THINKING OUT LOUD!

By Unprettier

9K 72 35

Life's a beach, or: thoughts of an author without enough imagination to write fiction. Published before the E... More

Random Thoughts ni Unprettier
Good morning sa iyo.
Not all "smart" kids are smart, some are just good at kissing everyone's asses
Ikaw ay nabubuhay sa mundo hindi para maging masama kundi para magpakabuti
Bakit dugo ang sinisipsip ng mga lamok hindi ba pwedeng taba na lang
Tumawag ka sa McDo at itanong mo kung ano na ang presyo ng gasolina ngayon
Ba't masarap ang bawal tulad ng McDo cheeseburger na may 300 calories
Buti pa ang gasolina nagmamahal pero 'yung iba dyan hindi
Ang buhay parang leche flan minsan sweet minsan leche
"Pwede magtanong?" "Oo." "Sige salamat!"
I'm mad at you pero ang hot mo pa rin
Time Of Your Life (Welcome To The Motorcade)
Wala bang course na "sleeping" sa college kasi dun lang ako magaling
Hindi nga kasi ako mataba makapal lang talaga ang mga buto ko
Going To Singapore: A Travel Journal Kuno
Wala lang
Time goes by too fast.
Dysfunctional
Unprettier 3:16 says "bugok ang author ng story na ito"
LOLOLOL
You Think You Know Me
Keep Calm and Shut The Hell Up
ang init dito
Going To Prom: Weh, 'Di Nga (another journal kuno)
Sa totoo lang walang meaning ang mga title ng mga chapter ng kwentong ito
HASHTAG MEDYO BADUY
Sige umalis ka na para mapag-usapan ka namin
Ang pagmamahal ay parang fried chicken masarap pero nagpapadami ng pimples
one bero plus one bero equals tubero
***SUPER SPECIAL EDITION*** Unprettier reviews...
Wala kang pera? Ba't 'di mo subukang ibenta 'yung mga kakilala mong plastic
Bakit ambait mo sa 'kin ngayon mangungutang ka ba
Pastillas de Leche ng Kalabaw
Ah di ikaw ang pinatamaan ko sa status ko pero onga no wala ka ring kwentang tao
hb hdbl
oo na
Nasa iyo na ang lahat pati ang puso ko tapos namatay ako
Ang almusal ay sigawan, ang hapunan ay sigawan, ang tulugan ay sigawan...
Under Pressure!!!
jbdfg
[MINI_UPDATE] We learn, we train, we... complain?
Oh My G, You're So G-R-R
Aanhin mo pa ang iyong kagandahan kung hinahabol ka na ng aso?
Ang love life ay parang iPhone. Wala ako nun.
hpfbtngrbgrlfrl
May exam kami bukas
La Cucaracha
And on the 8th day, God created Yakisoba...
Thank you for the inconvenience
Walang title dahil wala akong maisip
Para kang fishball kase hindi ka nagmamahal
coochie coochie coo
Hopia, Mani, Popcorn, Pirated na DVD
SMILE KA KONTI LANG
Queen for a Day
mass hysteria
bawal omehi dito maholi bog-bog (journal kuno walang maisulat edition)
Sana birthday candle ka na lang para habang pinapatay kita nagpapalakpakan sila
Citrus Green Tea at Skyflakes para sa mga pusong sawi
kalabaw na naka-bestida habang nakasakay sa bicycle
Wattpad Killed the Hardbound Star
technologic
walang tabs kapag walang abs
Huling Harurot
Ang pasko ay sumabit (year-ender* special)
Merikurisumasu
Polluted phrases are the kill of the season
Yo he estado aquΓ­ muchas veces antes y regreso
Y regreso aquΓ­ otra vez y comienzo
The floor's all yours, the house is full, you've made the slip now take the fall
Hindi lang fireworks ang puputok mamayang gabi *wink, wink*
Floorwax ka ba kasi I love you ESTE nadulas ako
The Girl Who Destroyed The World
Sadyang nakapagpapabagabag ba o sadyang nakakapagpabagabag? (the former)
broken glass scars (wala nanamang maisulat / outdated edition)
Chocolate Starfish and the Hot Dog Flavored Water
Babush babush kemerloo eklavush (graduate na si author edition)
Good Riddance!
Novacaine
Ending

Tigilan mo ko wala akong barya naubos na sa Christmas shopping

213 2 2
By Unprettier

Last year, 'yung Christmas Party namin ay corny. How corny? Una sa lahat, iisa lang yata 'yung laro namin nun. Newspaper dance, hindi ako sumali. At may intermission number: nagkaroon ng patalbugan ng knock-knock jokes 'yung mga classmate ko. That's it. Ang highlight nung party ay nung dumating na 'yung mga in-order namin na Jolibee Yum Burger at Chowking Chao Fan. Na-late pa 'yung pag-deliver ng McDo Cheeseburger... pero at least dumating, right?

