Across Your Heart ( NEUST Ser...

By JdAnnnnn

32.8K 1.6K 128

| This story is dedicated to those who keep on chasing and hoping for the person they love. | Xeina Lyndsay P... More

Warning!
Across Your Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 6

825 67 6
By JdAnnnnn

Halos mapatalon ako ng mahagip kaagad ng aking paningin si Clio na kakababa lamang sa kaniyang bisikleta, kasunod niya ay si Kylie.

"I think you don't have a chance." Matalim kong tiningnan si Dylan, bahagya naman siyang natawa.

Nagsimula na akong maglakad palapit sa kanila, habang kasunod ko naman si Dylan sa aking bandang likod.

"Good Morning!" I greeted them. Clio's eyes bore on me, ang kaniyang tingin ay tila ba nagtatanong kung ano ang maganda sa umaga?

"Hello, Xeilyn!" Pilit ang aking ngiti ng nilingon ko si Kylie, na pinasadahan naman ako ng tingin.

"Hindi ka yata naka-dress ngayon?" dagdag pa niya, pinigilan ko sa pagtaas ang aking kilay. Humalakhak ako, bahagya ko pa siniko sa aking gilid si Dylan.

"Ilayo mo nga ito sa akin, baka mauna kong mapitas ang buhok niya," bulong ko kay Dylan, nanliit naman ang mga mata niya sa akin.

"Tutulungan nga pala namin kayo ni Dylan na magharvest ng mga hinog na mangga." Ngumiti sa akin si Kylie, bagay na kung tutuusin ay ayaw kong nakikita. She's like my cousin Juliana, ang pagkakaiba lamang alam ko na nasa loob ang kulo niya.

"Totoo?" Halos magdikit ang aking mga mata sa paraan ng pagngiti ko sa kaniya.

"Oo."

"Hindi na kailangan. Maraming itim na langgam ang mga nasa puno." Pinagmasdan ko na kunin ni Clio ang basket sa kaniyang gilid.

"Sabagay, tama si Clio. Kami lang ang mapapagalitan kapag nagkapantal ka ng dahil sa kagat ng mga langgam." Simpleng ngumiti sa akin si Kylie at bahagyang nagbaba ng tingin. Akmang susundan na niya si Clio ng pigilan ko siya.

"Kylie, doon ka na lang sa kabilang parte para maparami ng kuha, ayos lang ba?" Napatitig siya sa akin, hindi ko alam kung namamalikmata lamang ba ako, ngunit nakikita ko ang pagtutol sa kaniyang mga mata.

"Ito si Dylan, tutulungan ka niya roon." Hinila ko si Dylan sa kaniyang harapan at bago pa sila makapagsalita ay iniwan ko na sila doon.

The sky became cloudy but the warm light of the sun's still casting the whole land. Nang mapansin na tuluyan ng naagaw ng atensyon ni Dylan si Kylie, ay nagmamadali kong tinungo ang lugar kung saan nandoon si Clio at namimitas na ng mga hinog na mangga.

"Magandang umaga Xeilyn," pagbati sa akin ng mga nadaanan kong ilang mga magsasaka dito. Ngumiti naman ako sa kanila at nagpatuloy na sa aking paglalakad.

"Matatamis siguro ang mga iyan," pagsasalita ko. Ang aking mga kamay ay nasa aking likuran habang mahigpit ang hawak ko sa aking mga daliri. Hindi siya nagsalita, ako naman ay humakbang papalapit sa kaniya.

"Hindi naman siguro masama kung titikim ako ng isa, ano sa palagay mo?" Ngiting tagumpay ako ng mapatigil siya sa ginagawa at hinarap na ako.

"Bakit ba palagi ka lumalapit sa akin para lang marinig ko ang malakas mo na boses?" Napamaang ako sa tanong niya sa akin, ngunit itinikom ko rin kaagad ang aking bibig.

