Cereal Killer

Da Bakane_13

19 0 0

Para sa mga fetus na marunong ng magbasa. Bagay sa iyo ito. Pramis! Altro

1

14 0 0
Da Bakane_13


Pinilit kong mabuhay. Hindi ko na kaya. May mga bumubulong na hindi ko maintindihan na nag-uudyok na gawin ko na. Natatakot na akong pumikit at bumalik lahat ng nangyari sa akin. Kung mababasa niyo ito ay huwag niyo sana akong husgahan. Hindi ako baliw. Wala na rin ang mga kaibigan ko. Nilayuan na ako ng lahat. Sana panaginip lahat lang ito.

HINDI AKO BALIW

------------------------------------------------

Sino ba dapat ang katakutan? Ako ba o ang sarili ko?

Ako na lang ang natira...

Walang gustong maniwala...

Iniisip nilang baliw ako dahil sa trauma na nangyari...

Lahat sila wala na...

Bakit hindi na lang rin niya ako patayin?

Wala na akong iluluha...

Narito ako ngayon, nagdurusa sa kwadradong silid sa ospital ng mga baliw? Nakatali! Anong pinagkaiba ko sa mga nabubuhay? Wala na akong babalikan. At sa kaibigan na hindi namin inaasahang gagawin sa amin yun? Malaya at parang wala lang ang lahat sa kaniya.

Wala na sila, patay na at lahat sila pinatay sa harap ko...ni hindi man lang ako nakalaban kahit ipagtanggol ko man lamang sila. Ang hina ko. Ang duwag ko. Gusto ko ng matapos ang lahat. Bakit nangyari lahat sakin ito?

Diyos ko! Bakit binuhay mo pa ako?

Bakit patuloy akong nagdurusa? Kahit sa pagtulog nakikita ko parin ang bawat patak ng dugo na tumutulo mula sa mga namimilipit na katawan nila. Kung paano niya pinahirapan  at walang awang pinatay. Kung paano niya kami iniisa-isa. Hindi niya ako binigyan ng bakas o kahit galos man lang ngunit pinilit niya akong panoorin ang pagdurusa ng bawat kaibigan ko.

------------------------------------------------

                                                                                                  I

Madilim at nag-iisang bumbilya lang ang tumatanglaw sa amin. May salamin sa dingding kung saan hindi mo makikita ang mga taong nanonood sa kabila. Dalawa lang kami. Ako at ang taong nakasuot ng pormal. Hindi ko alam kung siya ba ang aking abugado o duktor. Hanggang leeg ko lamang siya tinitingnan, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang iangat ang mukha ko para sa kaniya.

May isang kwadradong lamesa at dalawang upuan kung saan kami nakaupo. may hawak siyang bolpen at notebook kung saan niya siguradong itatala ang pag-uusap namin.

"Pangalan?" Ang una niyang tanong.

Sa tingin ko ay halos magkasing edad lang kami. Parang nabobosesan ko siya at hindi ko maisip kung saan at kailan.

"Mikai" pabulong kong sagot.

"Buong Pangalan"

"Antony Mikai"

"Apelyido?"

"Capobres"

"Ilang taon?"

"24"

"Saan nakatira?"

"Sa tingin mo?! Saan na ba ako nakatira ngayon?!" Sagot ko na may pabalang. Wala siyang imik at parang sanay na siya sa mga ganitong sagot at tumuloy lang siya sa pagtatanong. Walang emosyon at nakatitig lamang siya sa akin habang binabasa ang aking bawat galaw mula sa pagyugyog ko ng paa, paglilipat ng kamay hanggang sa maliliit na detalye tulad ng pagngiwi, pagkunot at kung saan tutulo ang luha ko.

"Birthday?"

May konting pagngiti kong sinagot, "Twelve million one hundred thirty one thousand nine hundred ninety seven"

Nararamdaman ko na kung saan patungo ito kung saan aalalahanin ko muli ang mga nangyari nung gabing iyon. Nanginginig na ang mga labi ko, nanlalamig na ang mga kamay ko at nagbubutil ang pawis sa aking nuo na pinupunasan ko na lamang ng aking kamay.

Mula sa malalim na buntong hininga ay pinagpatuloy niya ang kaniyang pagtatanong,

"Kaya mo bang ikuwento ang mga nangyari nung gabing iyon?"

