REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 18

1.7K 121 31
By spirit_blossom

Papa and I made our way out of the school premises. I wanted to create an alibi but I knew an excuse would make matters worse. Nakasakay na ako sa back seat ng kotse nang marinig kong utusan niya ang driver na tumulak pauwi ng mansyon. Nakaramdam ako ng panlalamig at alam kong hindi iyon dahil sa aircon. It was just four o'clock in the afternoon. He still got an hour of work as a city mayor yet decided to go home. Hindi na nga niya ako pinabalik sa classroom namin kanina para kunin man lang ang bag ko. Si Gino na lang ang inutusan niyang mag-uwi nito nang tawagan niya sa cellphone habang nasa byahe kami.

The ride back home was silent. Nakapasok na kami sa village at sa unang beses namutla ang labi ko nang makita ang mansyon namin. Naiparke na ang kotse pero pinili ko pa ring pumirmi sa loob. Papa was already waiting for me outside with his arms crossed.

"Bumaba ka, Rhiannon. Wag mong hintaying hilahin kita," utos niya habang nakabukas ang likurang pintuan.

Bumaling ako sa kaniya at nakita ang 'di-natitigatig niyang itsura. Hindi pakitaan ng anumang emosyon ang mukha at para bang masamang tao ako kung tingnan ng mga mata.

Nawalan yata ako ng dugo. "P-pa.."

Papa pursed his lips. Huminga muna siya ng malalim bago ko mahuli ang sariling nagpatianod sa hawak niyang mahigpit. Hindi niya binitawan ang braso ko hangga't hindi kami nakakapasok sa loob, at sa sandaling nakalagpas na ang mga paa namin sa pinto nang pakawalan niya ako ng padabog. Napa-aray pa ako pero natabunan iyon ng singhal ni Papa. Dumagundong ang boses niya sa bulwagan na parang malakas na bagsak ng kidlat.

"SINO ANG NAGSABI SAYO NA PUWEDE MONG GAWIN IYON, RHIANNON!?"

Napapikit ako saglit sa takot. Nakita ko ang mga katulong na sasalubungin sana kami pero natigilan. Nanatili silang nakatayo sa distansya at tila na-alarma.

"YOU'VE BEATEN YOUR OWN CLASSMATE! HINDI KA NA NAAWA! NAKITA MO BA ANG MGA PASA NIYA KANINA? I DON'T EVEN KNOW WHAT TO TELL YOU RIGHT NOW!"

I bit my lip as Papa started pacing back and forth. Nakapisil ang isang kamay sa sarili niyang sentido habang nakapikit naman ng mariin ang mga mata. Tila sinasaulo uli ang pinakita sa kaniya ng bruha kong kaklase kanina.

"I didn't do it." mahina kong tugon.

Papa stopped. Dumilat siya 'tsaka ibinaling sa akin ang mga mala-uling niyang mata, "I did not order you to mumble. Umayos ka ng sagot!"

"I-I didn't do it." Napagitla ako.

Bumagsak ang dalawang kilay niya. "What are those bruises then? Hindi naman puwedeng naroon lang 'yun nang walang dahilan. Sinong sa tingin mo ang mananagot ng ginagawa mo?"

"Hindi ko alam. Hindi nga ako ang may gawa nu'n, Pa."

He was doubtful. Nakita ko iyon sa tingin niya. Nakakatampo man sa puso na makita siyang nagdududa pero pilit ko pa ring ipinaintindi sa kaniya ang katotohanan.

"I've been into a fight with her yesterday but I didn't even go that far to what they claim. Nasampal ko siya at nasabunutan pero higit doon wala na. I swear, Pa."

He again pursed his lips. "So that video circulating online wasn't fabricated? Hindi mo ba alam 'yan ang usapan ng mga tao sa city hall. The vice-mayor even gave a remark about it. Bumalik ka na naman raw sa kamalditahan mo!"

I was supposed to answer but he immediately interrupted me. Papa pointed his finger at my direction. "Pasalamat kang bata ka napakiusapan ko na agad ang ninong mong kausapin 'yung classmate mo. You're not only dragging the name of this family to dirt but also the reputation of your institution!"

