Captured and Tainted (SERIE F...

By elyjindria

8.6M 273K 146K

(COMPLETED) Angelica Louise 'Angel' Mendoza is a famous model and actress, she has a bitchy attitude, she doe... More

Captured and Tainted
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
NOZZE
LAST CHAPTER
NEXT
pre-order

Chapter Twenty-One

172K 6.7K 5K
By elyjindria

I'm expecting a hard slap from her, and she did slap me. But the look in her face is much painful than her slap, seeing her eyes dwelled in tears and her quivering lips... It makes me feel like I'm the worst friend alive, and I guess I really am.

“What was that, Angel?! Why did you kiss my boyfriend?!”

Napatungo ako at napahawak sa braso ko. I avoided her gaze. I don't know what to say... Gusto ko na lang mawala na parang bula sa harapan niya. I bit my lower lip and calmed my nerves, sobrang lamig ng mga kamay ko.

“J-Jaze, let's not talk here, d-doon tayo sa living room. Please,” I murmured and glanced at Zakarius who's peacefully sleeping on my bed without knowing what's happening right now. I inhaled deeply and looked at Jaze again.

Hindi na siya nagsalita at padabog na lumabas ng silid ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pakalmahin ang sarili ko.

I don't have any other choice but to face this, hindi puwedeng takasan ko ito habang buhay. Alam ko rin na malaki ang posibidad na hindi na ako patawarin ni Jaze.

I took a deep breath once again and followed Jaze. Nasa living room siya habang nakatingin pa rin nang masama sa akin. Ang sakit sa dibdib na makita siyang ganito kagalit sa 'kin, pero sana naisip ko 'to bago pa ako mahulog nang tuluyan kay Zakarius.

I'm a foolish bitch, I know.

“You know I've always treated you like a sister, Angel. Itinuring kitang pamilya na maagang ipinagkait sa 'kin! Alam mo rin kung gaano ko kamahal si Zakarius, a-alam mo 'yan noon pa lang!” her voice broke and she finally bursts into tears. Nanginig ang kalamnan ko nang makita siyang lumuluha, nanghina ang mga tuhod ko kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

Naglakad ako papalapit sa kanya at sinubukang hawakan ang kamay niya ngunit agad niya akong itinulak palayo.

“I-I'm sorry, Jaze. I tried to stop myself, I tried to suppress my own feelings. Believe me, p-please.”

I froze when she slapped me again. I just gulped and endure the pain it caused. This is nothing compared to her pain right now. I should endure this, this is all my fault.

I realized that I'm also weak when it comes to her. My heart is throbbing with pain, seeing her cry like this... seeing her cry like this because of me breaks my heart. I ruined her, I'm the one who ruined our friendship.

“You didn't do your best, Angel! Ginusto mo rin! Wala kang pakialam sa pagkakaibigan natin dahil kung meron, h-hindi mo gagawin sa 'kin 'to!” she shouted. Namumula ang mukha niya habang patuloy sa pagluha. Lalo akong nasasaktan dahil kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya.

I covered my mouth to fight my sobs. Pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko dahil sa panghihina anumang oras. It feels like I finally reached my weakest point, Jaze is my weakest point. I don't know if I can still continue without her, she completed me, she's the friend I ever wished for... and I did this to her, I betrayed her.

Jaze wiped her tears. She inhaled deeply, she calmed herself, and looked directly at my eyes.

“A-aminin mo sa 'kin, ano'ng nararamdaman mo para kay Zak? Aminin mo sa akin, Angel,” sabi niya sa matigas na boses.

Natigilan ako, nanatili akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Buong buhay ko palagi akong handa sa bawat tanong na ibinabato sa 'kin... Ngayon lang ako nahirapan sumagot nang ganito, pakiramdam ko sa isasagot ko nakasalalay ang pananatili ng pagkakaibigan namin.

“I love him, Jaze. I-I love him so much... I love Zakarius Cavalcante so damn much,” I murmured and closed my eyes tightly.

I chose to be honest with her and with my feelings. Ilang taon kong kinimkim ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Zakarius, ang tagal kong kinimkim ang totoong nararamdaman ko at nagpanggap na masaya para sa kanila.

