Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 15

665 14 7
By julliacath

Kabanata 15

Insecure

''Ang ganda mo, ah! Iba talaga hangin ng Estados Unidos!'' Steph complimented me after I entered the classroom. Umakbay siya sa 'kin nang buksan ko ang pinto ng room. Ngumisi ako sa kanya at dumiretso nang umupo. 

Pansin kong bakante ang katabing upuan ko, siguro'y wala pa si Lia. Hindi pa rin naman nagsisimula ang klase kaya't walang problema. Kukwentuhan ko na lang siya mamaya kung sakaling dumating siya.

Binaba ko ang dala kong tote bag at ang mga pasalubong na binili ko galing sa California habang pinalibutan ako ng aking mga kaibigan. Ang iba ay umupo sa mga bakanteng upuan, habang ang iba naman ay sa desk. Some of our classmates' malicious glances are very evident that's why I raised my eyebrow, trying to make an expression. Nag-iwas ng tingin ang iba kaya't umirap ako.

Wednesday ngayon kaya't pwedeng mag suot ng kung anong gusto namin. I wore a simple black puff sleeve dress and a pair of black mules. Halata ang kulay ng buhok ko dahil ginto iyon kaya't hindi nakakapagtakang pansin ng mga kaklase ko ang pagbabago sa 'kin.

''Galing kang US, Lucy? Do'n ka nag bakasyon? Do'n ka rin ba nagpakulay? Big time, ah! Ang ganda mo lalo!'' namamanghang sabi ni Bea. Hinawakan niya pa ang malambot kong buhok at kung ano-ano ang ginawa.

''Hindi. I had my hair done yesterday. Sa SM Manila,'' sagot ko ng nakangiti at yumuko. Kinuha ko ang mga pasalubong ko para sa mga kaibigan ko. Mga nasa paper bag iyon at para kay Steph, Bea, and Cyrille. Simple lamang naman ang mga binili ko, wallet at perfume lang. I bought it from a mall in US and I automatically knew that they'd like it. A Jo Malone perfume and leather wallet. Habang ang kay Liana naman ay kung ano-anong brand ng coffee beans at mga libro.

Lia loves coffee so much. Halos 'yon na nga ang dumaloy sa dugo niya, e. Kaya sigurado akong magugustuhan niya 'yon!

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakapalibot sa akin. Cyrille's not here. Tanging si Bea at Steph at ang ibang nakakahalubilo ko.

I looked at the other side of the room and saw Cy seating on the upper left corner of the room alone. Bakit nando'n 'yun? Ayaw niya bang lumapit dito?

''Huh? Ang lapit lang no'n, ah! Bakit hindi ka pumasok?'' tanong ni Steph. Nakaupo siya sa desk habang nagtatakang nakatingin sa 'kin.

''Oo nga! Ang sabi mo pa naman sa text, papasok ka! Hinintay ka pa naman namin. Kami lang ni Steph ang magkausap kasi badtrip si Cyrille,'' humagikhik si Bea. ''Saka nakita ka ni Ariane, nasa hallway ka raw. Bakit 'di ka tumuloy sa room?'' ani Bea ulit.

Napakurap ako ng ilang beses at pagkatapos ay napapikit nang mariin. Ano ba 'yan! May nakakita pala sa 'kin kahapon! Pa'no ko sasabihin sa kanila na pinagsalitaan ako ng masakit ni Jarrell?

Ayoko namang sumama ang image niya sa kanila 'no! Saka.. kinaya ko naman, e.

''Ah!'' I laughed awkwardly. ''Ano.. Uhm.. Papasok dapat ako kahapon but I realized na nagpabook pala ako ng appointment sa salon,'' tumawa ulit ako at napakamot ng ulo. I have no other way to reason out other than this.

Kasalanan mo 'to, Jarrell! Bwisit ka!

''Naku, sayang! Nakita pa naman namin si Jarrell saka si Javier! Hinahanap ka nga, e.'' ani Bea.