Bakit ako ang masama? Bakit ako ang sinisisi niya sa lahat? Hindi ko naman papatulan ang impaktitang iyon kung 'di dahil sa sinabi niya. The b¡tch started it!

Nanubig ang mga mata ko. I cannot believe he's reprimanding me!

"Here am I, believing that you've changed. Hindi ako nag-atubiling ibalik sayo ang mga layaw mo kasi ang isip ko natuto ka na. You just made me fall into one of your schemes. Hindi ka na talaga nagbago." Bumuga ng hangin si Papa.

No! Papa was wrong. I am becoming better. Hindi man agaran ang pagbabago pero ang mahalaga napagtanto ko na ang mga maling nagawa ko noon. I spent money over unnecessary things. I was insensitive of my surroundings. I was a brat!

Hindi ba't iyon naman ang mahalaga? You can't be a better version of yourself without first accepting your flaws. You won't learn from the past unless you start acknowledging your mistakes. Walang pagbabago na mangyayari sa sarili mo kung bulag ka pa rin sa mga kamalian.

Bakit niya ako sinisisi sa isang bagay na 'di ko naman sinimulan? "Stephanie was being mean to me. She was being rude to you and your wife. Hindi ko naman talaga siya papatulan kung 'di niya sinabi ang mga 'yun tungkol sa inyo! She bragged how unfair you were for not attending every school meetings. She laughed at my mom for being dead."

Nanlambot ang mukha ni Papa.

"Bakit ako ang sinisisi mo kung ginawa ko lang naman 'yun para sa inyo?" tanong kong kaunti na lang mababasag na ang boses.

Papa may not notice it but I love him so much like I love my mother. Si Papa na lang ang natatanging pamilya ko at gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Mapaaway man ako sa iba. Mapasama man ako sa mga mata nila. Hindi niya. Ganu'n nga lang ang nangyari. He was so unfair to me that it hurt.

"Rhiannon, what you did was wrong. Hindi mo pa rin dapat siya pinatulan. Narinig mo naman sinabi sakin ng nanay niya kanina. I am incompetent because your behavior reflects my image not just your father but also as mayor," sabi niya.

Nadurog ang puso ko sa narinig. I find myself laughing in disbelief. "Hindi ko siya papatulan kahit yurakan niya ang pamilya natin? Unbelievable!"

I heard the gates getting opened. Hindi man ako lumingon pero alam ko kung sino ang pinagbuksan ng mga guwardya nang marinig ang pamilyar na tunog ng motorsiklo.

"Hindi ba't tinuruan na kita noon? Walang lugar sa angkan natin ang ganiyang ugali, Rhiannon. Mapagkumbaba tayo!"

"Family had nothing to do with being humble! Pag minalditahan nila ako, mas mamalditahan ko sila!"

"We are a family of politicians! You belong to clan of politicians! Hindi puwede ang ganiyang kaisipan dahil maraming mata ang nakatingin sayo! Lahat ng maling gagawin mo kokonekta sa pangalang kinabibilangan mo!"

Napasinghal ako. "Hindi ba't 'yan naman talaga ang mahalaga sayo? Politics and that freaking position! Hanggang kailan ko ba sasabihin na wala sa intensyon kong gumaya sa inyo?"

"You really are a disgrace to this family! Wala ka nang ibang dinala sa pamilyang 'to kundi sakit ng ulo at kahihiyan!"

Namilipit ang puso ko sa narinig.

Gino came in. Nakasukbit sa kaliwa niyang balikat ang sling bag ko habang nasa kabila naman niyang balikat ang sariling back pack.

Napatingin sa kaniya si Papa. "Nagtaka ka pa noon ba't mas kinikilingan ko si Gino? He is much more of a son to me than you ever will be!"