I want to be honest, I know where this will lead me, us, but I want to voice my feelings out this time. Ayaw kong magkaayos kami pero kailangan ko na namang magpanggap.

I looked at Jaze, she bit her lower lip as tears streamed down from her eyes on her cheeks. I avoided her gaze, nanghihina na naman ako... Sobra akong naiinis sa sarili ko dahil pinahihirapan ko siya nang ganito.

“Kailan pa, Angel? S-sabihin mo sa 'kin!” she shouted and pushed me again. Tuluyan na akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina ko.

Kahit nanginginig ang nga tuhod ko, kumapit ako sa mini table at pilit na tumayo at muli siyang hinarap. I'm a strong independent woman, but I'm so weak right now. Nanghihina ako dahil alam ko ang magiging ending naming dalawa. I will lose my friend as well as the man that I love... I'll lose them both.

“M-mahal ko na siya bago pa maging kayo Jaze, mahal ko na siya noon pa,” mahinang tugon ko sa nanginginig na boses.

Jaze looked at me with disbelief. She groaned in pain and pushed me again. Muli niya akong sinampal, saka sinampal ulit... Paulit-ulit niya akong sinampal ngunit hindi ko siya pinipigilan.

“All this time... naghahanap ka lang ng chance na maagaw sa 'kin si Zakarius. Gano'n ba?! All this time hindi mo ako itinuring na kaibigan kundi kaagaw! How dare you, Angel?! I treated you like a sister I never had. Paano mo nagawa sa 'kin 'to?! S-siguro tuwang tuwa ko no'ng umalis ako, siguro tuwang tuwa ka at hiniling mo na h'wag na akong bumalik!” She gave me one hard slap again.

Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. Tuluyan ng umagos ang mga luha mula sa mga mata ko.

“H-hindi totoo 'yan, Jaze. Alam mong itunuring din kitang kapatid! You know how important you are to me. Hindi ako naghintay ng chance na maagaw si Zakarius gaya ng iniisip mo. Heaven knows how I tried to stay away from him! Pero siya ang lapit nang lapit, siya ang kumuha sa 'kin! I did my best to stop my feelings for him. Siya ang lumapit sa 'kin, Jaze. I know, kasalanan ko rin dahil hindi ko napigilan, but you have to know that Zakarius pushed himself on me, Jaze. I'm just a weak woman when it comes to love... when it comes to him. I'm sorry, Jaze. Puwede mo akong saktan nang paulit-ulit, h-hindi ako magrereklamo. Please, I'm really sorry, Jaze.”

Jaze wiped her tears and stepped backwards. Natawa siya nang mapakla habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata niya.

“I'll take Zakarius with me, but remember this day, Angel. Hindi na tayo magkaibigan at hinding hindi na tayo magiging magkaibigan pa ulit.”

* * *

This is all my fault.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakakulong dito sa bahay. Cassian, Chan, and Castor tried to reach me out but I don't want to talk to anybody right now. I just want to be alone.

I looked at myself in the mirror, halata sa mukha ko na wala akong matinong tulog, hindi ako makakapagtrabaho sa lagay na 'to. I sighed and closed my eyes tightly. I don't know what to do anymore. Sinubukan kong tawagan o i-text si Jaze, pero wala siyang sinasagot. She even blocked my number. Siguro ay hindi niya na talaga ako mapapatawad.

Natigilan ako nang muling tumunog ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang pangalan ni Cassian sa caller ID. I rolled my eyes and took my phone, sinagot ko na lang ang tawag niya.

“Hello,” I said in a weak voice. Pakiramdam ko paos na paos ang boses ko.

“Hoy, sesermunan na dapat kita... kaso bakit ganyan ang boses mo? May sakit ka ba?” tanong ni Cassian, bakas sa boses nito ang pag-aalala.

“I'm fine. I just need time for myself,” I murmured and looked at myself in the mirror again.

“Go, take your time. Missing in action din naman si direk, e. Hindi rin namin ma-contact. Nakakausap mo ba siya?” tanong niya.

