Hunter Online

By Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 21: This is E-Sport

12.9K 1.3K 864
By Penguin20

"ANG tahimik mo diyan, miss mo na si Dion?" Naputol ang malalim kong pag-iisip noong biglang magsalita si Kuya London habang kumakain kami ng lugaw.

Sa tuwing pagkatapos namin mag-jogging ay parating dito kami pumupunta sa Lugawan malapit sa village dahil the best talaga 'yong LTB nila dito. Kunwari ding nagja-jogging itong dalawa kong kapatid pero pagkatapos naman ay makakailang mangkok ng lugaw, nonsense din.

"Hindi ka pa rin tapos kay Dion, Kuya? Hindi nga kami nag-uusap noong tao." Sabi ko at kumain nh Tokwa. "Kung sino-sino ang sinasabi mong may crush sa akin. Nakakahiya sa mga tao." Reklamo ko sa kanya.

"Hindi ko naman sinasabing crush ka ni Dion. Ikaw ang may crush sa kanya." Tukso niya.

I rolled my eyes. "Asa ka. Kuya Brooklyn, si Kuya London nga, oh! Nagsisimula na naman ang aga-aga." Sumbong ko kay Kuya na nagse-cellphone habang kumakain.

"Kayong dalawa, para akong nag-aalaga lagi ng pitong taong gulang kapag kasama ko kayo. Paano na lang kapag umalis ako? Baka nagsaksakan na kayong dalawa sa inis." Exaggerated na suway ni Kuya Brooklyn. OA naman noong magsasaksakan, feeling ko naman hindi kami aabot sa ganoong point ni Kuya.

"Nasabi mo na ba kanila Mom 'yong tungkol sa New Zealand?" Tanong bigla ni Kuya London kay Kuya Brooklyn. Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Kuya.

"Aalis ka talaga, seryoso?" Tanong ko.

"Hindi ko pa nasasabi kanila Mom. Hindi pa naman sure, next week pa iko-confirm ng boss ko kung tuloy ako." Paliwanag ni Kuya Brooklyn aa amin.

Alam kong maunlad na bansa ang New Zealand pero never kong naisip na binabalak ni Kuya na magtrabaho doon!

"Hoy Kuya, bakit ka mag-a-abroad? Malaki naman ang sinasahod mo dito, ah." Alam kong confidential ang sahod niya pero more than 40k per month ang sinasahod ni Kuya Brooklyn and take note, 25 years old pa lang siya.

"Ang OA ng reaksyon mo Milan," epal ni Kuya London. "Akala mo naman magma-migrate si Kuya Brooklyn sa ibang bansa sa reaksyon mo."

"Bakit hindi ba?" Tanong ko.

"Pinapadala ako sa New Zealand ng Boss ko for work. Three months lang naman ako doon kung sakaling matuloy. Kailangan ko lang mag-observe sa ginagawa ng main branch ng company and apply the method here in the Philippines pagkauwi ko." Paliwanag sa amin ni Kuya Brooklyn. Aw, mami-miss ko ang mga libre ni Kuya. Compare kay Kuya London ay mas galante si Kuya Brooklyn, eh.

"Mami-miss ka namin, Kuya," plastik na sabi ni Kuya London.

"Gago. Dapat pagkauwi ko ay buhay pa kayong dalawa. Sa oras na malaman kong pinasasakit ninyo ulo nila Mom, sesermunan ko kayo via Zoom call." Banta niya sa amin.

Habang kumakain kami ay na-open up ko na rin 'yong pagiging Professional players since noong isang araw ko pa siya kino-consider dahil sa mga sinabi sa akin ni Vegas.

I realized na tama si Vegas. Female Players need a representative para sa mga Professional Tournaments para hindi kami minamaliit ng karamihan na Male Hunters.

"Kuya, parang kino-consider kong maging Professional Player," parang hindi naman nagulat sila Kuya London sa sinabi ko at umayos lang sila nang upo. "Hindi kayo nagulat?"

"Kuya mo kami, malamang ramdam na namin na gusto mo iyon gawin." Kaswal na paliwanag sa akin ni Kuya London. "Sabi nga namin, wala naman kaming balak pagbawalan ka sa mga gusto mong gawin sa buhay. This is the perfect time na mag-explore ka kasi hawak mo pa 'yong oras mo... Kasi kapag nag-work ka na, wala na, tali na ang oras mo. Nage-gets mo ba ako?"

"Kaya ba hindi mo magawang mag-wakeboarding kahit last month mo pa sinasabi 'yon?" Tanong ko.

