Athena Guevara Series: Cruel...

By bad_bloodSucker

174K 9.3K 2.8K

Athena live alone with one of her twin sister Althea, she's one of the black ship among the quadruplets but h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
AUTHOR
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
♥️♥️♥️♥️♥️

Chapter 24

3.1K 206 48
By bad_bloodSucker

"M-Mama,"

"Hhmmm?" Tanong ko habang nasa daan parin ang tingin ko.

"Bak-bakit sad k-ka?"

Napatingin naman ako bigla sa anak ko at kagat labing ginulo ko lang ang buhok nito.

"Bat mo naman nasabi na sad si Mama?"

"K-kasi, kasi..." Lumuhod ito sa passenger seat at pilit inabot ang mukha ko.

Kaya tinigil ko muna ang sasakyan para di kame maaksidente dalawa.

"S-smile na M-Mama." Pilit pa niyang i-angat ang gilid ng bibig ko para mapangiti lang ako. "Malung-kot ang m-mata mo Mama, k-kaya sad ka."

Kaya ibinigay ko naman sakanya ang isang matamis na ngiti, para lang sa anak ko, Na ikinatuwa naman niya.

I know she can sense my sadnesss.... Kaya wala talaga akong maitatago rito.

"Umupo kana dahil ihahatid pa kita sa school mo, baka ma late kana."

"I- I lo-love you Mama."

"I love you too." Pinanggigilang pinisil ko ang pisngi nito at hinalikan.

Masayang bumalik ito sa upuan at muling isinabit ang seatbelt niya.

Muli ko sanang paandarin ang sasakyan ko ng mapansin ko ang suot nitong kwintas. Kunot noo ko itong hinawakan at pinag masdan ang pendant nito.

It's a gold thin necklace. Sa sobrang nipis nito ay nadidikit ito sa leeg ng anak ko dahil sa pawis.

"San mo kinuha ito?" Napatingin pa ako kay Madison bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng pendant. "Galing ba to kay Tita Ayesha mo?" Muli kong tanong.

Si Ayesha kasi ang mahilig mamigay ng mga luho ng batang ito. Palibhasa spoiled sa Tita niya.

"N-no." Iiling iling na sagot nito.

"Then, Sinong nag bigay sayo?" Nag tataka kong tanong.

Nakayukong at nagiging malikot ang paningin nito sa akin na parang ayaw akong tingnan.

"Madison." Muli kong tawag rito na may pag babanta sa aking tinig.

"S-someone g-gave it to me."

"Diba sinabi ko na sayo na wag kang tatanggap ng kahit ano sa mga taong di mo kilala? What did I told you always Maddie."

"D-don't t-alk to strangers."

"Then ano to?"

"B-but she's not s-stranger."

"What? So sino? Kilala ko ba?"

Umiling lang ito bilang sagot at nagiging malikot muli ang paningin nito.

"Look at me when I'm talking to you."

Napatigil naman ito sa pag lilikot at dahan-dahang tumitig sa akin.

"Sino ang nag bigay sayo niyan?" Di ito sumagot dahil nakatingin lang ito sa akin. "Kilala kita anak, alam kong may hindi ka pa sinasabi kay Mama."

S-sorry." Nakayukong sabi nito at nag sisimula ng umiyak.

"Akin na yan." Nawawalang pasensiya kong utos.

Inilahad ko sa harapan niya ang palad ko para hingin ang kwintas nito.

Sumunod naman ito at tinanggal niya sa leeg niya ang kwintas at binigay sa akin.

"I hope this is the last time na may tatanggapin ka sa mga estranghero Madison. Do I make my self clear Madison?"

"O-po Mama."

Napabuntong hiningang napa pikit na lang ako habang hinihilot ang noo ko.

"Look Maddie, I just want want you safe. Kaya please lang sumunod ka kay Mama. Please anak wag kang maki pag usap sa mga taong hindi mo kilala."

"O-po. So-sorry na Mama." Muli itong tumayo at niyakap ako.

Ginantihan ko naman ito ng isang mahigpit na yakap.

