๐™‹๐™จ๐™ฎ๐™˜๐™๐™ค ll ๐™‡๐™š๐™š ๐™ƒ๐™š๐™š...

็”ฑ Angelkim_10

14K 857 899

๐‘ท๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’๐’Š๐’‚. (๐‘ท๐’‚๐’“๐’‚๐’๐’๐’Š๐’… ๐‘ท๐’†๐’“๐’”๐’๐’๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’š ๐‘ถ๐’“๐’…๐’†๐’“) ;๐‘ฐ๐’”๐’”๐’–๐’†๐’” ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐’•๐’“๐’–๐’”๐’•๐’Š๐’๏ฟฝ... ๆ›ดๅคš

Psycho 1
Psycho 2
Psycho 3
Psycho 4
Psycho 5
Psycho 6
Psycho 7
Psycho 8
Psycho 9
Psycho 10
Psycho 11
Psycho 12
Psycho 13
Psycho 14
Psycho 15
Psycho 16
Psycho 17
Psycho 18
Psycho 19
Psycho 20
Psycho 21
Psycho 22
Psycho 23
Psycho 24
Psycho 25
Psycho 26
Psycho 27
Psycho 28
Psycho 29
Psycho 30
Psycho 31
Psycho 32
Psycho 33
Psycho 34
Psycho 35
Psycho 36
Psycho 37
Psycho 38
Psycho 39
Psycho 40
Psycho 41
Psycho 42
Psycho 43
Psycho 44
Psycho 45
Psycho 46
Psycho 47
Psycho 48
Psycho 49
Psycho 50
Psycho 51
Psycho 52
Psycho 53
Epilogue

Prologue

1.2K 21 4
็”ฑ Angelkim_10

AERA HAN

"We're here." Aniya kasabay ng pagka-alis ng piring sa mga mata ko.

Dinilat ko ang mga mata ko pero agad din akong napapikit sa liwanag na sumalubong sakin, naging blurred ang paligid sa tagal na nakapiring. Ilang beses muna akong kumurap bago maging malinaw ang lahat.

Kulay berdeng paligid. Napaka-asul na langit at napaka-gandang tanawin. Kusang umawang ang labi ko nang makita ang ulap at nakalitaw pa doon ang tuktok ng isang bundok.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nang tignan ko kung sino yun, nakita ko si Matthew na nakangiting nakatingin sakin.

"Nasaan tayo?"

"Tch, bakit yan agad ang sinabi mo? Dapat ang sasabihin mo ay sobrang ganda ng paligid." Aniya na may pangnguso pa.

"M-Maganda. Pero nasaan nga tayo?"

"We're at Mt. Ulap. Didn't you say before that you want to go here? And I promised to bring you here as soon as I can make money. So, here we are. Sorry, it took too long." Malawak ang ngiti niya habang sinasabi ang mga yon.

Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang namumula kong mukha.

Nakakainis. Hanggang ngayon isang ngiti niya lang sakin naghuhurimintado na agad ang puso ko. Matagal na panahon na kaming hindi nagkikita, ngayon nalang ulit. Halos pitong taon na at lahat na ay nagbago pwera sa nararamdaman ko sa kaniya.

Ibang-iba na siya, mas mataas na siya sakin. May matatawag na siyang pamilya, nakapag-aral na siya at nakapagtapos na din at ngayon may trabaho na. Marami na siyang alam tungkol sa buhay. Nagamit na niya din sa tama ang talino niya at marunong na din mag-ingles.

Habang ako, ganon pa din kung ano ako noon. Sa totoo nga lang ay nahihiya akong tumabi sa kaniya ngayon pero gusto ko ang pakiramdam na hawak ko na ulit ang kamay niya.

"Hindi mo naman na kailangan pang dalhin ako dito. Hindi ka ba busy? Wala ka bang trabaho?"

"Aish, imbis na mag-pasalamat ka ang dami mo pang tanong." Nakasimangot ang mukhang aniya.

Napanguso ako saka binalik nalang ang tingin sa harap. Totoo ang sinabi niyang matagal ko ng gustong pumunta dito, bago siya umalis naaalala kong pinag-usapan pa namin ang tungkol dito at nangako nga siyang dadalhin niya ako. Noon hanggang picture ko lang to nakikita pero ngayon ay nakikita ko na ng personal.

"Salamat sa pagdadala sakin dito."