I sighed and scratched my nape. I don't want to talk about Zakarius, ni ayaw ko ngang marinig ang pangalan niya. Mali talaga na sinagot ko ang tawag ni Cassian.

“No, hindi ko siya nakakausap,” tipid na sabi ko at agad ng binaba ang tawag.

Nasaan naman kaya si Zak? Abala ba siya sa pagsuyo kay Jaze? Ipinaliwanag niya kaya ang lahat may Jaze? Sinabi niya ba na wala siyang nararamdaman para sa 'kin at si Jaze lang ang mahal niya?

Napailing na lang ako at pinilit na tumayo saka magtungo sa banyo upang maligo.

Maybe I need to face everything now. Magpapakapagod na lang ulit ako sa trabaho para kahit papa'no hindi ko maisip ang sakit, para kahit papa'no ma-distract ako sa mga tumatakbo sa isip ko.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at nag-ayos. Lumabas na rin agad ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina.

I was about to open the refrigerator when I heard the doorbell rang. My forehead creased in confusion. Who might that be? I'm not expecting any visitors right now.

Natigilan ako nang mukha ni Castor ang bumungad sa 'kin pagsilip ko sa peephole. Napabuntong hininga na lang ako at pinagbuksan siya ng pinto. Nakalimutan kong may access nga pala siya sa gate ko.

“Hey, Angel!” he greeted and smiled at me. Napairap na lang ako at muling dumiretso sa loob.

Sumunod siya sa 'kin sa kusina. Inilapag niya ang dala niyang paper bag sa mesa saka lumapit sa 'kin. He held my arm and made me face him. He looked at my eyes intently and gently caressed my arm.

“Ano ba'ng problema?” he asked in a serious tone and sighed. I avoided his gaze and bit my lower lip.

Kahinaan ko ang ganyang tanong galing sa kanya. Pakiramdam ko kapag tinatanong niya ako niyan kusang tumutulo ang mga luha ko.

Napapitlag ako nang maramdaman kong marahan niyang hinaplos ang pisngi ko, doon ko lang napagtanto na lumuluha na pala ako.

“Sabi ko naman sa 'yo, e. You don't have to bear it all alone, tell me if there's something wrong. Ilang araw akong hindi mapakali dahil sa 'yo, nag-aalala ako na baka naiyak kang mag-isa rito,” he murmured and wiped my tears. Tumango na lang ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

Castor pulled me closer to him and hugged me. I hugged him back and buried my face on his chest. Kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi nagsalita si Castor, hinahaplos niya lang ang buhok ko habang hinahayaan akong umiyak sa dibdib niya. This is what I need, I need comfort... Castor is really my savior.

Nang kumalma na ako, nagtungo kami sa living room habang tahimik na nakaupo sa couch. Hindi nagsasalita si Castor at tila tina-tantsa kung okay na ako.

“Okay ka na ba?” Castor asked and gently caressed my cheek. I smiled at him and nodded.

“Thank you,” I murmured and avoided his gaze. I suddenly felt embarrassed, hindi ko nakontrol ang sarili ko na umiyak sa harapan niya.

Napangiti na lang si Castor saka inayos ang buhok ko. He pinched my nose and chuckled, I just smiled at him and punched his chest.

“Ang cute mo umiyak, kaya ka siguro best actress,” tila natatawang sabi niya. Tiningnan ko na lang siya nang masama.

“Baka sapakin kita riyan,” pananakot ko.

His eyebrow shot up, he pinched my chin gently and gave me a boastful smile.

“Pagkatapos kitang i-comfort, sasapakin mo 'ko? Hindi talaga bagay sa 'yo ang pangalan mo,” napapailing na sabi niya pa.

Napagdesisyunan kong h'wag na lang muna magpunta sa agency gaya ng sabi ni Castor. Nag-kwentuhan lang kami buong oras, kahit papa'no ay nawala sa isip ko ang problema ko.

Natigilan kaming pareho nang tumunog ang phone ko, agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Cassian sa caller ID.

“Hello, Cassian?”

“Angel, alam kong may pino-problema ka ngayon... But you have to see what's happening to your career right now, tingnan mo ang pinag-uusapan ng mga tao ngayon. Bukas magpunta ka rito sa agency at ipaliwanag sa akin ang nangyayari.”

