The DRAWING (OneShot)

By msyoungnerd

417 8 2

the DRAWING written by msyoungnerd A guy na mahilig magdrawing and A girl na makulit dahil palagi nyang tinta... More

The DRAWING (OneShot)

417 8 2
By msyoungnerd

The Drawing

Written by: msyoungnerd

Dedicated to Ms. Denny (HYSTG)

Why? Find Out! ^_~

NOTE: All the names, scenes and events in this short story is purely fictional. Any resemblance to true person or events are coincidental. This is just a  pure imagination.

________________________________________________________________________________

Nagdadrawing na naman siya dun sa may sulok. Hayy. Habit na nya talaga siguro no? Sabagay may talent naman sya.. Tuwing tinatanong ko sa kung ano ba yung dinodrawing nya lagi nyang sinasabi, "wala" kahit na meron naman. Kung pwede ko bang tignan sagot nya, "Di pwede."

Minsan nakikita ko syang nagsusulat, tapos tatanungin ko kung anong sinusulat nya ang sagot nya "Tula".. kung pwede ko bang mabasa sagot nya, "Bawal." Palagi nya na lang akong sinusungitan. Hayst. Masama na bang magtanong ngayon?

By the way, i'm Pearl nga pala at yung tinutukoy ko na guy? Yan si Jaspher. Seatmate ko simula pa nung first year kami.. 4th year na kasi kami ngayon.. Grabe lang. Hindi kami mapag hiwalay nitong lalaki na to.. Paano ba naman kasi alphabetically arrange nalang palagi.. Santos sya, ako naman Sanchez.. O di ba?

Pero dahil sa kasungitan nya mainlove ako..

Mabait din naman sya pero madalas lang talaga syang masungit.. At sa akin pa.. Ewan ko ba sa taong 'to kung bakit ganyan sya.. Sa akin..

Ninanakawan ko pa sya ngayon ng tingin habang nagrereport ako.. Ako kasi reporter ngayon sa physics. Minsan nahuhuli ko syang nakatitig sa akin pero ibabalik ulit ang tingin nya dun sa dinodrawing nya. Natapos na ako magreport.. Nung babalik na ko sa upuan ko tinanong ko sya..

"Nakinig ka ba?"

sagot nya..

"Paki mo ba?"

Naku! Sa tagal tagal ko ng katabi yan, sanay na ko sa pagiging rude nyan sa'kin. Ang pinagtataka ko lang, maganda naman ako. Mabait. Makulit minsan.. pero sweet naman.. Hayy. Palagi bang meron 'tong taong to? Dinaig pa nya ang may PMS. Err...

Kinabukasan nadatnan kong wala sya sa upuan nya. Siguro lumabas lang para mag cr o bumili sa canteen or what dahil di pa naman start ng klase.

Nakita ko doon sa desk nya yung mga poems na sinusulat nya. Marami rami na rin pala.. May nakalagay pa dun sa itaas na.. "To HER" halos lahat may ganun sa taas.. Di ko na nagawa pang basahin dahil nakita kong dumating na sya at nagpanggap na lang akong nagtetext para di naman nya mapansin na ginalaw ko yung nasa desk nya..

To my luck, di nya naman nahalatang may gumalaw doon sa poems nya..

***

One month na lang pala December na. Meaning malapit na ang Christmas. Yeeeey!

"Classmates, tutal malapit na rin naman ang pasko. Gusto ko sanang magprepare na tayo kung paano natin  icecelebrate yung Christmas party."Sabi nung president ng section namin.. Sumang-ayon naman ang lahat.. Ayun, kung anu-ano pinag-usapan.

"So, cleared na tayo dun sa exchange gifts ah? Pwede na kayo gumawa ng Codename nyo at ipasa nyo sakin.."

Nagsulat naman ako.. Nilagay kong codename is "HaveYouSeenThisGirl". Para alam na agad nung bubunot sakin na girl ako.. Ganito kasi yun, dapat daw gumawa kami ng codename namin na unique, tapos may hint na girl ka or boy para di na mahirapan ung bubunot sayo, kaya ayan yung sinulat kong codename ko..

