TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To...

By Amihan2526

27K 37 41

Love is the most powerful force in the universe. Minsan dahil sa sobra nating pagmamahal kaya hindi na natin... More

17 Signs kung nagche-CHEAT sayo ang isang tao
Tips para balikan ka ni Ex
Signs na true love ka ng isang lalaki
Signs na seryoso ang ka-chat mo
Iba't-ibang uri ng pag-ibig
Mga bagay na nakaka-turn off sa babae
Sign na kailangan mo ng bumitiw sa relasyon
Mga bagay na nakaka-turn off sa lalaki
Signs na mahal ka pa ni Ex
Sekreto para lalo kang mahalin ng lalaki
Signs na hindi ka na mahal ng ka-Long Distance Relationship mo
Ugali ng boyfriend na dapat mong iwasan o layuan

Mga bagay na di mo dapat gawin sa ka-LDR mo

635 1 36
By Amihan2526

Maraming nasasayang na relasyon dahil sa kawalan ng tiwala sa taong minamahal. Marami ding nasasaktan dahil sa sobrang expectation, lalo na kapag LDR.

Everyone knows that long-distance relationships are hard work. But what are the most common and serious long-distance relationship problems? Can they be fixed? Are most long-distance relationships ultimately doomed?

Don't worry, long-distance relationships can totally work. However, let's be realistic too na madami talagang hindi ito napapagtagumpayan dahil na rin sa hindi nila alam kung paano i-handle ang sitwasyon nila.

Narito ang ilang bagay na dapat mong iwasan at di gawin sa ka-LDR mo.

1. Maya't-mayang pag-uusap 

Sinabi ko na ito sa last post ko. Hindi talaga nakakatulong sa isang LDR ang excessive communication. Maniwala ka, agad kayong magkakasawaan kapag hindi nyo nilimitahan ang pag-uusap nyo. Mas okay yung nagpapa-miss kayo para kapag nagkausap kayo kinabukasan ay parang sabik na sabik kayo na pag-usapan yung mga nangyari sa inyo sa mga nakaraang araw.

2. Huwag mapagbintang o mapagduda 

Iwasan mo ang masyadong tamang hinala lalo na at wala ka namang proweba. Alam mong nagtatrabaho sa malayo si partner tapos pagbibintangan mo agad na may iba dahil lang na-delay ng reply sayo. Kung alam mong matino naman ang ka-LDR mo, magtiwala ka lang sa kanya.

3. Huwag magsisinungaling 

Kung ayaw mong magkasira kayo ni ka-LDR. Wag na wag kang magsisinungaling sa kanya. Maging honest kayo palagi sa isa't-isa para hindi kayo magkaroon ng problema in the future.

4. Huwag mag-video call at sex 

Ito yung bagay na hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gawin ng ibang magkaka-LDR. Mahirap talaga ang magkalayo. Pero hindi nyo ito kailangang gawin. Lalo na ng mga kababaihan. Maniwala ka, kapag hinayaan mo itong gawin nyo. Mawawalan ng respeto sayo ang ka-LDR mo. Gagawin pa nyang pang-blackmail sayo yan pag nagkahiwalay kayo. Kaya kung yayayain ka ni ka-LDR na gawin ito, please matuto kang tumanggi at umayaw. Respect yourself at sya din dapat ay nirerespeto ka nya.

5. Nagging 

Kaya maririndi sayo ang ka-LDR mo dahil sa sobrang nagger mo. Ito din yung tipong daig mo pa ang imbestigador kung tanungin mo ang partner mo dahil lang sumama sya sa tropa nya. Ilagay mo sa lugar ang nagging mo. Kung simpleng inuman lang naman kasama ang kaibigan nya, wag mo ng bungangaan. Naglilibang lang naman yung tao dahil puro na lang sya trabaho para sa future nyo. As long as wala naman syang ginagawang masama hayaan mo lang sya magliwaliw paminsan-minsan.

6. Ang dami mong bawal 

Sinakal mo na si partner dahil sa sobrang dami mong bawal sa kanya. Gaya ng bawal syang lumabas kasama ang tropa at katrabaho nya. Bawal ding bumili ng gusto nyang gadget dahil mahal. Besh, reward nya yun sa sarili nya dahil sa pagsisipag nya kaya wag mo na syang bawalan kung gusto nyang gumala o bumili ng gadget kahit isang beses sa isang taon lang.

7. Demanding 

Sa sobrang demanding mo kaya nagkakaroon kayo ng pagtatalo. Yun bang tipong akala mo palagi ay ikakamatay mo kapag hindi nakapag-chat si ka-LDR sayo. Gusto mo palagi pag sinabi mo ay kailangan masunod agad. Tapos tatalakan mo na agad sya kapag hindi nasunod ang mga demands mo sa kanya. Hindi mo man lang maisip yung pagod ng isa after work nya.

8. Dominante 

Kasamahan ito ng partner na demanding. Yung tipong ikaw lagi ang masusunod hanggang sa naapakan mo na ang ego ni ka-LDR. Sige ka kapag hindi mo tinigilan ang pagiging controlling mo sa kanya at pagiging bossy baka mauwi kayo sa hiwalayan.

9. Palahingi 

Iwasan mo ito o wag mong gagawin dahil sobrang nakaka-turn off ito. Wag kang hihingi sa ka-LDR mo kung gagamitin mo lang sa lakwatsa o pagyayabang sa kakilala mo ang pera o bagay na hiningi mo sa ka-LDR mo. Mas mainam na gawin mo ay i-encourage mo na mag-save si ka-LDR para sa future nyo.

