The Royal Nanny

Par agirlwhocannotwrite

90.3K 2.5K 931

"Rules are rules but they're not when it comes to you." ****** Kyra, the royal nanny that lost her memories a... Plus

The Royal Nanny
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5
Note

Simula

9.2K 197 64
Par agirlwhocannotwrite


Raviro

Minulat niya ang kanyang mga mata at nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling mula sa malaking bintana na gawa sa salamin. Bumangon siya at kinapa ang sarili, nakasuot siya ng puting komportableng bestida at nakatakip sa kanya ang isang puting kumot. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid, puro puti, ang mga pader ay puti, kahit ang mga kagamitan.

Nasaan siya? Hindi siya pamilyar sa lugar. Hinawakan niya ang kanyang ulo, may benda iyon at napadaing siya nang madiinan ang pagkakahawak. Bumaba siya sa kama at lumapit sa isang pinto. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang banyo. Tinungo niya ang salamin at nagulat ng makita ang kanyang itsura. Puro sugat at pasa ang kanyang mukha, may bakas na rin ng dugo ang benda sa may bandang noo niya, pati ang mga braso at binti niya ay may mga sugat at pasa rin. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit ganito ang itsura niya? Napahawak siya sa dibdib niya nang makarinig ng ingay mula sa labas. Bumalik siya sa kwarto at saktong pagbukas ng pinto ay ang pag-upo niya sa kama.

Ngumiti sa kanya ang babaeng hindi pamilyar sa kanya. Nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Lumapit sa kanya ang babae, may mga dala itong gamot na para siguro sa mga sugat niya.

"How are you? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ng babae na napagtanto niya na isa pa lang nurse.

Pinagmasdan niya muna ito ng ilang segundo bago dahan-dahang umiling. Ngumiti ang nurse sa kanya at sinimulan ng linisan ang mga sugat niya. Tahimik lang siya habang pinapanood ang nurse. Maya-maya pa ay inabot nito sa kanya ang isang basong tubig at tatlong tableta ng gamot.

"Drink that para bumilis ang paghilom ng mga sugat mo. Para na rin hindi na madalas ang pagdurugo ng mga malalim mong sugat," sabi nito.

Sinunod niya ang gusto nito. Tinulungan din siya nitong palitan ang kanyang damit, mas maayos kaysa sa huli.

"May darating kang bisita mamaya. Noong unang pinuntahan ka niya rito ay wala ka pang malay. Alam mo bang buong gabi lang siyang nasa tabi mo? Parang hinihintay na magising ka. Tinanong ko kung kaano-ano ka niya, ngumiti lang siya at hindi ako sinagot. Siya rin ang nagbabayad ng mga bill mo rito sa ospital," sabi nito.

Ospital? Nasa ospital siya? At sino naman kaya ang taong iyon? At bakit nasa ospital siya? Anong nangyari sa kanya?

Sinubukan niyang mag-isip pero sumakit lang nang sobra ang kanyang ulo. Teka?! Naguguluhan siya!

"Bakit ako nasa ospital?" tanong niya.

"Pasensya ka na, hindi ko pwedeng sagutin ang mga tanong mo. Iyon ang bilin ng doktor. Aalis na ako, tatawagin na lang kita kapag nandyan na ang bisita mo," sagot ng nurse bago lumabas ng kwarto.

Napahawak siya sa kanyang sentido. Sobrang makirot ang bahaging iyon kaya napagdesisyonan niyang humiga sa kama at bago niya namalayan ay nakatulog na pala siya. Nagising siyang muli dahil sa mga munting haplos sa kanyang pisngi. Naidilat niya ng malaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang lalake na nakangiti sa kanya.

Kinabahan siya? Sino ang lalakeng ito?

Napansin ng lalake ang pagkataranta niya kaya naman hinawakan nito ang nanginginig niyang mga kamay. "It's okay. You can trust me. I will not hurt you, not a chance. Calm down, please," sabi nito.

Ang init ng mga kamay nito at ang malambot na pagtitig ng lalake ang nagpakalma sa kanya. Sa mga simpleng salita nito ay nakuha na kaagad ng lalake ang kanyang loob.

"Alright, you can trust me. Don't worry, I'm here to take care of you. May masakit ba sa iyo?" tanong ng lalake.

Nakatitig lang siya sa lalake at yumakap sa puso niya ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag o mapangalan. Napapikit siya ng haplusin ng nito ang kanyang pisngi. Doon pa lang niya naramdaman na may luha pa lang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak?

"It's okay. Are you scared of me? Natakot ba kita? Gusto mo bang umalis na ako?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

Hindi niya alam kung bakit mas lalo pa siyang naiyak, hindi naman niya kilala ang lalake, hindi niya rin alam kung anong kaugnayan niya rito at bakit nasasaktan siya.

