Finding Mr. Perfect

By DyslexicParanoia

1.4M 26.9K 1.7K

Katropa Series Book 3 [Completed] Language: Filipino What are your chances in finding a Perfect Guy who can... More

Finding Mr. Perfect [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 18

44.6K 1K 31
By DyslexicParanoia

Arthur's P.O.V.

Sandali akong natulala sa paraan ng pagkakasabi ni Laura tungkol sa pagtawag ni Patricia sa bahay. Nahihiwagaan talaga ako sa ikinikilos n'ya. Para kasing hindi na normal. Sa isang normal na babae, hindi ba't dapat nagagalit na s'ya sa akin? Hindi ba't mas normal kung sinalubong n'ya ako ng sumbat at sampal?

"Girlfriend?" Nasabi ko rin sa wakas, "I know no other girlfriend but you?"

"P-pero tumawag si--"

"I am aware she called here, because she also called and texted me on my cellphone. But she's not my girlfriend anymore, Laura. She was my ex."

"Magkita raw kayo sa--"

"She also texted me about the same thing." Pagputol ko sa sasabihin sana n'ya, "And I want to be totally honest with you, that I haven't seen her since we parted almost a year ago. She's a married woman now. She can't be my girlfriend."

"Pero 'yun ang sinabi niya eh." Itinatago n'ya, pero halatang-halata ko talaga ang panginginig niya. "Kaya nga sinabi ko na lang na pinsan mo ako dahil--"

"Dahil ano?"

"Dahil ayokong ako pa ang maging dahilan ng pag-aaway n'yo kung sakali man."

What the--

What kind of reasoning is that?

That's it.

Things are getting quite more obvious now. Something is really awfully wrong with her. I don't know what it is, or where it is coming from, but I am getting more convinced that there is something I need to straighten up with her.

"Laura. Mahal." Pinigilan ko ito sa kanyang balakang at mas idinikit ang sarili ko sa kanyang tiyan. "Ano ba tayo sa tingin mo, ha? Hindi ba't tayong dalawa ang magkarelasyon?"

Hindi ito sumagot. Yumuko ito.

Marahan kong inilagay ang dulo ng kanang mga daliri ko sa ilalim ng kanyang baba, upang muling itunghay ang kanyang mukha paharap sa aking mukha.

"What is wrong, Laura? What is bothering you?"

Yumuko itong muli, bago umiling.

"Mahal?" Muli kong itinunghay ang kanyang mukha, sa kaparehas na paraan. "Sabihin mo naman sa akin oh, please?"

"W-wala talaga, Art. Ok lang ako." Ngumiti siya para lamang traydurin ng pagbukal ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Do you actually want me to believe that?"

"O-Ok lang talaga ak--"

"I know I may often seem like it, but I am not that naive, Laura." Medyo may diin ang pagkakabigkas ko sa mga katagang 'yun, "I just don't know what it is, but I am pretty sure that something is bothering you and you are not telling me anything about it."

Hinintay ko ang kanyang sagot, pero walang dumating.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman kasi ako manghuhula. Hiling ko, sana nga manghuhula na lang ako para hindi ko na siya kailangang tanungin. Para gagawan ko na lang ng paraan na maayos ang lahat at hindi na s'ya magkaganito.

***

"Alam ko na kung anong problema ni ate Laura, kuya Art." Wika ni Mylene--ang asawa ng kapatid kong si Rodel. Dinalaw nila ako kasama ang pamangkin ko sa opisina ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Di ba nabanggit mo na biktima siya ng pang-aabuso ng kapatid n'yong hilaw na si--" Siniko nito si Rodel na nasa kanyang tabihan. "Sino nga ba 'yun?"

"Si Dex." Sagot naman ni Rodel.

" Oo! 'Yun. Si Dex."

"Anong kuneksyon?" Tanong ko.

"Eto 'yan, Kuya." Si Mylene ulit. Mas inilapit pa nito kanyang inuupuan sa harapan ng lamesa ko. "May nabasa akong artikulo somewhere, na 'yung mga tao raw na biktima ng pang-aabuso, mas madalas sa hindi, na nagsa-suffer daw ng very low self-esteem. 'Yung tipo bang, pakiramdam nila, nang dahil sa nangyari sa kanila, wala na silang karapatang maghangad ng magagandang bagay katulad ng...mabuting relasyon at karelasyon, pati na rin ang maayos, masaya at normal na pamumuhay."

