My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Bad

323 31 4
By HEYNEENAMOR

Ken's POV



"Ihahatid ko lang kayo sa bahay ngayon. Pupunta pa ako kay Feliciano. Kahapon pa niya ako gustong makausap."





"Ang lungkot naman ng friendship niyo. Hindi kayo nakakapag-usap kahit sa phone?" sinamaan ko ng tingin si Rita at nag peace sign ito.






"Joke lang!!! To naman! Hmm. Pero doon ka sa bahay matutulog?"






"Oo naman. Bahay ko yun eh.."





"Bahay NATIN." siya namang pagklaro nito..







"Bahay Natin." pasukong sabi ko dito..







"Thank you Ken hah. Na sinamahan mo kami ni Oslo. And thank you for taking care of Oslo.."







"Bata siya. Kailangan niya ng pag-aalaga. Maliit na bagay."







"Salamat.."







"Hanggang hindi pa natin nakikilala ang mga magulang ni Oslo, tutulungan kitang alagaan siya.."








"Totoo?"








"Yes. I promise."








































"Oh oh! Pucha Ken! Anong ngiti yan? Pupunta ka ng bahay ko ng ganyan ang ngiti? Mukhang may nangyari kagabi na dapat mong ikwento ah?" bungad na sabi ni Feliciano sa akin pagkapasok ko ng bahay niya.














"Ano bang pinagsasabi mo? Bawal ngumiti? Nakakatawa kasi yung mukha mo."







"Dude. Yung Ken Chan na kilala ko, yung laging magkasalubong yung kilay at laging problemado .. Pero ngayon, parang may nag-iba. Parang ang gaan gaan ng aura mo! Nagpatawas ka na ba?"











"Gago!"










"So kamusta ang Tagaytay with "Yung kasama ko sa bahay.." paggaya nito sa sinabi ko sa kanya kahapon over the phone.








"Hindi ako pumunta dito para magkwento sayo. Kailangan mo akong kausapin diba? So Anong balita sa property ko?"












"Mag kwento ka muna!"








"Tsk. Pambihira Feliciano, bakit paubos na yung stock mo ng beer dito sa ref mo?" sabi ko ng iisang beer na lang ang nakita ko sa ref niya.






"Hindi pa ako nakapagpadeliver. Nagbabawas na din ako ng alcohol.."







"Wow? Parang di naman kapani-paniwala.."









"Dude, wag mong ibahin ang topic. So ano? May dapat ba akong malaman?"












"Wala!"












"Okay. Iisipin ko na lang na humihingi ka ng privacy.."










"Loko.."








"So kamusta ang bonding mo with your family?" tanong nitong muli kaya nahampas ko siya ng unan.







"Hey.. I'm just asking!! Tsaka totoo naman ah, masaya ako for you kasi nakahanap ka na ng bago at sarili mong pamilya! Hindi nga lang legal pero pwede na.. " natatawang sabi nito..









"Nasisiraan ka na yata ng ulo Feliciano. Kinakain na ng mga binabasa mong libro yung utak mo.."





"A single man, a single woman plus a baby, living together in one house. It's a perfect definition of a family!!!" natawa ako sa sinabi nito at pilit na sumasagi sa isipan ko si Rita..







"Pucha, ngumingiti ka na naman." natatawang sabi nito.









"Tama na Feliciano. Pumunta ako dito para sa property ko.."







"Hindi ka ba interested kay Rita?" makahulugang tanong nito. Huminga ako ng malalim tsaka sumandal sa couch..







"Well, she's hmmm.. she's too loud. You know I hate that kind of woman pero—— hmm... Hays. I don't know. I'm not that sure. Ayokong magbitaw ng salita.. Tingnan natin.."





"Pwede mo namang diretsuhin. Do you like her?"








"Maybe? But I'm not sure. A weird lang na ang bilis bilis niyang mapakalma ako.."






"Alam ko Ken na wala kang planong bumuo ng sarili mong pamilya. But Rita is a wife material. Alam mo yan."









"Yes. She is. Knowing that she's a sigle lady pero ang bilis niyang ma-attached sa bata. She made a stand to take that responsibility na alagaan si Oslo. I admire her for that. Maingay lang siya pero kahit sa akin ay pinaparamdam din niyang kasama niya ako sa bahay, she cooked for me. And I find it so sweet. Gumagawa siya ng bagay, maliit man o malaki for me kahit hindi ko hilingin.."






"Ken, don't break her heart." babala ni Feliciano sa akin.








"I don't know how to break anyone's heart. Sa akin nga yung laging nawawasak." sagot ko dito at tumango-tango ito.