"Oo, tangina, imbes na mag-wakeboarding ako ay itutulog ko na lang dahil may pasok kinabukasan." Inis niyang kuwento. "Pero nasa bucketlist ko pa rin iyon. Matuto mag-wakeboard."

"Hindi naman kami kokontra sa desisyon mo, Milan. Pero itatanong ko sa 'yo, kaya mo ba?" Seryosong tanong ni Kuya Brooklyn. "Hindi ka maghihinto nang pag-aaral dahil sa pagiging Pro Player. It will be a world na dominated ng mga male players. Kaya mo ba?"

Saglit akong natahimik. "Ita-try ko pa lang naman. Kung hindi kaya, e 'di quit na agad." Paliwanag ko.

"Baliw, may contract 'yon." Naiiling na sabi ni Kuya London. "Kaya pag-isipan mo. Bakit naman ba naisip mo bigla ang bagay na iyan?"

"Gusto kong maging unang babae na makapasok sa Professional League." Parehas silang napatigil sa pagkain. "Napansin ko kasi sa Hunter Online na madalas maliitin ng mga lalaking players ang mga babaeng players. Just because they are women! Oh my God, what a sexist jerks. Kung magkakaroon ng representative ang kababaihan sa Professional League. It will be a slap to those retards na may skills din naman kami, kaya namin makipagsabayan sa mga tournament."

"That's cool." Kuya Brooklyn said. "As long as kaya mong i-manage ang oras mo, then go. Kung magkaroon ka ng fail subject next semester, ipapa-terminate ko agad ang contract mo kahit magkano pa 'yan."

"Inform Mom and Dad about your decision," kumakain na sabi ni Kuya London. "Especially to Dad. Kapag may mga Tournament ay sa Boothcamp ka titira so mawawala ka sa bahay. Bunso ka pa naman."

***

ARAW ng Sabado at heto ang araw kung saan gaganapin ang maliit na competition dito sa Robinson Malolos. Sarado pa ang mall ay mahaba na ang pila mula sa labas.

"Ganito karami ang manonood sa game?" Tanong ko kay Clyde habang nakapila kami. Akala mo ay may sikat na artista ang pupunta rito ngayon dahil sa haba ng pila.

"Since nagbukas ang new server (which is Peninsula) ay dumoble ang bilang ng players na naglalaro ng Hunter Online. Karamihan ng nandito ay siguradong players din ng game. At isa pa, may chance na makakita sila ng mga Professional Players and streamers dito dahil may mga sikat na team din na magpa-participate." Paliwanag sa akin ni Clyde.

Habang nakapila kami ay bigla na lang ako naatrasan ng mga tao sa harap namin dahil na rin nagkakagulo. Mabilis akong inalalayan ni Clyde sa balikat upang hindi ako matumba. "Okay ka lang?" Tanong niya.

"Ah, oo, nadumihan lang 'yong sapatos ko." Pinagpagpag ko ito. "Pero okay lang ako."

Seryosong tumingin si Clyde sa matabang lalaki na nasa harap ko at kinalabit ito. "P're, ingat naman. May mga babaeng nakapila sa likod mo." Bakas ang otoridad sa boses ni Clyde noong sinabi niya iyon.

"Sorry." Sagot noong lalaki at tumingin sa akin. "Sorry. Magulo kasi 'yong pila sa harap."

"No, it's okay." I smiled.

Napatigil ang lahat noong may bus na dumating sa harap ng Mall. It's a color Red and White na mini bus. Malakas na nagsigawan ang mga tao at napatakip ako ng tainga.

"Sino sila?" Tanong ko kay Clyde.

"ALTERNATE," sabi ni Clyde sa akin. "Isa sila sa mga Top 10 squad sa Hunter Online. Sumasali sila sa mga small tournament kagaya nito para i-train ang mga sub players nila." Paliwanag ni Clyde sa akin.

Hindi maalis ang tingin ko sa mini bus, it is a personalized bus na may logo ng team nila at kulay din ng team nila. Bumukas ang pinto ng bus at mas lalong lumakas ang mga sigawan ng mga tao. Partida, hindi pa nagsisimula ang game nito.

Sinasabi ng mga lalaki na ang lalakas tumili ng mga babae pero sila itong makasigaw ngayon ay parang mababasag ang eardrums ko sa ingay. Maging si Trace at Tomy ay malakas na sumisigaw. "Fan ba kayo niyan?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot ni Trace. "Pero napapanood namin sila. Sila 'yong nilalampaso ng mga favorite team namin." Mayabang niyang paliwanag.