"Totoo yan Kuya," Pagsang-ayon ni Rodel sa tinuran ng kanyang asawa, "May kakilala akong ganyang din, kaya naniniwala ako na may kinalaman ang trauma ni Ate Laura sa mga ikinikilos n'ya. Siguro, feeling n'ya, wala s'yang karapatang magalit o magreklamo kahit maging totoo man na may relasyon pa rin kayo nung ex mo."

***

Mukhang tama nga ang mag-asawa.

Matapos kasi nilang sabihin sa akin ang kanilang palagay, madalas ko nang sinusubukan si Laura. Kung minsan, sinasadya ko nang gumawa ng kasalanan sa kanya, na sa aking palagay, marapat lang na ikinagalit na n'ya. Para lang masubukan ko kung totoo nga na mababa ang self-esteem n'ya bunga ng trauma ng pang-aabusong ginawa sa kanya ng demonyong si Dex.

Naro'n na 'yung, sinadya ko talagang umuwi ng madaling-araw na kunwari'y lasing na lasing. Pero ang totoo, nagwisik lang ako ng alak sa katawan ko para mag-amoy alak ako.

Masakit man sa kalooban ko, sinadya ko rin na makailang beses na bahagyang purihin si Patricia. Halimbawa na lang nang makakita kami ng modelong rumarampa sa telebisyon at ikumpara ang modelong 'yun sa ex ko sa husay sa pananamit, haba ng mga binti, ganda ng buhok at iba pa.

Dalawang beses kong sinadya na hindi tuparin ang mga pangako ko sa kanya. Tulad na lang ng minsang nangako ako sa kanya na mamasyal kami o mag-a-out of town. I intentionally got her all excited, but only to cancel the whole plan on the last minute. At ang alibi ko? May "Mas" mahaga akong aasikasuhin. I made sure na narinig n'ya 'yung "Mas" para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon n'ya.

At the very end of all those testing--na tumagal sa hanggang sa makapanganak ito--napatunayan ko rin, na maaring tama nga ang asawa ng kapatid ko. Napakababa nga ng self-esteem ni Laura. Sobrang baba, na sa kabila ng mga kabulastugang ginawa ko sa kanya, ni hindi man lang ito nagreklamo kahit minsan. Parating "ok," lang daw 'yun sa kanya.

Kahit na alam kong kagalit-galit na ang mga ginawa ko, nginingitian lang n'ya ako; na parati rin naman nasusundan ng kanyang pananahimik na senyales na nasasaktan s'ya. Hindi lang nito ito ipinakikita at ipinararamdam sa akin.

Ang kaso mo, alam ko na.

Alam ko nang nasasaktan nga siya at nagdaramdam sa akin nang palihim.

***

"Kuya naman." Nakasimangot na utas ni Rodel sa akin. Sinisilip namin ang panganay namin ni Laura mula sa labas ng Nursery. "Bakit naman Patrick ang ipinangalan mo sa panganay n'yo?"

"Ano namang masama sa Patrick?"

"Parang katunog ng pangalan ng ex mo."

Napaisip ako. Oo nga ano. Pero hindi ko naman sinasadya 'yun. It was March 17 when our son was born. Ang araw kung kailan ipinagdiriwang ng simbahan ang piyesta ni St. Patrick.

"H'wag lang sana dumagdag 'yan sa sama ng loob sa 'yo ni Ate Laura."

"Hindi naman siguro." Sagot ko.

Ang totoo, medyo kinabahan ako. Bakit kasi hindi man lang ako nag-isip ng ibang pangalan? At bakit din kasi hindi ko man lang muna ikinunsulta sa kanya kung ano ang gusto n'yang ipangalan sa aming anak. It was totally my fault dahil masyado akong na-excite. Alam niyo ba 'yung sobrang excitement ko na pansamantalang nakalimutan ko na hindi lang pala ako ang tao sa mundo?

'Yun. 'Yun ang nangyari sa akin.

Gustuhin ko man na kusang ipaliwanag kay Laura kung bakit Patrick ang ipinangalan ko sa aming panganay, hindi ko na lang ito ginawa. Ayoko kasing isipin niya na sinasadya kong ihawig ang pangalan ng aming panganay kay Patricia kung magiging  defensive ako.