"So cheers?!!! Para sa kaibigan kong nagbibinata..Hahahaahha.."










"Gago."

































Rita's POV




Kakatapos ko lang pakainin si Oslo ng magvibrate ang phone ko.












Tumatawag si Oli?




















Nagmadali akong pumunta sa BGC. Iniwan ko muna si Oslo kila RJ. Nakatanggap ako ng tawag ng isang bodyguard sa isang exclusive club dito sa Taguig. Kailangan kong puntahan si Oliver dahil lasing na lasing daw ito. I don't know why kung bakit number ko ang unang tinawagan nila pero dahil siguro ay ako ang unang-una sa history call nito dahil nanghingi nga ito ng update sa project ko with Rebecca kaninang tanghali..



Habang papunta ako sa club ay tinawagan ko si Manong Juno, ang driver ni Oliver na pumunta din sa club. Knowing na lasing ito ay alam kong hindi ko ito kayang mapauwi. Si Manong Juno ang makakatulong sa akin..




Pagdating ko ay nakita ko agad si Oliver kasama ang mga Bodyguards..











"Gumawa ng eksena sa loob.. Wala itong ibang kasama kaya tinawagan ka namin.."










"A-ako ng bahala sa kanya. Pasensya na po.."















"Oli. Bakit ka ba naglalasing? Hey?" nakapikit itong naglalakad habang nakaakbay sa akin. Aminado akong mabigat ito dahil lasing na nga siya kaya nagpasya akong huminto kami sa paglalakad sa gilid ng daan papunta sa parking lot at pinaupo ko ito sa gilid..





"Oli! Tingnan mo yang sarili mo. Wasak na wasak ka!" may sugat at kaunting dugo ito sa gilid ng labi. Ano kayang klaseng gulo ang ginawa nito sa loob ng club. Haays








"Daniela.. Ba-bakit sila ganun.. Daniela.. Pinaparusahan na ba ako ng mundo?!" umiiyak na sabi nito. Nataranta naman ako ng makita ko itong umiiyak.. Unang beses kong makita si Oliver na ganito ka-wasak. Hindi ko alam kung ano ang totoong pinagdadaanan nito.. Mukhang sa pagkakataong ito ay totoong mabigat at malalim nga ang problema niya... Sa tagal ko ng kaibigan si Oliver ay masyado itong malihim sa mga naging problema niya kaya ang makita ko siyang ganito ngayon ay nasasaktan din ako.







"Hey, Kung ano man ang pinagdadaanan mo, alam kong malalagpasan mo din yan. Kung kailangan mo naman ng kusap, nandito kami nila Iza.. Makikinig kami.." nag-angat ito ng tingin sa akin at muli na namang kumawala ang mga luha nito.






Sobra akong naaawa sa sitwasyon nito ngayon. Totoo. Alam kong malalim nga ang problema nito..






"Tumayo ka diyan dali. Dadating na si Mang Juno. Uuwi ka na sa bahay mo.." tumayo nga ito at inalalayan ko ito papunta sa parking lot..
Saglit na huminto si Oli sa paglalakad at humarap sa akin..











"Thank you Daniela. Thank you.." pasasalamat nito at nginitian ko siya..











"Sa susunod, wag ka ng makipag basag ulo! Kung may problema ka, uminom ka na lang ng mag-isa sa loob ng bahay mo!" sabi ko dito at napansin kong natawa ito..












"Salamat.." sabi nito. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.. Pagyakap nito ay naramdaman ko ang bawat pag-hikbi niya...













Shit!! Pagkawala niya sa mga yakap ay hinawakan nito ang pisngi ko.. Is he going to kiss me? Shit!!!

















Ang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang na nakabulagta si Oliver sa kalsada..





























Ken?


















Mabilis na dinamba ni Ken si Oliver at pinagsusuntok...











"Ano ba Ken !!!!! Stop it!!" sigaw ko dito pero ayaw nitong tumigil.. Nang makabawi si Oli ay si Ken naman ang sinuntok nito..









"Tama na yan!!!" sigaw ko sa kanila pero parang wala silang naririnig.. Mabuti na lang at dumating na si Mang Juno kaya may katulong na akong umawat sa kanilang dalawa..









"Ken Chan! Ano ba!!!" Galit na lumingon si Ken sa akin tsaka siya hingal na dinuro si Oliver..









"Wag na wag kang mambabastos ng babae hayop ka!!" sigaw nito kay Oliver..









"Lagi ka na lang nangingialam!! Wala kang alam!!" sigaw ni Oliver dito..











"Tumigil na kayo! Utang na loob!!! Nasa public place kayo!!!" galit na sigaw ko at naiiyak na rin ako dahil sa nangyayari..









