Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 31

88 2 0
By tamestnaive

Chapter 31

Kendrick Luis Garcia Torres

Luis Garcia Torres sent you a friend request.

Kaya pala hindi na siya active sa dati niyang account kasi may bago na. Bakit niya kaya naisipang gamitin ang pangalawang pangalan niya. Gayunpaman, hindi na ako aasa na makakakuha rin ako ng ganitong notification.

"Hindi na ako aasa pa na maaalala mo ako."

Why do he need to even change his Facebook name. Gagamitin niya pa ba iyong dati? Kung hindi, edi pati sa gc namin wala na rin siya? Hayss iyon na nga lang iyong koneksyon ko sa kanya, mawawala pa.

Sadyang pinapalayo ka na talaga sa 'kin. Marahil alam ng tadhana na kapag lumapit ka pa, maduduwag pa rin ang puso kong magsalita. Ang dami kong hininging sensyales at unti unti na itong natutupad.

May isa pa, Ken. Huling senyales na lamang ang hihingin ko at kapag nangyari pa iyon, siguro nga dapat ko na talagang kalimutan ang nakaraan. 

"Ellie, samahan mo naman ako sa canteen oh. Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e."

Tulala ako sa kawalan at walang enerhiyang gumalaw galaw pero dahil kay Missy ay bigla akong natauhan sa malalim na pagkakaisip. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong tungkol kay Kendrick.

"Tahimik mo naman, as always." Asar nito sa tabi ko.

Binigyan ko siya ng maikling ngiti lamang. "Trip ko lang maging tahimik e, bakit ba?" Pabalang na sagot ko.

Hindi rin ata alam ni Missy iyong tungkol kay Kendrick at ayokong sabihin para hindi na niya ako asarin pa. Tsaka wala pa namang kasiguraduhan e kaya tatahimik nalang muna ako.

"Hmmm hindi mo ata nababanggit si Kendrick." Pagbubukas niya sa topic.

Nanatili ako sa pwesto at tanging ulo lamang ang ginalaw ko para tingnan si Missy. Saglit akong tumahimik at napaisip.

"Hindi naman ako gano'n kabaliw sa kanya para alalahanin siya kada segundo na lang." Paglaban ko sa sarili ko.

Oo, walang oras na hindi siya mawala sa isipan ko, ngunit hindi naman bawat segundo e siya nalang parati ang laman ng utak ko. May mga bagay na mas importante kaysa sa damdamin kong nakatago.

"Weh? Kung makapagkwento ka nga tungkol sa inyo dati wagas e. Iniyakan mo pa tapos bigla mong tatanggihan." Nang-aasar niyang sagot.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala talagang magpapatigil sa bibig ni Missy, mas gusto niyang paniwalaan iyong gusto niya. Hindi ko nga alam kung maghihintay pa ba ako sa'yo, Ken, pero kasi talagang malabong nangyari iyong nais ko.

"Usog nga, Ken."

I was startled when Lance pops up and sat beside me and even called me by his name. Nainis ako dahil hindi rin niya ako tinitigilan kakaasar kay Kendrick at iyon na nga iyong ikinababahala ko. Kapag inaasar niya ako, walang pakundangan din niyang banggitin o isigaw ang pangalan ni Kendrick na labis na nagbibigay ng kaba sa akin.

"Huwag mo nga akong tinatawag gamit ang pangalan niya. Ang ingay mo, nakakarindi ka!" Reklamo ko, naiinis na para takutin siya.

Bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa akin sa gulat. "Ay, sorry sorry baka may makarinig nga pala." Ngumisi siya ng nakaka-asar. I glared at him for teasing me.

"Huwag niyo ngang asarin si Ellie. Alam niyo namang hindi napipigilan iyong kilig niyan kada naririnig pangalan ng crush niya."

Mabilis kong nilingon ang boses mula sa likuran ko. Umupo sila sa mesa namin pagkarating. Napatingin ako kay Fia na malawak din ang ngiti sa mukha. Hindi niya pa alam na nakita ko na iyong litrato na pinadala niya sa akin kagabi. Hindi ko rin mabasa ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ang totoo.

"Huwag niyo ngang binabanggit iyong buong pangalan niya baka may makarinig, issue." Reklamo ko sa kanila nang nakamusdot ang mukha.