Napalingon ako sa kanya at napaayos nang pagkakaupo. Ano? Ako? Hinahanap ni Jarrell?! Eh, sinungitan ako no'n kahapon, ah! Gago ba siya? Ano 'yon? Totopakin siya tapos biglang magbabago ng mood?! 

''Huh? Hinanap ako ni Jarrell?'' 

Napatawa si Bea. ''Anong Jarrell? Asa ka, girl!'' binatukan niya ako habang maliit na tumawa. ''Si Javier ang naghanap sa 'yo!''

Napakunot ang noo ko. Si Javier? Crush 'yon ni Cy, ah! Bakit naman ako hinanap? Hindi naman kami close at hindi pa rin kami nakakapag-usap, base sa naaalala ko. Tanging sa basketball court ko lang siya nakikita at napapanood. Weird how he's looking for me when we had zero interactions at kasama niya pa si Jarrell.

''Bakit daw?'' tanong ko at muling napatingin kay Cyrille. Nagbabasa siya ng libro at mukhang hindi alintana ang ingay sa banda naman. Is she okay?

They shrugged. ''Hindi namin alam, e. Nagulat nga kami kasi biglang tumigil sa harap namin. Akala ko, babatiin si Cy, 'yun pala e hahanapin ka sa 'min.'' 

''Oh..'' sagot ko at napatango. 

''Nasa'n na pasalubong namin?'' napahawak si Bea sa braso ko habang nakangisi. Oh, I remember! 

Inabot ko na sa kanila iyon. Medyo nahiya pa nga ako dahil wala akong pasalubong sa mga kaklase naming nakichismis. Nakatingin pa naman ang mga 'yon habang binubuksan nina Steph at Bea ang regalo ko para sa kanila.

Well, 'di ko naman kasalanan na lumapit sila 'no! 'Di naman kami mga close.

''Ah, Bea. Bakit pala hindi lumapit si Cy? May pasalubong din ako sa kanya,'' lingon ko kay Bea dahil busy si Steph na magspray sa kung saan-saan ng pabangong binili ko para sa kanya. ''May problema ba siya?''

''Ewan ko ba riyan. Biglang hindi namansin. Eh, okay pa naman siya kahapon. Pero after namin makasalubong sina Jarrell, biglang natahimik!'' liningon niya si Cy kaya't napatingin din ako sa banda niya. Napabuntong hininga ako nang malalim. ''Gusto mo lapitan natin?''

I nodded. Binitbit ko ang paper bag kung nasa'n ang regalo niyang binili ko. Sabay kaming naglakad papunta sa kanya. Cy immediately noticed our presence that's why she sat properly. Sinara niya ang librong hawak niya at  tinignan kami. 

Bea leaned on the wall as she crossed her arms habang ako'y umupo sa tabi niya.

I handed my pasalubong. ''Here! Para sa 'yo 'yan!'' I said with a smile.

She stared at me blankly for a couple of seconds. Pagkatapos ay tinignan ang bagong kulay at gupit kong buhok, hindi pinansin ang regalo ko. ''Nagbago ka ng hairstyle?'' tanging sabi niya. Walang kaemosyon-emosyon.

Tumango ako. ''Yup! Bagay ba?''

Napaiwas siya ng tingin at may kung anong binulong na hindi ko narinig. Napaawang ang labi ko. Anong sinabi niya?

''Yes,'' she answered. ''Para sa 'kin ba 'yan?'' turo niya sa paper bag habang nakataas ang kilay.

I nodded. Nilapag ko na lang 'yon sa desk niya dahil nakakapagtaka talaga ang katahimikan niya. Not to mention that she also looks like she's in a really, really foul mood. Eh, madalas pa naman lalo na't kung magkasama kami ay maingay siya.

''Thanks,'' she gave me a little smile as she grabbed and opened it. Napangiti rin ako. Akala ko hindi niya tatanggapin, e.