"Nangako ako sayo kaya malamang tutuparin ko yun." Hindi pa rin napapawi ang ngiti sa labi niya. "You are the only real friend I have so I want to make you happy in any possible way."

Agad akong nag-iwas ng tingin pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun. Pitong taon na pero hindi ko pa din matanggap na hanggang kaibigan lang ako sa kaniya.

"Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin to, ang laking abala nito para sayo panigurado. Alam mo namang mababaw lang ang kaligayahan ko." Kunwari pa ay natatawang sabi ko.

"Oww, Aera Han, ikaw pa rin ba yan? Bakit parang nag-iba ka yata, masiyado ka ng mabait ngayon." Pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Dati noong sa tingin ko ay crush ko lang siya ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya pero ngayong malaki na ako, nag-matured na din ang pag-iisip ko. Napagtanto kong hindi lang simpleng crush ang nararamdaman ko sa kaniya. Pero huli na dahil wala na siya, umalis na siya noon.

Inalis ko nalang ang tingin sa kaniya saka dinama ang hangin na tumama sa mukha ko. "Marami ng nagbago sa nagdaang taon, Matt. Nagbabago din ang mga tao. Katulad mo, nagbago ka na."

Nakita kong natigilan siya. "Nagbago? Saan naman? Ako pa rin to, Aera." Saka pilit na tumawa.

Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang parang kinakabahan niyang itsura. Akala mo ay takot na takot siyang makaramdam ako ng hindi magandang emosyon tungkol sa kaniya.

Bago ko pa mamalayan, may sariling utak ang kamay ko na umangat papunta sa buhok niya at sinuklay-suklay yun.

"Hindi ko naman sinabing nagbago ka na sa hindi magandang paraan. Masaya ako sa pagbabago na nangyari sayo." Bumalik na sa dati ang mukha niya at napabuga pa siya ng hangin na akala mo natanggalan ng tinik sa dibdib.

Hindi siya nagsalita at hinayaan lang ako habang nakatitig sakin ng matiim.

"Nabibili mo na ang lahat ng gusto mo ngayon, nakukuha mo na kung ano man ang gustuhin mo, kahit ang mga suot mong damit halatang mamahalin, ang awra mo nag-iba na. Halatang masaya ka at kuntento sa buhay mo. Kung noon ginagamit mo ang talino mo para makapag-isip ng kung paano makakakupit ng pagkain ngayon ginagamit mo na yun para makagawa ng pera." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

Bumaba ang kamay ko sa pisngi niya at hinaplos yun. Agad naman niyang pinikit ang mga mata at nagpaubaya sakin.

"Masaya ako at proud sa mga narating mo. Hindi ka man naging artista kagaya ng pinapangarap mo, nakikita pa rin naman kita sa tv dahil sa pagiging popular mo."

Ang layo-layo mo na sakin. Ang lapit mo pero pakiramdam ko ang layo mo pa din. Napakataas mo na, ang hirap mo ng abutin. Hindi katulad noon na madali lang para sakin ng mahawakan ang kamay mo at mayakap ka.

Dinilat niya ang mga mata niya na ngayon ay puno ng masayang emosyon. Kumikislap yun sa tuwa na nararamdaman niya.

Nagulat ako nang bigla niya akong hatakin para sa isang yakap.

"Well, I'm glad. Pakiramdam ko nagbunga ang lahat ng paghihirap ko. It's a pity because we didn't get what we both wanted at the same time, but don't worry, hindi kita pababayaan." Humiwalay siya saka hinawakan ako sa parehong balikat. "I will take you out of the orphanage and help you to enter school and study. I will help you achieve your dreams. I will be by your side no matter what."

Ngumiti nalang ako at ipinag-sawalang bahala ang hindi magandang nararamdaman. Hindi ito ang panahon para mag-drama ako, ngayon nalang ulit kami nagkita ni Matthew at dapat i-enjoy ko lang ang mga oras na kasama ko siya.

Tumango ako. "Oo na, dapat lang no. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin yun sakin. Matagal ko ng tanggap na hindi na ako makakaalis sa orphanage, isa pa, masaya akong tumulong kayla sister doon."

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Sabihin na nating masaya ka doon pero darating ang panahon na kakailanganin mo na ding umalis at iwanan sila. Naniniwala akong hindi ka nakatadhana para lang magsilbi doon. May pangarap ka, diba ang sabi mo gusto mong maging teacher? Kung may pangarap ka, dapat abutin mo. Gawin mo ang lahat. At kapag naabot mo, makakatulong ka pa din naman sa orphanage." Seryoso niyang saad.