Pagkasabi ni Cassian no'n ay agad din niyang tinapos ang tawag. My forehead furrowed in confusion, what the fuck is happening in my career? Ano ba ang pinagsasabi ng Cassian na 'yon?

Sinunod ko ang sinabi ni Cassian, tiningnan ko ang nangyayari sa social media ngayon. Lumapit naman si Castor sa akin upang makisilip.

I visited my twitter account first, my mouth agape when I saw the current trending tweet.

“What the fuck? Angel Mendoza, a boyfriend stealer?” Castor asked, he looks confused as me.

I inhaled deeply and continued scrolling. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita na naka-post ang picture namin ni Zakarius. Nakahiga siya sa kama ko, ito ang gabi na nahuli kami ni Jaze... She took a picture of us and posted it on social media? Paano niya nagawa sa 'kin 'to? Hindi ko alam na aabot sa ganito ang galit niya sa 'kin.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko sa kaba at halo-halong emosyon, pinilit ko pa ring basahin ang comments ng mga tao.

I knew it, halata namang malandi si Angel Mendoza.

What a disgrace, best actress of the year pa man din. Best friend pa talaga ang inagawan ng boyfriend. Hindi na nahiya, akala mo kung sinong maganda.

Nasa loob talaga ang kati niyang babaeng yan. Dapat hindi na mag-artista yan!

She's obviously a bitch in all aspect. Kahit yung ugali basura din. Kunwari pang concern sa fans niya. Pweh!

Inakit niya talaga si Director Cavalcante para makuha ang lead role sa movie ni direk. Nakakahiya, siguro marami ng naakit na direktor 'yan.

I'm not her fan anymore. Castor doesn't deserve a bitch like her.

Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng pagkawala ng mga luha mula sa mga mata ko. My hands are literally shaking, nabitiwan ko ang cellphone ko at tuluyang napahagulgol ng iyak.

“Shh, come here.” Castor hugged me and let me cry on his chest again.

He stroked my hair gently and rubbed my back with much tenderness. He sighed and hugged me tighter. Napakapit ako nang mahigpit sa damit niya upang kumuha ng lakas do'n.

“Don't mind them, they don't know the real you, Angel... I won't leave you,” he mumbled while still caressing my back. I cried harder, inilabas ko ang lahat ng emosyon sa dibdib ko na hindi ko na kayang pigilan.

I don't know what to do anymore... Pati yata ang nag-iisang bagay na nagpapasaya sa 'kin ay mawawala na rin.

* * *

“You need to take a break, Angel,” Cassian said with finality. I bit my lower lip and sighed.

“Of course I need to,” I mumbled.

Actually, I don't want to face him right now. Ayaw ko muna talagang lumabas dahil matindi ang galit sa akin ng mga tao. Pero kailangan kong harapin 'to, hindi puwedeng palagi akong magtago.

“We will release a statement about this. We will talk to your friend, Jazelyn Hernaez, about this issue. For now, cancelled muna ang movie mo. Wala pa kaming nakukuhang statement galing kay direk, dapat pag-usapan niyo iyan dahil kayong dalawa ang nasa issue ngayon. For now, take a rest, Angel. Ayaw kong nakikita na nagkakaganyan ka, ayaw ko rin na sinasabihan ka ng masasakit na salita ng mga tao, nasasaktan din ako hindi dahil sa artista ka rito sa agency... Alam mo 'yan diba? Hindi lang basta artista na nagpapasok ng pera dito sa agency ang turing ko sa 'yo,” Cassian said with concern in his voice. He held my shoulder and gently tapped it. I just gave him a weak smile and nodded.

“Sir Cassian, mababalik pa ba natin sa dati ang tingin ng mga tao kay Angel? Ayaw ko sa ibang artista, gusto ko kay Angel lang magtrabaho,” naluluhang sabi ni Chan.

Kanina pa siya nakahawak sa kamay ko habang naiyak. Kanina ko pa siya pinapatigil na umiyak pero hindi niya raw mapigilan ang sarili niya.