Nakapikit at pinipilit pigilan ang pag-iyak ko. Parang may nakabarang kendi sa lalamunan ko na ang hirap lunukin, nahihirapan na akong huminga at konti na lang ay para na akong sasabog sa pag-iyak ngunit ayokong ilabas at pilit ko pa ring wag alalahanin lahat.

Halos limang taon na rin ang nakalipas hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang bawat detalye kung pano ang pagpaslang. Limang taon na umiikot sa isip ko habang nakapiit sa maliit na silid na ito. Pero kung ito ang dapat kong gawin upang mabigyang hustisya ang pagpaslang sa kanila nung gabing iyon.

Kailangan kong ikuwento sa huling pagkakataon.

------------------------------------------------

Huling mga araw na namin sa highschool at naisip naming baka ito na lamang araw na magkakasama kami sapagkat iba't ibang eskwelahan ang aming papasukan sa kolehiyo. Naisip ni Eila na mag-overnight na lang kami kaysa gumala kung saan-saan. Ayaw nilang magswimming o pumunta kung saan-saan dahil na rin sa pagkatakot sa sumpa ng graduating. Mas ligtas kung nakapirmi lamang kami sa isang lugar na magkakasama at siguradong papayagan kami ng aming mga magulang. Ngunit kaniya kaniya nang tanggi sa mga bahay nila, hindi ko rin naman sila masisisi e siguradong marami-rami kaming pupunta. Kaya nagtanong tanong kaming magtotropa kung kaninong bahay ang pwede makitulog nang buong magdamag. Maya-maya pa ay dumating na aming guro para ipaliwanag ang mga kailangan bago ang aming graduation sa makalawa.

Bago kami lumabas ng aming silid ay nag-alok nang bahay na aming tutulugan sa magdamag ngunit may mga umayaw na mga kaklase. Kaniya kaniyang dahilan at yung iba ay talaga ayaw sa amin kaya halos ang barkadahan na lang ang nagsabing pupunta.

"Miiiiikaaaiiiii!!!!" Mula sa malayo ay naririnig ko na ang sigaw ng matalik kong kaibigan na si Ria. Tahimik talaga siyang tao at wala masiyadong kinakausap. Ako lang ata ang dahilan kung bakit ang ligalig na niya ngayon.

"Sa lumang bahay namin tayo matulog. Tayo-tayo. May mga gamit pa doon at tuwing may Family gathering lang nagagamit. Isang tryc lang mula sa amin yun." Buong galak niyang inalok ang kanilang lumang mansyon este "Bungalow" daw.

"Sino-sino daw ba ang siguradong sasama? baka drawing lang yan ah." Ang alinlangan kong tanong. 

Dali-dali namang lumapit si Marvin  pagkarinig ng pinag-uusapan namin.

"Ako, Si Maxene, at Si Teban sasama" Ang dagli niyang sinagot.

"Si Eila, hindi pa sigurado pero tatakas daw. Si Sofia sigurado yun. YUN PA BA?! Si Mark at Nikku mahuhuli lang daw nang konti pero pupunta daw sila." Ang sagot naman ni Ria.

"E Si Class President?"

"Syempre!" Ang masiglang tugon ni Ria.

"Mauuna na kami ni Ria duon para mag-ayos at makapamili ng mga kakainin natin, ibigay niyo na lang kay sofia yung mga ambag niyo. Kung wala kayong datung sabihin niyo agad sunduin namin kayo. Ito na lang ang pagkakataong kumpleto tayo kaya sana ayusin niyo. Sabihin mo sa kanila yan." Ang habilin ko kay Marvin bago kami bumalik sa aming kinauupuan. "Pakisabi pala na kita tayo sa flagpole mamaya pagkatapos ng klase" ang pahabol ko sa kaniya bago siya bumalik sa kaniyang upuan.

Mula sa kawalan ay bigla kong natanong si Ria "Pre, sa tingin mo? Ito na kaya ang tamang pagkakataon para umamin ako."

Biglang siyang lumingon at nakataas pa ang isang kilay "Kay Sofia?" ang kaniyang alinlangang tugon.

