My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Untold
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Tagay

435 43 8
By HEYNEENAMOR

Ken's POV



Nagising ako ng maramdaman kong nag vibrate yung phone na hawak ako. Napaangat ang tingin ko sa orasan. Malapit ng mag 7pm kaya nagpasya na akong tumayo at tumingin sa salamin para ayusin ang nagulo kong buhok. Pagsilip ko sa labas ng kwarto ko ay naabutan ko si Ritang sinasayaw si Oslo. Napangiti ako ng mapansin kong nakapikit si Rita habang sumasabay sa beat ng classical music.. Feel na feel nito ang bawat pag indayog.. Dahan dahan akong lumapit dito at hinihintay kong mapadilat siya..






Nakangiti kong sinalubong ang pagdilat niya kaya napaatras ito. Mabuti na lang at mabilis ko siyang nahigit kundi ay natumba na siguro sila ni Oslo.





"Ano ba, magdahan-dahan ka nga!!!"





"Kasi naman Ken! Sanay ka talaga sa ganyan! Bigla na lang sumusulpot! Magkakasakit ako sa puso ng dahil sayo eh!" inis na sabi nito..




"Hindi ako heart breaker kaya safe ka sa akin." biglang hirit ko dito kaya napansin kong nagulat ito. Nag-iwas ako ng tingin dahil pati ako ay nagulat sa sarili ko.




"May pagkain na ba? Nakakain ka na?" tanong ko dito..






"Nakaluto na ako. Gigisingin sana kita after ko makinig ng music pero ayan ka na eh, gising kana.. So ano? Dinner na tayo?" tumango ako sa sinabi nito tsaka ko kinuha si Oslo sa kanya para makapag prepare na ito sa lamesa..



Hinatak ko ang crib ni Oslo papunta sa pinto ng kusina para mailagay ko ito dun. Para nababantayan parin namin kahit kumakain kami. Hinalikan ko ang ulo ni Oslo tsaka ko nilapag sa crib.




























Kinabukasan...














Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at kay Rita na kasalukuyang nakatulog na habang papunta kami ng Tagaytay. Kalong-kalong nito si Oslo na kapareho niyang tulog. Mabilis kong kinuha ang phone ko dahil nagriring ito..













"Bakit Feliciano?"








"Ang init naman ng ulo. Parang may naistorbo yata ako ng ganito kaaga. HAHAHAHA. Nasaan ka? Kita tayo."







"Papunta kami ng Tagaytay ngayon."








"Kami? Sinong kasama mo?"











"Yung kasama ko sa bahay."














"Si Rita? Talaga ba? Oyyy."







"Tss. Anong Oyyy. Tss. Bakit mo gustong makipagkita?? Tungkol ba yan sa pinabili kong property? Pwede naman tayo magkita bukas."









"Next week na lang. Ayokong sirain ang weekend niyo ni Rita.." natatawang sabi nito.












"Siraulo. Sige na. I'm driving."










"Don't forget to use protection hah! Hahahaha——" hindi na nito natapos ang pagtawa ng e-end ko ang call. Napailing ako at napangiti. Napatingin ako sa tulog na kasama ko. Ang payapa ng paligid kapag tulog ito. Walang ingay.




















Rita's POV

NANG MAGISING ako ay wala na si Oslo sa kandungan ko. Wala na rin si Ken sa tabi ko. Pagtingin ko sa bintana ng kotse ay nakita ko si Ken na nakatayo at nakasandal sa kotse niya at karga-karga si Oslo. Ginala ko ang mata ko at ang magandang tanawin ng bulkang Taal ang nakita ko. Mabilis akong bumaba ng kotse at dinama ang malamig na ambiance ng Tagaytay..



Pumikit ako tsaka ko niyakap ang sarili ko. Hindi ko alam pero ang saya ng feeling ko ng maramdaman ang lamig at ngiti ng araw kasabay ng napakagandang tanawin na nakikita.








"Parang tanga.." rinig kong sabi ni Ken kaya pagdilat ko ay inirapan ko ito tsaka ko nilabas ang phone ko at nagselfie agad ako.









"Tara, bumaba na tayo doon.." sabi ni Ken.







"Nasaan ba tayo?"







"Picnic Grove."








