One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 19

1.5M 37.6K 11.1K
By jonaxx

Kabanata 19

All Of You

Naglagay ako ng manipis na make up at mas pink na kulay ng lipstick, lotion, pabango at higit sa isang daang beses kong pinasadahan ng suklay ang buhok ko. I will need to look extra attractive.

"Mr. Romualdo, binasa ko ulit ang kontrata, walang nakalagay na compensation para sa breach of contract." Sabi ko nang nagawi sa kanyang opisina kinaumagahan.

Pinagsalikop ng General Manager ang kanyang mga daliri. Ang kulay abong pang itaas ay nasa likod ng kanyang swivel chair at ang tanging suot pang itaas ay isang puting sleeveless. "Bakit ka nagtatanong?" Kumunot ang kanyang noo.

"Sir, nagtaka lang po ako."

"Really? Or you're planning to resign within 6 months? Avon, you might want to call Brandon Rockwell. I'm sure hindi ka mahihirapan kasi nakikita kong maganda ang pakikitungo niya sayo." He smirked. "Or the CEO, Madame Diana Rockwell? That's easy."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Wala naman kasing nang bi-breach dito, Aurora. Maraming gustong makapasok dito dahil sa maganda mamalakad ang president at maganda rin ang sahod. By the way, this coming Wednesday ay kaarawan ko." May kinuha siyang kulay itim na matigas na papel at nilagay sa harapan ko. "I will celebrate my birthday with a party. Nakagawian ko nang isama ang lahat ng managers doon."

Kinuha ko iyong invitation at nakita kong sa Country Club iyon gaganapin.

"Hope you'll be there." Ngisi niya.

I can always get away with my sudden resignation pag nagkataon. I will ask my relatives to find a way o bayaran ko na lang mismo ang breach para hindi na ako makasuhan pa.

Pagkapasok ko sa Clubhouse ay naroon na si Brandon, nagkakape. May kausap siya sa kanyang cellphone at nang namataan ako ay mabilis na nagsalita na para bang nagpapaalam.

"Good morning, ma'am!" Bati ni Jose sa akin habang nag ma-mop.

"Good morning, Jose."

Imbis na diretso ako sa aking opisina ay kay Brandon ako pumunta. I cannot hide my witchy grin as I sat beside him. Namataan ko ang mga tingin ng ibang waiter, ni Ria, at ng ilang empleyadong naroon.

"I'm sorry, mum. Babalik ako diyan. Kailan? I don't know yet, maybe this Friday." Nilagay ni Brandon ang kanyang kamay sa likod ng aking silya, to acknowledge my presence. Kausap niya pala si Madame.

Tinagilid ko ang ulo ko. Mataman niya akong tinitigan habang nasa cellphone parin.

"I know. Of course, I care. Tinawagan ko kahapon si Doctor Alameda at nagtanong ako tungkol sa kalagayan mo. I care. May mga pinirmahan na rin akong pending works kahapon nang nagpunta ako sa kompanya... I will check it next time I'm in Manila." Suminghap si Brandon at binaba ang cellphone.

Binaling niya ang buong atensyon sa akin. Ngumiti ako sa kanya. He's in trouble. Mukhang pinapauwi siya ng kanyang mommy sa Manila. At pag umuwi siya para sa trabahong hindi nagawa ay mas lalo lang maantala ang problema ko.

"Pinapauwi ka?" I tried to sound hurt and disappointed.

"Yup." He sighed. "Nag overtime ako kagabi. Ilang meetings at proposals din ang pinakansela ni mommy dahil masama ang pakiramdam niya. I take over the company sometimes kaya kahapon inayos ko habang wala siya. But it's not enough."

"Umuwi ka ng Manila. Kawawa naman si Madame." Sabi ko. Torn between my concern for our CEO, his mom, and my personal demons.

"Yeah. I... I will. Kailan ba ang susunod mong rest day?" Tanong niya.

Hindi ko na halos marinig ang sinasabi niya. Ang mukha niya pag nag aalala at nahihirapan ay mas lalong nagiging masculine. Saglit ko siyang tinitigan ngunit pinilig rin ang ulo para makalimot.

Napalunok ako bago nagsalita. "Wag mo nang hintayin ang rest day ko. Sa Biyernes pa ang susunod at mukhang kailangan ka na ng mommy mo sa kompanya niyo. I know you're not normally always in Tagaytay." Malambing kong sinabi.

Nakatiim-bagang siya habang tinititigan ako. "Why don't you just stop working here? Pwede kitang mairekomenda sa ilang hotels sa Manila. Resorts World, name it."

Hindi ko alam ba't ako nakaramdam ng kirot sa aking puso. "Wag na, Brandon. Pinili ko rin ang Highlands kasi malayo sa Manila." I lied. 