"I'm so sorry. Please, don't cry. Aalis na lang ako. Hindi na dapat talaga ako nagpunta," bulong nito sa huling pangungusap.

Akmang aalis na ito nang hawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ng lalake. Yumuko siya at pinagsiklop ang kanilang kamay.

"You want me to stay?" tanong lalake at mas lalong lumapit sa kanya.

Tumango siya. Mas lalong bumuhos ang luha niya.

"Why are you crying, then?"

Hindi niya rin alam.

"I don't know," napapaos niyang sabi.

Hinawakan ng lalake ang baba niya at inangat ang kanyang tingin. Nagsalubong ang mga mata nila at may nakita siyang kakaibang emosyon sa mga mata ng binata. Malakas ang pintig ng puso niya at sobrang pamilyar ng mga kayumanggi nitong mga mata, parang sanay siya na lagi itong nakatingin sa mga mata niya.

"It's been a long time since you let me hold you this close. I missed you so much, I thought I already lost you for real. I'm so glad you are already here. Akala ko hindi na ulit kita makikita. You scared me,"  sabi nito at hinalikan ang noo niya.

Niyakap siya nito ng may pag-iingat. Gusto niya ang init ng mga yakap nito, para bang nasa ligtas siyang lugar sa mga bisig nito.

"I'm sorry kung natagalan ako, hindi dapat ako sumuko kaagad. Naaalala mo pa sana ako ngayon," bulong nito.

Sino nga ba ang lalakeng ito?

Tatanungin na sana niya ang lalake ng bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ang tatlong lalake na napakapormal ng suot. Yumuko ang mga ito sa binata. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pintuhan ang mga lalake. Nakita niyang inabot ng mga ito sa lalake ang mga pagkain, kaagad na nagwala ang tiyan niya. Nagugutom siya!

"I bet you are hungry. Buti na lang at pinayagan ka na ng doktor na kumain ng mga pagkaing galing sa labas ng ospital. Here..." Inabot nito sa kanya ang kutsara at tinidor.

Natakam siya sa mga pagkaing nakahain sa harap niya. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niyang tikman.

"These foods are all on your preference. You can eat all of them, they are all for you."

Nawala ang mga natitirang hiya sa katawan niya at mabilis na tinikman lahat ng pagkain. Masasarap lahat... Pinapanood lang siya ng lalake habang magana siyang kumakain. Napahinto siya at napatingin rito. "Hindi mo ba ako sasamahang kumain?" nahihiya niyang tanong.

Bakit ngayon niya lang naisipan na yayain ito?

"I thought you will never ask. Kuntento na akong pinapanood ka pero kung mas gaganahan kang kumain nang may kasabay, sige." Kumuha na rin ito ng kubyertos at sinamahan siyang kumain.

Wala sa sariling napangiti siya. Napaiwas siya bigla ng tingin nang mapatingin ang lalake sa kanya. Nag-init ang pisngi niya, kinagat niya ang pang-ibabang labi at tinuloy na lang ang pagkain. Busog na busog siya nang matapos sila. Nginitian siya ng lalake kaya naman napaiwas siya ng tingin. Kanina lang ay hindi naman siya apektado sa mga tingin nito pero bakit ngayon ay naiilang na siya?

"Gusto mo na bang bumalik sa kama?" tanong nito na halos nagpatalon sa kanya sa gulat.

Tumango siya at nanatili siyang nakayuko.

"May problema ba? M-May masakit ba sa iyo?" tanong nito at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Lalong lumakas ang pintig ng puso niya at amoy na naman niya ang mabango nitong amoy. Mabilis siyang tumayo at kahit nahihilo ay diretso niyang tinungo ang banyo at mabilis na ni-lock ang pinto. Sumandal siya sa nakasaradong pinto at hinawakan ang dibdib. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit napakalaki naman yata ng epekto sa kanya ng lalakeng iyon?

Halos mapatalon siya nang kumatok ito sa pinto. Sunod-sunod iyon at nataranta siya. Baka masira ang pinto!

"Kyra! What's happening? Are you alright? Please, open the door!" sigaw nito habang hinahampas ng malakas ang pinto.

Kyra?

Siya ba si Kyra? Kyra ba ang pangalan niya?

Eh, bakit kahit pangalan man lang niya ay hindi niya maalala?

"Kyra?! Open the door now!"

Napahawak siya sa kanyang ulo nang kumirot iyon ng sobra, pakiramdam niya ay mawawalan siya ng malay ano mang oras kaya binuksan niya na ang pinto. Kaagad naman siyang dinaluhan ng lalake na halatang alalang-alala sa kanya. Nang mapansin nito na hindi siya makatayo nang maayos ay binuhat na siya nito papunta sa kama. Napapikit siya nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na kutson.