"Bakit sa tingin mo ba gusto rin kita maging ama? You were never a father to me! Mas gugustuhin ko pang maging ampon—"

Napasinghap ang mga katulong. Namalayan ko na lang ang sariling napagawi ang paningin sa kanan, sa kanila. Nakita ko kung paano balutin ng gulat ang mga mukha nila nang padapuin sa akin ng sariling ama ang kaniyang palad.

Hindi ako nakakilos. Hindi makapaniwalang nagawa sa akin iyon ni Papa. Ngunit patagal ng patagal, pahapdi rin ng pahapdi ang pisngi ko sa sampal niya, at palabo rin ng palabo ang paningin ko nang unti-unti kong napapagtanto na nagawa nga akong saktan ni Papa.

Bumaling ako sa kaniyang nakangisi. "You just made me believe not following you was a right choice."

"Bastos ka talagang—"

"Pa, tama na!" pagsingit ni Gino.

The shadow of his height quickly enveloped me. Humarang ang katawan ni Gino nang aktong padadapuan na naman ako ng palad ni Papa. Gino was ordered to step aside. Umiling lamang siya 'tsaka inunat sa magkabilang banda ang dalawang kamay.

"Tumabi ka, Gino!"

"Tama na nga, Pa!"

So my ears weren't playing me? He just called my father his own. Hindi ko man naramdaman ang hapdi ng dapat na magiging sampal sa akin pero nangirot pa rin ang puso ko sa narinig.

"Isa ka pa!" 'tsaka ko siya marahas na tinulak.

Gino turned his body towards me. Confusion was all over his charcoal-black eyes. "Rhiann—"

"Narinig mo lang kaming nagtatalo ta's naging ganiyan ka na? Freaking opportunist!"

Hindi ko maintindihan kung ba't may napansin akong kirot sa mga mata ng oportunistang binatang ito. Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang magpaliwanag pero napipigilan lamang siya. His eyes scanned me like I don't even know what I was saying to him.

"M-magpapaliwanag ako," sumamo ni Gino, aabutin na sana ang mga kamay ko pero 'di ko hinayaan.

I glared. Bakit nga ba ako nagpaniwala sa mga pinagsasabi niya sa akin nung nakaraan? Bakit ko hinayaan ang sariling magpaapekto sa mga kinikilos niya? Wala namang saysay ang lahat ng iyon at kung mayroon man ay para nga utuin ako sa kung ano mang binabalak niya sa aming mag-ama. Gino was my enemy from the very start!

"Rebelde ka nga talaga, Gino. Traydor," sabi ko sa kaniya na 'di pinakukurap ang mga matang nalu-luha.

The hurt in his eyes magnified. "Rhiannon, m-mali ka ng iniisip—"

Hindi na ako nagpauto pa sa kaniya. Tinalikuran ko na sila bago pa man nila makitang bumagsak ang mga nakaambang kong luha. Tumakbo ako palabas ng mansyon at maski narinig ko siyang tumawag ay 'di ko pinakinggan.

I hate you, Gino! I hate you so much!

Sumakay ako ng taxi at pumunta sa bahay nina Ava. Siya ang nagpatahan sa akin nang makarating sa kanila. Hindi ko na kasi napigilan ang damdamin at umiyak na habang nasa kasagsagan pa lang ng byahe.

I told Ava everything. Sa kung paano ako naging masama sa paningin ng tatay ko kahit hindi ko naman kasalanan, sa kung paano sabihin sa akin na kahihiyan lang ang dala ko sa pamilya, sa kung paano ipamukha sa akin ng binatang iyon na kaya niyang agawin ang taong mahalaga sa akin, at sa kung paano niya ipamukha na kung ano man itong nararamdaman ko sa amin ay wala sa kaniya.

"Bakit ba kasi ang sakit para sa akin na maging kapatid siya, 'va? Bakit ba 'di ko siya matanggap?" iyak ko sa kasama.

"You only need time, girl. Ok lang 'yan," alo naman ni Ava.

Napakayap ako ng mahigpit sa kaibigan. Nabasa na ng mga luha ko ang manggas niya. Gusto kong isipin na tama ang sinabi niya pero mayroon sa sulok ng isip ko ang nagsasabing hindi. Time will just make it worse. I might not able to control myself sooner or later if this feeling continues to grow. And it will never be okay.