"Oh sorry, it's normal. Hihinaan ko na lang."

"Clio, pwede ba ako makatikim ng isang bunga?" Bahagya akong lumapit sa kaniya. Sinadya ko pa na hinaan na talaga ang aking boses.

"Ayos na ba ang ganito kahinang boses?" His eyes emotion became more heavy. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok.

"Mahina man o malakas ang boses mo ay masakit pa rin sa pandinig." Napahalukipkip ako ng dahil sa sinabi niya, halos umusok ang aking ilong habang pinagmamasdan ang likod niyang ngayon ay siyang nakaharap sa akin dahil bumalik na siyang muli sa pamimitas.

"Grabe ka naman, bakit hindi mo na lang aminin na mala-anghel ang—" Napahinto ako sa pagsasalita ng umihip ang hangin at mapuwing ako.

"Y-Yung mata ko..." Kinalabit ko siya, nilingon niya naman ako kaagad, ngunit ang iritasyon sa kaniyang mukha ay tila unti-unting naglaho.

I thought he would just stare at me or ask what happened, that's why I didn't really expect when he gently held my wrist and let a little blew to my eyes. Makailan ulit napakurap ang aking mga mata ng dahan-dahan na siyang lumayo sa akin.

"Why?" I noticed the irritation in his voice, kasunod nito ay ang mahina niyang pag-asik.

"Anong brand ng toothpaste mo? Ang bango kasi." Nakita ko kung paano mabilis na nagsalubong ang makakapal niyang kilay. Napatakip ako sa aking bibig, akmang babawiin ko pa ang aking nasabi ng kunin niya na ang basket at nagsimulang maglakad palayo sa akin.

Napatalon ako sa saya, natakpan ko pa ang aking mukha upang mapigilan ang pagtili. I will never forget this day, when he first touched my wrist with his rough hand, when he move closer and I saw his seemingly soft lips.

"What's happening to you, Xeina Lyndsay?" Mabilis kong inayos ang sarili at nilingon si Dylan na tila naguguluhan.

"Let me tell you, effective talaga iyong wishing well. Isipin mo na lang literal kami nagkalapit ni Clio." Unti-unting naging matamlay ang ekspresyon ng mukha niya, napakagat naman ako sa aking labi upang mapigilan ang sarili sa pagsasalita.

"By the way, it's sad to say that I can't be here on your birthday."

"Bakit, kailan ba ang balik mo sa Manila?"

"I'm going back to Manila on May three. Sayang nga, dahil May six ang birthday mo." Kahit paano ay nalungkot ako dahil hindi siya makakadalo.

"But I'll give you my gift before I go."

"Buti naman, alam mo naman na hindi ako papayag na wala ka regalo sa akin. You always surprise me with your gifts, katulad na lang ni Peppy na regalo mo sa akin nang fourteenth birthday ko." His lips quivered into a small smile.

"Of course, I want you to remember someone like Dylan Fuentes, on every birthday of yours." Napahalakhak ako. Hindi na rin kami nagtagal pa sa taniman ng mangga. Para sa akin ay sapat na ang mga nangyayari ngayong araw para maging masaya ako.

Nang mapadaan kami sa may bayan ng Zaragoza ay pinahinto ko muna kay Mang Alfredo ang sasakyan.

"May bibilhin ka ba?" tanong sa akin ni Dylan, tumango naman ako, kasabay ng pagkuha ko sa aking wallet.

"Ubos na iyong siomai sa bahay wala na akong mailuto at makain."

"Samahan na kita."

Pagkalabas sa kotse ay naitabing ko ang aking kamay sa aking bandang ulo dahil sa tindi ng sikat ng araw.

"Wait." Pinagmasdan ko si Dylan na kunin ang kaniyang jacket sa loob ng kotse. Napangiti ako ng iyon ang ginawa niyang pantabing upang hindi ako masiyadong mainitan hanggang sa makarating na kami sa lilim kung saan nandoon ang nagtitinda ng siomai.