Alam n'yo ba 'yung ipinupunto kong hindi naman n'ya ako tinatanong, tapos bigla na lang akong magpapaliwang? Eh di lalong nagmukha akong guilty! Maaari ngang guilty ako sa panunubok ko sa kanya sa ibang mga bagay, pero hindi naman kasama ro'n ang panandyang ihawig ang pangalan ng aming anak, sa pangalan ni Patricia.

Pero tama ang kapatid ko. Posible ngang damdamin din ni Laura pagpapangalan ko sa aming panganay. Baka nga nang dahil do'n, madagdagan pa ang hinanakit nim'ya sa akin na hindi naman n'ya masabi-sabi. Hindi ko rin naman ito mapilit dahil ayaw niyang magsalita; ni ayaw nga nitong umamin na nasasaktan s'ya.

Kung hindi ko mabawasan ang dumaragdag na dinaramdam dahil sa kanyang patuloy na pananahimik, kailangang makaisip ako ng paraan kung papa'no ako makakabawi sa ibang bagay.

Ang malaking katanungan sa isipan ko ngayon...ano kayang paraan? Ano ba ang dapat kong gawin para makabawi ako sa kanya?

Ang totoo, hindi ko talaga alam kung pa'no ko hahawakan ang taong may sitwasyon na katulad ng sa kanya, pero willing naman akong sumubok ng iba't-ibang mga kaparaanan para maibsan ko ang bigat ng kanyang dinadala.

Mahal ko si Laura.

Mahal na mahal ko talaga siya. Hindi man s'ya ang una kong naging nobya, wala akong minahal na ibang babae na hihigit pa pagmamahal ko sa kanya.

Sana nga makaisip na ako ng paraan kung pa'no ko mas walang dudang maipapakita sa kanya ang kabuuan ng aking nararamdaman.

Isang matibay at walang kasiraang paraan, para mas maging kampante ang kanyang kalooban sa akin.

**

"Mahal." Yumayakap ako mula sa kanyang likuran; busy ito sa paglalagay ng kumot kay Patrick na mahimbing nang natutulog sa crib nito.

"Hmmm?" Anya. Hinahaplos n'ya ang cute na cute na noo ang aming anak.

"Magbakasyon tayo."

Naramdaman kong natigilan ito, bagama't nakatalikod pa rin ito sa akin.

"Saan naman?"

"Nagpareserba na ako ng isang cottage sa isang resort sa Laguna for two weeks."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Two weeks?" humarap ito sa akin. "Hindi ba masyadong matagal 'yun para sa napaka-busy na taong tulad mo?"

"Maikli pa nga 'yun eh." Sagot ko. "Ang gusto ko talaga, isang buwan. Ang kaso, napakumpormiso si Itay sa isang proyekto, at gusto n'ya ako mismo ang humawak nito. Pero dahil alam niya na makakaantala s'ya sa ating bakasyon, may ini-offer s'yang isang bagay na hindi ko natanggihan."

"Ini-offer? Anong klaseng offer?"

"Kung papayag daw ako na hawakan ang partikular na proyektong ibinigay n'ya sa 'kin, bibigyan daw n'ya ako dalawang buwang bakasyon pagkatapos na pagkatapos ng nabanggit niyang proyekto."

"Dalawang buwan?" Namilog ang kanyang mga mata.

"Oo. Dalawang buwan. Para raw magawa at maasikaso ko na ang isang bagay na matagal ko nang gustong gawin at personal na asikasuhin."

"At ano naman ang gusto mong gawin ng ganung katagal bukod sa pagtatrabaho?" Tatawa-tawa s'ya.

"Ang tuluyan ka nang gawin akin, mahal ko." Nakabungisngis ako. "Gusto kong ako mismo, kasama mo, ang magplano at magsakatuparan ng ating kasal."

"Pero, Art..."

"Wala nang pero-pero." Hinagod ko ng halik ang palibot ng kanyang leeg.  "I love you, Laura." Pagtutuloy ko, iginagapang ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang kanang pigi. "Ikaw lang at wala nang iba pa." Tinaniman ko rin ng marahang mga halik ang kanyang labi. "Ang nag-iisang nagmamay-ari sa akin."

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
759K 37.5K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
704K 19.9K 68
Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa...
3.6K 194 36
"About your condition, no man will ever agree on that unless you make love with them first." - Moon Fonrer In the Black Diamond group, the one with t...