mahal ko." Muli itong tumitingin sa malayo. "Naalala ko lang si Nanay at ang dalawang kapatid naming babae."

Ilang segundo ang lumipas, napansin kong napapaluha si Art. Kinuha ko ang tasa ng hot coco mula sa kanya.Ipinato ko muna ito sa salaming lamesa na naroroon sa gitna ng verranda, saka ko ito binalikan para haplusin sa likod.

Sanay na rin ako sa paminsang-minsang pag-iyak ni Art. Nangyayari talaga ito kapag naaalala niya ang kanyang namayapang mga kapamilya.

"Sayang, hindi mo na sila nakilala." Humahagulhol ito. "At sayang, wala na sila rito. Kung naririto sila, pihado, matutuwa ang mga 'yun. Pangarap na pangarap kasi naming magkakapatid noon ang magkaroon ng bahay na may balkonahe. Mahilig kasi kami noong tumambay sa bubungan ng bahay namin para magkuwentuhan. Kahit mahirap lang kami noon at halos walang makain, napakasaya namin hanggang sa nangyari ang trahedya sa aming pamilya."

Natahimik ako. Ngayon ko lang kasi narinig ang detalyeng 'yun  Hindi ko naman talaga alam ang detalye ng pagkamatay ng kanilang ina at mga kapatid. Nababanggit lamang n'ya ito nang kaunti kung minsan. Pero dahil sa umiiyak ito kapag naalala n'ya ang mga ito, sinasadya ko talagang iwasang mapunta ro'n ang alinman sa aming mga usapan.

"Dahil sa nangyari sa amin." Pagtutuloy ni Art, "Ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi 'yun mangyayari sa magiging pamilya ako. Ang sabi ko noon. Kahit ano gagawin ko para magkaroon ako ng isang bahay na hindi basta-basta natitinag ng bagyo. Na kahit lumakas man ang hangin hindi ako mag-aalala para sa kaligtasan sa aking pamilya. Na kahit umulan nang malakas hindi sila mababasa."

"And you made it." Bulong ko sa kanya. Nilingon n'ya ako at inakbayan. "You did it with flying colors. I'm sure, kung nasaan man sila at nakikita nila kayo ni Rodel ngayon masaya na rin sila para sa inyo. Naabot mo na lahat ang mga pangarap mo. Nakuha mo na lahat ang gusto mo. Natulungan mo rin ako at ang Papa ko. Binigyan mo ako ng maayos at masayang tahanan. Tinulungan mo rin ang Papa ko na muling maitayo ang kanyang sarili pagnenegosyo. Kung ano man ang tangumpay ang tinatamasa mo ngayon. You deserve them all. Ano pa ba ang kulang?"

"Gusto kong hanapin 'yung taong tumulong kay Rodel nang gamuntik na ring kunin ng bagyong 'yun ang buhay ko. Ang problema kasi sa sobrang pagkataranta at trauma n'ya, hindi n'ya matandaan kung sino ang tumulong sa amin noon."

"So anong plano mo?"

"Ang totoo. Wala akong plano. Hindi ko kasi alam kung saan ako mag-uumpisa. Ni wala akong pangalan, litrato o alaala ng mukhang mapagbabasehan ko sa paghahanap. Kaya nga...ipinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ang mga hiling ko sa Diyos ay sana nasa mabuti s'yang kalagayan at ang kanyang pamilya. Sana, may tumutulong rin sa kaniya sa panahon ng kanyang pagkalugmok. Sana, may sumasaklolo rin sa kanya sa bawat hagupit ng buhay. Sana, may nagliligtas din sa kan'ya sa panahon ng panganib. Sana talaga mahal ko...sana ligtas s'ya at may matibay na nasisilungan kung nasaan man s'ya at ang kanyang pamilya"

"Naku. Mukhang imposible mo na ngang mahanap 'yun kung gano'n. Tamang ipagpasa-Diyos mo na lang ang kalagayan n'ya. I'm sure, hindi naman pababayaan ng Diyos ang mga taong katulad n'ya."

"Gano'n na nga lang siguro, mahal ko." Tumatanaw itong muli sa malayo. "Gano'n na nga lang siguro."

[ITUTULOY]

Continue lendo

Você também vai gostar

5.9K 486 14
The birth of chaos before extinction. (from the short story collection of To Do is To Dare) Prios Series: Prelude of the Cursed © October 2021 by Ele...
183K 3.6K 21
Dice and Madisson
579K 21K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
202K 8.7K 77
[A fantasy harot story] Four immortal gods - Four humans - Four intertwining destinies - Four inevitable fates - Four forevers