"It's a pain in the ass, sweetheart. Lalo na sakin. If you want the experience, you can still have it in Resorts World. Tulad nito."

Ngumuso ako at pinagmasdan ang mga mata niyang pursigido. Nilalaro ng kanyang mga daliri ang mga tikwas ng aking buhok habang pinipilit akong umalis sa Highlands. Pinaasa ko siyang pag iisipan ko bago bumalik sa counter.

Ang mga mata ni Ria ay sumusunod sa bawat galaw ko. Ni hindi ko na siya kailangang tingnan nang punahin ko siya.

"What, Ria?" Tanong ko.

"Wala ho, ma'am. Kayo na ba ni Mr. Rockwell. Ang sweet niya sayo." Usisa niya, nakangiti.

Umiling ako at dumiretso na muna sa opisina pagkatapos ay nilock iyon. Ginawa ko ang trabaho ko sa loob pagkatapos ay nag retouch muli bago lumabas sa tanghalian. Brandon was still there with his laptop. Nakita kong lumagpas ang mata niya sa laptop patungo sa akin. Padarag niya pang halos mabitiwan ang tasa ng kapeng iniinom. Hinawi ko ang buhok ko at kumuha ng menu kay Jose.

Kakain na ako at doon ako sa mesa niya manananghalian.

"Hindi ka pa ba ginugutom?" Malambing kong sinabi.

Umiling siya at nagpunas ng kapeng kalat sa kanyang mesa. Hinawakan ko ang kanyang balikat at hinaplos iyon. Matigas ang kanyang ekspresyon habang tinitingnan akong papaupo sa mesa niya. His eyes traveled from my face down my body. Di ko napigilang mapangiti. Kinuha niya ang menu sa kamay ko. "Finally, sasama ka sakin pag tanghalian. Very good improvement, Miss Pascual." Biro niya.

"Wag mo lang sana akong asarin at baka magbago pa ang isip ko." Pagtataray ko.

Ngumisi siya at kinurot ang ilong ko.

Sabay kaming kumain ng tanghalian sa araw na iyon. Nanatili naman siyang nakaupo doon hanggang sa gumabi. Inisip kong talaga bang ganito na siya kabaliw para araw-araw na hintayin na lang na matapos ako?

Magkasabay din kaming nag dinner. And he doesn't seem to mind that he was there all day with his laptop.

"Ayaw mo bang mamasyal?" Tanong ko pagkatapos ng dinner.

"Naikot ko na ang buong Highlands ng ilang beses simula noon." Aniya sabay tingin sa akin.

Tiningnan ko ang laptop niya habang tumatango. "Kung ganon, you're doing your work sa kompanya niyo sa pamamagitan ng laptop?" Tanong ko.

"Yup." Sabay tingin niya rito.

"Hmmm." Tiningnan ko ang kanyang laptop. Dumikit ako sa kanyang braso. "Anong password ng laptop mo?" Tanong ko.

Humalakhak siya. "Bakit gusto mong malaman?"

Ginapangan ako ng kaba. Tatahip-tahip ang lundag ng puso ko. "Hindi ba't ganyan naman talaga? Dapat malaman ng babae ang password ng lalaki?" Nagtaas ako ng kilay.

"If they're lovers, sweetheart." Malambing na sinabi ni Brandon.

We are lovers! Ngumuso ako.

"And besides, I didn't know you were that cheezy." Humalakhak siya. Bahagya akong lumayo sa kanya. Mukhang masyado akong naging padalos dalos sa mga sinabi ko. Nag isip pa ako ng paraan. Ngunit napatingin ako kay Brandon nang bumuntong hininga siya at maagap na nagsalita. "The password's my family name. Rockwell. Happy now?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Very happy. Ngumiti lang ako at napatingin sa biglang sumulpot na si Mr. Romualdo.

"Nakakaistorbo yata ako." Tikhim ni Mr. Romualdo.

Tatayo na sana ako para magtapos na ng trabaho ngunit ngumiti si Mr. Romualdo sa akin at sumenyas na bigyan siya ng saglit.

"Invited kayong dalawa sa birthday ko ngayong Wednesday. I'm expecting you two in your best." Nagtaas siya ng kilay.

Nilingon ko si Brandon. "Mukhang uuwi si Brandon ng Manila this week."

Hinawakan ni Brandon ang kamay ko. "Sa Thursday na ako uuwi, then. We'll go." Mariin niyang sinabi.

Ngumiti si Mr. Romualdo at kumindat bago umalis.

Sa nalaman kong iyon, inayos ko rin ang plano ko. Pagkatapos ng gabing iyon ay hinatid ako ni Brandon sa dorm. Sinakayan ko ang pagiging makulit niya sa akin habang nasa sasakyan.