Dahil inaamin kong takot ako, takot akong mawala ang anak ko sa akin balang araw. Lalong lalo ng napag alaman kong nakalaya na ang totoong Ina ni Madison.

Pagkaraay nakarating nadin kame sa paaralan ni Madison, masayang bumaba ito.

Hinatid ko siya hanggang sa room nito pagkaraay napatigil pa ng mapansin kong may kinakawayan si Madison kaya sinundan ko kung sino ba ang kinakawayan niya.

Ngunit sa kasamaang palad likod na lang ang naabutan ko dahil lumiko na ito agad.

"M-mama su-sunduin mo po ba ako m-mamaya?"

Napabaling muli ang tingin ko kay Madison at lumuhod para pumantay rito.

"I think hinde anak.... Kasi may work si Mama."

"Ma-may business trip po kayo ulit nila Ninang Yuan?"

"Yes.." Sagot ko habang iniipit ang mumunting buhok nito sa tenga.

"I-ingat po M-mama Lo-love you." Hinalikan ako nito sa pisngi at masayang tumakbo papasok sa loob ng room niya.

Kumaway pa ako isang beses bago nag lakad papalayo sa silid nito.

"Ayen...."

Napatigil ako sa hakbang ko at pati narin sa pag tipa ng telepono ko ng makarinig ako na parang may bumulong sa pangalan ko na nasa likuran ko lamang, kaya bigla akong napalingon.

Ngunit tanging mga bata lamang na masayang nag hahabulan at mga guro na busy sa pag uusap.

Napalingon lingon pa ako sa iba't ibang direksyon dahil pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa akin diko maintindiha pero parang kinakilabutan ako.
____________________________

"You've just imagining things Athena, na ba-bothered ka lang sa balita ni Althea about Rachel's freedom and her whereabouts. So stop being paranoid, dahil kung talagang may interest un sa inyo ni Madison edi sana last year pa kayong nasa mga galamay niya."

"I think Arabella is right Athena. Maybe napag tanto niya ang mga kamalian niya kaya nag pakalayo-layo na." Segunda naman ni Althea.

Nakatulalang napatingin na lang ako sa mga sasakyan nag sisidaraanan sa labas ng bintana ng coffe shop.

Andito kasi kame mag kakapatid dahil pinatawag ko sila dahil aalis na naman ako mamaya pabalik ng Hongkong.

I need them to be my eye kay Madison, mas panatag ako kung sila ang mag babantay sa bata dahil nakaka sigurado akong ligtas ang anak ko at mapo-protektahan siya.

"O di kaya, nag bago na ung tao. Nag paka layo-layo para mag simula ng bagong buhay--"

"Imposible," pailing iling kong sagot at tumingin sa kanilang tatlo. "Masyadong tahimik Ara. Kilala ko si Rachel alam kong may pina-plano siya."

"Stop being paranoid Athena, kameng bahala sa anak mo habang nasa business trip ka."

"I know... Kaya nga pinatawag ko kayong tatlo dahil walang susundo sa anak ko mamaya."

"Di ako pwede mamaya, may operation kame sa taguig." Komento ni Althea habang iniinom ang kape nito.

"Anong oras ba lalabas si Maddie?" Tanong naman ni Arabella.

"Mga 3pm nasa waiting ground na ang bata."

"Naku di ako pwede dahil 2:15 may meeting din akong i-aatend, utos ni Mommy Sandra."

Napatingin naman ako kay Ayesha na kanina pang tahimik at nakikinig lang sa aming pag uusap.

"I'll fetch her later." Pag boboluntaryo ni Ayesha.

"Then it's all settled. Pano mauna na ako," tumayo na si Althea at inayos ang leather jacket nito. "And please, ideretcho mo ang bata kila Mama Ofelia Ayesha."

Sumaludo lang si Ayesha at napatayo na rin. Sabay pa silang umalis ni Althea, habang kame ni Arabella naman ang naiwan.

Pero di nag tagal napa tayo narin kame ni Arabella at lumabas na din ng shop.

"Paano, mauuna na ako."

"Ingat sa flight, at sana ma kuha mo ang business deal."

"Ako pa." Pag mamayabang ko.