''Wala bang practice game sina Jarrell? Nood naman tayo, Cy! Namimiss ko na, e!'' I excitedly uttered habang binubuksan niya ang laman noong nasa paper bag. Ang tagal na rin kasi simula noong napanood ko sila. I spent most of my vacation at home while for the last few weeks were on California kaya't wala akong naging oras para makapanood. Although from what I've heard, nagsi-uwian din ang basketball team sa kanya-kanya nilang pamilya. 

Her actions stopped at padabog niyang binagsak sa desk ang paperbag. Napabalikwas ako dahil sa gulat. I saw how her mood changed. Mas madilim ang ekspresyon niya kumpara kanina.

Napatingin ako kay Bea na katulad ko ay gulat din. 

''Cy, okay ka lang ba?'' tanong ni Bea. ''Gusto mong iwanan ka muna namin? Mukha kasing 'di maganda mood mo, e.''

Nagpalitan kaming dalawa ng tingin ni Bea. I don't want to equal her mood. Maybe she woke up on the wrong side of bed today.

''Mamaya. Sa gym. Same time,'' mariin niyang pagkakasabi at saka tumayo. Sandali niya akong tinitigan bago dumiretso palabas.

I was shocked by her sudden action. Wala naman akong ginawa sa kanya, ah? Is she irritated with me? Perhaps, mad at my presence? Eh, inabot ko lang naman ang regalo ko at nagtanong. I'm sure it did not even hurt her. Wala naman akong ginawa sa kanyang harmful. 

If she's not in the mood, she should have just told me. Hindi 'yong bigla na lang siyang magiging bastos. 

''Naku, Lucy. Hayaan mo na 'yon!'' aniya. She's smiling awkwardly. Tumayo na ako para makabalik sa upuan ko. ''Nood tayo mamaya? Sama 'ko!'' 

I smiled and nodded. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Bea and Steph thanked me again for the gifts I gave them.

Mabilis lang natapos ang klase. My mind's thinking of how will I able to approach Jarrell later considering how I was badly affected of what he said. Sa sobrang affected ko nga ay nakapagpabago pa ako ng hair style!

Should I just be natural? Magpapanggap ba 'kong walang nangyari?

''Lucy, una na 'ko ha?'' paalam ni Liana nang lumabas na ang professor. Parehas na kaming nakatayo ngunit ang kaibahan ay suot niya na ang bag niya.

''Ha? Maaga pa! Sama ka sa 'min?'' I grinned. ''Manonood kami ng basketball!''

''Hindi ka pa rin pala nakakamove on diyan sa crush mong player?'' 

Ngumuso ako. ''I would never get over him,'' I laughed. ''Ano? Tara na! Hindi ka naman gagabihin do'n saka wala ka namang gagawin, 'di ba?'' I said and grabbed her arm. Nakita kong naghihintay na sa 'kin sina Bea sa gilid ng pinto.

She laughed awkwardly. ''Ah.. Lucy, may.. uhm.. date kasi kami ngayon ni Toran,'' kumamot siya sa kanyang ulo. ''Naghihintay na siya sa parking lot, e. Alam mo namang.. busy siya sa masteral niya. Next time na lang?'' she smiled apologetically.

I rolled my eyes. Of course, it's Toran! Lintek na pag-ibig 'yan! When would I even experience that? He never really failed to make time for Lia. Kahit busy siya, gumagawa talaga siya ng paraan. Tulad ngayon.

Sana gano'n din ang mamahalin ko.

''Okay. Whatever!'' umirap ako ulit. 

''Sorry na. Ang ganda mo pa naman ngayon. Bawal mainis,'' tumawa siya niyakap ako. ''Alis na ako. Ingat kayo.''

''Ingat din kayo, ah! Gumamit ng condom,'' humagikhik ako nang makitang namula si Lia habang naglalakad palayo.