Nakakainis kapag buong pangalan iyong binabanggit nila sa 'kin dahil ang lalakas ng mga boses nila kapag inaasar ako. Ayokong may makarinig na naman at baka mas lalong lumaki iyong issue.

"Bakit naman ayaw mo? Sus, kinikilig ka lang e." Tinulak pa ako ni Fia, ang bigat ng kamay ah!

"Oo nga tsaka ang oa mo naman. Hindi lang naman siya ang may pangalan na Kendrick ahhh." Pagrarason ni Missy.

Mabilis silang nagsitanguan sa sinabi niya at animo'y sang-ayon sa sinabi nito. Napatahimik ako dahil pakiramdam ko walang sasagip sa akin.

Mas pagtutulungan nila hanggang sa ma-trigger ang damdamin ko kung kaya't para tumigil ay ako nalang ang tatahimik at napayuko. Kita ko ang pag-iling nila at rinig ko ang mga tawa pero nanatili akong tahimik.

"Change topic na nga lang." Saad ni Shaina, lahat naging tahimik. "Pag-usapan nalang natin ang nalalapit mong kaarawan."

The mood suddenly lightens up upon mentioning Lance's upcoming birthday. Lance is a sly person and we don't even have any ideas of how his party should be celebrated when it's only weeks to go.

"Oo nga pala, Lance, birthday mo na! Anong plano ba?" Excited na tanong ni Fia, biglang napayuko si Lance.

"Hula ko puro inuman lang 'yan 'no?" Asar ni Kate rito. Bigla namang napaismid si Lance sa gulat nang sinabi niya iyon dahilan para matawa si Kate lalo.

"Ay, oo nga pala. Hindi talaga tayo kasali kasi girlfriend niya lang iyong kasama niya. May date sila." Dagdag ni Shaina at tumawa.

Nagbago naman ang mood ng lahat nang marinig iyon. Naging iba rin ang mood ni Fia, from happy to irritated. Ayaw niya kasi sa isang kaibigan iyong napapabayaan ang friendship kapag nagka relasyon na ang mga ito.

"Ay oo nga pala. Girlfriend first before friends." She scorn.

Lance became uncomfortable because of their teasing. I feel sad for him. Naiintindihan ko naman na sinusubukan niyang magkaroon ng oras sa amin, iyon nga lang pinangungunahan pa rin siya nina Fia tungkol sa mga bagay na iyon, naiilang siya at nasasaktan kahit pa biro lamang ang mga iyon.

Flashback
"Ano ba 'yon?"

Masaya kaming nagkwekwentuhan nang bigla akong hatakin ni Lance palayo sa kanila. Mabuti nalang hindi nahalata nina Fia dahil abala sila sa pakikipag-usap.

He took a deep sigh before speaking. "Hindi ko lang makayanan ang nangyayari doon. Damn! Is it my fault that I am in a relationship? Was it my fault that I am in love with this girl and all I want is to be with her. Magkakasama na nga tayo lagi sa school e, pati ba naman sa free time ko ipagdadamot pa nila?"

Okay, now I know why he's acting like that awhile ago. He was silent and I suddenly felt something's wrong. I just waited for him to tell me, and now it says it all. Kanina ko pa siyang napapansin na tahimik lang habang nagkwekwentuhan kami.

Siya kasi iyong na hot seat kanina dahil siya iyong isa sa in a relationship ng barkada. They kept on pushing with his limits saying that his time for us is being disappeard because of his girl. 

Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi naman nila masasabi iyon kung wala silang nararamdaman. Maybe they're just jealous because you barely joins us. Kahit naman ako naiinis din minsan kasi puro ka nalang excuses." Prangka ko rito.

Hindi siya makasagot at nanatiling tulala sa kawalan kaya nagpatuloy ako para na rin masabi ang nararamdaman ko tungkol sa kanya. "Ngayon ko lang din napansin na parang may iba sa'yo. Hindi na ikaw iyong dati na go with the flow lagi. Parang umiiwas ka na."

Sandali siyang tulala bago humugot ng isang malalim na buntong hininga. Kapag gano'n, may pakiramdam akong may problema nga. Gusto kong marinig ang sasabihin niya para alam ko ang nararamdaman ng kaibigan ko.

