Yesterday's Remnant

By tweentalker

649 18 0

Isang pangako na tinupad. Pero ang kapalit nito ay isang masakit na alaala ng kahapon. Pilitin mang kalimutan... More

Yesterday's Remnants
Prologue:
Chapter 2: Saviour
Chapter 3: West Point Academy
Chapter 4: Big 5
Chapter 5: New Classmates
Chapter 7: Calvin Phillip
Chapter 8: Out of the Box Bar

Chapter 6: The Dark Society

72 2 0
By tweentalker

Chapter 6: The Dark Society

Ilang oras na din ang nakakalipas ay ilang subject teacher ang hindi nakapunta para magturo dahil nagkaroon ng biglaang Conference Meeting.

Matapos kung tarayan itong katabi ko ay iniba na nito ang topic ng usapan.Nangamusta lang ito tungkol sa bakasyon ko sa Batangas at sa pagkakaospital ko pero puro matipid na sagot lang ang ibinigay ko dito.

At dahil hindi pa oras ng lunch break ay hindi pinayagan ang mga estudyante na pa'kalat-kalat sa labas kaya matiyaga kameng tumambay sa loob ng classroom.

Himala ang mahina-hinang bulungan ng mga kaklase ko,hindi masyadong maingay.

Nilingan ko ang paligid at sinulyapan ang ilan kung mga kaklase na halos mabali ang leeg sa kalilingon sa likod at parang mga baliw na kinikilig at mahihinang humahagikhik sabayan pa ang mahihinang sikuhan at hampasan.

Nilingon ko ang sentro ng kanilang pantasya,abala ang apat sa kani-kanilang gadget na dala.

Dumako ang paningin ko sa katabi ng mga ito isang upuan ang pagitan nila.

Nakasandal ito sa upuan at nakatukod ang ulo nito sa pader habang nakapikit.

Hindi ko maiwasang pagmasdan pagmumukha nito.Hindi na ko magtataka kung bakit ganon na lang ang hatak nito sa mga babae,kahit yata nakapikit lang ito tulad ngayon ay ang lakas na ng dating nito.

"Si Calvin Phillip Vandoire yan.Leader ng Dark Society."bulong ni Bryle sa tabi ko ng mapansing nakatingin ako dito.

Dark Society?Parang narinig ko na yon,hindi ko lang matandaan kung saan.

Umayos ako ng upo at tumingin sa may harap ng pisara.Nakalingon pa rin itong katabi sa likod at tinitignan din nito ang kanina'y pinagmamasdan ko saka ito humarap sakin.

"Hindi sila basta transfer lang dito."nagtatanong ang mga mata ko na lumingon dito at nagiging interesado ako sa sinabi nito.

"At noong summer class pa sila pumasok dito."Weird.Ang alam ko lang na nag'susummer class ay yong may mababang marka at may mga back subject.Anong naisipan nila at nagtransfer sila ng wala sa panahon?

Kaysa magtanong ako ng kung ano'ano ay minabuti ko na lang makinig.

"Mga taga East Point Academy sila."

"Diba high class academy yon."naiintrigang tanong ko dito.

Sa pagkakaalam ko ay may apat na sangay ang paaralang ito.

Ang North Point Academy kung saan nag'aaral ang nasa Elementarya.

Ang West Point Academy na pinapasukan ko,kung saan mga middle class na mag'aaral at mga scholar ang pumapasok dito.

Ang East Point Academy kung saan nag'aaral ang mga high class o ang mga anak ng mga matataas sa lipunan at mga alta sosyedad.

At ang South Point University ang pinakamalaking unibersidad na huling sangay kung saan lahat ng magtatapos sa West Point at East Point Academy ay dito mag'aaral ng iba't-ibang kurso.

"Oo at ayon sa usap-usapan may pumapasok na kalaban sa West Point at hindi yon kaya ng Dark knight kung kaya kinailangan nila ang kapangyarihan ng Taga East Point."

"Anong ibig mong sabihin?"kinikilabutan ako sa pinagsasabi nito.

"Hindi kasi detalyado e saka usap-usapan lang yon."akala ko naman masyadong seryoso ang sinasabi nito.

"Pero hindi lang sila basta Frat lang katulad ng kinabibilangan ni Tyrone na Leader ng Dark Knight."

"Huh?"

"Ang Dark Society.Sila ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan namumuno sa North Point,West Point,East Point at South Point.Maging sa labas nito."

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla na lang natahimik ang lahat sa corridor maging dito sa room natin ngayon."Bumalik sa isip ko ang senaryo kaninang umaga,tumahimik ang lahat sa boses nito hanggang sa makaalis na ang mga ito ay naging tahimik ang corridor.Pati na rin ng dumating sila dito sa room ay tahimik lang na nag'aabang ang mga kaklase ko.

"Sila ang kinatatakutan at iniiwasan ng lahat.Lalo na ang presensya ng Leader nito na si Calvin Phillip Vandoire."

"Isang syang GangLeader."gumapang ang kakaibang kilabot sa katawan ko sa narinig ko mula dito.

Ang alam ko lang ay pinakanakakatakot na ay ang Fraternity.Hindi nawawalan ng kapatiran sa isang paaralan o kaya sa isang unibersidad dala ng pinagsanib pwersang kapangyarihan ng mga mayayaman.

At hindi ko akalain na mga gangster ang grupo ito.Akala ko ay simpleng Fraternity lang sila na nagpapatupad ng kaayusan sa kanilang teritoryo.

"Alam kong di kapani-paniwala itong sinasabi ko pero totoo,at walang nakakaalam sa totoong pakay nila dito."

Sa huling sinabi nito ay napatitig ako sa mukha nito.Umalingawngaw sa utak ko iyon.At nakaramdam ako ng kuryosidad sa Grupong tinatawag na "Dark Society".

At isa lang ang tumakbo sa isip ko,delikado ang makabangga ang isang Gangster at kinikilabutan ako sa maaaring mangyari..

Continue Reading

You'll Also Like

420K 2.8K 41
Anim na taon na ang nakalipas, pero hindi naging sapat ang pagmamahal para manatili silang magkasama. Now, fate has brought them back-kasabay ng mga...
909 35 15
Sa pag-ibig hindi totoo na nagmamahal ka ng sabay. Meron at merong mas nakahihigit sa dalawa. Iisa lang ang magiging great love natin. Kung may mahal...
1.1K 109 14
Paano kaya kung nakabalik ka sa nakaraang panahon ng hindi mo inaasahan? mas pipiliin mo kayang manatili o lumisan na lamang? paano kong sa pananatil...
50.9K 523 9
Dala ang pait ng nakaraang buhay, Isang babae ang muling isisilang. Sa kaniyang mga ugat ay nananalaytay Dugo mula sa magkaibang nilalang. Taglay ang...
Wattpad App - Unlock exclusive features