Nakapilang lumabas ang siyam na miyembro ng ALTERNATE, suot nila ang jacket na may logo ng team nila. Kumakaway silanh sumalubong sa mga taong malapit sa pinto habang dire-diretsong naglakad papasok sa loob ng mall.

Mas nauuna kasing makapasok ang mga players para makapaghanda sila sa gaganaping match.

"May popular player ba ang ALTERNATE dito?" Tanong ko kay Clyde.

"Hindi nila kasama ang malalakas na players nila pero nandito si KnightRider, siya ang team captain ng ALTERNATE, nandito yata siya para i-guide 'yong mga players ng team niya. Ewan ko lang kung magpa-participate siya." Paliwanag ni Clyde sa akin.

"Bakit? Mas maganda kung mag-participate siya para mas malaki ang chance na manalo ang squad nila." I explained.

"Hindi na gagawin ni KnightRider iyon lalo na't nakasasali na siya sa malalaking competition. Sa oras kasi na matalo siya sa small competition na ito... Nakakahiya sa pangalan niya. Pinoprotektahan niya rin 'yong reputation niya as a player." Paliwanag ni Tomy.

"May young player din na tine-train ang ALTERNATE na si Crimson. He is one of the best young players this season." Tumatangong paliwanag ni Trace.

At this point, na-realize ko na marami pa akong hindi alam tungkol sa Esports team. Mas knowledgeable pa sa akin sina Clyde pagdating dito. (Which is understandable since they are playing Hunter Online for years na.)

"Nauuhaw na ako," reklamo ni Shannah habang nakapila kami. "Tomy, bili ka ngang tubig doon sa minimart."

"Utusan mo ba ako?" Maangas na tanong ni Tomy.

"Bilis naaa!" Pagpupumilit ni Shannah. "Heto pera, sa 'yo na sukli."

"Sige." Bilis kausap.

Isa-isang dumating ang bus ng iba't ibang team. May mga sikat na team na talagang sinisigawan ng mga tao rito at sinasalubong sa entrance at mayroon naman na sakto lang ang reaksyon nila at tinatanong pa nga kung anong squad sila, eh.

If you managed to enter sa Top 10 teams sa Tournament every season, iba ang response ng mga tao.

Pero nakakamangha ang awra ng mga Professional Players habangs suot nila ang jacket ng kani-kanilang mga team.

Ten minutes before the opening of the mall ay wala pa rin ang Battle Cry.

Dmitri Onyx Villanueva calling...

Nabigla ako noong tumawag sa messenger ko si Dion. I answered the call. "Hello," Sabi ko.

"Kakausapin ka raw ni Oli," sabi ni Dion at mukhang iniabot na niya ang cellphone kay Oliver.

"Kumare, malapit na kami. Sabay ka na sa amin papasok. Kasama mo ba mga kaibigan mo? Sabay na kayo." Oli said on other line.

Lumakas ang sigawan ng mga tao noing dumating ang mini bus na sinasakyan ng Battle Cry. Sinisigaw nila ang mga pangalan ng players at napatakip ako ng isang tainga para mas maayos kong marinig si Oli.

"Hello, nakapila na kami. Sorry 'di kita masyadong marinig. Ang lakas ng sigawan ng mga tao." Paliwanag ko sa kanya.

I can see Oliver inside the bus na nakatayo habang iniikot ang paningin niya sa maraming bilang ng tao dito. "Hindi kita mahanap! Dion, tulungan mo nga akong hanapin si Kumare."

Tumayo na rin si Dion at naghanap sa paligid. Mas lalong sumigaw ang mga kababaihan dito noong nakita nila mg mas maayos si Dion. Oh, si Dion nga pala ang isa sa pinakasikat na player ng Battle Cry. Isa rin DAW siya sa pinakaguwapong Esport player.

Nagtama ang mata namin ni Dion at kumaway ako sa kanya para mas makita niya ako. Inagaw niya ang phone kay Oli. "Wait ka lang diyan. Bababa ako." Dion said.

"Ang pogi talaga ni Dion!" Sigaw ni Shannah at saktong dumating si Tomy dala ang tubig.

"Bababa raw si Dion dito." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Dion is wearing the jersey shirt of Battle Cry na may logo sa kaliwang bahagi ng T-Shirt at nakasuot siya ng Jogging pants kung saan nakasulat ang text na Battle Cry.