Lumapit ako kay Ken para kunin si Oslo pero ayaw niyang ibigay at siya na lang daw ang magbubuhat.




"Ang ganda dito. Hindi din masyadong crowded. Nakakapagtaka.."






"Baka alam ng mga tao na pupunta ka so hindi na din sila namasyal. Baka maingayan lang sila sayo." pang-aasar nito.








"OA!!! Hmp. Akin na nga yang si Oslo! Halata namang napipilitan ka lang buhatin yan."






"May sinabi ba ako? Tsaka sige na, magpicture ka na diyan, dadaan tayo ng restaurant.. Doon na lang tayo kakain."






"Anong restaurant naman yan? Kasya ba yan sa budget ko?" tanong ko dito dahil alam kong ako ang sasagot sa lahat ng gastos namin dito.









"Ang mahalaga Rita, mabusog tayo." napapikit ako dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. Mahal sa restaurant na sinasabi nito pero worth it naman siguro..



















Breakfast at Antonios












Matapos namin kumain ay dumiretso kami ng SkyRanch. Hindi ako mahilig sa rides pero masaya parin ang pagpunta namin doon. Hindi man kami sumakay sa mga rides dahil may dala kaming baby ay naging memorable naman ito dahil naka witness kami ng wedding proposal.. Paglubog na paglubog ng araw...















"Madilim na Ken, uwi na tayo?" pag-aya ko dito pero busy ito sa pagtarget ng balloons para sa isang malaking teddy bear..









"Isa na lang.."







Napahawak ako sa nakatalikod na si Ken ng magulat ako sa biglang pagputok ng fireworks malapit sa amin.. Tiningnan ko agad si Oslo na dala-dala ko pero hindi naman ito nagising.. Pag-angat ko ng tingin ay mukha ni Ken ang nakita ko kaya mabilis akong kumalas sa paghawak sa kanya at sabay naming nilingon ang pag-ilaw ng fairy's wheel. Napakaganda ng kulay nito.. Hanggang sa may umilaw sa ibabang parte nito at may nakatayo doon na babae.. Sunod-sunod na pagputok ng fireworks ang nakikita namin.. Tsaka may isang lalaking lumapit sa babae. The guy is holding a guitar.. Hinaharana nito ang babae.. Tsaka ko lang napansin ang mga pulang petals sa kinatatayuan ng babae. Napansin kong hinatak ako ni Ken palapit sa direksyong iyon para mas makita namin ng malapitan ang isang proposal.









Nagsigawan ang lahat ng lumuhod ang lalaki sa harap ng babae at inilabas nito ang isang maliit na kahon. Napangiti ako at hindi ko namalayang maluha.











Every girls dream.














Kaya nagtataka ako kung babae ba talaga ako dahil ayoko ng ganoong klaseng proposal if ever. Dahil ayoko ngang makasal. Yes. Ayoko. Kontento ako sa kung ano ako ngayon. I don't want to be with someone. If ibigay ni Lord, tatanggapin ko naman pero ididisinfect ko muna. Charrot.. Haaaays.. Para akong nanonood ng isang movie, isang serye.. Para akong nagbabasa ng mga nobela..












When the girl said Yes, muling nagsigawan ang lahat at nagpalakpakan.
























Pareho kaming tahimik ni Ken na sakay ng kotse niya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nito pero ako, inaalala ko yung proposal na nangyari kanina...














"Paano kaya kung mag "No" yung girl kanina no? Sayang yung gastos. Ang mahal kaya ng fireworks.." sabi ko dito..





"Hindi naman siguro mag popropose yung guy kung alam niyang mag No-No yung girl.."







"Either its a Yes or a No, the guy should propose to a girl! Diba kapag papasok sa relasyon, dapat sa simula pa lang nakikita mo na yung tao na iyon na siya na ang panghabang buhay mo? Bakit naman nagka statement ka diyan na "Hindi naman siguro mag popropose yung guy kung alam niyang mag No-No yung girl.." Kalokohan. " iritang sabi ko.





"So dapat, wala din sa option ng girl na mag NO. Ikaw na din ang nagsabi na kapag papasok sa relasyon, dapat iniisip na din ang future..Pinaliwanag ko lang yung stand ko as a guy.. " inirapan ko ito. Mag-aaway na naman ba kami? Tsss..