"Kyra, answer me. Are you alright? Anong nararamdaman mo?" tanong ng lalake habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Pumikit siya sandali at may alalang nagbalik sa kanya. Pitong lalake at mga bata...

"Kyra? What is happening? Open your eyes."

Dinilat niya ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang mukha ng lalake na may mga luha sa mata.

Bakit ito umiiyak? Bakit ganito na lang ito mag-alala sa kanya? Anong kaugnayan nila ng lalake?

"Who are you?" mahina niyang tanong.

"Kyra..." Umiling ito.

"Sino ka? Bakit hindi kita maalala? Bakit wala akong alaala?" tanong niya ulit.

Umiling ulit ang lalake. "Don't stress yourself or you will faint again."

Again?

Ilang beses na ba?

"Please," pagmamakaawa niya.

"No, I can't risk you again. Ang huling beses na sinubukan kong sabihin ang pangalan ko sa iyo ay nawalan ka ng malay at hindi nagising sa loob ng dalawang araw."

Nagulat siya sa sinabi ng lalake pero hindi naman pwedeng hindi niya alam ang pangalan nito. Ano na lang ang itatawag niya rito? Mukhang magiging madalas pa naman ang pagkikita nila.

"Don't tell me your real name then. What should I call you?" Ngumiti siya para kumalma ang lalake.

Ngumiti na rin ang lalake at sandaling nag-isip. "You can call Rav for now."

Rav?

"Okay. Rav..."

Napapikit siya nang halikan siya nito sa noo. Bumaba pa ang mga labi nito sa kanyang ilong, nahigit niya ang kanyang hininga ng matagpuan nito ang kanya labi. Sa una ay nakalapat lang ng bahagya ang mga labi nito sa kanya, parang pinakikiramdaman kung ano ang magiging reaksyon niya. Nang tumagal ay dahan-dahan na itong gumagalaw at kalauna'y nasakop na ng mga labi ng binata ang kanya.

How can she miss this lips kung hindi pa naman sila naghahalikan?

Hindi nga ba?

O hindi niya lang maalala?

Ilang beses na bang naglapat ang mga labi nila at tila napakapamilyar ng pakiramdam ng mga halik nito?

Ilang segundo ring nagtagal bago lumayo sa kanya si Rav. Napabangon naman siya at napahawak sa labi.

"I'm sorry. I just miss you so bad. Hindi ko dapat iyon ginawa, hindi dapat kita hinalikan. I'm so stupid!" Napasabunot ito sa sariling buhok.

"It's okay. I'm alright. Your lips were so familiar to me," sabi niya.

Natigilan ang binata at seryoso siyang tinignan.

"Pwedeng halikan mo ako ulit?" tanong niya na nagpalaki sa mga mata nito. Sa sobrang pamilyar ng mga halik na iyon ay pakiramdaman niya ay may mga magbabalik na alaala sa kanya.

"Are you sure?" seryosong tanong nito.

Tumango siya.

Lalapitan na sana siya nito nang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na nag-asikaso sa kanya kanina. Yumuko ito kay Rav, nahagip ng mga mata niya ang pag-iling ng binata.

Tumango naman ang nurse at nilapitan siya. Pinainom lang siya nito ng mga gamot at nagtanong kung maayos na ba ang pakiramdam niya. Buong oras na nandoon ang nurse ay nakatitig lang sa kanya si Rav, naiilang siya.

"Okay, bukas na ulit kita pupuntahan dito. Iiwan ko na lang ang mga gamot na kailangan mong inumin mamaya. Sige, maiwan ko na kayo," sabi ng nurse.

Tumingin muna ito kay Rav bago nakayukong lumabas ng kwarto. Sinara ng binata ang pinto at ni-lock iyon. Nang humarap ito sa kanya ay nakangisi na ito. Mabilis itong lumapit sa kanya kaya naman bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Why do you want me to kiss you again?" tanong nito at mas nilapit ang sarili sa kanya.

Parang sasabog na ang puso niya at hindi rin siya makasagot sa tanong nito. Mas lalo pa siyang nawala sa sarili nang maamoy ang bango nito.

"I love you," mahinang sabi nito bago siilin ng halik ang kanyang labi.

I love you? Ano?

Hindi na siya makapag-isip ng tama dahil sa malalim na halik sa kanya ng lalake. Napahawak siya sa mga pisngi nito. Hindi niya na malaman kung tama bang pinayagan niyang halikan siya ulit nito.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang hingal. Sinandal ng binata ang noo nito sa kanya.

"I love you, Kyra."

Hinaplos niya ang balikat ng binata at napangiti.

"Raviro," sambit niya ang inaakala niyang totoong pangalan ng binata.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

353K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
13.2K 1.2K 36
After finding that the only way to protect the woman he love is to be angry at her. Hans Duran do everything to make it. But how long he can fight t...