Napatitig ako sa kaniya. Gustong-gusto ko talaga ang paraan kung paano siya mag-isip. Palagi niyang sinasabi na inalagaan ko siya noong panahong nandoon pa siya sa orphanage kasama ko pero ang totoo ay siya naman talaga ang nag-alaga at pumrotekta sa akin. Hindi niya ako pinabayaan at hindi niya pinaramdam sa aking nag-iisa ako.

Nang dahil sa kaniya naramdaman ko na may pamilya pa ako. Na hindi ako ulila kahit pa man wala akong mga magulang. Siya ang tumayong lahat sa buhay ko.

Parehong hinangin ang buhok namin dahil sa lakas ng hangin. Kasabay ng pagkagising ng diwa ko mula sa pagkakatulala.

"Oh sige, sabi mo eh." Nasabi ko nalang.

Lumiit ang mga mata niya sa lawak ng ngiting umalpas sa labi niya. Muli niya akong hinatak para sa isang yakap.

"Haay, Aera. You don't know how much I missed you. I felt so lonely when I was in America to study since you're not there with me. Ang boring, wala akong makausap."

"Sus, siguro dahil puro ingles ang mga sinasabi nila noon at hindi mo maintindihan kaya wala kang makausap." Niyakap ko siya pabalik.

"H-Hoy, hindi kaya."


.

.

.

Natapos ang buong araw na wala kaming ginawa ni Matt kundi mag-usap at mag-kamustahan. Nalaman ko na namatay ang pamilyang umampon sa kaniya apat na taon ang nakaraan dahil sa sakit kaya sa kaniya pinamana ang lahat ng kayamanan nito pati na ang kumpanya.

Matagal niya na din daw ako gustong puntahan at bisitahin mula nang makauwi siya galing America pero nawalan daw siya ng oras dahil inayos niya pa ang lahat ng naiwan ng pamilyang umampon sa kaniya. Nagkaroon din daw siya ng maraming problema.

Humingi siya ng tawad sakin at wala naman akong karapatang tanggihan yon. Hindi niya naman ako responsibilidad kaya wala akong karapatang magtampo. Isa pa naiintindihan ko naman siya, iba na siya ngayon, marami na siyang responsibilidad na mas mahalaga na kailangang atupagin kaysa sakin.

At ngayon, oras na para umuwi. Nandito na kami ngayon sa loob ng kotse niya pabalik sa orphanage.

Orphanage na naging tahanan ko na simula pa noong dalawang buwang gulang palang ako. Ang sabi nina Sister Nina nakita nalang daw nila ako sa tapat ng gate na nakalagay sa isang basket at sinabing may posibilidad na iniwanan ako ng mga magulang ko noon dahil sa hirap ng buhay. Ang payat-payat ko daw at napakarungis kaya yun ang naisip nila na dahilan.

Wala ako sa lugar para husgahan sila, hindi ko din naman alam ang totoong dahilan kung bakit nila ako iniwanan noon. Kutob lang ang sinabi sa akin ng mga madre na nag-aalaga sa amin sa loob.

Ngayong 19 years old nako, doon pa din ako nakatira. Hindi ko alam kung bakit napakalupit sakin ng tadhana at walang gumustong ampunin ako. Siguro ay hindi talaga ako kagusto-gusto. Napaka-payat ko kasi at palaging matamlay, aakalain mong may malalala akong sakit. Siguro ay ayaw nila sakin dahil akala nila magiging pabigat lang ako sa kanila.

Si Matthew lang ang nagparamdam sakin na kahit papaano kagusto-gusto pa din naman ako. Noon ay walang kumakausap sa akin na ibang bata sa loob maliban sa kaniya. Kaya kahit ayaw man sakin ng lahat, masaya nakong nandiyan si Matthew sa tabi ko pero hindi din nagtagal umalis din siya. Hindi ko makakalimutan kung gaano ako kalungkot ng panahon na yun nang wala siya. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako.

"Matt?"

"Hmm?" Aniya habang diretso pa din ang tingin sa kalsada. Napakagwapo niya sa paningin ko ngayon nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha niya.