Christmas Party 2012 was cooler than I expected it to be, kasi una sa lahat, walang nagdala ng alak kahit na the day before ay nagpupumilit ang ilan sa mga lasenggong kaklase kong bugoy na magdala nun (buti nga sa inyo). Pagkatapos ng matagal at corny na flag ceremony, dumiretso na kami sa classroom. Lumabas muna ng classroom ang ilan sa amin at nagbigayan muna kami ng regalo sa aming friends and teachers, tapos bumalik ulit kami sa room. Pagbalik namin, nakita ko ang dalawang malaking bote na may parang yellow na laman. Tanong ko sa classmates: "anu 'yan, mantika?!" - C2 lemon tea raw pala.

Pagkatapos ng ilang chubaekek, sabi ni sir na magpapa-games na daw siya. I will now explain our games with the help of Bob Ong's format in ABNKKBSNPLako (dahil bobo akong mag-explain through improv):

CHRISTMAS PARTY GAMES 2012

GAME 1: Safety Pin Game

Players: 5 boys, 5 girls

Gamit: 50 pcs. Perdible (safety pin), 5 pcs. Panyo, Kamay

Mechanics: Ang bawat isang lalaki ay lalagyan ng 10 perdible sa random areas sa kanilang damit. I-pa-partner ang isang lalaki sa isang babae, bale 5 couples... ehem... este partners ang andito, at limang babae ang mag-pa-paunahan sa paghanap ng mga perdible. At oo nga pala, gagamitin ang mga panyo bilang blindfold ng mga babae. And yes... that means, kakapain nila ang mga perdibleng nakasabit sa damit (or katawan?) ng mga boys habang sila'y naka-blindfold. Kapa. Katawan. Blindfold. See where this is going? 

At kung tinatanong ninyo kung saan gagamitin 'yung kamay: Gagamitin ng mga boys ang kanilang mga kamay para maiwasang aksidenteng mapakapa sa kanilang partners ang kanilang mga...

GAME 2: Spoon on a string

Players: 2 boys, 8 girls

Gamit: Kutsara, straw rope

Mechanics: Ang kutsara na nakatali sa straw rope ay ilulusot/ipapasok sa isang pant hole (kung saan mo sinusuot 'yung paa mo, yeah, 'di ko rin alam tawag dun eh) at ilulusot ito palabas sa t-shirt, uhh, head hole. You get my drift? Oo, basta ganun. Tapos, ibibigay mo ang kutsara-slash-tali sa susunod na member, at siya naman ang maglalaro ng lusutan. Kawawa naman ang huling player... you know where that spoon/string's been. 

Itinanong ng isa kong kaklase kung ilulusot daw ba niya 'yung kutsara-slash-tali sa kanyang brief. Well, if he did that, hindi niya magugustuhan 'yung shortcut na ginawa nung kabilang group: Hawak-hawak ng isang member ang dulo ng kutsara-slash-tali, at tatakbo siya around the room para mahatak ang tali at mapabilis ang lusutan. The consequence: masakit daw sa singit 'yung method na 'yun.

-

Ayun nga, naging masaya ang games. Alam ko may 3rd game pa, pero 'di ko napanood dahil masyado akong busy sa pagpapakita sa mga katabi ko ng mga funny pictures mula sa Facebook. Pagkatapos noon, nilaro namin nung iba kong kaklase 'yung trivia game na may illustrations ng TV Shows/Films or Characters sa iPad. At tulad ng dati, nakalimutan ko nanaman 'yung pangalan nung app na 'yun.

At dahil sa paglalaro sa iPad, hindi ko na naabutan halos lahat nung pagkain. Naubusan na ako. Ang naabutan ko na lang 'yung isang slice ng graham cake. Kinuha ko 'yun nung tapos na kumain ang lahat. Sabi sa akin nung lalaking kaklase kong, ehem, malaki: "Kain ng kain dyan ah!" - aah, the irony... lol joke.

-

Anyway, 'yung exchange gift naman... 500 pesos ang maximum.

Dapat satchel bag ang ibibigay ko dun sa nabunot ko. In-order ko na 'yung satchel bag sa kaklase kong nagbebenta nun, 'yun nga lang, 'di daw dumating 'yung orders. Patay.

Kaya ako, cash na lang ibibigay ko. Pero 'di pwede makita ng iba, bawal daw kasi 'yun. Kaya...

Kumuha ako ng box ng lumang Nokia phone.

Inilagay ko ang 500 peso bill.

At dahil mabait ako... dinagdagan ko pa ng 50 pesos.

Piso-pisong 50 pesos.

Ipinapalit ko kasi 'yung 50 peso bill ko sa canteen, ginawa nilang piso-piso.

