Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 47

143 23 41
By night-firefly


First pov:

"First suotin mo to." abot ni Butter doon sa overall na damit. Nagtataka ko naman siyang tinignan..

"Para pare-parehas tayo!" singhal niya kaagad sa akin. Maldita! Tinignan ko lang naman siya.

"Alam ko kasing aangal ka pa kaya bilis na suotin mo na yan." sabi niya habang tinutulak na ako sa banyo para suotin ang binigay niyang damit kaya napilitan akong suotin na lang iyon at baka masinghalan na naman ako ng gaga.

Pagkasuot ko sa over all na binigay niya tinignan ko ang sarili ko sa salamin at gusto ko na lang atang magpasinghal ulit sa kanya.

Hapit na hapit lang naman ang tiger printed na overall sa katawan ko. Para tuloy akong magpopole dance sa suot kong ito.

"Butter ano ba naman 'tong pinasuot mo? Ang sikip! Putspa para akong suman na hindi makahinga.. 'yung joga ko naghihingalo na sa sikip." angal ko habang lumiliyad-liyad pa pagkalabas ko ng banyo.

Ngunit nanlaki na lang ang mata ko ng iba ang mabungaran ko.. Anak ng putspa!

"ROAR.." sambit niya matapos ang ilang segundong nagulat din siya sa nakita niya..

Napakagat pa siya sa labi niya na parang nagsisisi siya sa nasabi niya..

"Anak ng tigre! Bakit andito ka Clover?! Nambubuso ka ba huh?!" At anong roar?! Get out!!"

Mabilis akong napatalikod sa kanya at pumasok ulit ng banyo. Narinig ko din siyang mabilis na lumabas ng kwarto at pabagsak pang nasarado ang pinto. Nataranta din siguro sa nakita niya.

Jusmeyo.. Mahabagin.. Pakaliyad-liyad ko pa kanina. Paka-emphasize ko pa sa.. —napatingin ako sa dibdib ko..

"Kingena.. nakakahiya ka self.. Ang
u-roar mo!"

Napapasabunot na ako sa sarili kong buhok dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon.. Takte.. Nasaan ba ang mantikilyang iyon at basta nalang akong iniwan dito sa kwarto?

Ilang minuto pa akong pabalik-balik na naglalakad sa loob ng banyo. Nagulat na lang ako ng may malakas na kumatok sa labas ng pintuan.

"First!! Buhay ka pa ba? Takte ang tagal mo namang matapos!" singhal ng gaga sa labas.

Mabilis ko namang binuksan ang pinto. Gusto ko na siyang sabunutan sa mga oras na ito. Pahamak ang tigreng pinasuot niya sa akin.

"Ara—aray naman First! Bakit ka ba nananabunot?!"

"Saan ka ba nagpunta at iniwan mo ako dito?!" singhal ko sa kanya matapos kong hilahin patalikod ang buhok niya.

"Pinuntahan ko lang kapatid kong nagayuma mo! Ano bang problema mo?! Ang arte mo naman hindi mo pa rin pala sinuot yung overall na binigay ko sayo!"

Huminga lang ako ng malalim at baka makalbo ko na talaga siya bago ako muling nagsalita.

"Ayaw kong suotin yun, di makahinga yung joga ko. Takte ang sikip.." takte! Pahamak yun.

Inikutan niya lang ako ng mata bago maghalungkat na naman sa maleta niya.

"Ito na lang para parehas pa rin tayo. Sobra mong arte First.. Hindi mo na lang kaya paliitin ng konte yang dibdib mo.. Gusto mo damit pa ang mag-adjust sayo. Tch! Sige na magbihis ka na!"

Aaksyon na akong sabunutan na naman siya pero napalayo na siya sa akin matapos niyang ilagay sa kamay ko ang damit na binibigay niya.

Tsk! May tshirt naman pala siyang dala, overall pa ang binigay niya kanina.

Nagbihis na din ako at apurado na siyang pumunta sa camp site kaya lumabas na kami ng kwarto.

Naabutan namin si Tork na kakalabas lang din ng kwarto ng mga boys kaya sabay na din kaming lumabas.