Lumapit na 'ko kina Bea. ''Sa'n si Cy?'' tanong ko. Silang dalawa lang kasi ang naghihintay sa 'kin sa pinto. I thought we are going with her that's why her absence shocked me a bit.

''Nauna na. Do'n na lang daw natin siya sa gym kitain. Let's go?'' ani Steph.

Pumunta na nga kami ro'n. Rinig ko ang tunog ng mga robber shoes kahit na nasa labas pa lang kami. May kaunting kaba akong naramdaman dahil makikita ko ulit si Jarrell. When our vacation started, I thought everything's going on smoothly. Pinapansin niya na 'ko, e. Nginingitian. Binabati. But when he painfully uttered the words he said yesterday, my hopes crushed.

Pakiramdam ko tuloy, balik simula ako ulit. 'Yong tipong magpapakahirap na naman akong mapansin niya. Was I too annoying? Shall I loosen up a bit?

''Kasisimula lang ng klase pero pahirap agad geopol. 'Di ba pwedeng chill muna?'' reklamo ni Bea habang papasok kami sa gym.

''May pinapagawa ba?'' tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang gym. Team A lang ang narito, hindi kasama ang isa pang team na madalas kasali sa practice game nila. They are all busy doing routines. 

Hinanap ng mga mata ko ang kinatatakutan kong makita. Nakatayo lang kaming tatlo sa entrance ng gym. We could seat on the benches now but I have to find Jarrell first.

''Ay! Absent ka nga pa-''

''Shh! That's Jarrell!'' pagtigil ko sa kanya at saka tinuro si Jarrell. My heart skipped a beat upon seeing him. Nagkita naman kami kahapon pero pakiramdam ko, ang tagal-tagal ko na siyang hindi nakikita. His looks are still the same, the only thing that's different is his jersey uniform now. Nasa kabilang court siya, nasa ilalim ng ring habang pinapasahan ng bola ang team mate niya. ''Mamaya mo na sabihin! Nasa'n na ba si Cy?!''

Tinignan namin ang mga benches at nakitang mag-isa siyang nakaupo do'n sa bench malapit sa court kung nasa'n sina Jarrell. Dumiretso kami ro'n at saka umupo. She noticed our arrival that's why she moved away a bit, giving us more space to occupy.

''Kanina ka pa rito, Cy?'' I asked as I gave her a little smile.

She shook her head. ''Kararating ko lang din.'' tipid niyang sagot.

Tumango ako at umupo na sa tabi niya. Bea sat beside me while Steph sat far away from us. Do'n siya sa kabilang court umupo, kung nasa'n ang mga kaibigan niya galing sa ibang course. Kaming tatlong babae na lamang ang narito.

''Nag lunch ka ba kanina, Cy? Sayang hindi ka namin nakasabay,'' ani Bea.

''Oo nga! Masarap pa naman 'yung luto sa Cafe ngayon. Nasa classroom ka lang ba kanina? 'Di ka kasi namin napansin, e.'' sabat ko habang ang atensyon at tingin ay nasa court. Mukhang naglalaban ang team. Malapit na rin kasi ang season kaya't baka 'yon ang dahilan. 

Tinignan ko ulit si Jarrell at nakitang binabantayan niya iyong team mate niya na nang bastos sa 'kin. I can't even remember his name. Basta't ang atensyon ko ay na kay Jarrell na seryosong-seryoso na naglalaro.

''Nasa room lang ako kanina,'' sagot niya habang mariin na nakatingin sa 'kin. ''Masyadong halata 'yang buhok mo, Lucy. Sana hindi ka na lang nagpakulay.''

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. The tone she used was very, very different. 'Yong tipong parang hindi niya gusto ang nangyayari.

''Huh?'' I subtly chuckled, a bit irritated by her tone and words. Hinawakan ko pa ang buhok ko dahil na conscious ako sa sinabi niya.