"Hindi ko maiwan iwan si April. Selosa talaga iyon at hindi ako gumagawa ng ikakaselos o ikakainis niya, kaya lahat ng gusto niya sinusunod ko para lang hindi kami mag-away." Ramdam ko ang bigat ng dibdib niya nang ilabas iyon.

Anong klaseng babae naman kasi 'yan. Hindi niya naisip na mga kaibigan naman iyong mga kasama niya. I maybe upset but I have to understand the girl. Maybe something keeps on bugging her mind. Syempre babae rin siya at lalaki iyong kaibigan namin. Mukhang wala na siyang masabi pa.

"Naiintindihan naman kita kasi hindi ka naman magkakaganyan kung wala lang. Pero sana manlang pinaalam mo sa amin para hindi ka napapasama lalo na kina Fia. At least alam namin ang rason mo." Marahang sagot ko rito.

Mukhang naiinis na naman kaya mahinahon lang ang boses ko para kalmado pa rin siya. Mukhang hindi naman kami halatang nawala sa mesa namin dahil kita ko mula rito ang masasayang mukha nina Fia habang nagkwekwentuhan.

"Ellie, alam mong kahit anong paliwanag ko ay hindi pa rin pinaniniwalaan dahil mas gusto nilang pinaniniwalaan iyong mga iniisip nilang wala namang kabuluhan." He's frustrated.

I don't know how to deal with him anymore. My babbling will be no help for him. He needs to relax and I just tapped his shoulder for cheering.

"Maintindihan ka rin ng mga iyon. Siguro hindi pa ngayon pero sa tamang panahon. Kung kailangan mo lang ng kausap, dito lang ako."
End

"Guys, wala na tayong magagawa kung iyon 'yung gusto niya. Birthday niya iyon, ang importante naman masaya siya sa araw niya e." I understand him. Hindi niya lang masabi kasi alam niyang hindi siya paniniwalaan.

Natahimik naman sila sa sinabi ko. Lance looks at me with his eyes wide open. I gave him an assurance smile while our friends started to think about I said. Natahimik sila ng ilang segundo bago nagsitanguan.

"Yeah right, his happiness is all that matters, pero baka naman magcelebrate rin tayong magkakaibigan kahit small celebration lang." Pagpupumilit ni Bianca.

I think that statement should be answered by Lance, so I glance at him to give time to speak out his thoughts. He smiled at me for agreeing.

"Syempre naman, guys, kayo pa ba! Mayro'n din tayong bonding dapat." Mukhang okay na siya.

I think they all agreed with his plans since they started talking about their plans also for Lance's birthday. Kinabukasan, nasa canteen kaming lahat dahil vacant namin. The boys were playing as usual, while the girls are talking...and something unusual is happening right now.

"Spongebob SquarePants, sponge-boooob square paaants."

Hindi ko alam kung bakit kinakanta nila 'yan simula nung dumating sila at nangunguna talaga sina Fia and Shaina. Anong mayro'n ba sa kantang iyon.

"Spongebob? Anong meron?" Napalingon ako sa nalilitong si Missy.

Maging siya ay hindi rin pala alam ang tungkol do'n. Naunahan niya ako sa pagtanong kaya napatingin nalang ako sa dalawa. Tumatawa pa silang dalawa habang tulala naman kaming apat na nalilito pa rin. Nagkatinginan kaming hindi marunong at rinig namin ang tawa nila bago magpaliwanag.

"It's a song for Ellie. Favorite kasi ni Kendrick 'yong SpongeBob. Actually, si Patrick the starfish talaga iyong gusto niya kasi sounds like his name raw." Masayang paliwanag ni Fia. 

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko mapigilang tumawa. Hindi ako makapaniwalang sa isang taong magkaklase kami, ay ngayon ko lang nalaman iyong paborito niya. Like really? SpongeBob talaga? Nakakakilig na nakakatuwa dahil sa kakyutan.

"Pa'no mo nalaman? Hindi masyadong halata noon ahh. Seryoso ba iyan?" Kalmado pa rin dapat para hindi masyadong halata.