"Oo"

"Ikaw, sa tingin mo? Kailangan mo na rin sigurong aminin Pre, ang tagal na niyan."

"Oo nga e, nahihiya kasi ako. Di rin kasi kami masiyadong nag-uusap at medyo iwas din ako e."

"Ikaw bahala, Pre. Ang sabi mo nga kanina bago huling pagkikita kita na natin yun. Hindi ko lang alam kung saan siya mag-aaral pero baka hindi na rin kayo magkita pagkatapos ng graduation. Subukan mo na, malay mo may gusto na rin pala siya sa'yo nagkakahiyaan lang talaga kayo."

"Sige, Pre"

Kaibigan ko si Ria simula pa nung 1st year highschool kami. Tahimik lang at walang kinakausap. Una ko siyang marinig na magsalita isang linggo simula nung unang araw ng klase namin. Madaldal pala siya kahit kalalaking tao, marami akong natutunan na mga bagay-bagay sa buhay dahil sa kaniya at nalaman ko rin na namatay ang kaniyang amain sa sunog kaya ganun na lamang siya katahimik. Hindi sila masiyadong nag-uusap ng nanay niya at iniiwasan siya ng mga kapatid niya. Weird daw kasi. Isang beses nang inuwi niya ako sa bahay niya. Magarbo at talagang makikita mong mayaman sila. Hindi sila kilala sa barangay nila basta ang alam lang nila ay may nakatira dito. Dahil sa kawalang hiyaan ko ay naitanong ko bigla sa nanay niya kung nasaan ang tatay niya at di ko rin namang inaasahang sasagutin niya ako. Binubugbog pala si Ria nung bata pa siya at madalas binubulyawan; at iba pa pala yung namatay sa sunog. Habang kumakain sila ay nilapag ng tatay niya yung baril sa lamesa at agad itong kinuha ng kapatid niya at saka nakalabit ang gatilyo. Dali-daling naudlot ang pag-uusap namin nang magyaya ng kumain si Ria. Gusto ko pa sanang malaman ang lahat kaso bigla na ring tumalikod ang nanay niya.

Napakabait niyang kaibigan at talaga sandikit kami. Kahit na hindi siya magpaalam sa magulang niya ay pinapayagan siya at kahit malayo ang pupuntahan basta't nandoon ako pinapasama siya. Kapatid na ang turingan namin na halos nakikitulog na ako sa bahay nila at nakikitulog na siya sa bahay niya. Alam na namin ang kwento ng isa't isa at wala kaming bagay na pinag-awayan. Napakababa ng loob niya at siya ang dahilan kung bakit may chance akong makapasok sa langit. Ayaw niya na magkaiba kami ng section kaya kinakausap niya mismo ang principal para lang magkasama kami sa iisang section. Pinapayagan naman siya sapagkat isa siya sa mga nirerespeto ng pati ng mga guro at malaki ang tiwala nila sa amin. Siya ang dahilan kung bakit tumino ako maloko kasi akong tao at nagpapakabait ako ng konti kapag kasama ko siya kaya pinapasama siya sa akin ng mga guro. Sa tagal na naming magkasama halos wala na kaming lihim na tinatago sa isa't-isa.

Kung titingnan para na talaga kaming magkapatid kahit na maikling panahon palang kaming magkakilala. Kilala siya na napakabait. Ikaw yung mahihiya sa kaniya. Napakaganda ng pagpapalaki sa kaniya. Kumbaga, mga katulad niya ang nasa panalangin ng bawat magulang. Samantalang ako, gusto nang isuka ng pamilya ko. Halos araw-araw na akong nakikitulog kila Ria. Masuwerte nga sila dahil barkada lang ang inaatupag ko. Wala naman kaming kundi uminom lang hindi tulad ng iba na nag-aadik at napapariwara ang buhay. Matataas naman ang mga grado ko. Wala akong bagsak. May record nga lang sa guidance pero mabait ako, marunong akong tumawid sa tamang tawiran.

------------------------------------------------

Nang matapos ang klase ay hindi kami agad nakalabas ng silid sapagkat nasi pa kaming kausapin ng adviser namin kaya alam kong kanina pa kami hinihintay ng mga tropa namin sa pinag-usapang lugar at siguradong dalawa na lang kaming hinihintay.

