Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.1K 86 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 29

70 1 0
By tamestnaive

Chapter 29

Flashback
I was busy reviewing my notes for tommorow's quiz. I was too focused but my mind kept bugging me to look on my phone because of the non stop coming of messages. Alam kong gc lang namin 'to sa mga subs pero hindi ko inasahang gc din pala namin nung first year.

Kahit hindi ko pa naseseen ang messsage ay alam ko nang nagkakamustahan at nagkakausap sila sa isa't isa. Personal na buhay, pag-aaral, pagkakaibigan, friendship at hindi nawawala ang usapang lovelife kaya mas naging alerto ako dahil dito ko mapapatunayan kung totoo nga ang mga nalaman ko tungkol kay Kendrick.

Grace : I miss you, guys!

Beatrice : Hindi ka niya miss.

Grace : How are you na? Hula ko may mga lovelife na kayo 'no.

Wave : Wala ahhh ikaw diyan ang mayro'n e.

Beatrice : Ang dapat niyong tanungin si Kendrick!

Nang banggitin ni Bea ang pangalan ni Ken ay mas naging agresibo ako at mapagmatyag sa mga itatanong nila at lalo na sa mga isasagot ni Ken. Hindi ko lang masyadong pinahalata na naghihintay ako sa reply niya kaya pinapatagal ko ang pag seen. Ilang minuto pa ang tumagal bago natapos ang sunod sunod na pag vibrate ng phone ko kaya naisipan ko nang buksan.

Grace : Oo nga si Ken. Hoy Ken, musta na kayo nung girl mo?

Kendrick : Okay lang naman kahit ldr.

Dim : Bakit naman ldr?

Kendrick : Nasa Cebu kasi ako at nagpunta naman siya sa Manila para dalawin ang lola niya :(

I smiled sadly. Ang sakit naman habang kinekwento niya iyong tungkol sa kanila, ramdam ko ang saya niya kahit sa simpleng mensahe lang.

Grace : Ilang months na kayo?

Kendrick : 2 months

Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nung nalaman ko ang tungkol sa kanila. At dahil do'n, napagtanto kong dalawang buwan na rin akong nasasaktan kasalungat sa sayang nararamdaman nila sa isa't isa na patuloy na tumitibay ang relasyon.

Wave : Buti nakaya niyo kahit ldr kayo.

Kendrick : Syempre, worth it naman iyong hinihintay ;)

Deserve niyo nga ang isa't isa. Sana all.....sa'n ako?
End

"Seryoso ba 'yan?" Tanong ko habang kinikilatis iyon nang mabuti.

Biglang nilayo ni Missy ang phone at takang tiningnan ako. "Hindi ka masaya?"

Aminado akong masaya ako kasi wala na sila pero nang maalala ko ulit ang mga panahon kung gaano siya kasaya habang kinekwento ang nobya ay syempre nalungkot din. Sobrang saya niya nung mga oras na iyon na kahit masakit para sa akin ay okay na rin. Masaya na rin ako para sa kanya.

"Hay naku, lilipas din 'yan at siguradong babalik ang kilig mo kapag naalala mong single na ulit siya." Pagpapalakas loob nito sa akin. What a supportive friend.

It makes me smile when I remembered he's single again, at kahit walang katiting na pag asang maging kami, masaya na rin ako sa lihim na pagtingin ko sa kanya.

"A-ano ba, tara na nga sa room baka nag-uumpisa na sila." Pag iiba ko ng paksa sa pinag-uusapan at naunang maglakad.

Pilit kong iniiwasan si Missy kasi kung ano na namang dadaldalin niya, minsan katamad na ring makinig e.

"Lagot ka talaga pag nalaman nila." Sabay bulong nito sa taenga ko bilang pang-asar.

Nakangisi pa siya nang malawak kaya napaismid ako. "Tumahimik ka na lang. Iyon lang ang gagawin mo para walang makaalam." I made an action like I'm zippering my mouth for her knowledge.

She chuckled and nodded. "Oo na. Tara na, magmemeeting pa para sa darating na intrams. Oy, sali tayong cheerdance competition ha!" Nasasabik na paanyaya nito.

Tumango ako sa kanya bilang sang-ayon. Kahit medyo kinakabahan ako dahil sa bagong mga taong makakaharap ko, sinusubukan ko namang maging panatag sa tulong ng mga kaibigan ko. Tsaka kailangan ko rin 'to e, pandagdag points.

"Ellie, sigurado ka na ha?" Bungad ni Lance pagdating namin sa room.

Last week pa nila ako kinukulit na sumali ng competition, but I was uncertain that time because of my anxiety. Alam kong panibagong environment na naman ang mararanasan ko at mga bagong tao na naman ang makakahalubilo ko kaya nag dadalawang isip pa ako noon.

"Sino pa ba sasali?" Tanong ko.

"Syempre tayong apat tapos may iba bang mga blockmates natin ang sasali." Tumango ako sa sagot nito.

Nagtungo ako sa upuan at naging abala sa pag-aayos ng sarili, sumunod si Lance at sila ni Missy ang nag-usap sa tabi ko.

"Baka may audition pa?" Rinig kong tanong ni Missy.

"Bakit mo naman nasabi? Dati nga sa mga seniors natin wala naman e."

"Syempre dati 'yon. Pa'no kapag maraming sumali ngayon, 'diba limited lang naman iyong members?"

Napatigil ako sa ginagawa nang marinig ang kanilang usapan. Nang tingnan ko sila ay alanganin din ang mga mukha nito na nagbigay kaba sa akin.

"Halaaa, pa'no nga kapag ganoon 'no?" Singit ko sa usapan nila. Nanatili silang walang imik nang tingnan ako.

"Lagot ka, Ellie, mag a-audition ka." Tukso ni Lay sa tabi ko habang ginagalaw ang index finger niya na parang tinatakot ako.

Napangiwi ako sa kanya. "Huwag ka nga! Ikaw din naman 'no, pare-pareho lang tayo." Masungit na sagot ko rito. Ako pa tinakot, kinakabahan na nga tayo rito e.

"Pero mas malaki ang tyansang hindi na kasali ang mga lalaki, syempre para sa lifting at support." Singit ni Lance at nagmayabang. "Iyon e kung madami ring lalaki ang sumali." Nagbago ang ekspresyon sa mukha nito.

Mas na down kami dahil sa mukhang pinakita niya sa amin. Siya kasi ang mas malakas ang loob sa aming apat pero sa ngayon mukhang bumaba rin ata ang confidence niya kaya pati kami ay nadadala.

"Haay bahala na kung hindi matanggap, importante sumubok tayo."

Mas pinili nala naming maging positibo sa kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat pero syempre umaasa pa rin akong mapapasama roon.

"Baka mas marami ang sasali ngayon kaysa dati, tingin mo, Lance?"

Kwento ni Missy habang naghihintay ng iba pang gustong sumali dahil hindi pa rin tumitigil sa paglabas pasok ng mga estudyante sa room. I was also looking for Michelle, Vina, Annie and Ynna since they're joining too.

"Sa tingin ko talaga mapapasabak tayo sa audition nito e." Rinig kong sagot ni Lance kay Missy.

"Pakiramdam ko nga rin e, kaya nga kinakabahan ako." Sagot nito.

"Tanga, ngayon ka pa kinabahan e marami tayong sasali." Pambabara ulit ni Lance.

"Iyon na nga e! Marami tayo kaya baka may audition at kapag hindi tayo pumasa, edi wala." Inis na sagot ni Mis sa kausap.

Napatigil ako sa pagtitingin sa paligid dahil do'n. Nawala ang atensyon ko sa paghahanap sa mga kaibigan ko nang marinig ang sinabi ni Missy.

"Pa'no ba makakapasa sa audition?" Singit ko sa usapan nila.

Kinakabahan na nga ako sa practices e tapos ngayon may pa audition pa pala edi mas lalong bumaba ang confidence kong makasama.

"Depende na iyon sa mga gustong sumali kaya ang dapat nalang nating gawin e mag effort." Sagot ni Lance.

Hayss, nakakainis naman. Mas mahihiya ako niyan e lalo na kapag hindi makapasa. Shit talaga napakamahiyain ko kaya ang daming nasasayang na opportunity e.

"We will be having an audition first." Pigil hininga ako nang marinig ang sinabi ni prof sa amin.

Marami ang nadismaya dahil sa ibinalita ng Prof at trainor tungkol sa audition kaya marami din ang nagdalawang isip sa magiging desisyon nila. Habang ako naman ay napapaisip din dahil sa kaba na kasalungat nina Lance na kalmado lang sa tabi ko.

"Lagot na, ayokong mag audition. Nakakahiya."

"Nakakainis naman e, kung kailan naman gusto ko nang sumali."

"Back out na tayo."

Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong usapan sa paligid nang magbulungan ang mga tao. Karamihan sa nagrereklamo ay mga juniors namin dahil pinagsama ang first year at second year kung saan mas maraming babae ang sumali kaysa mga lalaki.

"Anong plano niyo?" Tanong ko kina Annie nang magtungo ito sa aming upuan.

"Makaka pag audition pa ba tayo?" Lugmok sa lungkot si Annie nang tanungin iyon.

"Oo nga. Pa'no kapag marami na ang pumasa tapos hindi pa tayo natatawag." Dagdag ni Ynna.

"Kaya dapat tayong magmadali. Pero nakakahiya rin namang mauna." Napabuntong hininga na lang din si Vina.

Nag-uusap kami nina Annie para sa gagawin habang sina Lance naman ay nakikipag-usap na sa ibang mga miyembro. Ilang oras pa ang hihintay namin sa hudyat ng Prof at dahil medyo tumagal ang announcement nila ay pakonti nang pakonti ang sumasali dahil sa kaba nang malamang may magaganap na audition.

"Kahit pa kumokonti na ang mga sasali, wala pa rin tayong takas sa audition." Bulong bigla ni Michelle.

Napatingin kami sa kanya at nagtaka sa sinabi nito. Napataas naman siya ng kilay sa harapan namin. "May limit pa rin iyong members. 30-40 members lang kada unit kaya dapat makapasok tayo roon."

Napabuntong hininga ulit kami na animo'y nawawalan ng pag-asa. Kinabukasan, napapansin naming mas lumalamang na ang mga juniors sa amin dahilan para mag isip isip kami. Mas naging agresibo kami na makapasok sa slot ng miyembro.

"Let's start the auditions. Gather up, everyone!" Heto na, simula na.

Habang naga-audition ay hindi mawala wala ang kabang nararamdaman ko lalo na nung grupo na namin ang sasalang. Napapalibutan kami ng lahat kaya mas lalong nakadagdag ang kabang nararamdaman ko at pag ooverthink na baka hindi ako pumasa.

"Mukhang kumukonti ata ang juniors na sumasali." Pansin ni Mich.

"Baka nagbago sila ng desisyon." Bulong ni Lance.

Nagulat nalang kami dahil pagkatapos ng audition ay nagkaroon ng masinsinang pag-uusap ang mga profs hanggang sa nalaman namin na walang auditions ang magaganap na dahil kumukonti na ang sumasali kung kaya naman hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng bawat isa sa amin ngayon.

"Ayos, guys, pasok tayong lahat!" Sabik na sigaw ni Lance.

"Omg, nakaka excite tuloy at kasama tayong lahat!" Dagdag ni Missy.

Maingay ang mga kasama ko kasalungat sa akin na tahimik lang pero grabe ang sayang nararamdaman ko sa aking puso. Muntik pa akong magbackout dahil sa kaba pero buti nalang ay nakayanan ko pa sa tulong ng mga kaibigan ko.

"Congrats guys and good luck! Ichecheer namin kayo." Sigaw ni Fia.

Agad naming ibinahagi sa kanila ang magandang balita. They were also happy for us at laging nanonood ng practices namin. Kesha was so happy also lalo nang malaman na apat kami ang kasali nina Annie.

Choir competition si Marie, si Kesha ay makeup artist ng year namin sa lahat ng competitions maliban sa cheerdance. Caryl is part of our school's drum corps and us remaining four are part of cheerdance competition, so we are totally packed up with individual's schedule that we barely sees each other.

"Inspired ka sa crush mo 'no?" Biglang daldal ni Missy habang naka break kami sa practice.

Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at tiningnan siya nang nakakunot noo. Ano ba 'to, kararating lang kung ano ano na naman naiisip.

"Sinisimulan mo na naman ako. Lagi nalang ba siya, e wala nga rito." Reklamo ko sabay punas ng bibig. Pinagpatuloy ko ang naudlot kong pag-inom dahil kay Missy.

"Malungkot kang wala siya rito? Oyyy, Ken oh!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya kinabahan akong may makarinig.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata sa sobrang gulat at taranta ko. Hindi magkandamawa ang ulo ko sa paglingon sa paligid habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Tiningnan ko si Missy na natatawa pa rin kung kaya't pinalo ko ito sa braso.

"Sinong Ken?"

Ang mga salitang iyon ay tila nagpatigil sa aming dalawa ni Missy. Nagkatitigan kami habang nanlalaki ang mga mata sa isa't isa. Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito sa dibdib. Hindi ko magawang lingunin ang likuran ko dahil ayaw kong makita ang mukha niya.

"Hoy, anyare sa inyo riyan?" Wala na. Lumapit na siya.

Nag-iwas tingin ako sa kanya para mawala ang pagkahalata namin sa isa't isa. Huli na nang lingunin ko ang likuran ko dahil dumaan na si Fia at umupo sa tabi namin. Nanonood kasi siya ng practice namin kaya nandito siya lagi.

"W-wala, nagkwekwentuhan lang k-kami." Kinakabahang sagot ko habang nakatitig sa baba.

Anong sasabihin ko nito. Ito namang si Missy tumatawa pa rin e kinakabahan na ako rito. Halata ba ako. Dahil sa biglang paglapit ng mukha ni Fia sa akin kasama ang kakaibang titig na iyon, naisip kong wala na atang ibang paraan para makatakas ako rito. Siguro oras na para malaman ni Fia kasi kaklase ko din naman siya at kaibigan.

Napahalukipkip siya sa harapan ko. "Sabihin mo na. Magtatago pa e."

Napakagat labi ako kasabay ng pagkabog nang malakas ng puso ko. "Si K-kendrick..." Iniwas ko ang tingin sa kanya pagkasabi ng pangalan.

My heart is beating so fast upon saying that name. Hindi ako makatingin sa kanya, ayokong makita ang nakaka-asar niyang mukha, pero nagtaka akong tahimik lang siya sa tabi ko kung kaya't nilingon ko ito.

Sandaling napatigil siya bago tumango tango. "Ahhh si Ken, bakit siya?" Diretsahang tanong niya na parang hindi manlang nagulat.

Expectation vs reality ata ang mangyayari dahil sa sagot niya dahilan para tingnan ko siya nang mabilisan. As in iyong mukha niya talaga parang nagulat na hindi makapaniwala pero sa mahinahon lang, kumbaga chill.

Mas lumapit ako sa kanya para makapag-usap kami nang mahina dahil baka may makarinig na naman. Iniwan na kami ni Missy e, mabuti iyon para walang istorbo. Baka bumulalas na naman siya't i-exaggerate ang mga sinabi ko.

Napabuntong hininga ako nang malalim para bumwelo. "Hindi ko alam. Kasi dati naman hindi ko siya gusto na parang wala lang sa 'kin iyong mga ginagawa niya, pero iyon na nga, habang tumatagal parang naninibago rin ako sa nararamdaman ko..." Pag amin ko.

Hindi siya nagsasalita at seryoso sa pakikinig ng mga sinasabi ko kaya mas iningatan ko ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Hindi ko sigurado iyong nararamdaman niya kasi blanko lang ang mukha pero tumatango tango.

"Tapos saka ko na napagtanto ang totoo nung nawala na siya. Wala na siya nung mapagtanto kong hindi ko pala kayang ganito kami, malayo sa isa't isa." Tulala kong saad sa kadamuhan.

Tahimik kami kung kaya't biglang nag flashback ulit lahat ng mga alaala ng nakaraan. Kinakabahan din ako sa magiging reaksyon ni Fia lalo pa't ang tahimik niya lang sa tabi ko. Ano kayang tumatakbo sa isipan niya sa mga oras na 'to.

"Ibig mong sabihin, kung kailan wala na iyong tao, saka mo pa napagtantong gusto mo pala siya?" Pagkaklaro nito. Tumango ako nang walang salita.

Napailing siya at gulat akong hinampas sa balikat. "Sayang, Ellie! May mga panahong magkasama kayo, kung hindi ka ba naman kasi masungit dati baka siguro naging magkaibigan manlang kayo." Pagpaparangal nito sa akin.

Napaatras ako't nakaramdam ng lungkot. I sadly smile. I was too late to show my feelings for him, I couldn't blame myself. I was so confused that time.

"Hindi rin kita masisisi kasi baka nga naninibago ka lang sa kanya. Ganoon naman talaga ang pagmamahal e. May ibang swerte na lang dahil mutual ang feelings, mayro'n ding napag iiwanan dulot ng walang kasiguraduhan sa nararamdaman." Mahabang paliwanagn niya na nagbigay ng lakas sa akin kaya napangiti ako.

Lumingon siya sa akin at nagpatuloy. "Pero okay lang iyon, ang importante hindi ka nagmadali."

Kumalma ako sa ngiti niya, animo'y inaaliw ang puso ko. "Hindi nga nagmadali, masyado namang nahuli." Pagbibiro ko. Nagtawanan kami dahil do'n.

Masaya akong nasabi ko rin kay Fia 'to. Mas nakakakaba kapag tinatago lang e, at least ganito, may maayos kaming pag-uusap. "Pero oyy crush mo pala siya ha. Hindi ko inasahan."

Saka nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng kaba ang puso ko nang magsimula na siyang asarin ako. Omg, ito na.

"Hindi na nga ngayon e." Pagdepensa ko sa sarili.

Nag make face siya at patuloy pa rin sa pang-aasar. Medyo okay naman nung una, iyon nga lang baka mas lumala pa siya. Hmm, akala ko napaghandaan ko na 'tong kalalabasan, iba pa rin talaga kapag nangyayari na.

"Malay mo umuwi siya ngayong buwan. Gusto mo tanong ko?" Walang preno talaga siya at diretsahan lang.

Masaya nang konti pero kabado nang sobra kasi naman bigla akong nagdalawang isip kung tama ba iyong ginawa ko kasi napakabilis ni Fia.

"Wala silang pasok?" Takang tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Ewan ko ba sa kanya basta sabi noon uuwi siya ngayong buwan."

Mas lalo tuloy akong kinabahan nung marinig ko ang sinabi niya kasi naman kung totoo nga na uuwi siya, baka makipagkita siya kay Fia o baka makasalubong ko siya sa daan, ayaw ko pa naman ng ganoon lalo na pag kasama sina Fia.

Mas gusto ko siyang makita na kaming dalawa lang, iyong hindi magpapansinan pero nagkatitigan. Mas okay iyon, ang importante naman nakita ko siya.


"Try niyo si Ellie!"

"Ellie, kaya mo ba?"

Gosh, ito ang unang beses kong sasabak sa mga lifting at flying parts. Nanginginig pa naman ako kapag nasa taas na kasi takot ako sa heights, pero nakakahiya kasing tumanggi kay Prof e siya na mismo nag suggest sa 'kin, tsaka gusto ko ring subukan, achievement 'to sa akin e.

"Huwag kang mag-alala, hahawakan ka naman namin ng mabuti basta dapat stable lang ang katawan mo at 'wag kang gumalaw masyado."

Sanaol. Sana ganoon lang kadali ang gawin 'no. Mas lalo ata akong kakabahan dahil sa pagpapakalma ni Michelle e kasi naman puro babae ang bubuhat sa 'kin, luh, patawarin. Kahit naman madami sila syempre babae pa rin at mabilis mapagod kaya baka mahulog ako. Iba ang lakas ng lalaki sa mga babae.

"Alam kong unang beses mo ito pero hindi lang naman ikaw kundi pati rin sila. Kaya ang dapat mong gawin ay mag relax at mag focus sa mga gagawin mo lalo na pag nasa itaas ka na."

Kahit anong sinasabi nila hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Ang dami kong what ifs lalo pa't takot na takot ako sa heights. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti at naririnig ang mga salita nilang pinapagaan ang loob ko, ay mas nagiging panatag ako at nagiging matapang dahil alam kong maraming umaasa sa akin.

"Hindi ka ba natatakot o kinakabahan manlang?" Lunch time. Kinausap ko ang katabi kong si Missy na kasali rin sa lifting, at mas mataas pa sa akin ang position niya pero kalmado lang.

"Magaan lang kasi siya tsaka all boys naman kami kaya no problem." Tapat na sagot ni Lance.

Nakakuha na ako ng lakas kay Missy e, kaso nawala dahil sa sagot ni Lance. Oo nga pala, magkaiba kaming dalawa. Payat siya at maliit kaya hindi problema iyon. Tsaka nakalimutan kong matapang nga pala si Missy, lahat susubukan basta't para sa grado.

"Bakit ikaw, natatakot ka pa rin?" Tanong ni Lance.

Kailangan niya pa bang tanungin iyon. Syempre natatakot ako 'no. Pabibo kasi 'to e, kung hindi niya sinigaw ang pangalan ko kanina, edi sana hindi ako ang napili.

"Syempre, baka mahulog ako 'no, alam mo namang mga babae ang bubuhat sa 'kin. Syempre kahit madami sila hindi pa rin nila makakaya." Pag-amin ko at napabuntong hininga. Wala na sana akong problema e, kung hindi lang dahil sa lifting na 'to.

"Stand firm, Ellie. Huwag kang gumalaw!"

Malapit na ang performance pero hindi ko pa rin masyadong nakukuha ang tamang posture at balance sa tuwing nasa itaas ako kaya naman pati si Prof ay stress na rin, nahihiya na rin ako sa mga nagbubuhat sa 'kin.

"Okay, that's enough! Okay na 'yon, magpractice lang kayo nang mabuti. Ikaw Ellie, just calm down and balance your own body." Paalala ni prof, tumango ako.

Water break at kasama ko na naman sina Fia. Sa aming walo, lima ang sumali sa cheerdance, nasa choir competition si Shaina, habang sina Kate at Fia naman ay walang sinalihang contests kaya sumasama nalang sila sa amin tuwing may practices.

"Nakakakaba talaga baka mahulog ako." Pag-amin ko sa mga kaibigan ko. Kasama namin si Fia, mga babae lang kasi may ibang ginagawa ang mga lalaki.

"Huwag kang mag-alala, Ellie. Sasaluhin ka naman ni Ken e."

Ang mga salitang iyon ang naging dahilan ng pagkatigil ko. Mabilis kong nilagok ang tubig at tiningnan si Fia nang may pagtataka. Sila lang ni Missy ang nagkakaintindihan kaya nagtatawanan habang ang iba naman ay nalilito.

They're giving me questionable eyes, but I didn't bother to answer them. Instead, I waited for Fia. She's the one who started it. I gave her the spotlight to explain and share it to them. Kahit kabado, mas pinili ko nalang magtiwala sa kanila.

"Si Kendrick na kaklase mo dati?" Nagtanungan sila sa isa't isa, hindi ako sumasagot at hinayaan si Fia.

Hays, iba si Fia. Walang makakapigil talaga sa kanya. Kahapon ko palang sinabi pero ngayon alam na ng lahat ng mga babae sa grupo. Kay Missy lang naman tumagal ang lihim ko e, tsaka kay Kesha.

Ilang araw na ang lumipas hanggang sa dumating ang araw ng performance namin. Mas tumagal ang practice namin kagabi dahil huli na iyon pero kahit pagod at puyat ay gumising pa rin ako nang maaga para maghanda.

Nasa bahay palang ay hindi na matigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko lalo na't pabilis nang pabilis ang takbo ng oras. Gumising pa ako ng maaga para maghanda at magdasal.

"Calm down, Ellie. Relax. Isipin mo nalang na pagkatapos nito ay wala ka nang problema at masusulit mo na ang intrams nang matiwasay." Bulong ko sa sarili bago pumasok sa hideout namin.

May mga babae na ang nakabihis at minemakeupan habang ang iba naman ay naghihintay pa. Ilang oras kaming nag-ayos at naghanda hanggang sa dumating na ang takdang oras.

Kabado ako habang naglalakad kami papunta sa filed. Napapalibutan kami ng maraming tao kaya mas nakadagdag ng kaba ko ngunit ang tanging nasa isip ko talaga sa mga oras na ito ay ang lifting part ko, na sana mabuti at matapos ko nang maayos.

"May performance pa ang drum corps. Tara, manood tayo."

Agad umigting ang tainga ko dahil sa narinig. Kasama kasi si Nathan at ang rumored girlfriend niya. Bagay nga talaga sila, pareho sila ng gusto at nais. Hmm, makapanood nga.

Pagdating sa field, ni hindi manlang nabawasan ang mga tao kahit ilang oras silang naghintay. Abang na abang sila sa drum corps. Syempre, punuan iyong tao noong parade competition kaya hindi lahat nakapanood kung gaano kaganda ang performance ng school, e nakuha nila ang championship title kaya may special performance sila ngayon.

"Ang ganda ni Julia 'no, bagay talaga sila ni Nate, kung totoo man iyong sabi-sabi."

"Oo nga at galing pa sa mga mayayamang pamilya."

Hindi ko na tinapos ang performance dahil sa sobrang sikip at konti ng espasyo na nakikita ko kaya kinalma ko nalang ang sarili dahil pagkatapos nila ay cheerdance competition na. Nagtipon tipon kami sa isang dulo para sa huling habilin ni prof at ng trainor.

"Guys, magagaling at palaban ang mga seniors niyo kaya dapat palaban din kayo. Ang ending, siguraduhin na maayos ang pyramid mamaya. Iyon na lang ang panlaban natin kaya lifters at flyers, galingan pero mag-ingat pa rin."

Dahil kasama ako sa ending pyramid namin ay dapat kong kalmahin ang sarili para hindi masyadong ma pressure, dahil kapag ano ano ang pumasok sa isipan ko, mawawala ako sa pokus at hindi mababalanse ang sarili dahilan pa para makasira sa formation.

"LGBTQ community is on their way!"

Our theme for today's performance is about lgbtq community, so we had a rainbow color of shirt with flags of lgbt for our props that are raised by boys. Sheda, ang mahal ng t-shirt na 'to tapos tatapalan lang ng mga sunog sunog na tela para maging rainbow color ang damit. Buong sayaw wala akong ibang inisip kundi paano ang gagawin ko.

Sumusulyap na ako sa spot na pagtatayuan ng ending kung saan kami ang magiging flyers. Pagkatapos na pagkatapos ng huling sayaw ko bago ang ending ay mabilis akong tumakbo agad sa likuran habang sumasayaw ang iba pang mga babae. Nagkakagulo kami dahil na rin sa taranta.

"Usog tayo ng konti rito! Masyado tayong malayo sa center." Malakas na sigaw ng kasama ko sa lifting kasi malakas ang tugtog kaya mahirap magkarinigan.

Wala akong reklamo at mabilis na sumunod dahil patapos na ang kanta. Kinakabahan ako nang sobra kahit kakaapak ko palang sa mga hita nila.

Flashback
"Ellie, 'wag kang gumalaw. Usog kayo ng konti sa gitna."

Diresto ang titig ko sa harapan ko at hindi nag-abalang titigan manlang ang ibaba ko. Third level ang posisyon ko kaya mataas dahil hanggang leeg nila ang mga kamay kung saan ako nakatapak. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga bumubuhat sa akin pero hindi ko pinansin.

"Steady muna ng ilang segundo nang matingan nang maayos!" Shit, pwede bang huwag nalang tingnan.

Nanginginig na ang nga paa ko sa sobrang kaba. Nanlalambot ang hita ko't pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na ito. Bakit kailangan pang titigan nang maayos. Kalma, Ellie. Inhale, exhal---

"Ellie!"

Aray! Masakit na balakang ang nakuha ko nang mabagsak ako mula sa itaas. Ang nakakahiya pa roon, natamaan ko ang mga bumubuhat sa akin.

"Ellie, huwag ka kasing malikot. Steady mo iyong mga paa mo, ganoon lang kadali. Kayanin mo katulad ng iba." Napayuko nalang ako nang magsalita si prof.

Nakakainis na nakakaba. Sa mga oras na ito, parang gusto ko nalang magback out as in ngayon na. Dapat nga noon pa e. Naguguluhan kasi ako, akala ko makakaya ko, pero ang hirap pala. Ngayon, gusto ko nang itigil kaso wala na. Bukas na ang performance, magawa ko kaya nang maayos iyon.
End

Dahan dahan, kasama ng aking mga tagabuhat, maingat naming ginagalaw ang mga katawan at siniguradong makakaya ang bigat ko. Hindi ako nag breakfast kanina, nakatulong kaya iyon dahil maayos akong nakalapag ng second level. Ito mas nakakatakot, kapag ending na, saka palang ako itataas, edi biglaan.

"Maghanda ka na."

1...2....3.....mabilis at walang alinlangan akong inakyat. Muntik ko pang hindi mabalanse ang katawan ngunit mabuti at may humawak sa bandang tuhod ko kaya naka bwelo. Aba't medyo malayo pa rin kami sa gitna kaya konting lakad pa papunta roon hanggang sa maabot ng mga kamay ko ang paa ng isang flyers.

"And that's it for unit 1!"

Mabilis kong hinawakan nang mahigpit sabay balanse ng katawan. Kahit kinakabahan, nagawa ko pa ring ngumiti sa lahat ng maraming tao. Nasa isip ko lang talaga ng mga oras na 'to, tapos na rin sa wakas. Nagawa ko.

"Mich, nagawa ko rin sa wakas." Medyo naiiyak akong lumapit sa kanya pagkatapos ng performance.

Siya kasi iyong taong sinasabihan ko talaga nung practice. Alam niya kung gaano ako katakot sa gagawin ko kaya lagi niyang pinapagaan ang loob ko, at ngayong natapos na rin sa wakas, siya ang unang nilapitan ko.

"Sabi ko sa'yo kaya mo 'yan e. Halika na't magbihis."

Nanginginig kong hinawakan ang kamay ni Mich para alalayan ako papunta sa room namin. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyari. Hindi ko talaga akalaing magagawa ko nang maayos iyon.

Achievement unlocked talaga siya para sa akin. Ngayon, magaan na ang pakiramdam ko. Wala na akong ibang iisipin kundi mag enjoy at sulitin nalang ang intrams kasama ang mga kaibigan ko.

Hindi ko masyadong maalala dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Habang sumasayaw ang iba ay oras na namin para gawin ang pyramid ngunit sa sobrang bilis naming gumalaw ay hindi kami nagkamali at nabalanse agad nang maayos.

"You made it, Ellie. Congrats!"

Agad kong niyakap si Millie nang bulungan niya ako. Sobrang saya ko dahil natapos namin ng maayos ang performance kahit pagod at puyat.

"Yeheeeey, gala gala na tayo bukas. Sa wakas, tapos na rin!" Sigaw ng pabibo kong kaibigan kaya sumunod ang iba.

"Nice, kuya Lance. Wala na ring sakit sa katawan at balikat!" Biro ng isang junior kaya nagtawanan kami.

Rinig na rinig ko pa rin mula rito sa canteen ang hiyawan ng nga tao. Hindi ko na tuloy nakita ang whole performance ng drum corps kanina sa sobrang kaba. Kung kailan nasa malapit na ako kanina, mahirap pa rin kasi siksikan.

Hmm, baka may posted video sila sa Facebook, hanapin ko nalang. Katamad makipagsiksikan kanina tapos makikita ko lang sina Nate roon kasama ang pinakamamahal niyang girlfriend. Inggit ako, wala rito crush ko e. Edi wow.


"Congrats sa performance niyo kahapon, guys. Job well done!"

Kasama ko ngayong umaga sina Kesha. Panatag na akong pumasok kanina dahil natapos na rin namin ang performance kaya pwede na kaming gumala sa buong school. Naglilibot kaming magkakaibigan habang nagchichikahan.

Ngayon ko lang napagtanto na sobrang daming tao pala ang nagpunta at naki-celebrate sa intrams ng school. Ang daming food stalls sa paligid kaya maraming pagkain ang pagpipilian. May videoke rin sa may canteen at maraming iba't ibang booths ang nakapaligid na pwede mong maenjoy.

Binuksan kasi ang school para sa lahat kaya mga outsiders ay nakakapasok. Kaya nga umaasa akong makita ko siya kahit malabo e. Malay natin, umuwi pala siya at pumunta rito.

"Punta lang ako ng room para sa attendance. Mamaya nalang ulit." Paalam ko sa kanila.

Katamad naman 'tong attendance e, kung hindi lang talaga importante. Sayang tuloy oras, hindi ko sila makakasama sa unang araw ng pahinga ko. Pagdating sa room, nakita ko ang iba sa mga kaibigan ko kung kaya't pagkatapos mag attendance ay dumiretso muna ako sa kanila na nag-uusap.

"Miss ko nang mag practice."

Napalingon kami kay Lance dahil sa sinabi nito, makikita ang lungkot nito sa mukha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove on sa cheerdance namin. Tiningnan tuloy siya ng nakakatakang mukha ng lahat.

"Ang OA mo naman, edi sumayaw ka mag-isa mo. Ang tigas naman ng katawan mo e." Asar ni Fia.

Napapikit lang ng mata si Lance habang umiiling dahil sa asar. Napag desisyunan naming magtungo sa baba para gumala. Boring kasi sa room, bilang lang ang nandito. Maraming tao rin ang nanonood ng mga laro kaya hindi kami makakita at napagpasyahang umupo muna sa likuran.

"Magpalista tayo sa mga booths!" Biglang anyaya ni Missy.

Mukhang wala sa mood ang iba dahil nanatili lang ang mga mata sa outside court kahit natatakpan ng mga taong nasa harapan namin ang laro.

"Mamaya na. Kitang marami pa ang nagpapalista e. Ayokong makipagsiksikan." Maarteng sagot ni Lance.

Sumang-ayon ang lahat na ikinanguso ni Missy. Tahimik ulit kami at nanonood ng laro. Napaiwas tingin nalang ako sa harapan, ang boring manoond. Hindi ko feel kapag basketball iyong laro, okay pa volleyball. Tamang tingin nalang tuloy ako sa paligid at nagmamasid.

"Ikaw, Ellie, sali ka? Gusto mo ilista kita?" Kinalabit ako bigla ni Fia para magtanong.

Kumunot ang noo ko at mabilis umiling. "Ayoko nga."

Ang awkward. Hindi ako mahilig sa mga gano'n. Ma issue pa ako nito e. Naglakad lakad na ulit kami sa buong campus habang masayang nagkwekwentuhan at kumakain. Napatigil ulit kami nang bumili ng mga pagkain sina Shaina sa isang food stalls. Nasa likuran kami nina Missy at ako naman ay abala ulit sa pagmamasid sa paligid.

Daming couples na masasakit sa mata. May mga naglilibot na mga estudyanteng may hawak ng posas para hulihin ang target nila. Ang iba ay couples, ang iba naman ay mga estudyanteng napag-tripan lang ngunit halata mong gusto rin naman nila. Kahit saang sulok talaga ng paligid ay may naglilibot para manghuli.

"Gusto niyo subukan iyong pang romance booths kahit jail booth lang para sa mga crush niyo?" Asar ni Shaina bigla.

Hindi kami agad nakapag react dahil do'n. Ngunit nung naging okay na, si Lance nagsimula ng ingay at asar.

"Wala naman akong crush dito e." Sagot ni Kate.

"Sanaol may jowa." Asar ni Bianca sa kanya.

Nagtawanan sila habang tahimik lang akong nakangiti. Kapag usapang crush ay tumitiklop ako, alam na kasi nila. Patay malisya nalang ako at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid para hindi kausapin.

"Sayang kay Ellie, wala kasi rito crush niya e." Kinabahan ako bigla nang marinig ang boses ni Fia.

Nilingon ko siya at napangiwi. "Nandito man o wala, ayoko ko pa rin."

Nagtawanan ang mga babae habang ang dalawang lalaki naman ay tahimik at ramdam ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Hindi ko nalang talaga nililingon para hindi ako tanungin. Naging alerto na naman kasi si Lance dahil sa narinig at biglang kinulit sina Fia na nagtatawanan lang.

I distance myself from them and acted like nothing happened, and just focused with the game. Bahala na sila roon. May sariling mundo ako rito sa tabi nila nang may biglang kumalabit sa akin. Hindi ko nilingon kasi alam kung sila lang iyon at mangungulit.

"Excuse me, kayo po ba si Ellie Rivera?"

Hindi pamilyar sa aking pandinig ang boses na nagsalita. Mabilis ko itong nilingon sa pag-aakalang may importanteng sasabihin. Mukhang okay naman iyong dalawang babae baka nagtatanong lang talaga. Tumango ako nang walang alinlangan. Nagtaka ako nung ngumiti sila at sumulyap sa phone na hawak.

"Nice ka, Ellie!"

"Go Girl!"

"Ayiiie, sana all, girl!"

Ikinataka ko ang mga biglang asar na binibigay ng mga kaibigan ko sa akin na medyo malayo na ang agwat namin sa isa't isa habang nakangiti na parang mga aso. Huli na nung lingunin ko ulit ang mga kausap ko dahil may biglang bakal ang pinasok sa pala-pulsuhan ko at sa kabilang posas ay may lalaki na ang nakatali.

Hindi ako agad nakapag react. Nanlaki ang mga mata ko at kumakabog ng mabilis ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ako makagalaw. Nakatulala lamang ako sa kamay ko at sa lalaking nasa harapan ko habang naririnig ang kantyawan ng mga kaibigan ko.

"Give us five minutes of your time to roam the campus with this guy."

Pakshit, dumating din ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

933K 31K 34
She bumped into him when she tried to escape from her abusive boyfriend. The first met that caught his attention. Fate brought them together again fo...
80.6K 4.1K 37
Hongjoong is faced with a tough situation when his former roommate Seonghwa ends up matching as the second RA on his floor. They'll be forced to face...
28.3K 339 7
Inspired by a classic Joseon legend from Korea's first collection of unofficial historical tales, about a fisherman who captures and releases a merma...
1.2K 76 22
This is a compilation of my Story, which is Short story, One shot perhaps. I started writing on the year of 2021. So, I gather all of my works here...