"Ikaw ba, yung mga karelasyon mo ngayon. Playtime lang lahat?" matapang na tanong ko dito kaya nagulat ito. Umiling siya.







"Echusero! Iling-iling ka diyan."






"Maka-"Mga karelasyon" ka naman parang ang dami kong babae.." natatawang sabi nito.










"Ay hindi. Hindi ko halata!" sarcastic na sabi ko.












"I'm a one woman man." seryosong sabi nito.










"HAHAHAHAHAHAH. Joke yun? Hahahahahahahh Marinig ka ni Oslo, naririnig niya mga waley na joke mo!! HAHAHAH.."









"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." pasukong sabi nito.









"Paano naman magiging one woman man ang isang Ken Chan? Eh halos hindi ko na nga mabilang yung mga babaeng dinadala mo sa bahay.."











"I don't need to explain. Bahala ka." seryosong sabi nito... Nagtampo yata dahil tinatawanan ko ito. Hello! Sinong maniniwala diba? one woman man? Alam ba niya ang ibig-sabihin nun? Tsss..












Nagtataka ako dahil huminto kami sa harap ng isang magarang vacation house or rest house?





Bumaba si Ken at sumunod naman ako. Kinuha ko din yung teddybear na napanalunan ni Ken kanina..Dahan-dahan ang lakad ko dahil tulog na ang batang dala ko.. Pinapasok kami ng isang babae. Siguro ay nasa 40-50 na ang edad nito.. Na —awkward akong bumati sa babae dahil nag magandang gabi ito sa akin.. Panay lang ang sunod ko kay Ken..






"Ken, teka nga. Nag rent ka ng rest house? Hindi ba tayo uuwi ngayon? Oy."








"Oo."







"Anong oo. Hoooy! Wala akong pambayad sa ganito kagandang rest house ! Baka ipakulong tayo at basta-basta lang tayo pumasok dito.."






"Kung ayaw mong makulong, bakit ka sumusunod sa akin?" tanong nito at napahinto ako.






"Ayoko naman matulog sa labas or sa kotse mo! Baka papakin pa kami ng lamok.."







"See. Kaya wag ka na mag-inarte diyan. I need to rest, pagod ang katawan ko dahil sa long drive." sabi nito .. Wala akong nagawa kundi sumunod dito. Binuksan niya ang room na ipinagtataka ko. At saan naman niya nakuha ang susi ng kwarto???






"Wait. Wait. Is this your rest house??" nagtatakang tanong ko dito.









"Finally, na-gets mo na kung bakit nakapasok tayo dito. Tsaka kung hindi akin to, hindi naman tayo basta papapasukin ni Aling Pelly dito.. Lalo na't hindi katiwa-tiwala ang mukha mo.."  napairap ako tsaka ako napatingin sa napakalaking kama at sa ganda ng kwarto..Ang ganda ganda ng interior nito..


Saglit na nilapag ko si Oslo at yung teddybear sa kama tsaka ako bumaling kay Ken na nagbubukas ng closet sa kwarto.











"May bahay ka naman pala, bakit nakikitira ka pa sa bahay ko??"









"BAHAY KO." may diing sabi nito tsaka naglabas ng ilang mga damit sa closet.







"Bakit hindi ka na lang tumira dito?" tanong ko sa kanya..






"Sa tingin mo ba kung dito ako nakatira, makakapasok pa ako ng Ka-Vogue?? Come'on! Ang layo ng Tagaytay sa QC.. Tsss.."









"Then magresign ka ng Ka-Vogue. Find other job na malapit dito." sagot ko at nagulat ito.








"Mind your own business. You don't have rights tell me that.." bakas sa boses nito ang inis.





"I'm just suggesting.."








"Your not suggesting! Your dictating!"







"No I'm not!"








"Stop this nonsense topic. I need to rest."







"Pero Ken! Wala sa usapan natin ang mag overnight! Tara, bumalik na tayo ng Manila.."









"Rita! I'm f*cking tired. Pwedeng magpahinga muna ako? Look at Oslo. Tulog at pagod na din yung bata. Hindi tayo uuwi ngayon."







"Eh bakit nagagalit ka? Hindi kita pinilit na sumama dito!"