Malapit na kami sa flagpole ng biglang may kamay na pumulupot sa leeg ko. Headlock.

"Bakit ngayon lang kayo ha?!" Tanong ni Nikku sa akin na nakagat pa ang labi sa pag-headlock sa akin.
"E di kami agad pinauwi e" tugon ko.

Pinakawalan na niya ako at saka ako hinayaang makalakad papunta sa flagpole upang doon pag-usapan ang gagawin naming pag-overnight.

"Sa bahay tayo nila Ria, doon sa luma, Yung magkakalapit magsabay-sabay na kayo. Sasabay ako kila Marvin, Mark at Nikku. Madadaanan naman namin ang isa't isa. Mikai at Ria, sasama daw sa inyo si Sofia. Si Teban at Eila hahabol." isang habilin mula sa aming Class President.

 Makikita mo talaga sa kaniya ang pagiging Lider. Naks! Kagalang-galang at maganda ang tindig niya. Ikaw mismo mahihiya at hindi mo gugustuhing makabangga siya. Palaban at walang inuurungan. May mga sabi-sabi na kumakain daw siya ng bugbog at lumulunok ng espada. Ayaw ko sanang paniwalaan pero nasa itsura naman.

"AKO! AKO! AKO! sasamahan ko sila Ria" Buo ang boses at may ngiting nakakatakot ang singit ng isang dalagitang hindi gugustuhing makasabay sa eskenita.

"AKO! sasamahan ko sila" Ulit na sinabi Maxene. Isa siya sa ayaw kong makasama sa ganitong pagkakataon. Para laging may balak at wala sa hulog. Bigla-bigla siyang tatawa at bubulong. Minsan nga nakita ko siyang may dalang Agua oxinada, at nilalagay niya sa pulso niyang may sugat. Pero kahit ganun, matalino siya at naging vice president namin. Maganda ang pamumuno niya. Pero mas pipiliin ko pa rin si Class President, mas makakapagsalita ka kasi nang maayos sa kaniya kesa kay Maxene. Alam mo na...baka ano.

"Walang hindi sisipot" pahabol ni President.

"Huwag niyong tangkain na magpakita sakin sa gradutaion kapag drawing kayo mamaya." dagdag ni Maxene.

"Bago maggabi nandun na kayo sa bahay ni Ria saka tayo magsabay-sabay pumunta sa tutulugan natin." Anya ni Ria.

Nilapitan kami ni Sofia para iabot ang naipon ambag para sa kakainin mamaya at sabay nagsabi "Gusto kong tumulong sa pagluluto."

"Okay yun!" pagsang-ayon ni Ria.

"nga pala!" biglang pagsingit ni Maxene, "baka maaga akong makapunta sa bahay niyo, Ria, malayo pa kasi ako mangagaling ayaw kong maabutan ako ng trapik"

"O sige sige" tugon naman ni Ria.

"Mukhang masaya ang mangyayari mamaya. EXCITED NA AKOOOO!!!" may gigil kong sinabi habang di ko namalayang mahigpit ko palang hawak ko  ang kamay ni sofia.

"Aw! Yung mga barya!" Hiyaw ni Sofia habang iniinda ang sakit ng paghawak ko sa kamay niya na may hawak ring barya.

"Ay! Suriiii!" paumanhin ko sa kaniya habang nilapit ko sa bibig ko ang kamay niya sa bibig ko upang hipan.

"Uyy! Bagay sila!" Hiyaw ng barakadahan na nakakakita sa paghawak ko sa kamay niya.

Agad kong binitawan ang kamay niya sabay talikod upang itago sa kanila ang kahihiyan ko. Nahihiya akong malaman nila ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Nga pala, wala tayong masasakyan simula alas diyes ng gabi, kaya mas maaga sana kayong pumunta" Pahabol na sigaw ni Ria sa barkadahang maghihiwa-hiwalay na para paghandaan ang aktibidad mamaya.

------------------------------------------------

                                                                                        II

"Sino ang pumatay?"

"Ilang beses kong sinasabi sa inyo kung sino! Bakit ba ayaw niyong maniwala?! Kitang kita ko sa dalawang mata ko kung paano niya ginawa ang lahat." Mangiyak-ngiyak kong sagot sa paulit-ulit nilang itinatanong sa akin.