Natuwa (natawa) naman 'yung nabunot ko, kaya ok lang. Baka iniisip niyang may sayad ako.

At 'yung kaklase ko namang lalake na joker (he's a bad man!) ay nabunot ng kaklase kong... mahilig magrecite kapag recitation, at... ayun. Akala talaga ni joker na baso ang ibibigay sa kanya ni mahilig. Maghapon niyang kinukulit si mahilig. "Hoy baso ba talaga? BAKIT BASO?!" pero hindi siya pinapansin ni mahilig. Pagdating sa exchange gift, nakatanggap si joker ng isang malaking box. Ito ang nakasulat sa card:

"hehehe XD kahit na malaki yung box cash lang to XD hindi baso XD let the games begin! XD" At feeling ko kulang pa sa XD 'yung letter niya.

-

Sabi ko nga kanina, ang naabutan ko lang na pagkain ay 'yung huling piraso ng graham mango cake. Ang sarap pa naman. Hindi ko na naabutan 'yung krispy kreme donuts, 'yung spaghetti, 'yung carbonara, 'yung sprite, 'yung coke, 'yung C2. Dahil sa paglalaro sa iPad. Technology is not equivalent to food, kids. Nakakapayat nga lang din kahit paano.

===

'Tis the season to be caroling!

Kahapon, mayroong mga nangaroling sa amin. Ganda ng boses, shet - American Idol ang peg! Gusto ko na sanang sabihan ng "shut up and take my money", pero binigyan na pala sila ng barya nung kapatid ko. Binigyan rin niya ng barya 'yung mga batang nangaroling sa amin na gumawa pa ng Christmas song mashup.

'Pag mga bata ang nangangaroling, pwede mo lang sabihan ng "patawad", tapos mummurahin ka nila at aalis na sila. Pero kung mga matatanda ang nangangaroling, wala ka talagang takas!

Noon, may mga (ahem) "matatanda" na nangaroling sa amin (okay, sa tingin ko nakwento ko na 'to dito, pero gusto kong ikwento ulit) at bonggacious sila! May gitara na, may dala pang amplifier at microphone! Kulang na lang mag set-up ng stage at magpa-fireworks sa harap ng bahay namin! At nung kumanta, may second voice pa... ansabe, talbog pa ang mga contestant sa American Idol!

Kanina naman, may mga sintunadong batang nangaroling sa amin. Mas matagal pa yata 'yung pangungulit nila ng "namamasko po" kesa dun sa actual na kanta. Mga pitong beses silang nagsabi ng namamasko po, at hindi pa nakuntento, pinindot pa ng pinindot ang doorbell namin. At 'yung kapatid ko at pinsan ko, kakapasok pa lang sa bahay namin sa oras na 'yun. Mukhang pagod na pagod. Todo ang hingal nila, tinanong ko kung bakit.

Hinabol daw sila nung mga nangangaroling.

Namamasko po!

===

'Tis the season to be... chubby?

Masarap kumain. At hindi nakapagtataka kung pagkabalik ko sa school next year, uhh, ahem, "curvy" kaming lahat. Okay, halos lahat. Pero normal lang 'yun, kasi bihira lang dumating sa buhay ang mga biyaya tulad ng... lechon! Hamon! Queso de Bola! Pansit Malabon! Bibingka! Puto Bumbong! At... roasted chicken! Morcon! Hot chocolate na maraming chubaekek! At... fruit cake? Nah.

After the Holiday Season, abstinence nanaman. I have to exercise, but I can't do it on my bed, because the last time I did, I broke the wooden bed frame. After that, my mom told me that maybe my bed frame broke because I was fat. I honestly couldn't say something like "Mom, the bedframe didn't break because I was fat, it broke because I was practicing my dropkicks". I don't think she'll be too pleased with that answer - and she surely won't be pleased when she finds out that the reason our staircase's handrail is wobbly is because I turned it into a parkour training area. Kind of ungirly if you ask me, but what do you expect from, well, me?

===

Matanong lang... bakit wala pa rin silang naiimbentong "wala akong pake" button sa Facebook?

Okay, actually... bad idea. Naman, tao tayong lahat, may likes at dislikes sa buhay. No need to rub it in one another's faces. Mag-rant ka na lang sa status mo at magpatama ka tapos kapag may nagtanong sa 'yo ng "ui anu ba nangyare sau", sasagutin mo nang "I don't wanna talk about it".

Ganyan tayo eh. Haha.

(Merry Christmas in advance nga pala)

--x--

Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 673 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
73.5K 3.2K 20
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.
63.6K 2.9K 70
Ito ang mga problema ng may mga crush diyan na hindi pinansin o pinaasa
Her Savior By M

Non-Fiction

1M 38.8K 65
ProfessorxStudent Story!!!