It was another sunny day, I was sitting on a long chair made in bamboo trees, playing the tip of my dog's ear. Dylan's not with me that time because he has something to do.

I eyed those farmers eating the lunch I and Mang Alfredo bought for them, Clio's there too, katabi niya si Kylie at masaya sila na nagu-usap, tila close rin ang ama ni Clio sa kaniya. Ngayon ay hinihimas ko na ang buntot ng aking aso na ngayon ay natutulog sa ibabaw ng aking hita.

"Bakit sa akin ay hindi niya kayang ngumiti at tumawa ng ganoon?" Mahina pa akong napa-asik, pagkatapos ay itinaas si Peppy gamit ang aking mga kamay.

"Do I need to become a clown?" Gumalaw ang buntot nito, kasabay ng paglabas ng dila nito. Napasimangot ako ng bahagya, tila ina-asar pa ako ng aso na ito. Ilang sandali lamang ay tumayo ako mula sa aking pagkaka-upo, inikot ang paningin at nakita ko ang aso ni Clio na nakatali sa puno ng bayabas malapit sa may poso dito.

"Chu chu, meet my dog Peppy!" pagkausap ko dito ng makalapit. Nang mapansin ko na gusto nitong makalaro ang aking aso ay hinayaan ko na makalapit dito si Peppy.

"Nakakatuwa naman, what's your name again?" Pagtutukoy ko sa aso ni Clio, na ngayon ay kinakaliti ko na sa bandang leeg nito, hindi ko tuloy maiwasan na mapahagagikgik.

"Nagtataka tuloy ako kung sino ang tao sa inyo ng amo mo. He's more aggressive than you. Maswerte ka Peppy, hindi suplado itong aso ni Clio, hindi nagmana sa amo." Napa-irap ako ng bahagya. Ilang sandali lamang ay bigla akong napatalon ng may magsalita sa aking bandang likod. Napahawak ang isa kong kamay sa aking bandang dibdib, ang isa naman ay kinuha ang aking aso.

"Ikaw pala, Clio." I swallowed hard as I laughed nervously. Hindi man lang siya umimik, sa halip ay umupo upang pakainin ang kaniyang aso.

"Ano na nga pangalan ng aso mo?" tanong ko, tumayo siya mula sa pagkakaupo.

"Popoy." Namangha ako ng malaman ang pangalan ng kaniyang aso.

"Bagay pala sila nitong si Peppy." Humagikgik ako, habang siya ay napatitig sa yakap kong aso.

"They're not, your dog's too small compare to mine." My brows lift up.

"Huwag mo naman saktan ang damdamin ng mga alaga natin. Alam mo, saksi ako kung paano nila kagusto ang isa't-isa." Napa-asik siya, habang ako naman ay natawa.

"Baka ikaw lang naman kasi iyong nagpupumilit na bagay sila." Naging blanko ang aking isipan sa kaniyang sinabi. He tilted his head, his lips curved into a smirked.

"Do you like me?" Tuluyan akong napatikom ng aking bibig.

The scenery of the farmland, the touch of warm sunlight, it's nothing compared to the magic I felt when my heartbeat raced again because of him. Despite his emotionless eyes, in his dead voice everytime we're talking, he never fails to make me fall more in love with him.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 124K 92
Christine grew up to be an only child with two loving parents. Everything changes when her mom dies and her father became a reckless drunkard. In tim...
313K 13.8K 47
After 2 years, Jisoo returned. She went to their village's park and sat down to the tree like she used to. Then there came a girl talking someone on...
430K 10.6K 25
*A/N* This story is being remade onto my new account, volpinawrites! The new name is |Siren for Luna|! It has the same basic plot line with a lot of...
11.1K 339 34
Cariñoso Series #1: Sky Sebastian Laurier. Sydney Claire Verbana. Have you ever been in the situation wherein you needed to choose between two things...