Bumukas ang pinto at unang bumaba si Dion. Mas lumakas ang sigawan noong bumaba siya at instead na sa entrance ng mall siya pumunta ay naglakad siya sa mahabang pila ng mga tao. I watched him walk and hindi ko maiwasan na matawa dahil halatang nahihirapan siya dahil sa dami ng tao (especially girls) na humaharang sa kanyang dinadaanan.

"Milan!" Sigaw ni Dion at sinenyas niya ang kamay niya na parang pinalalapit ako.

Inaya ko sina Clyde para lumapit kay Dion.

May mga nagpa-picture kay Dion bago dumating ang ilang guards ng mall para harangan siya. "Kanina pa kayo?" Tanong ni Dion habang naglalakad kami papunta sa entrance ng mall.

"Oo. Iba talaga kapag sikat." Naiiling kong sabi kay Dion.

He chuckled. "Baliw." Bumaling ang tingin niya sa mga guards. "Kuya kasama namin sila. Mauuna din silang pumasok sa mall." He informed them at tinuro kami.

Pagkarating namin sa entrance ng mall ay bumaba na rin ang ibang members ng Battle Cry. "Kumare!" Sigaw ni Oli at hinagis niya sa akin ang isang jacket ng team nila.

Si Clyde ang sumalo nito at iniabot sa akin.

"Suot mo, Milan, bisita ka namin kaya dapat kami ang i-cheer mo mamaya." Sabi ni Oliver nang pabulong sa akin since hindi nga kami magkarinigan dahil nga sa lakas ng sigaw ng mga tao rito.

Pumasok kami sa loob ng Mall at habang papalakad kami sa may venue ng competition ay makikita na ang magarbong design na nandito.

May barricades na nakapaligid sa pagganapan ng competition at sa loob noon ay nandoon ang mga team kung saan nag-uusap na sila ng mga pinaplano nila.

Naunang pumasok ang tatlong Kulokoy kasama si Shannah at nauna pa sila sa Battle Cry. Nagpa-picture sila sa kung sino-sinong player ng iba't ibang team.

"Lalaro kayo?" Tanong ko kay Oli.

"Hindi, manonood lang kami. Support lang namin ang ibang members ng Battle Cry." Paliwanag niya sa akin. "Ang comfy pa noong jacket?"

"Oo, medyo malaki sa akin itong jacket mo, Oli, pero ang comfy niya." Paliwanag ko.

"Hindi naman sa akin 'yan." Sagot ni Oli sa akin.

Napatigil ako saglit at binasa ko ang likod ng Jacket kung kanino ito.

Battle Cry
RUFUS

07

Napatingin ako kay Dion kung kaya pala naka-jersey lang siya. "Hala ka, pinagamit sa akin ni Oli 'yong jacket mo. Gagamitin mo ba?" Tanong ko kay Dion.

"Comfy kamo. E 'di suot mo muna. Hindi naman din ako nilalamig." He explained

Pinagmasdan ko ang buong venue na kung saan may labing apat na reclining chair na nasa venue na gagamitin ng mga players kapag nag-log in na sila sa game. May mga seats din para sa iba't ibang team na nandito. Magarbo din ang disenyo sa stage at may mga pailaw at sa LED TV ay nagpe-play ang mga nanalo noong mga previous competition.

The players from different squad ay seryosong nag-uusap sa kani-kanilang tactics.

Si Axel ang kumakausap sa mga players na maglalaro to represent Battle Cry since he is the captain.

Inayos ko ang pagkakasuot ko sa jacket ni Rufus. "Milan, picture-an kita habang suot mo 'yong jacket namin. Ipo-post ko sa IG ko para ipangalandakan na kami ang sinu-support ni Shinobi." Paliwanag ni Oli.

"Picture-an mo pero huwag mo nang i-post." Banta sa kanya ni Dion. "Gagawa ka pa ng issue."

"Bakit? Parang jacket lang, eh."

"Basta huwag mong i-post tanga ka. Mapapagalitan ka pa ng management kapag pinost mo, eh." Sagot ni Gavin.

Tiningnan ko ulit ang paligid at napangiti.

So, this is E-Sport.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
968 108 5
❈ ONGOING ❈ Hinirang na Anito #10 Sa likod ng bawat kidlat, tambol ng kulog sa mga ulap, at sa pagbuhos ng ulan, nakatanaw ang makapangyarihang nila...
13.8K 742 19
Kupas na ang kulay ng watawat. Inaagnas na sistema ng bansa. Ang mga tao ay mamatay-matay sa paghahanap-buhay. Sa panahong hindi na dayuhan ang tunay...
15.6K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.