The lady and the lad

By Nosaintwithoutsinner

9 1 0

"All she wanted is to love and be loved in return..." Quota na si Valerie sa mga manloloko at paasa. May mga... More

Prologue

1

0 0 0
By Nosaintwithoutsinner

"Woohoo! Party! Party!"

Hindi ko mapigilang hiyaw habang sumusunod ang aking balakang sa indayog ng malakas na tugtugin. Naghahalo-halo na ang mga kulay ng ilaw sa aking paningin. Ni hindi ko na rin kilala kung sino man ang nasa harap ko.

-Para akong nasa gitna ng dagat.

Nalulunod kaya nagpatangay na lang sa alon.

"Val!"

Ha? Sino 'yon?

May narinig akong tumatawag sakin. Pero dahil sa wala na akong pakiramdam at pakialam, itinuloy ko na lang ang aking pagsayaw.

"VAL!"

Anak ng! Mas malakas pa ang boses ngayon kaysa sa tugtog! Sa irita ko, nilayasan ko ang kasayaw ko.

"And where do you think you're going, sweetie?" tanong sakin ni kuya na dinaig ako sa paggamit ng gluta.

Paano ko nalaman?

Hawak lang naman niya ako sa mala-morena kong braso at hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paglitaw ng peke niyang kaputian.

"Sa impyerno. Sama ka?" loka-loka kong sagot.

Napapalatak at napangisi ito. "You know what?" bulong niya sakin. "What if I take you to heaven instead?"

Aba, tarantado pala itong mokong na 'to, ah.

"Sorry dude. But you're not taking her anywhere," sagot ng nasa likuran ko.

"Ooh~ tough one, aren't you? And who might you be, 'dude'?", balik na sagot ni kuyang gluta.

"I'm the one who's gonna kick your ass if you don't let her go."

"Ooh~ I'm scared."

Tawanan.

Huli na ng namalayan kong nakapukaw na pala kami ng atensyon.

"Heh. You should be," mayabang pa na hirit ng nasa likod ko.

Teka...

Nag-iba ang timpla ng mukha ni kuyang gluta.

"You bitch-"

"Val, stay back," may galit na sabi ng kabatuhan ni kuyang gluta.

Nasalo ako ng mga tsismoso at tsismosang kapitbahay na busy sa panonood ng kaganapan sa harapan nila. Ikaw ba namang hilahin bigla. Buti at kaya ko pang tumayo ng ayos.

-Ang sumunod na kaganapan ay rated SPG.

Mga butong nagtunugan; ipin na tumalsik at katawan na lumipad.

-Lahat ng iyon ay naranasan ni kuyang gluta.

Nawala bigla tama ko pagkatapos makita ang eksenang iyon.

May dalawang lalaki ang naghatid palabas sa nambugbog. Para akong robot na sumunod sa kanila. Hindi ko na inintindi kung anong nangyari sa loob.

"Ms. Ruiz, tungkol sa nangyari kanina-" panimula ni Bouncer no. 1

"Don't worry. I've got it covered," sabay abot ng envelope sa mas matangkad na lalaki. Huh? Ms. Ruiz?

"Money cannot solve everything, Ms. Ruiz. Nagkaroon na ng kasunduan-"

Ring! Ring!

"Sorry. This must be Nat. I gotta take this."

Tumalikod siya samin. Sobrang tahimik sa kung saan man kami ngayon. Parang lugar kung saan pinapatay ang bida sa pelikula.

Hindi ko mapigilang titigan ang dalawang lalaki. Malaki ang posibilidad na sila pa ang mapahamak. Dahil kay Ms. Ruiz. Tsk.

Napalingon sila sa ginawa ko. Nakakatakot naman sila!

"Hey! Kaibigan lang ako. Naligaw lang sa bar," nakataas-kamay kong sabi. "Matagal pa ba 'yan, Ms. Ruiz!?" sigaw ko.

Sa wakas at humarap na rin siya. Inabot niya ang phone sa mas matangkad na lalaki--tawagin na lang natin siyang 'Bouncer no. 2'.

"She wants to speak with you."

"Pwede naman tayo na lang-"

"No. She says she wants to talk to you. So, the two of you will have a talk."

Napabuntong-hininga si 'Bouncer no. 2'. Kinuha rin ang phone at tinapat sa tenga.

"Good evening, Ms. Villamos. Yes, kasama na namin sila..."

Naglakad palayo samin si 'Bouncer no. 2'. Hindi na namin marinig usapan nila ni Nat. Napatingin ako kay 'Bouncer no. 1'.