Tumango siya nang walang alinlangan. "Oo, syempre sinabi niya. Isang gabi kasi nagkwentuhan kami ng kung ano ano. Iba iba iyong topic hanggang humantong sa mga paborito niyang palabas, at ayun na nga!"

Luh, totoo talaga?! Talaga ba, Ken. Gusto mo iyong starfish sa SpongeBob dahil lang magkalapit ang mga pangalan niyo. Aba, ang gandang rason naman no'n. Nakakatuwang asarin, paano kaya siya mapikon? Hindi ko tuloy napigilan ang mga ngiti ko habang naiisip iyon.

"Oyyy, starfish ka lang pala ah."

I stopped smiling like idiot when I heard them teasing me again. My expression immediately turns into different to avoid malicious comments from them.

"Che! Tumigil nga kayo, ang cringe kaya." Mabilis kong iniwas ang mga titig sa kanila.

Bigla namang sumagot din si Fia sa harapan ko. "Gano'n? Cringe man para sa'yo pero iyon iyong nagpapasaya sa kanya."

Nagbibiro lang naman ako nung sinabi ko iyon ngunit mukhang seryoso ata si Fia. Saglit na tumahimik ulit ang grupo ngunit mabit nalang ay nagsalita agad si Missy.

"Gusto niya kasi sa kanya lang mapapangiti si Kendrick." Napakagat labi nalang ako sa sinabi ni Mis. Akala ko ililift niya iyong mood, mukhang mas lalo atang bumigat para sa akin.

"Walang akong pakialam." Pagtataray ko rito.

They didn't stop teasing me the whole day that even through chats, they won't let that slip, all because of that SpongeBob thing. I just find it really cute and hilarious. He never fails to make me smile.

Pero hindi ba halata kapag inaasar nila ako? Baka mamaya umabot sa social media tapos bigla kang imemention ng mga kung ano ano tungkol sa crush crush at makita niya?

Fia : Hey, star!

Shaina : SpongeBob SquarePants.

Missy : Yiiieee

Kate : I also can't believe about that SpongeBob thing

Fia : Alam ko na iyong sasabihin para hindi ka mahalata in public, Ellie!

All Girls : Starfish!

Magmula nung nalaman nila kahapon iyong tungkol kay Kendrick, hindi na nila ako tinatantanan sa salitang iyon. Katulad ngayon, nasa canteen ulit kami dahil may mga meetings iyong mga professors kaya rito muna kami lahat.

The boys are playing with their phone together with other guys from different departments. Kaya maingay ang paligid dahil lahat ng mga courses ay nandito.

"Gusto kong manood ng SpongeBob mamaya. Gusto mo bang sumama, Ellie?"

"Oo, gusto ko kasing makita si Patrick the star e."

"Yeaahh, 'di ba paborito mo iyon, Ellie, si starfish?"

I feign smile when the girls tease me while grinning. Kaharap lang namin iyong mga lalaki na naglalaro kaya dinig na dinig nila iyong mga pag-uusap namin.

"Spongebob? Paborito mo iyon, Ellie?" I pause my breath when I heard Greg's question.

Nasa tabi lang pala namin siya at nakikinig ng kanta dahil hilig niya iyon, pero hindi ko inasahang maririnig niya ang usapan namin kaya hindi ako makasagot.

"Oo, Greg. Pareho kasi sila ng crush niya." Fia teased me upon mentioning it infront of Greg. He's now eager to know about it.

"Sinong character favorite mo roon?" He insisted.

Didn't expect that coming. Why was he asking about that? As if it's important to talk about cartoons at this moment. I couldn't answer, I was tongue-tied again and dumbfounded.

Unti unting lumalakas ang kabog ng dibdib ko kaya nahihirapan akong huminga. Animo'y hinihigop ni Greg ang hangin sa sobrang lalim ng titig niya sa akin. Isip, Ellie. Humanap ka ng solusyon.

"Patrick the startfish kasi sounds like Ke--"

"Squidward!"

Napasigaw tuloy ako sa sobrang kaba dahil sa mga walang preno nilang bibig. Gosh, mapapaaga pa ata ang pagkalat ng tungkol kay Kendrick. Baka mamaya maingay rin pala 'yan si Greg at ikwento sa iba, edi siya lang pala magpapabuking ng sekreto ko. No way! 

"Talaga ba, Ellie?" Malisyosang tingin ni Shaina sa akin. Pinilit kong ngumiti kahit malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi mapalagay.

"Akala ko ba si Patrick the starfish kasi kapangalan ni Ke--"

"Alam mo, issue ka, as in."

I stopped what Missy wants to say infront of Greg. Mukhang nalilito naman si Greg sa mga galawan namin kaya umalis na. Tumahimik na rin sa wakas ang paligid maliban sa mga lalaking naglalaro. I look at the girls and they look happy.

I just can't stop thinking about Kendrick and I'm planning to ask Fia about something, but it stops me from doing it because I'm scared she might never stop me from teasing that can lead to spreading rumors.


"Makakasama ka ba sa bahay? Overnight tayo sa birthday ko."

Kasama ko ang tatlong kaibigan dahil may lakad din sina Fia. Napapansin namin na napapadalas iyong pagsasama nilang apat nang hindi kami iniimbita, pero okay na rin, atleast may oras din kaming apat na kami lang.

Napalingon tuloy ako kay Lance dahil sa tanong nito. "Ano? Overnight ba tayo? Pumayag sila?" Sunod sunod na tanong ko, nalilito at nagtataka sa narinig.

"Talaga, Lance? Hala, nakaka excite naman niyan. Sana payagan ako ni mama pero don't worry, magpapaalam ako." Missy exclaimed happiness but Lance still focused on me.

"Kasi kung kakain tayo sa labas baka magkulang iyong budget ko, alam niyo namang pinaghandaan ko iyong sa 'min ni April." Paliwanag nito.

Okay, that makes sense. May lunch date nga pala sila ni April. "Okay na rin pero hindi ko lang sigurado kung makakasama ako. Alam mo naman parents ko tsaka papayag ba sina, Fia?" Pag-uulit ko.

His mood suddenly change from happy to sad upon mentioning the girls. 'Yung pakiramdam na hindi niya masabi 'yong gusto niyang sabihin para lang walang maging problema.

"Papayag 'yan tsaka ako naman gagastos ahh. And besides 'di ba dati pa nila gustong magovernight tayo?" I nodded at him.
If that's his plan, then I don't have to do about it. He's already decided of what he wants to do on his birthday.

Days passed at dumating na nga ang birthday niya. My mom allows me to celebrate with them but the overnight thing is excluded, so meaning mga 5pm lang ako pwede at iyon ang pinag-uusapan namin ngayon.

"Bakit naman hindi ka pinayagan? Akala ko ba nagpaalam ka na birthday 'to at overnight tayo?" 

Kanina pa kami nagcecelebrate pero hindi pa rin tumitigil si Fia kakatanong. I was kinda irritated kasi kung mag-explain naman ako, hindi naman nila pinapakinggan. Now I feel Lance's feelings.

"Hay naku, pag-uusapan pa naman natin sana si Kendrick." Awtomatikong gumalaw ang ulo ko papunta sa kanya.

Why would we talk about Kendrick? Ano na naman ikwekwento niya. She never failed to tremble me as I got anxious of her next words. She chuckled and answered me when she saw my confused face.

"Hindi mo pa ata nakikita iyong sinend ko the nung isang araw kaya sasabihin ko nalang." Iyong ano ba? "May bagong fb account siya at nasa friend request ko siya."

I was dumbfounded when she finally speak about that thing. I remained myself and became calm. I acted like I didn't know anything. "Talaga? Bakit naman? Tsaka hindi naman ako informed. Sabagay hindi niya ako inadd e."

"Sad. Actually nagulat nga rin ako kasi hindi naman siya nagsasabi, pabigla bigla nalang  kaya ayun." Kibit balikat niyang sagot.

Kung ikaw nagulat, lalo pa ako. Gagamitin niya pa ba iyong luma? Haays, iyon na nga lang ang tanging paraan para maka-connect ako sa kanya, mawawala pa.

"Positive lang, girl. Malay mo." Dagdag nito.

Ilang araw lumipas at wala akong ginawa kundi mag-aral. I was also stalking his new account just for fun. It was one day when I was just scrolling with my phone then Fia messaged me.