10. Selosa / Seloso 

Kasamahan ito ng mapagbintang at mapagduda. Kapag masyado kang selosa o seloso kahit LDR man kayo o hindi ay nakaka-praning talaga ito. Ikaw ba naman yung nilukuban na ng insecurity sa sarili kaya kung ano-ano ng pumapasok sa isip mo. Wag mong sayangin ang binuo nyong relasyon ng dahil sa sobra mong kaseselos. Masasakal sayo si partner kapag napaka-selosa mo at walang tiwala sa kanya.

11. Wag iiwas o mawawala kapag may argument o misunderstanding 

Oo nga at okay na wag sabayan ang galit ng isa kapag nag-aaway kayo. Pero kapag LDR hindi maganda na bigla mo na lang iba-block o hindi kakausapin ng ilang araw si partner sa panahon na may hindi kayo pagkakaintindihan. Mas lalong lalala ang away nyo kapag iniwasan mo ang problema nyo. And worst ay baka isipin pa nya na hindi mo na sya mahal dahil bigla kang nawala. Ikaw rin hahanap ng iba yun sa malayo kapag palaiwas ka sa problema nyo.

12. Pretending everything is okay when it isn't 

Wag kang magpanggap na okay ka o wala kayong problema kahit na ang totoo naman ay malaki ang hinaing mo at problema sa relasyon nyo. Be honest to him/her para magawan nyo ng solusyon kung ano man ang problema nyo o kung may personal ka mang dinaramdam.

13. Listening to what other people say 

Madalas kaya nasisira ang isang relasyon ay dahil na rin sa mas pinakikinggan ng isa ang sinasabi ng ibang tao. Nasasayang tuloy yung genuine talaga ang love sa isa't-isa. Magtiwala ka lang s aka-LDR mo, kung mahal mo sya ay sya ang pakikinggan mo. Kung alam mong ikakasira ng relasyon nyo ang mga naririnig mo laban sa ka-LDR mo, mag-imbestiga ka muna. O di kaya ay hintayin mong magkaharap kayo para mapag-usapan nyo ang mga issue na ibinabato ng ibang tao laban sa karelasyon mo.

14. Taking your partner for granted 

Dahil alam mong mahal ka nya kaya hindi mo na pinapahalagahan yung pagmamahal nya. Porket mahal ka nya kaya hindi ka na nag-eeffort na mas lumago ang pag-iibigan nyo. At dahil alam mong mahal ka nya kaya masyado kang kampante na palagi pa rin syang nandyan para sayo kahit na hindi mo naman bina-value ang love nya masyado. Dapat palagi mong i-appreciate at i-treasure ang pagmamahal nya. Kasi kapag tinake for granted nyo ang love nyo sa isa't-isa baka mahanap ang isa sa inyo ng attention at love sa iba. Regaluhan mo sya o surpresahin mo sya kahit na magkalayo kayo. Having taking something for granted comes after its already gone.

15. Not putting enough effort into your relationship 

Tinake for granted mo na nga si partner, hindi ka pa nag-eeffort. There are many ways to make your partner feel special even when miles apart: letters, gifts, regular calls, etc are just some examples. You have to put more effort in your LDR than in a normal relationship. Malayo kayo sa isa't-isa kaya dapat nag-eeffort pa rin kayo pareho para hindi magkaroon ng tinatawag na emotional needs si partner. Kasi kapag wala kang effort, iisipin nyan balewala lang sya sayo.

16. Becoming possessive 

Wag kang masyadong possessive kay ka-LDR kung ayaw mong mauwi kayo sa hiwalayan. Yun bang tipong kaka-chat nyo pa lang kani-kanina, tapos after 5 minutes gusto mo agad mag-usap na naman kayo. Nagagalit ka agad at nagbubunganga sa kanya dahil lang na-late sya ng chat sayo. Wag ganyan, igalang mo din ang time and space nya sa malayo. Relax ka lang at wag masyadong needy sa attention nya. Sige ka kapag ganyan ka baka iwan ka nya lalo.

17. Not spending time with family and friends 

Maghapon ka na lang nakatunganga sa harap ng computer at cellphone dahil inaabangan mo ang chat ni ka-LDR. Nakalimutan mo na nga na may pamilya ka pa at mga kaibigan dahil lagi ka na lang nakakulong sa kwarto mo. Mas okay na ilaan mo at i-enjoy ang oras mo sa pamilya at mga kaibigan nyo habang magkalayo kayo ni partner. Upang sa ganon ay hindi mo rin gaanong maisip na magkalayo kayo ni ka-LDR. Mas gaganda ka at healthy kapag paminsan-minsan ay lumalabas ka kasama sila, kaysa mag-abang ka maghapon magdamag sa harap ng computer kung kailan mag-oonline si ka-LDR.

18. Cheating 

Wag na wag kang magchi-cheat habang magkalayo kayo ni partner. Kahit na madali mong maitatago ang pagloloko mo dahil magkalayo, please lang wag mong gawin ito. Maging faithful ka sa partner mo. Umaasa sya na tapat ka sa kanya at may tiwala sya sayo kaya umiwas ka sa tukso.

Naka-relate ka ba sa topic natin ngayon?

Laging tandaan na temporary lamang ang LDR. Wag mong gawin ang mga nasa listahan upang sa ganon ay magkaroon kayo ng healthy relationship kahit na milya-milya ang layo nyo sa isa't-isa ni mahal.

May idadagdag ka pa ba sa nasa listahan? Kung ganon ay i-comment mo na yan.

Continue Reading

You'll Also Like

307K 12K 44
Rival Series 1 -Completed-
166K 212 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
13.7K 360 45
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...