Pagka pasok ko ng kotse ay pinaandar ko na ito, bigla naman kinatok ni Arabella ang bintana ng sasakyan kaya binaba ko ito.

She lean closer para maka pasok ng bahagya ang ulo nito.

"Don't worry Athena, I know na nag aalala ka para sa bata, kameng bahala kay Madison."

"Di ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala kayo." Nakangiting sabi ko.

"Asus... Sipsip!!" Natatawang binatukan pa ako nito.

"Sige aalis na ako." Natatawa ko paring paalam.

"Ingat!"

______________________________
Diko alam kung nakaka ilang dial na ako sa telepono ni Ayesha ngunit hanggang ngayon ay di parin ako nito sinasagot. Naiinis na dinayal ko muli ngunit ganon parin.

"What's wrong?"

Napalingon ako sa likuran ko ng nag aalalang Yuan rin ang bumungad sa akin.

"Hindi sumasagot ang kapatid ko,"

"Baka busy lang, o di kaya pinasyal niya ang bata, alam mo naman un. Sa mga kapatid mo si Ayesha ang pina ka close sa bata."

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang secretary ni Yuan.

"Ma'am, their already in conference room."

"Ok, thank you."

"Let's go." Pag aayaya ni Yuan sa akin.

Napa hawak na lang ako ng mahigpit sa telepono bago sumunod kay Yuan.

Bakit ba ako kinakabahan......

Damn it Ayesha nasaan ka na ba?!
_____________________________________

Ayesha

Palinga-lingang tinitingnan ko ang mga batang nag sisitakbuhan patungo sa kani-kanilang mga sundo.

Pag karating ko sa silid ni Madison ay wala ito. Kaya kunot noong palinga-linga ako sa paligid.

"Excuse me," pag pipigil ko sa isang guro.

"Yes?"

"Ahhmm, nasaan ang mga studyante ng grade 1-A?

"Baka nasa playground po Ma'am,"

"Ah ganon ba, salamat."

"Hanap niyo po ba si Madison?"

Napatingin ako sa baba ng may batang lalake ang lumapit.

"Opo, nakita mo ba siya?"

"Nandon po sa room na yun oh," turo nito sa kabilang building kung saan nakakarinig ako ng pag tugtog ng piano.

"S-salamat." Pa papa-salamat ko sa bata at muling tumingin sa building kung nasaan si Madison.

Sinundan ko lang ang tunog ng pag pa-piano hanggang sa tumapat ako sa isang silid na may kunting puwang, napasilip ako ng kaunti ng may naanigan akong bulto ng tao na naka upo sa harapan ng piano.

Bubuksan ko sana ang pinto ng biglang may kusang bumukas rito.

"T-tita A-Ayesha!!!" Tili ni Madison at tumalon pa itong yumakap sa akin.

"Andito ka lang pala, halika na, umuwi na tayo." Hinawakan ko ang kamay nito ngunit hinila lang niya pabalik.

"W-wait! Ma-mag papa-alam m-muna ako k-kay Teacher."

"Ok,"

"T-teacher Gyle... a-andito na sundo ko, uwi na ako. Ba-bye." Pag papa alam nito sa guro na sa tingin ko nakatayo na sa likuran ng pintuan.

Kaya napatingin na rin ako rito at pinilit anigan ang taong kausap ni Madison.

"Sige, see you on Monday Madison."

Daig ko pa ang natuklaw ng ahas dahil sa pamilyar na boses nito. Unti-unti naman nag laho ang ngiti ko ng unti-unti itong lumabas mula sa likuran ng pintuan.

"Hello Ayesha, long time no see."

"I-Ikaw?!!"
____________________________________
To be continued.......

Happy New Year.... Reader's 😘

Continue Reading

You'll Also Like

34.8K 7.5K 101
بە سام و هەیبەتەوە فەرمانی کرد ؛سەما بکە لەجێگاکەم بەبێ یاساو پشودان .....
245K 47.6K 128
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras ထူးဆန်းသည့် ပြန်ပေးဆွဲမှုတစ်ခုအပြီးတွင် ချီချင်းတစ်...
19.8K 471 55
"Do I have to end up like this because of love?"
210K 10.1K 44
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...