Fia : Ellie, umuwi si Kendrick. Magkikita kami mamaya.

Napaayos ako ng upo at kinusot ang magkabilang mata para makita nang maayos kung totoo ba ang nababasa ko. Shocks, umuwi pala siya? Kailan? Bakit? Ang bilis naman ata. Anong gagawin niya na naman dito.

Ellie : Talaga? Bakit siya umuwi?

I should pretend that I'm not affected of his appearance. Kinakabahan ako dahil magkikita sila mamaya at baka madulas si Fia bigla.

Fia : Hmm they don't have class kasi for two weeks ata kaya umuwi muna siya. May lakad kami mamaya kasama si Grace dahil umuwi rin iyon.

Sheda, bakit ba nagsisiuwian silang lahat?! Gosh, of all people, bakit si Grace pa na hindi malayong hindi niya sabihin kasi close silang dalawa nung highschool pa.

I was nervous and anxious the whole time. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang kinakabahan ako, dagdag pang kung ano anong pumapasok sa isipan ko nito. Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.

Ilang minuto lang ang lumipas nang makita ko ang ig stories niya na talagang inabangan ko, magkakasama na nga silang tatlo. Dalawang post lang iyon, una ay iyong video. Nakita ko kung gaano siya katangkad dahil nakatayo siya, at ang pangalawa naman ay litrato niya na nakangiti sa camera, magkaharap sila ni Fia.

Gosh, he looks perfect with his broad shoulders. Kinakabahan ako. Siguradong nakita ni Fia na nakita ko na iyong stories niya. I tried to avoid them and just went to my facebook pero mas lalo akong kinabahan hanggang sa gusto ko nalang maiyak nang makita ko iyon.

Luis Garcia Torres sent you a friend request.

Maiyak sa kalungkutan at hindi sa kasiyahan. Dapat akong matuwa dahil nakikita ko ang magandang pangalan niya sa aking telepono. Ngunit bakit kasalungat ng nararamdaman ko ngayon ang dapat kong maramdaman. Nalaman niya na ba ang pinakatagong sekreto kong ayaw kong ipaalam sa kanya. Hindi ako handa, at hindi magiging handa.

Delete

I need to do it. I was just joking when I said that he should also add me, but right now, I feel like there's something wrong. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kasi may pakiramdam akong hindi siya ang may gawa no'n.

Pakiramdam ko ay pinaglalaruan lang ako ni Fia at masakit dahil alam naman niyang ayokong malaman ni Kendrick iyong nararamdaman ko, but she still keeps on teasing me. And everytime she does it, I feel nervous as damn.

Okay na ako sa ganito. Yung ako lang iyong nakakaalam na gusto ko siya kasi wala rin namang saysay kung malaman niya man ang totoo dahil hindi ko rin sigurado kung totoo iyong pinaparamdam niya sa 'kin dati.

Ang gusto ko lang naman ay isang kaibigang tapat, iyong makakapagpahayag ako ng damdamin ko. Hindi ang kaibigang bibigyan ka ng trauma dahil lang sa akala niya ay nakakatuwa ang ginagawa nila. Napaiyak nalang ako.

Aminado akong normal lang sa magkakaibigan ang asaran pero sa pagkakataong ito, hindi ko nais magbiro sa mga ganitong bagay. Kung mang-asar sila parang hindi totoo 'tong nararamdaman ko sa kanya.

"Ang tanga mo, Ellie. Nagpadala ka sa sariling mong damdamin nang hindi iniisip ang magiging kahahantungan nito. Ikaw lang din ang nagdurusa sa sariling mong kagagawan."


"Naalala ko nga pala, girl, magkasama kaming tatlo last saturday." Nanatili ako sa ginagawa at hindi siya pinakinggan.

"Curious ka nung inadd friend ka niya 'no?" Napatigil ako sa ginagawa nang marinig iyon. Binuksan niya ang paksang iyon habang tumatawa. 

Naalarma ako at awtomatikong nilingon siya. Hindi ako nagsalita at naghintay lamang. "Kami talaga ni Grace ang may gawa no'n. Ginamit lang namin phone niya nung nagcr siya at inadd friend ka namin."