"Kung siya ang pumapatay bakit buhay ka pa?"

"Hindi ko rin alam......"

"Ikaw ang nagyaya sa mga kaibigan mong pumunta roon, may kinalaman ka ba sa mga nangyari?" Isang pagbintang na tanong sa akin na para bagang kasabwat din ako sa nangyari.

"Mahilig ka sa basag-ulo. Noong elementary ka ay may sinaksak ka ng lapis, sinapak mo ang katabi mo at palagi mong binabatukan kahit sino man ang nasa harap mo. Simula pa elementarya ay may Record ka na sa Guidance ng pagiging marahas mo" patuloy niyang pag-akusa sa akin.

Ngumingilid na ang mga luha ko at nanggigil sa galit. Gusto kong itaob ang mesang nakapagitan sa amin. Nangangalit na ang mga ngipin ko at gusto kong magwala.

"Hindi...hindi...hindi....HIIIINNNDIIIII!!!!" ang pasigaw kong isinagot.

Sa pagkakataong ito, nagwawala na ako at gustong makawala sa mga nakatali sa paa ko. Pilit kong inaabot ang taong nagtatanong sa akin. Maya maya pa ay pumasok na ang mga clerk ng ospital at saka ipinulupot sakin ang aking manggas saka ako tinurukan ng pampakalma. Pilit kong inaaninag ang mukha niya bago tuluyang lumabo ang mga paningin ko.

"Hindi ako, parang awa niyo na" ang pakiusap ko habang unti-unti akong nakakatulog.

"Tulungan niyo ako...."

------------------------------------------------

Sa unang tingin mo palang ay mababakasan agad ang kalumaan ng bahay mula sa bakod na baywang lamang hanggang sa tarangkahan na malapit ng bumigay dahil sa kalawang. Sobrang liblib ng lugar na pati signal ng mga cellular phone ay hindi gaanong naabot. Maganda ang loob ng bahay, malawak at disenyo na makikita mo lang sa bahay ng mga maykaya noong panahon ng kastila. Ilang baitang na hagdan sa kaliwa papunta sa tatlong kwartong magkakatabi, sala na puro yantok na upuan at sa dulo naman ay ang banyo na ihian. Oo. Nasa labas kasi ang liguan malapit sa sa poso na iigiban. Amoy lumang kahoy at anay. Sementadong sahig, may mataas na yerong bubong at dingding na kalahating semento at kahoy paitaas. Mukhang namang matibay dahil anya ni Ria ay ginagamit pa rin nila ito sa family gathering taon-taon. May napansin lang akong kakaiba, bakit kaya walang altar o kahit isang rebulto man lang ng mga santo? Samantalang sa bagong bahay nila ay hindi mo mabibilang ang santo. Kahit sa loob ng banyo ay bubungad sayong santo. Relihiyoso naman akong tao lalo na kapag may pagsusulit o bunutan ng index card sa recitation.

Habang tinatanggal nila Sopeng at Ria ang mga kumot na nakabalot sa mga gamit ng bahay ay lumibot muna ako at tumingin tingin na baka may makita akong mga pang X-files o pwedeng ikuwento sa Gabi ng lagim; o kahit na torture room man lang. Inuna kong pumanik sa mga kwarto. Sa unang apak mo palang ng mga baitang ay mararamdaman at maririnig mo ang bawat langitngit ng mga lumang kahoy. Mukhang kwarto ng isang babae ang una kong napasukan, may malaking kabinet, salamin at upuan. may mga kulambo na di gaanong naalikabukan, parang may hindi pa gaano katagal nung may gumamit dito. Sa pangalawang kwarto naman ay walang gaanong gamit bukod sa kabinet at kama na taas-baba ay wala ng iba. Sa pangatlong pinto ay puro rebultong nakaharap sayo, hindi matatanggal sa isip mo na parang nakatangin silang lahat sa'yo. Mapapamura ka agad sa pagbukas mo pa lang ng pinto. PNI! Mga ganun.