"Oli, umuwi ka na. Mang Juno, ikaw ng bahala sa kanya.."







"I'm sorry Daniela.. " hingi ng paumanhin ni Oli.. Pero hindi ako sumagot.. Pagsakay ni Oli sa kotse niya ay naglakad na ako paalis sa lugar at hindi ko nilingon pa si Ken..








"Rita!" bakas sa boses nito ang galit ng tawagin ako.. Pwes, mas galit ako dahil sa ginawa niya..











Mabilis akong sumakay ng taxi pauwi ng bahay..












Pagdating ko ng bahay ay halos kasunod ko lang din si Ken.. Dumiretso ako sa pagpasok ng bahay pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan akong maglakad..







"Ano ba!!!" inis na sigaw ko dito..








"Binabastos ka na ni Oli, wala ka paring pakialam ???" galit na sabi nito..







"Bakit ka nandodoon Ken hah? Sinusundan mo ba ako??"






"Of course not! Hindi mo naman pagmamay-ari ang club na yun! Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta doon??"







"Sana hindi ka na lang nakialam Ken!!!"








"Binabastos ka niya!!!"








"Nasa impluwensya si Oli ng alak!!!! Hindi niya sinasadya!!!"










"Nasa impluwensya siya ng alak, kaya sinamantala mong magpahalik??!!!"










Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko ng marinig ko iyon kay Ken.. Nagsisimula na naman akong umiyak.. Wala siyang karapatan para husgahan ako. Wala..









"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!!! Wala! Hindi mo ako kilala! Hindi!!" galit na galit na sigaw ko dito..









"Tama ka, hindi pa kita kilala!" galit na sabi nito..










Nagagalit ako. Galit na galit.. Akmang sasampalin ko muli ito sa kabilang pisngi ng pigilan niya ako..








"Bitawan mo ako!!!" galit na sigaw ko dito...












Halata ko sa mata nito yung galit.. Anong karapatan niyang magalit???! Pabagsak niyang binitawan ang kamay ko tsaka ito umalis ng bahay...






















Wala akong ganang pumasok sa trabaho ngayon. Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay aabsent ako. Hindi umuwi si Ken ng bahay kagabi hanggang sa magising kami ni Oslo kanina ay wala ito. Ayokong makita siya sa trabaho ngayon kaya tinatamad talaga akong pumasok..










Pagpasok ko ng departmet namin ay kumpleto na sila doon.. Nagkukumpulan silang lahat sa area ni Tosh..



"Good Morning! Anong meron diyan?" usisa ko sa kanila..





"Good Morning RitaDooooooooo!!! Tara dito! May cookies dito oh, pinadala ng client.. Tikman mo.. Ang sarap!" sabi ni Tosh. Kumuha ako ng isang piraso at tinikman iyon.. Napangiti ako dahil totoong masarap nga ito.. Kumuha pa ako ng isa at dinala ko sa area ko..







"Kung gusto niyo pa daw ng cookies, may tatlong box pa na natira sa conference room. Kumuha na lang daw kayo doon sabi ni Miss Rebecca.." rinig kong sabi ng isang receptionists kaya mabilis akong kumuha ng tissue at niluwa ang kinain kong cookies.. Galing pala sa babaeng iyon ang cookies. Juskooo. Baka kabagin ako nito.. Tss.. At nandito pala ito? Malamang ay nandidito si Ken dahil nandito yung babae na iyon.




Nagpaka busy ako sa area ko during working hours. Hindi talaga ako lumabas ng department namin at laking pasalamat ko na wala kami kahit isang meeting ngayong araw..












"Coffee.." napatingin ako kay Iza ng maglapag ito ng kape sa table ko. Napatingin ako sa relo ko, 4pm na pala at nakalimutan ko ng gumawa ng kape..





"Salamat."









"Ang lalim ng iniisip mo. Anong problema?" tanong nito at kumuha siya ng upuan para tumabi sa akin.. Pumasok ng office si Tosh at Camille bitbit ang mga mug nila na may kape.. Lumapit din sila sa area ko..







"No. Tapusin lang natin ang office hours , mag dinner tayong apat mamaya. May sasabihin ako." sabi ko sa kanila. Yes. I think, I need to tell them what happened. Ayokong mabaliw sa kakaisip dahil sa nangyari. Kailangan kong mailabas ito dahil baka sasabog na ang utak ko.





















-
"So nagkita kayo ni Oliver kagabi then?" lahat sila ay naghihintay sa kwento ko..






"Lasing siya. Napasubo sa gulo sa club. Wasak na wasak si Oli last night. As in. Ang laki-laki ng problema nito.."