"Uhh.. —parehas na naman kayo ng suot.. masaya ka na Tork?!" sambit na naman ng gagang si Butter. "Aayaw-ayaw ka pa kanina.. kung di ko binanggit ang susuotin ni First di mo din yan susuotin!" tumingin pa siya sa amin na parang isang inang nagagalit sa anak niya. "Edi kayo na!" dagdag niya pa.

Inikutan ko lang siya ng mata. Napaka kontrabida talaga niya. Di na ako magtataka kung hanggang ngayon single pa siya.

"Tsk!" iling ni Tork sa pagbubunganga niya.

"Let's go Torky baby.. Hayaan mo ang bruha nating nanay, nagmemenopause lang yan kaya laging galit." pang-asar ko kay Butter na lalo lang nagtaas ng kilay.

Aakto na siyang mananabunot ng mabilis kong hinila si Tork patakbo kaya naiwan siyang nagsisigaw sa inis.

Malakas pa kaming natawa sa hitsura niyang naasar talaga sa sinabi ko.

Nakaayos na ang mga tent pagkarating namin sa camp site.

Dito daw kami magpapalipas ng gabi ngayon dahil gagawin ng mga boys ang mga dare na sasabihin namin. Kami kasi ang nanalo sa training slash baril-barilan namin kaninang umaga.

"Woahh.. tiger couple.." bati ni Acid sa amin ng makita kami ni Tork.

Napangiti lang ako sa kanya. Ang cute naman kasi tignan ng damit namin ni Tork. Sinadya ata ni Butter na pasuotin kami ng ganito.

"Roarrrr.." nakangisi pang biro ni Race ngunit pansin kong sa likod ko siya nakatingin kaya napabaling ako dito.

Biglang nanumbalik ang hiyang tinamasa ko kanina ng makita ko ulit si Clover.

Kunot-noo na naman siyang napatingin sa akin at pansin ko din ang pag-iwas niyang mapatingin sa may bandang dibdib ko.

"Roar." basa ko pa sa binigkas ng bibig niya bago siya naglakad paalis.

Takte!




Nakaharap kaming nakaupo sa campfire na sinindihan ni Krys.

Si Mickey naman ang nag-aayos ng speaker habang si Acid ang nag-aayos ng mga drinks.

Nakita ko si Craig na nagluluto ng barbecue. Ang bango ng niluluto niya kaya napalapit ako sa kanya.

"May luto na ba? Nagugutom na ako eh." tanong ko agad. Nakakagutom kasi talaga ang usok ng barbecue.

"Here." nakangiting abot kaagad ni Craig sa pork barbecue na naluto na.

"Thank you Craigy." masayang sabi ko at kaagad kumagat sa barbecue na binigay niya.
Pansin kong natigilan siya habang nakatitig lang sa akin kaya kinunutan ko siya ng kilay.

"You called me by my name." nakanganga pa siya habang nakatingin pa rin sa akin.

Nagtaka naman ako. I called him what? —Craigy! Oww..

Huli na ng marealized ko ang ginamit kong pangalan sa kanya.

Malawak siyang napangiti sa akin tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Naangat ko na lang ang barbecue na kinakain ko dahil sa ginawa niya.

"Thank you.. thank you First, baby.." masaya pa niyang sambit bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

Bahagya akong natawa sa reaction niya. Naluluha na kasi siya sa saya.

I used to call him Craigy before and Suzy for Miracle.

"Ang drama mo Craig pangalan mo lang naman iyon." natatawa kong sambit sa kanya.

"I don't care. Basta masaya akong unti-unti ka ng bumabalik sa akin." napahawak siya sa pisnge ko at marahang hinagod iyon.

"Yeah." napangiti na din ako sa kanya. "I'm your bestfriend, remember?" Seryoso akong napatingin sa mata niya habang nililinaw sa kanya kung hanggang saan na lang ang relasyon namin ngayon.

Kita ko ang bahagyang pagkawala ng saya sa mga mata niya na nagbigay ng ibayong lungkot sa puso ko.

Ayaw ko man siyang saktan dahil alam kong umaasa pa rin siyang mababalik namin ang relasyon namin noon. Pero ito ang dapat kong gawin dahil mas lalo pa siyang mahihirapan kung patuloy ko lang siyang paaasahin.