"Hindi ako galit. I'm just tired."







"Hindi ka galit pero pinagtataasan mo ako ng boses."









"Kapag pinagtataasan mo ba ako ng boses sa bahay, narinig mo ba akong magreklamo? tss. I'm just tired. Kung ayaw mong matulog, bahala ka." sabi nito sabay ayos ng unan sa malaking kama. Humiga siya dito.






Wait? Dito siya matutulog???











"Ken, this is not your room. Sa amin to ni Oslo—-"









"Ireremind ko lang sayo na this is MY REST HOUSE. Ang lahat ng room dito ay akin. Kaya wag ka na magreklamo. Isang room lang ang meron sa resthouse na to. Nakakahiya naman kung sa living area mo papatulugin ang OWNER ng rest house diba?" sabi nito. Napatingin ako sa nilabas nitong damit mula sa closet kanina..






"Matutulog ka na? Yung damit na nilabas mo.. Hindi ka ba magpapalit?"







"Para sayo yan."








Kinuha ko yung damit at may kasama itong pajama..












"Magpalit ka ng pajama. Huwag kang hihiga sa kama ng ganyan ang suot mo." rinig kong sabi nito. Napatingin ako sa maiksing short na suot ko.














Matapos kong magpalit ay nagdadalawang isip parin akong humiga sa kama. Hindi kasi ako sanay na may katabing tao sa kama.







"Ken, hindi ka ba malikot matulog? Baka madaganan mo si Oslo hah." paalala ko dito dahil nasa pagitan namin si Oslo. Lumingon ito sa akin tsaka niya tiningnan si Oslo. Kumuha ito ng unan tsaka nilagay sa pagitan nila ni Oslo.












Nagising ako para gumamit ng banyo. Paglingon ko sa pwesto ni Ken ay wala ito dito. Sinilip ko ang banyo pero wala rin ito dito. Matapos kong gumamit ng banyo ay saglit kong inayos ang mga unan sa gilid ni Oslo para hindi ito mahulog sa kama. Lumabas ako ng kwarto para hanapin kung nasaan si Ken. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Wala ito sa living area kaya nagpasya akong tumungo sa kusina. Then, here he is. Nakaupo ito sa bar stool chair at may nakaharap sa kanyang bote ng alak at isang baso...






"Akala ko ba pagod ka, bakit ka umiinom.." tanong ko dito kaya napalingon ito. Natawa ito ng makita ako..






"Anong tinatawa mo?"







"Malaki pala sayo yung pajama ko.. " natatawang sabi nito. Okay naman yung pajama. Oo mahaba ito kaya ako na ang nag adjust. Tinupi ko ito mula sa ibaba para makapaglakad ako.






"Eh anong nakakatawa dun?"






"Alam mo, kahit hating gabi, nagagalit ka. Nagsusungit ka na naman diyan. Hindi mo pa ba naitulog lahat? Tss.. Alam mo, kumuha kang glass diyan, sabayan mo akong uminom.."





"Ayoko nga, lasingin mo pa ako."  sabi ko dito habang umuupo sa tabi nito.






"I-checheck ko lang if kahit lasing ka, masungit ka parin.." natatawang sabi nito..





"Hindi ka ba makatulog? If your not comfortable na katabi kami ni Oslo sa kama, lilipat na lang kami sa sahig.." sabi ko dito..






"Dinamay mo pa si Oslo. Pwede naman kahit ikaw na lang sa sahig.." sagot nito kaya mabilis ko siyang sinapak sa braso nito..






"Bwisit ka talaga!"







"I'm sorry kanina. Kung napagtaasan nga kita ng boses. Pagod lang talaga ako.." seryosong sabi nito na ikinagulat ko. Nagsosorry siya?









"Wa-wala na yun. Kasalanan ko rin kasi. Tama ka, kailangan ng magpahinga ni Oslo, ikaw din.. Hindi ko naisip na pagod ka na din sa biyahe. I'm sorry.." nahihiyang sabi ko dito.. Seryoso itong tumingin sa akin.. Nagulat ako bigla itong tumawa..




"Bakit ka tumatawa!!!!!?"








"Hindi kasi bagay sayo yung speech mo. HAHAHAHHA.."