Hindi ako agad nakapagreact. Sinakop ng malakas na tawa niya ang buong utak ko. Sa sobrang lakas ng tawa, hindi niya na ata naririnig ang mga sinasabi niyang nakakasakit.

Hindi manlang ba niya ramdam na ang pangit nung ginawa niya pero proud pa siya. Hindi nalang ako nagsalita ngunit ilang segundo lamang nang mapatigil ako ulit. Nilingon ko siya nang may pagtataka na sa mukha.

"Alam ni Grace??" Tama ba ang rinig ko? Silang dalawa ni--alam niya?!

Tumigil siya sa kakatawa at nilingon ako. "Ano ka ba, si Grace lang naman iyong sinabihan ko e. Wala nang iba."

Pakshit. Bakit siya pa?! Jusko, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Natataranta, nag ooverthink, kinakabahan, ano pa bang ekspresyon ang mararamdaman ko sa bawat araw na kasama ko si Fia na may koneksyon sa aming dalawa ni Kendrick. 

"Fia, bakit mo sinabi? Alam mo namang ang daming kaibigan no'n, malapit din sila ni Ken. Bakit siya pa sinabihan mo?!" Kinakabahan na naman ako nito ngunit wala lang ata sa kanya.

She quickly shook her head. "Don't worry, Ellie, she promised me to keep your secret."

Should I believe on her. I don't think so, I trusted her before but she broke my trust towards her. I can't stop thinking everything.  Gumulo na ang lahat at ang masama, ako lang ang naiipit. Ako lang ang namomoblema, ako lang ang nagdudusa.

"May napag-usapan nga pala kami, at dapat mong malaman 'to." Dagdag pa nito.

Takang nilingon ko ulit siya. "Ano na naman?"

Lumapit siya sa akin para magkarinigan. "Tinanong namin siya kung sino iyong mga possible na maging girlfriend niya sa batch natin last year."

Agad pumintig ang magkabilang tenga ko. I can't believe her. Walang preno talaga ang bibig niya and she do whatever she wants.

"At alam mo ba kung sino iyong sinagot niya?"

Bigla akong kinabahan nang todo sa tanong niyang iyon. Masasaktan ba ako sa magiging sagot niya.

Walang gana akong umuwi ng bahay dahil sa mga nalaman. Nakakastress iyong mga nangyari ngayong araw. Fia's words keeps on bugging my mind about Ken's revelation. Gusto kong alisin sa isipan ko iyon pero talagang ayaw lumisan e.

Flashback
"Sino?"

Ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon kumpara dati. Sa mga titig ni Fia, hindi ko mabasa kung masasaktan ba ako o matutuwa sa magiging sagot niya.

"Sa lahat ng babae raw na pwede niyang maging girlfriend sa batch natin baka raw.... si Michelle iyon."

Pigil hininga ako habang nakatitig sa seryoso niyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang ang tagal bago maproseso ng sinabi niya sakin. What? Really? Why? I thought we were okay back then? I expected a lot kasi akala ko totoo iyong pinaparamdam niya sa 'kin.
End

Nakakainis ka, Ken. Kung gano'n naman pala, bakit iba iyong nakikita ko noon? Bakit iba iyong nararamdaman ko dati? Akala ko totoo lahat ng iyon. Akala ko lang pala. I was hurt because I expected and assumed a lot from you, but now I know.

"Pinili niya si Michelle kasi matured enough na raw siya para humawak ng seryosong relasyon. Mabait, seryoso, masayahin, at nakikita niyang iba kung magmahal ang kaibigan mo."

Humingi ako ng huling senyales tungkol sa nararamdaman ko. Ito na ba ang pinakahinihintay ko, iyong senyales na makakasakit sa akin at makakapagmulat sa reyalidad ng nararamdaman ko.

Iba ka talaga, Ken. Ikaw lang ang taong nagpaiyak sa 'kin hindi lang isang beses. I never cried on Nathan before, but when it comes to you, I don't know why I keep on crying and hurting to even leads me questioning myself, if my feelings are still worth it for you.

I know it's a stupid thought but still, what if... What if I didn't met you, Kendrick, would tears rise up?

Continue Reading

You'll Also Like

170K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
386 70 20
A confession for my crush
107K 3.3K 31
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
749K 2.7K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!