And besides, Miracle really love him. Dati ko pa naman alam iyon. At alam kong si Miracle ang babagay sa kanya.

Napabuntong hininga siya at saglit na nag-iwas ng tingin sa akin. "Yeah.. We're bestfriend First baby." mahina niyang sambit bago pekeng natawa.

I'm sorry Craig.. I'm so sorry Craigy..

Lihim akong napahingi ng tawad habang tinitignan pa rin siya. I know he really love me dahil may parte din sa puso kong ganoon din ang nararamdaman ko sa kanya noon., —but my heart is now beating for someone else.

I often pretend to be numb but deep in my heart.. siya na ang tinitibok nito.

Natatakot lang akong iparamdam sa taong iyon ang tunay kong nararamdaman sa tuwing kasama ko siya.

Natatakot akong subukang ipakilala sa kanya ang totoong ako.

Natatakot akong sumugal. Natatakot akong papasukin siya sa totoong mundo ko dahil alam kong sa bandang huli pareho lang kaming masasaktan.

"First.." untag ni Craig sa akin. Napatingin siya sa mata ko at alam kong pansin niya ang lungkot doon.

"Why?" tanong niya na inilingan ko lang. Peke akong ngumiti sa kanya na ikinahawak niya sa kamay ko. I know he understand me well. "I'm always here for you First. Just tell me what's your problem, I can help you solve it baby." malumanay niyang sambit.

Napangiti na lang ulit ako sa kanya. Alam kong nasaktan siya sa paglilinaw ko kaninang hanggang bestfriend na lang kami pero heto siya at iniisip na naman ang kapakanan ko.

Hindi pa rin talaga siya nagbabago, sobrang bait pa rin talaga niya sa akin.

"Mag-isip ka ng ibang itatawag sa akin Craigy, huwag kang gumaya kay Tork." biro ko sa kanya na sinimangutan naman niya.

"Tork?!" inis niyang sambit kaya mabilis ko siyang binatukan.

"Bakit ka ba naiinis sa kanya huh?!"

"Tsk! That kid.. —masyado na atang malapit sayo. Hindi na ata kayo napapaghiwalay eh." nagtatampo niyang sabi na inikutan ko lang ng mata.

Tork is like a real baby brother to me kaya gusto ko talagang lage siyang kasama. And besides I know he already knows half of my life. Alam kong may alam na siya sa tungkol sa buhay ko pwera na lang sa isang bagay na sarili ko lang ang nakakaalam.

Mas napalapit ang loob ko kay Tork dahil nanatili pa rin siya sa tabi ko sa kabila ng mga bagay na patuloy niyang nalalaman tungkol sa akin.

"Ang dami mong satsat Craig.. Basta! Wag mo akong tatawaging baby baka magselos sayo si Tork. Hihi." ininis ko pa siya lalo.

Napahagalpak ako ng tawa ng hindi na talaga maipinta ang mukha niya. Asar talo talaga ang isang to. Alam kong nagseselos siya sa samahan namin ni Tork. Tsk! Parehas lang sila ni Clover.

And speaking of Clover. I know he's looking at us right now. Baka nga kanina pa niya kami tinitignan.

I can see him and even feel his intense look.

Lihim na naman akong napangisi. Such a jealous guy. —-but my heart was pounding so fast.





Ps; Happy New Year eblibadi.. May we all live happily, healthy.. full of love and at peace in the name of our Lord Jesus Christ.. Love you all..

Skl; May natira pa kaming shanghai.. Kayo ba? 😂

Welcome 2021. Please be good to us..

night-firefly💙

Jan. 01, 2021

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
22.4K 984 20
This is the season 2 of Scarlet Eyes. Makalipas ang isang taon matapos ang mga trahedyang nangyari sa buhay ni Adrianne ay pinilit niya paring mabuha...
309K 14.1K 44
At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of all. Comprised of 19 dashing, brilliant...
1.6M 42.4K 74
I want a normal life. A life far from trouble War Guns Gangsters Mafia Reapers Assassins But I think I can't escape this now. Coz Im Fallen , the EMP...