"Malaki ang problema ni Oli? Eh bakit mas mukhang ikaw yug may malaking problema?"








"He tried to kiss me.." mahinang sabi ko at sabay-sabay silang nagtakip ng bibig sa gulat..






"Then? It happened??"








"No."







"So iyon ang problema mo, hindi natuloy ang halik?"






"Hindi iyon! Mas malala doon ang problema ko!!"






"So what happened next?"









"Sinuntok ni Ken si Oli."







"OhMyGosh!!!"




"Wait, what? Bakit siya nandoon?"





"Kasama mo si Sir Ken that night?" sunod-sunod na tanong nito. Napasapo ako sa noo ko ng makalimutan kong walang alam si Tosh at Camille na magkakilala kami ni Ken. OhGosh!! Kailangan ko ng umamin sa kanila. For sure ay sunod na sunod na mga tanong ang gagawin nila..







"I'm sorry Tosh and Camille. May aaminin ako sa inyo. And alam na ito ni Iza. Matagal na.."





"Okay. Ready na kaming makinig.."










"Sir Ken was my housemate." panimula ko sa kanila..





"Housemate... wait, magkasama kayo sa bahay????" gulat na tanong ni Tosh. Tumango ako.




"OMG! NO WAY."





"Unfortunately, Yes." sagot ko sa kanila.






"Kailan pa??? I mean, papaano?"






"Long story to tell. Hmmm.. Accident lang ang lahat.. Pareho kaming may legal documents na pareho naming pagmamay-ari ang bahay. At wala ni isa sa amin ang gustong umalis ng bahay. At sorry to tell pero hindi ako aalis doon. Bigay ni Lolo ang bahay na iyon. Akin iyon."




"Malaking gulo yan."







"Sobra."







"Gaano na katagal kayong magkasama sa bahay?"






"3 months."









"So araw-araw kayong nagkikita ni Sir Ken?"







"Yes."







"Para kayong live in Girl!!! Cute!" kinikilig nasabi ni Camille kaya napairap ako..










"So ang problema mo ay ng dahil sayo kaya nagsuntukan si Sir Ken at Oliver? Ganda problem yan girl!!!" nakangiting sabi ni Tosh.







"Tosh ! Hindi iyon simpleng Ganda problem!! Galit na galit ako kay Ken.. Masyado siyang nakikialam. Alam naman niyang nakainom si Oli eh. Ang sabi pa niya sa akin ay sinasamantala ko daw ang kalasingan ni Oli para mahalikan?? As in grabe yung galit ko kagabi. I slapped him. Kung sa tingin niya ay nababastos ako ni Oli, mas nakakabastos yung sinabi niya!!" lumapit si Iza sa akin at hinimas ang likod ko. Dahil nararamdaman ko na ding iiyak na naman ako..






"So nasaan si Sir Ken ngayon? Hindi siya pumasok diba?"






"Hindi ko alam.. Pagkatapos ko siyang sampalin, umalis siya ng bahay.. At nagising kami ni Oslo ng hindi parin siya umuuwi.."





"Sino si Oslo? Yung——" halos sabay na tanong ni Tosh at Camille..









"Yung baby na inaalagaan namin.."









"Baby?? Baby niya? Baby niya ba yung inaalagan mo??"









"No. Hindi pa namin alam kung sino yung totoong magulang ng bata.. Napulot lang namin siya.."








"Oh my Gosh.."










"Nasubukan mo na bang tawagan si Sir Ken kung nasaan siya?"




"No. Bakit ko naman siya tatawagan??"







"Halatang nag-aalala ka sa kanya Rita."






"No. I'm not."






"Nagpalamig lang siguro ng ulo yun Rita. Nasampal mo yung tao. Malaking kabawasan sa ego ng lalaki ang masampal ng babae.. At si Sir Ken pa.."





"Nabigla ako sa sinabi niya. Nasaktan ako."







"Paano kung hindi naman pala iyon ang intention ni Sir Ken ,Rita? Paano kung he's just protecting you. Ayaw ka niyang mabastos. Concern siya sayo."






"Bakit naman siya magkaka concern sa akin?"








"Bakit nga ba?" balik na tanong ni Iza sa akin..









Napatingin ako sa phone ko ng magring ito..

















"Tumatawag si Rj. Ano kayang problema kay Oslo." kinakabahang bulong ko at mabilis kong sinagot ang tawag...









































❤️

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
25.9K 2.2K 64
A Fanfic Story about Marcos Family
Queen By AMOR ❤

Fanfiction

22.5K 1.4K 47
Lights on or Lights off?
19.5K 1.6K 47
"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang."