Malabo pa sa Sabaw ng Pusit

By DonRaymundo

866 40 7

More

Malabo pa sa Sabaw ng Pusit
Trapik
Pinoy Vs. Tate
Loosing my Religion
Piggy bank
Atleast Pilipino
It's no Fun in the Philippines
Artista na yan!
Return of the Comeback
Para sa kaibigan
SAMPALAN FEST!
Diskriminasyon
Tatlong mukha ng Pinas
Ang Katapusan

Sino ang tama, sino ang mali.

38 0 0
By DonRaymundo

Mga ka-wattpad, gusto ko lang malaman kung ano ang inyong opinyon tungkol sa iba't ibang paniniwala ng mga tao. Halimbawa ng pagkakawatak-watak ng mga tao dahil sa paniniwalang itinuro sa kanila simula pa lamang noong mga bata pa lamang sila. Kaya naman ang resulta, ito na ang kanilang naging sandalan ng kanilang pananampalataya.

Napansin ko kasi lalo na noong pista ng Nazareno at ang pagdating ng Santo Papa dito sa ating bansa, ang ilang Christian sects tulad ng Baptist at Evangelical ay naghahayag ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa paniniwala ng simbahang katoliko. Isa na sa mga ito ay pagsasabi na mali ang pag-samba sa mga rebulto at isang anti-christ daw si Pope Francis. 

Para sa akin, isa itong halimbawa ng hindi pag-respeto sa paniniwala ng iba. Mayroon nga tayong iba-ibang paniniwala pero, bakit kailangan pang mag-siraan? Bakit kailangan pang magkaroon ng gera para ipakita kung sino ang tama sa mali? Basta ako, naniniwala ako na walang tama sa lahat ng relihiyon. Dahil napansin kong isa itong dahilan kaya hindi natin makamit ang pagkakaisa.

Ang problema kasi sa bawat relihiyon, basta hindi nila maintindihan ang isang tradisyon na isinasagawa ng ibang relihiyon, kinakatakutan na agad nila ito o kaya naman nagkakaroon ng siraan. Naalala ko tuloy yung nabasa kong quote sa isang libro, 'Misunderstanding a culture's symbols is a common root of prejudice'. Kaya naman ang tanong na tumatakbo sa aking isipan, bakit pa nagkakaroon ng relihiyon kung nagiging ganito lang naman ang resulta?

Alam kong masamang tanungin ang plano ng Diyos pero, ano nga ba talaga ang katotohanan? Anong relihiyon ang nagsasabi ng totoo? Ang bibliya ba ang sagot para malaman kung sino ang tama at kung sino ang mali? At ang pinaka-malaking katanungan sa mundong ito, totoo bang may Diyos? Pero tulad nga ng isang kasabihan, 'God moves in mysterious ways'.

So guys, ano ang say ninyo? Nakakabuti ba ang relihiyon o hindi? Ayos lang kahit na negatibo ang ninyong mga komento, pero sana malaman ko ang inyong hinaing. Pero syempre mas aprub ang positib comments. Salamats!

Continue Reading

You'll Also Like

8M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
87.9K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
34.2K 873 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!