Malaki na din ang katawan niya ngayon, malayo sa patpating katawan niya noon. Ang suot niyang long sleeve polo ay hapit sa katawan niya at ang manggas ay nakatupi hanggang sa siko niya.

Kahit sinong babae ay mahuhulog talaga sa kaniya. Kaunti nalang ay malapit na siyang maging perpekto. Gwapo, matalino, may kaya sa buhay, maganda ang personalidad at ang katawan.

Nakakainggit bigla.

"Bakit noong mga bata tayo hindi ka umaalis sa tabi ko? Ayaw sakin ng lahat pero ikaw lang ang gumusto sakin."

Tumaas ang isang kilay niya. "What's with the sudden question? You're so random."

Naramdaman ko ang pamumula. Bigla akong nahiya. "W-Wala lang, gusto ko lang malaman."

Hininto niya ang sasakyan nang makitang malapit na kami sa orphanage saka bumuntong hininga.

"I don't know, maybe because you're unique? Hindi kagaya ng ibang bata na puro saya at laro ang iniisip, ikaw wala kang ibang ginawa kundi tumulong sa mga madre sa paglilinis at pag-aayos ng bahay ampunan." Tinukod niya ang siko sa steering wheel saka sinandal ang ulo sa palad at tinitigan ako.

"Everytime I see you back then, you're so skinny and it seems like with just a slight push, you will fall immediately. I once saw you cry because someone bullied you, and since then, I don't know why but I suddenly felt the need to protect you and don't let anyone who'll get you upset go near you. There's something special on you that I can't name." Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya habang sinasabi ang mga yon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mayakap siya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero hindi nagtagal ay niyakap niya din ako pabalik.

"Salamat sa lahat, Matthew."

"Ikaw pa ba. Pero wag ka muna masiyadong umiyak, mas maiiyak ka sa tuwa sa sasabihin ko."

Humiwalay siya sa yakap saka hinawakan ang pareho kong pisngi at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. Pinigilan ko ang sariling mapapikit at pinagsawa ang mga mata ko sa pagtitig sa mukha niya.

"Do you remember what I told you when we were kids? That when I will get married, you will be the first person that would know."

Otomatikong nawala ang ngiti sa labi ko.

"Aera, ikakasal na ako." Aniya habang may malawak na ngiti sa labi. Halatang masaya siya dahil kumikislap pa sa tuwa ang mga mata niya sa tuwa

Kusang nagsituluan ang mga luha sa mga mata ko. Sunod-sunod yun na animo'y ilog na rumaragasa pababa sa pisngi ko.

"A-Ano?"

"Oh bakit parang hindi ka makapaniwala? Parang ayaw mo ah." Natatawang aniya.

Para nabasag sa ilang bahagi ang puso ko. Para yong tinatapak-tapakan sa sakit. Hindi ko maipaliwanag. Ang bigat.

Bago pa ako tuluyang sumabog ay binuksan ko na ang pintuan sa tabi ko at lumabas.

"K-Kailangan ko ng umalis."

"Huh? Agad? Teka, ihahatid na kita." Halata ang pagkalito sa boses niya.

Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan ng lumabas at tumakbo paalis. Malayo sa kotse niya, malayo sa kaniya. Nakita ko pang lumabas siya sa kotse niya at akmang hahabulin ako pero mas binilisan ko pa ang takbo habang sapu-sapo ang dibdib.

Halos wala akong makita dahil sa mga luhang tumatakip sa paningin ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lumampas na ako sa orphanage.

Mas lalong hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil napunta na ako sa madilim na bahagi ng kalsada kung saan nakapatay ang street lights.

Huminto ako sa gitna para alamin kung nasaan na ako. Ang hindi ko alam, may sasakyan nang papunta sa akin at huli na para umiwas ako.

...

enhypen 3/7
Lee Heeseung
Psycho

็นผ็บŒ้–ฑ่ฎ€

You'll Also Like

Connection ็”ฑ Ara

ๅŒไบบๅฐ่ชช

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
2.4K 179 21
|| What if May Natagpoan kang babae na Bumihag ng Puso mo,Pretty Girl In and out,Smart Girl,Caring Girl,ETC. Masaya kayong Nagsasama Nagmamahalan kay...
183K 7.7K 96
โuy jaemin ang galing mo talaga sa mv ng we young!โž โžต Na Jaemin โžต neo series #2 โžต epistolary x narration start: 17.11.28 completed: 18.05.16
124K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...