Pakiramdam ko may kung anong humaplos sa puso ko. Palagi ko siyang tinatarayan at inuutus-utusan, pero ito siya, naiyak dahil ayaw niyang magtrabaho sa iba kundi sa 'kin lang.

“Damn, Chan... why are you so cute?”

Natigilan kaming pareho ni Chan at napatingin kay Cassian na biglang nagsalita. Nakaupo ito sa couch na nasa tapat namin habang titig na titig kay Chan. Cassian blinked and straightened his back, he cleared his throat and loosened his necktie.

“I-I mean, Chan... stop crying,” Cassian said and turned his gaze away from Chan.

Nagawa pa talaga niyang lumandi kay Chan sa harapan ko at sa sitwasyon namin ngayon?

I sighed and stood up, bahagyang ginulo ko ang buhok ni Chan saka ngumiti sa kanya.

“Stop crying, everything will be fine. By the way, I'll go ahead, magpapahinga na lang ako sa bahay,” sabi ko na lang at sinuot ang shades ko.

“Ihahatid na kita,” sabi ni Chan at agad na tumayo.

“No need, I can manage,” I said and took my sling bag. I looked at Cassian, he's seriously looking at me.

“Once you get home, don't check your social media accounts, h'wag ka ring magbasa ng comments. Just take a rest and let me handle everything, okay?” Cassian asked. I just smiled and nodded at him.

Akala ko wala na akong kaibigan noong tapusin ni Jaze ang pagkakaibigan naming dalawa, pero mukhang hindi naman pala.

Napansin ko na iniiwasan ako ng mga empleyado sa agency habang naglalakad ako palabas ng building, hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Natigilan ako sa bumungad sa 'kin paglabas ko ng building... ang daming tao, lahat sila ay nakatingin nang masama sa 'kin.

“Mang-aagaw! Malandi!”

“Desperada! Dapat hindi ka na mag-artista!”

“Angel Mendoza, a bitch boyfriend stealer!”

Natulos ako sa kinatatayuan ko habang binabato ako nang masasakit na salita ng mga tao. Agad na humarang ang mga guard nang magbato ng kung ano-ano ang mga tao.

I bit my lower lip as tears streamed down on my cheeks. My whole body is trembling with fear and pain, this whole thing is painful as hell. They used to cheer for me, and shout my name with adoration... but now they are cursing me, throwing things at me as if I'm the worst thing that happened to them.

I gasped in shock when someone threw a rock at me, tumama iyon sa noo ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, pinilit kong ihakbang ang mga paa ko palayo sa lugar na 'to pero parang may nakadagan na mabigat sa mga 'yon.

Where are you, Zak? Where is he when I need him the most?

Natigilan ako nang may humawak sa kamay ko at humila sa 'kin palayo sa lugar na 'yon. Nagpatianod na lang ako sa kanya at nakipagsiksikan sa mga guard at mga tao palayo sa lugar na 'yon na kanina ko pa gustong takasan.

Nakarating kami sa parking area. Binuksan niya ang van at ipinasok ako sa loob. Napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya pero kitang kita rin doon ang inis at galit.

“C-Castor.”

He took a deep breath and held my hand, he closed his eyes as if he's calming himself. He opened his eyes and looked into my eyes with emotions I couldn't discern.

He wiped my cheeks with his gentle hands. Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa niya at inilapat iyon sa noo ko, napangiwi na lang ako nang makaramdam nang kaunting sakit.

“Dumudugo,” he murmured while gently wiping my forehead.

I bit my lower lip and turned my gaze away from him. I was taken aback when he held my chin and made me face him. He looked at me intensely and caressed my arm.

“Gusto mo bang lumayo? Let's escape this hell together. Kahit saan mo gusto, dadalhin kita... kahit gaano pa kalayo, sasamahan kita. Lahat gagawin ko para maging okay ka, handa 'kong iwan ang lahat para sa 'yo, Angel.”

Continue Reading

You'll Also Like

4M 63.6K 20
(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and lo...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
18.1K 511 5
My yearly Christmas Special for you guys :)
897K 14.2K 19
Kyla Marigold Endrano will do everything for money. She desperately needs a huge amount of money for her ill brother's treatment. Zevero Montalvo on...