I spent dinner there. Si Tita Ayve panay ang tsismis ng mga schoolmate naming nanunuyo kay Ava. Si Kuya Evo naman panay ang biro sa akin kung taken na ba ako at kung 'di pa ipapakilala sa akin iyong kaibigan niyang basketbolista.

"Oh, naalala ko. How is your father doing? Hindi ko pa siya nakakausap nitong mga nakaraan." pagsingit ni tito sa aming apat.

Nabura ang ngiti ko. Nabanggit lang ang tatay ko pero nangirot na agad ang aking puso. "O-ok naman po."

"Good to hear. Huli ko yata siyang nakausap noong nag-asikaso ako ng business permit. I even remember seeing a young man with him then. Moreno gaya niya, matangkad, tapos semi-kalbo ang buhok."

Hindi ako nakasagot. Lumubha ang pamimilipit ng puso ko nang maisip na napapadpad rin pala sa opisina niya si Gino. I don't even have the slightest idea that jérk was visiting my father by himself. Papa really took fond of Gino.

"Send my regards to your father, ok? Pag 'di na siya busy sabihin mo golf naman kami minsan," suyo ni tito sa akin na sinang-ayunan naman ng panganay niyang gusto ring sumama.

I smiled half-heartedly. "Sige po."

I really wanted to stay the night here but that jérk really has his ways to ruin everything. Hindi ko alam kung saan nakuha ng buwisit ang number dito pero tumawag nga siya at nagtanong kung nandito ba ako. Si Tito Eric kasi ang nakasagot ng telepono. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila sa telepono pero kalaunan rin nang ipaalam nga sa akin ni tito na susunduin raw ako ni Gino.

"Hindi mo na talaga siya hihintayin? He's on his way na yata," tanong ni Ava nang makarating na ang sasakyang b-in-ook ko sa cellphone.

"Hindi ako bata, 'va. I can manage myself."

"Sayang naman effort nung tao," bago siya sumimangot habang nakatayo sa harapan ng gate nila.

Napairap ako. "So? Wala naman akong sinabing gawin niya 'yun. I bet even Papa didn't order him to fetch me. Pabida lang talaga."

"Daddy said Gino sounded worried. Dapat nga ipapahatid ka nalang pero sabi raw ni Gino siya na pupunta. Gusto ka rin daw kasing makausap."

Napatambol ang puso ko! Wala na kaming kailangang pag-usapan! I've heard everything back home! Bakit niya ba inaabala ang sarili sa akin? Hindi pa ba siya nakukuntento sa sitwasyon naming mag-ama ngayon? Bakit ba ayaw niyang tumigil sa pagiging sipsip? Gaano ba katindi ang kagustuhan niyang bumango sa paningin ng tatay ko?

Bumusina ang pulang kotseng nakaabang at pareho kaming napatingin ni Ava. I bid her good night. Hindi talaga nag-iba ang isip kong umalis na bago pa maabutan ng kalbong iyon.

"Be sure to go straight home na, ok?"

"K," pagsinungaling ko bago sumakay ng kotse.

Hindi alam ni Ava na ibang address ang nilagay ko kanina. Wala pa talaga kasi sa isip ko ang umuwi sa amin. Hindi ko alam kung kaya ko na ba silang makita pag-uwi ko. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang makausap pag nakita ako.

Ano bang gusto niyang ipaliwanag sa akin? Was I wrong of what I accused him earlier? Hindi nga ba siya oportunista?

I dialled Renzo's number but he was not picking up. Tumawag uli ako pagkatapos ng ilang segundo pero operator na ang narinig ko. Bumuga ako ng hangin at sumandal sa back support. I stared at the sky as the car drove me to his house. The crescent moon was shining bright tonight.