"Ang bongga ng birthday ni Mr. Romualdo. Ganon ba talaga siya mag birthday?" Tanong ko.

"Yup. Always. Pinagbibigyan ni mommy kasi GM. And he's a good asset to the whole of Highlands. Puno ng mga bi o gays ang birthday niya." Ani Brandon.

Tumawa ako. "Oh! You must like his birthday so much?" Pang aasar ko.

Nilingon niya ako at kumunot ang noo.

"You'll be the crowd's favorite. Malay mo, makahanap ka pa ng partner sa crowd ng mga bi at gays. Mabenta ka siguro don." Panunukso ko.

"Oh, yeah? Are you saying that I'm a bi or gay, huh?" Tawa niya.

"Malay ko." Panunukso ko. "You're probably gay or bi for all I know."

Tumigil ang kanyang Benz sa tapat ng dorm. Nilingon niya ako ako nilapit niya ang katawan niya sa akin. Halos malagutan ako ng hininga at natigil sa pagtawa nang nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"You just want to be kissed." Bulong niya.

Umikot ang mata ko. "Gays in the modeling industry is very common. I cannot just ignore the possibility."

"You can't say that to me now, Miss Pascual." Halakhak niya sabay dampi ng halik sa aking labi.

Libo libong kakaibang boltahe ng kuryente ang naglakbay sa aking batok pababa. Pumungay ang mga mata ko sa halik na iyon. He smiled devilishly. Tila naiipit ako habang sinakop ng kanyang kamay ang aking upuan at nilalapit ang mukha sa akin. Takbo nang takbo ang puso ko habang siniil niya ng halik ang labi ko.

Ang kamay niya ay nasa batok ko, urging me to kiss him deeply this time. His deep eager kisses attacked my mouth like it was showing me who the real master of my self was. Hinaplos ng kanyang kamay ang aking pisngi pababa sa aking leeg. Burning hot liquid filled me. Lalo na lang nang bumaba ang haplos ng kanyang kamay sa aking dibdib.

Napadaing ako nang hinagod niya ang aking dibdib sa uniporme ko.

"Who's the gay now?" He hissed.

"Brandon..." Tawag ko. Unable to protest because of the different shot of electricity he's sending my brain.

Nahanap ng kanyang daliri ang umbok ng aking dibdib. He stopped kissing me. Dumilat ako at nakita kong habang nakakagat labi ay pinagmamasdan niya akong halos lasing sa bawat hagod niya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. Inangkin niyang muli ang aking labi. My eyes rolled back. Ramdam ko na ang katawan niya sa akin. Against my thighs, I can feel him hot and hungry for me. Sinuklian ko ang bawat malalalim niyang halik ng mas malalim pa. Napamura siya at kinagat ng marahan ang labi ko bago tumigil at umupo ng maayos sa driver's seat.

Bumuga ako ng malalim na hininga at naestatwa sa kinauupuan ko. Sumibad ang mata ko sa aking suot na kalas na ang mga butones. Ni hindi ko namalayan na kinalas niya ang mga ito! Kinagat ko ang labi ko at nilingon siya na pumipikit ng mariin.

Tumikhim ako. Bumaling siya sa akin at huminga ng malalim. "Next time, don't tempt me, Av. Baka ano pang magawa ko." Sabi niya sabay tingin sa aking damit.

Mabilis ko itong binutones. Nanginginig pa ang kamay ko habang ginagawa iyon.

Hinampas niya ang manibela at nakita kong madilim ang kanyang tingin rito. Lumunok ako, tila kay hirap gawin non.

"Y-You... angry at me?" Nagtataka kong tanong.

Umiling siya. "I shouldn't have done that. I'm sorry."

Kumunot ang noo ko. Hindi alam bakit agad niyang pinagsisisihan iyon.

"Bakit?" Gulong tanong ko.

"Didn't you just tell me yesterday that you like someone else? I didn't mean to enter your personal space recklessly."

Umiling ako at ngumisi. "It's you I like, Brandon." Tumawa ako. "Hindi mo ba iyon nakikita?"

Bayolente siyang lumunok at tumitig sa akin. Mapungay ko siyang tinitigan.

Pinatong ko ang kamay ko sa kanyang hita. "At simula ngayon, hindi ka na hahalik ng kahit sinong babae."

Pumikit siya ng mariin at hinanap ang kamay ko. Nang mahawakan niya ito ay nilagay niya ito sa kanyang labi. "And you... you're going to kiss me only from this day on. Kung sayo ako, akin ka rin. Akin lamang. All of you, Avon. All of you."

Continue Reading

You'll Also Like

65.4K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...