Ngayon ko lang napansin na may hagdan pala pataas pero bakit nasa sala at ang pangalawang palapag ay parang dinikit lang sa bahay mula sa labas. May ganito palang disenyo ng bahay. Kakaiba. Nagmukhang bahay ng kalapati. Pagpanik ko ay nakasarado. May kadenang nakapulupot at nakandado. Pilit kong sinilip ang loob at nagulat ako sa mga nakita ko, may kubang naghahalo sa kawang kumukulo pero nasa isip ko lang yan. Walang laman. Puro baul at tambak na mga lumang gamit. Bumaba na ako para tingnan ang labas. Malawak ang likuran marahil dito ang taniman dahil sa mga kawayang nakatusok sa mga lupa kaso puro tuyo at wala ng nag-aasikaso. Naalala ko tuloy yung bahay ng lolo ko dati. Naikuwento ng mama ko na malawak na taniman ng prutas daw yun. Ngayon kasi puro bahay na at iba naman ay naibenta na. Nakapanghihinayang at hindi naalagaan.

Pagabalik ko, nakitang kong ang bilis nilang naayos ang mga gamit sala o medyo natagalan lang paglilibot ko.

"Saan ka ba galing?" Ang tanong sakin ni Ria habang nakapamaywang at nakakunot ang noo. "Hindi mo man lang kami tulungan"

"Oo nga! Nakitang mong marami pang-aayusin kung saan saan ka nagpupupunta" ang gatong naman ni Sofia.

"eeee tumingin tingin lang baka sakaling may makita akong kakaiba. Yung parang pangkulto" ang pabirong naisagot ko sa kanila.

"Gago ka ba?" naiinis at pikon na sagot ni Ria sa kaniya. "Bro, tingnan mo yung pangatlong kwarto, matutuwa ka sa makikita mo" Pangising alok niya.

"TNI mo! Nakita ko na. Bwisit. Kinabahan nga ako e"

At napalitan ng pagtawa ang mga inis niya kay Mikai.

"Tara na. Bumalik na tayo doon sa bahay niyo. Para magluto at hintayin na ang mga darating" Anyaya ni Sofia sa dalawang nagbibiruang magkaibigan. "Para hindi na rin tayo magahol, sabi mo nga di na wala ng masasakyan kapag ginabi na tayo?"

"Alas dos palang nang tanghali. Nagmamadali ka naman masiyado" Anya ni Ria habang tinatanggalan pa ng alikabok ang mga gamit sa sala.

"Mamalengke pa tayo. Magluluto. Matagal kaya magluto" Nag-aalinlangang sagot ni Sofia.

"Oo nga! Tara na Ria, tutulungan naman tayo nila mamaya" Sang ayon ko kay Sofia.

Agad na kaming umalis at sa bahay at dali daling tinawag ang isang nagmamaneho ng tryc upang aming sakyan. Kinausap na namin iyon upang magtawag pa ng dalawang masasakyan para punan ang aming masasakyan pagpunta namin dito nang sabay-sabay.

Habang bumababa palang ako sa sasakyan ay naririnig ko na ang malakas na busina ng isang humaharurot na oner papalapit sa amin...

------------------------------------------------

                                                                                       III

"Ano 'yang galos na yan?" At saka niya tinuro ang mga peklat ko. "Parang kalmot. Sugat. Saan galing? sa kaibigan mo? Nanlaban ba sila?"  sabay bumulong, "Huwag mong piliting isipin. Take your time. Mahaba pa ang panahon. Ayon sa guro mong nakausap ko. Matalino ka at kaya mong mag-isip ng solusyon sa maikling panahon. Alam mo ba na ang utak ng tao ay gumagawa ng senaryo o minsan may kailangang tanggalin o palitan kung nakararamdam ito ng panganib? At minsan pa nga ay ginugulo ito ayon sa nais mong mangyari. Lalo na sa mga masamang alala at minsan pa ay hindi na niya alam kung alin ang totoo sa hindi. Ikaw? Sa tingin mo?

Uulitin ko, Ano yang galos na yan?"

"Aksidente" mababang tono kong sinagot.

"Aksidente saan?"

"Hindi ko na maalala. Ang narinig ko lang ay ang mga sigaw... malabo" may pag-aalinlangan kong sagot habang nakatitig ako sa kaniyang relo. Hindi ko mahuli ang kamay ng segundo.

"Kunin niyo na siya. Babalik ako bukas nang umaga para ipagpatuloy. Pagpahingahin niyo na."