Hindi ko alam kung puwede akong pumunta sa kanila pero hinayaan ko pa ring makarating ang kotse. Tumingala ako sa bahay nila nang makababa. Tahimik ito ngayon kumpara nang huli akong nakapunta rito. Birthday niya iyon. Napansin kong nakasindi pa ang ilaw ng bintana niya kaya nagkaroon ako lalo ng lakas ng loob.

Tumungo ako sa doorbell at isang beses na diniin ang daliri sa pulang buton. I can't tame my heart from racing. I knew I came here uninvited. And unexpected. Renzo might get mad at me. I showed up on such a late night. Umiling ako 'tsaka isinantabi ang pakiramdam.

Maiintindihan naman ako ni Renzo. Mahal ka niya, Rhiannon.

Bumukas ang pintuan nila. Huminga ako ng malalim at nag-isip ng dahilan kung sakaling isa sa mga magulang niya ang bubungad. Nakaisip naman agad ako pero nakita ko ang taong sumalubong sa akin sa gate at kung ano man ang nasa isip ko ay madaling pumutok.

Nahuli ko na lang ang sariling nakatanga sa harapan ng isang babae. "Sino sila?"

Si.. Claire. Nakatayo sa harapan ko, nakatingin, naghihintay sa aking sasabihin. Nandito, nakatali ang buhok na tulad ng ipit niya sa larawan ni Renzo, na nakita ko noon.

I don't understand. Hindi ba't wala na raw sila sabi ni Renzo?

"Sino sila?" pangalawa niya.

I wanted to answer but as if my jaw just froze. Ganito pala ang pakiramdam na makahuli ng isang sikreto. Hindi ka makakaimik. Everything will unfold infront of you and you can do nothing but to let it. Gusto kong magalit pero alam kong wala ako sa lugar. Hindi naman kasi ako ang girlfriend ng palikerong iyon at kung tutuusin ako pa nga itong..

Napakagat ako ng labi. Shit!

Claire blinked her eyes. "Ok ka lang? Namumula ka."

I am not of course! Natahimik man ako sa harapan ng dalagang ito pero nagsusumiklab ang galit ko sa puso. Renzo, you son of a bitch!

"I, uh, s-sorry; wrong house." sabi ko na lamang 'tsaka nagmamadaling lumayo.

Hindi rin katagalan nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa loob. "Sino 'yun, baby?"

Tumabi agad ako sa posteng malapit. I closed my eyes tightly upon hearing him. I wanted to imagine that voice belong to someone else but it was too familiar. Hindi ko maitatanging hindi si Renzo; siya talaga.

"Hindi ko kilala, eh. Mali raw ng bahay."

"I told you don't bother. Hindi naman sila mama 'yun kasi mamaya pa sila makakauwi galing Pampanga."

Humagikhik ang dalaga. "Sorry!"

"You naughty girl. Bumalik ka na uli sa kuwarto," malandi ngunit ma-awtoridad na utos ni Renzo.

Napakuyom ako nang marinig ko silang maghagikhikan. I bit my lip. Nangilid ang mga luha sa nakapikit kong mga mata pero bago pa man tumulo ang mga ito paibaba nang marahas ko itong pinunasan. "Sh¡t."

Nakakita ako ng taxi at naisipang pumara.

"Saan po tayo?" tanong ng driver at agad kong binanggit ang isa sa mga pinakakilalang club sa kabilang ciudad.

"Hindi ba ikaw 'yung—minor ka pa, ah." puna nito at tila nakilala kung sino ba ako.

Tumingin ako ng mataray sa rearview mirror. "Wala kang pakialam. Just go."

Nakipagtitigan ito sa akin ngunit hindi rin katagalan nang paandarin na ang sasakyan. Napangiti ako ng pilya.

I committed a mistake. I became vulnerable and let these guys toy me. I won't let it happen again, and tonight I will party like hell. Papa was right about me, I guess. I haven't really changed, but tomorrow I swear, Rhiannon Engres will never be the same.

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
496K 36K 8
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
Munimuni By jelo

Short Story

21K 1.1K 110
"Straight ako, pero bakit ngayon hindi na yata ako sigurado?" - David Musika Series #1