''Dapat hindi ka na lang nagbago ng style. Wala namang nagbago,'' iritable niyang sagot. Nakakunot ang noo niya.

''Bagay naman sa kanya, ah? Ang ganda nga ni Lucy, e! May halo ka bang foreign blood? Ang ganda ng kutis mo!'' Bea butted in.

I heard Cy's sighed irritably. She crossed her arms as she continued to watch the game.

''Wala, Bea.''

Tinignan ko pa si Cy ng ilang segundo bago ilipat muli ang tingin sa mga naglalaro. She's starting to be annoying, alright. And she's also starting to be unreasonable! Kung ano man ang dahilan ng pagmamaldita niya, itigil niya 'yan lalo na't sa 'kin niya binubuntong! I did not do anything wrong!

''Jarrell! Ipasok mo!'' I wholeheartedly shouted, trying to shrug Cy's rudeness.

Imbes na si Jarrell ang lumingon, nakita kong iyong Javier ang tumingin sa 'kin. He smiled widely as he waved his hand on me. Nagpapatuloy pa rin ang laro kaya't biglang tumigil dahil sa pagkaway niya. Ipapasa dapat sa kanya ni Jarrell ngunit dahil nga hindi siya nakatingin, tumama lang ang bola sa tiyan niya.

''Javier! What are you doing?!'' said the coach.

Tumawa lang siya ro'n at naglakad banda sa 'min. Nararamdaman ko na ang atensyon ng lahat ay nasa kay Javier. The game literally stopped because of him. At papunta siya sa banda namin!

''Cy, lalapitan ka ata ng crush mo,'' natataranta kong sabi at hinawakan ang braso niya. Hinigit niya rin 'yon pagkatapos.

''Gaga! Ikaw ata ang lalapitan, Lucy!'' giit ni Bea.

True enough, sa tapat ko nga tumayo 'tong Javier. He's smiling at me but I can't focus on him because I saw Jarrell looking at us intently. Mukhang hindi na naman natutuwa sa nangyayari. Probably because the game stopped! Baka sa 'kin na naman 'to mainis!

''Hi! You're Lucy, right?'' he asked, smiling from ear to ear.

Tumango ako tinignan si Cyrille. Naabutan ko siyang umirap.

''Ah. Yes.''

''I'm Javier,'' he smiled as he offered his hand. 

Tinignan ko si Bea at nakitang nangingiting tumango at nginuso ang kamay na nakalahad sa 'kin, sinisenyas na kamayan ko rin. I don't want to do it because I know that Cyrille likes this guy and honestly, the way he went here just for him to introduce himself, seemed like he's hitting on me. Mainit na nga ang ulo ni Cy sa 'kin sa hindi ko alam na dahilan, dadagdagan ko pa ba?

But a handshake won't be an issue, right? And.. maybe this is a harmless introduction?

I was about to accept his hand when another hand rudely slapped it away from me. Ikinagulat ko iyon, gano'n din ang mga nanonood sa amin. I gasped when my sight welcomed Jarrell, nakakunot ang noo at umiigting ang panga. His stance is facing Javier ngunit palipat-lipat ang madilim niyang mata sa aming dalawa.

''Dude..'' Javier uttered. Nakaawang ang bibig niya, mukhang gulat din sa nangyari.

''Jare-''

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinigit niya na ako palayo roon.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 3.2K 44
Lost In Love #1 Xylia Marie Cortez believes that love is the greatest thing that will happen in her life. Love cannot just give you happiness but als...
7.8K 455 49
ALIMENTATION SERIES #3 Broken family, a manipulative mother, guilt tripper sibling, criminal father, and a cheating boyfriend. Shantelle was so unfor...
9.4K 690 44
Lost In Love #2 Owning the leading and largest hotel chains in the country, the Salvador Hotel Groups, Eunice Salvador grew up without her parents on...
47.4K 1.5K 16
story of 13 brother who fell in love with their step sisters.