Habang hinihila ako ay nakatitig pa rin ako sa relo niya at nang malapit na kami sa pinto ay tumingin ako sa mukha niya... hindi ko maaninag. Malayo sa ilaw. Sino ka ba?

------------------------------------------------

"Mikai"

"Mikai! Huy!"

Isang malamig na kamay ang mahinang sumasampal sa akin. Kamay ni Sopia.

"Kamusta ka?" tanong niya na may pag-alala sa kaniyang mukha.

"Ayo lang naman. Anong nangyari?"

"Tinulak mo ko! Baliw ka talaga. Pero wag kang mag-alala nakahinto agad yung oner at hindi ganun kalakas yung pagbangga niya sa'yo" tugon ni Ria.

Nakita sa mga kaibigan ko ang pag-alala nila sakin. May kaunti akong galos at sugat sa siko at tuhod. Sugat naman sa palad at tuhod ang natamo ni Sopia.

"Tuloy pa ba natin?" tanong ni Cristine.

"Oo naman. Malayo sa bituka at saka naghanda na kami at naiayos ang mga gamit doon sa bahay. Dala niyo ba yung Playing cards na pinapadala ko? E yung monopoly? Paborito ko yun!" ang naisagot ko sa kaniya.

"Sapak? Ok na ang lahat. Hinihintay ka na lang namin na magising. Sigurado ka lang na ok ka na ha. Nga pala si Maxene, Ria, Eila at Marvin nandun na. Sila na ni Nikku at Mark ang namalangke. Tayong tatlo na lang ang natira dito."

"Alam mo? Ang labo mo. Tinatanong mo ko kung tutuloy pa ba tayo pero pinauna mo na silang lahat!"

"Kung sakaling 'di ka pwede kami na lang"

At saka kami nagtawanang tatlo. Napatawa na rin ako nang makita kong napalitan ng ng ngiti ang pag-aalala ni Sopia. Hindi ko pa rin alam kung aamin ba ako sa kaniya ngayong gabi.

Bumangon na ako ngunit ramdam ko pa rin yung sakit sa katawan ko. Malaks siguro yung pagbagsak ko. Parang may naririnig akong kakaiba. Bulong.

Unang ng lumbas si Cristine para mag-abang ng masasakyan habang kami ni Sopia ay nakaupo sa harap ng pinto ng bahay ni Ria. Nasa pasimano ako umupo at sa upuan ko naman sa tapat ko nakaupo si Sopia.

"Nga pala Sopia..." pabulong kong pagtawag kaniya.

"Salamat nga pala. Pero dapat di mo na ginawa yun. Gusto mo sapak?" tugon niya sakin.

"May sasabihin ako sayo!" pasigaw ko na may halong kaba. Hindi ko alam kung bakit ko naisipang umamin na ngayon.

"HOY MGA TUKMOL! HALINA NA KAYO!" sigaw ni Cristine mula sa kalsada habang tinatawag na kami.

"ITO NA! ITO NA!" sigaw naman ni Sopia. 

At naudlot na nga. Tumayo na kami at naglakad papuntang kalsada kung saan naroon si Cristine at pinarang niyang trycycle.

"Doon ka sa likod!" may pag-irap na sinabi ni Cristine. "...tabi kami ni Sopia"

"Nako! Kung di ka lang kita president. Dapat pala di kita binoto." Pabiro kong sinabi sa kaniya.

"O tapos? Sampu ang lamang ko sa kalaban ko. Kahit di mo ko iboto panalo pa rin ako dun, Tukmol!" sagot niyang may pang-iinsulto.

Hindi ko alam kung sayang yung pagkakataon kanina o hindi pa yun. Kaunting inda na lang mula sa sugat na natamo ko ang nararamdaman ko. Pero, may bumubulong pa rin sakin. Hindi ko alam kung ano yun. Baka nga sa pagbagsak ko kanina.

Hayaan ko na nga lang. Mawawala rin yan. Habang iniinda ko ang sakit at nakatitig lamang kung saan ay may nakita akong bag...bag? Sa may halamanan, nakasabog ang mga gamit at may agua oxinada.

------------------------------------------------

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

35.2M 763K 45
The students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmate...
App Wattpad - Sblocca funzioni esclusive