"Seryoso ako!!"







"Oo na. Hmmm.. Wait, kukuha lang ako ng glass.." tumayo ito tsaka kumuha ng isa pang glass.. Pagbalik niya ay nilagyan niya ang glass ng alak tyaka binigay sa akin.





"Ayoko! Malalasing ako!"






"Hindi naman yan puno. Tumikim ka lang. Promise, hindi ko na yan dadagdagan.." sabi nito sabay kuha ng glass niya at itinaas ito para mag cheers kami..





"Cheers?" sabi nito. Wala akong nagawa kundi kunin ang isang glass tsaka ko binangga sa glass niya..








"Hala! Anong alak to? Bakit hindi mapait?" tanong ko kay Ken tsaka ko inamoy-amoy yung baso..







"Imported yan from Spain.."






"Hindi ko tinatanong kung saan to gawa or binili, tinatanong ko kung anong klaseng alak to." sabi ko sabay kuha ng mismong lagayan nito at binasa ko.. At dahil nagustuhan ko ang lasa ay nagpasya akong lagyan muli ang glass ko pero pinigilan ako ni Ken.





"Hey! Sabi ko wag mo ng dagdagan yung nilagay ko sayo. Akala ko ba ayaw mong malasing?" tanong nito..





"Eh mukha namang hindi ito nakakalasing eh! Ang sarap nga! Parang wine!"






"No. Akin na yang lagayan at umakyat ka na sa taas. Baka magising si Oslo sa taas.."








"Salamat pala sa pagsama sa amin ni Oslo ah." sabi ko dito..







"Pagbalik natin ng Manila, i-fufull tank mo yung kotse ko hah!"




"Oo na! Hindi ako nakakalimot!"






"Sige na, umakyat kana." sabi nito.. Napangiti ako ng mapapatitig ako sa mga labi ni Ken. Ngayon ko lang kasi ito natitigan ng ganito kalapit at katagal. Kanina pa ako nakaupo dito pero sa labi lang ni Ken ang focus ko kanina pa. I don't know why pero gandang-ganda ako sa mga labi niya. Pinkish ito at mukhang malambot. Ang swerte naman ng mga babaeng nakakahalik sa labi na iyan.. Nag-iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin.








Bakit ko ba naiisip yung labi niya. At ano ba tong pinag-iisip ko. Juskoooo.. Nakakapraning yata yung alak na pinatikim nito eh..














"Ang lalim ng iniisip mo. Kanina ka pa nakatitig sa labi ko. Gusto mo bang halikan?" biglang sabi nito kaya nahampas ko ulit siya sa braso..








"Wow. Maka alok naman! Parang nagbebenta lang ng kangkong sa palengke ah!" hirit na sabi ko dito at natawa ito..








"Okay. Nasayang mo ang chance. Sige na. Umakyat kana."









"Chance , chance ka diyan! Hmp. As if namang ginto yang labi mo!! Napakayabang nito!! Matulog ka na din at wag magpasobra! Ipagmamaneho mo pa kami ni Oslo pauwi bukas.."








"Go! Umakyat kana——" hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi nito dahil naglakad na ako pabalik kay Oslo.. Huminto ako sa paglalakad ng may nakalimutan akong i-klaro kay Ken.









"Basta hindi ako sa sahig matutulog hah?" pahabol na tanong ko dito..













"Oo na. Umakyat kana bago pa mangyari yung pinapantasya mo kanina pa.." natatawang sabi nito.. Kunot noo kong iniisip ang sinasabi nito..










Anong pinapantasya ko kanina pa? Ang maging maswerte din tulad ng mga babaeng nakahalik na sa labi niya? Wait whaaaat?? Iniisip din niyang halikan ako?? NO. NO. NO.









Inaantok lang ako. Rita, inaantok ka lang.























Pagpasok ko ng kwarto ay mabilis akong humiga sa kama tsaka ko binalot ang sarili ko ng kumot.. Pipilitin kong makatulog kahit na feeling ko ay hindi ako makakatulog ngayon dahil sa ungas na iyon!!!!





















❤️

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
322K 10.3K 57
Princess Hazel Ancheta has no choice but to live in that house with that Perverted Man. Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang kanyang mga magu...
96.2K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
7.7K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...