In fairness, may hitsura...

"Don't even bother, Val. He's already taken," bulong sakin ni Ms. Ruiz. May nakaipit pang yosi sa daliri niya.

Napairap ako sa inis. Alam naman niya na ayokong may naninigarilyo sa paligid ko.

Binaling ko na lang ang sarili ko sa impormasyong 'taken' na si kuya.

"At kanino naman? Sa iyo?" nakangisi kong saad.

"Nope. To that man over there." Nginuso niya si 'Bouncer no. 2'.

What?!

Napanganga na lang ako. Hanggang sa nakabalik na si 'Bouncer no. 2'. Nakaalis at nagkasundo na silang tatlo, nakanganga pa rin ako.

Don't get me wrong! Hindi lang sila na detect ng radar ko!

Naglalakad kami ni Ms. Ruiz papunta sa kotse niya ng pinitik niya ang aking noo. Humagalpak pa ng tawa ang bruha.

"Just find somebody else, Val. Someone who sees your worth."

Napahinto ako. Pati rin siya.

"Sa tingin mo, may mahahanap pa akong ganoon?"

Tinignan niya ang kamao niya. Nagkasugat na ang kamay niya mula sa suntok kanina. Ang mahaba niyang buhok ay magulo na ang pagkakatali. Ang "Gemini" t-shirt niya at pantalon ay medyo may dumi dala na rin na gumulong sila kanina ni kuyang gluta.

Ngayon ko lang din napansin na may sugat ang labi niya. Natamaan pala siya. Ang mata niya na kung tumingin ay parang walang emosyon o pakielam, ngayon ay malungkot.

"Of course. You're Valerie."

Napakunot-noo ako.

"What's that supposed to mean?"

"It means that, you will find him."

Naguguluhan man ako, sumakay na lang ako sa kotse at nagpahatid.

*****

Kinabukasan, masakit na ulo ang bumati sakin. Parang gusto kong pabunot.

Dahan-dahan akong tumayo dahil para bang babagsak ako (una mukha) at hindi na muli makakabangon. Nasusuka na rin ako.

Sa wakas, nakababa rin ng hagdan at nakaabot pa sa banyo. Pagkatapos kong ialay ang bituka ko sa inidoro, naghilamos at nagmumog naman ako.

Pagbukas ko ng banyo, tatlong babae ang nakita kong nasa hapag at nakain.

Si Amber Ruiz, ang babaeng parang amazona dahil lagi na lang may kabugbugan. Katulad kagabi.

Si Natasha Villamos, ang kausap ni Amber kagabi. Siya nga pala ang may-ari ng Sweetlandia cafe na isa sa pinakasikat na shop dito sa Southern Valley. Siya nga rin pala ang pinakasuccessful sa amin. Sa ngayon, pinapalago niya ang mga negosyo niya.

At ang huli ay si Sandra Santos, isang pastry chef ng Sweetlandia.

"A very good morning to you, Val! How's your head?" malambing na pagkakatanong ni Nat.

Napairap na lang ako bilang sagot.

Tumayo si Sandra at naghain ng pagkain. Tinulungan din niya akong makaupo sa hapag. Si Amber naman ay patuloy pa rin ang pindot sa cellphone.

"So, ano na ang plano mo?" tanong ulit ni Nat.

Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood. Masama ang pakiramdam ko. Nasabi ko na bang wala ako sa mood?

Nagkibit-balikat ako bilang sagot.

"Okay, I gotta go."

Mabilis pa sa alas-kwatro na nawala si Amber.

Natulala na lang kaming tatlong naiwan.

"Do you remember Harold?" tanong ulit ni Nat. Sinusubukan niya sigurong iwasan ang nakabibinging katahimikan pero wala eh. Talagang ganun na.

Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Val, just tell us what you need, okay?"

"Yup. Sure. Thanks by the way, " kaswal ko lang na sagot.

Tumayo na rin siya at may aasikasuhin pa raw siya sa shop. Ngayon kasi ay may pinapagawa pa siya sa café. Kaya naman, sarado muna ito.

Pagkalabas ni Nat ay siyang tulo ng mga luha ko. Iyak lang ako ng iyak. Mukha na nga akong tanga.

At kahit na puro uhog na ako, hindi ako iniwan ni Sandra at inintindi niya ang kwento ko.

Continue Reading

You'll Also Like

235K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
190K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
44.3K 1.7K 53
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...