Nung nagbunutan na, ang nakuha kong codename ay "Boybawang21" natawa pa nga ako eh. Haha. Naisip ko tuloy na ang iregalo ko sa kanya ay maraming boy bawang. Pero syempre, joke lang yun. =P

Tinanong ko naman yung katabi kong si Jaspher kung sino yun nabunot nya, ang sagot ba naman sakin..

"Wala kang pakialam."

Arayy. Grabe talaga tong lalaki na 'to. Hindi ko na lang sya pinansin ulit. Mapahiya lang ulit ako eh. Tss.

Ilang araw kong pinag isipan kung anu ba ireregalo ko dun kay BoyBawang21.. Hanggang sa napagdesisyonan ko nalang na libro ang iregalo sa kanya.. May nakita naman akong book doon worth 200php. Eh 150 lang ang sabi na pang ireregalo. Pero parang 50php lang naman kaya binili ko na. Tsaka gusto ko namang mabasa 'tong libro ni Eros Atalia na 'Wag Lang Di Makaraos at hihiramin ko na lang kung kanino man sya mapupunta. Haha! Ayos! Laking tipid. =>

Nung dumating yun Christmas party, simple lang naman yung suot ko. Dress sya na kulay Brown.

Pag dating ko dun sa loob ng room. Nilagay ko na yung gift ko dun sa may table. Tapos lumabas lang saglit para pumunta sa cr. Pag balik ko, tinignan ko yung mga gift doon para hanapin yung gift na para sa'kin.. Nakita ko naman sya.. Kukunin ko sana kaya lang naisip ko na mamaya na lang.

Pumunta naman ako dun sa may upuan ko. Paglingon ko sa katabi ko.. Anu pa bang ginagawa nya? Edi yung habit nyang magdrawing..

Sinilip ko naman.

"Ayos drawing natin ah? Sino yan?" tanong ko..

"Wag ka ngang tumingin. Kainis!"

Meron na naman ba tong lalaki na to? Psh.

Ayun, tumagilid sya sakin..

Nakita ko yung drawing niya. Hindi pa sya buo pero tingin ko isa syang babae.. Siguro..

Nagsimula na yung Christmas party. Puro games pero hindi naman ako sumali. Well, di lang ako interesado tsaka wala akong balak ng..

"Pearl! Sali ka!"

Shinake ko nalang yun ulo ko as signal na ayoko..

"Sige na, minsan lang to eh. College na tayo next year oh."

Ayun, kakakulit ng classmate ko pumayag na ko..

"Anung game ba yan?" Tanong ko naman.

"Ahh. Yung Catch the egg. Madali lang to.."

"Pa'no?"

"Sasaluhin mu lang yung egg, Pearl. Maghahagisan kayo ng partner mo tapos dapat masasalo nyo, pag hindi nyo nasalo, talo kayo. Ganun lang." Sabi nung MC namin.

"Ah sige, Game!"

Pumayag nalang ako. Hindi na ko makatangi eh.

Nag enjoy naman ako sa laro.. Dalawa nalang ang natitira. Ako, yung partner ko tapos yung magpartner na kalaban namin..

"Hahahaha. Magpatalo na kayo!"

Sabi nung kalaban.

"Ayaw namin. Kayo nalang. Hahahaha."

"Pearl! Concent--"

*Eyk*

Nabasag na yung egg..

At sa damit ko pa. >_<

"Hala! Wala pa naman akong baong damit. Haist.."

Ang dumi dumi ko na. Di pa nga kami nagkakainan pero mantsado na damit ko. Aish!

"Oh, gamitin mo. Suotin mo na to."

May nagabot sa'kin ng isang regalo..

Pagtingin ko..

To HaveYouSeenThisGirl

tumingin ako sa nag-abot.. Si Japher..

How did he know??

***

Natapos ang Christmas at New year,  may pasok na naman..

Excited na ko pumasok. Yieee. Naalala ko pa kasi yung nangyari nung Christmas party.

-Flashback-

Kumaen muna ko bago ako nagpalit ng dress. Buti nalang pala dress yung regalo sa'kin ni Jaspher.. Blessing in disguise ba. parang ganun..

To my surprise, sya pala si BoyBawang21. Haha. Wattacoincidence?

Sinamahan nya naman ako magpalit. Syempre dun lang sya sa labas ng cr.

After ko magpalit naabutan ko syang nagdodrawing na naman.. Well, what to expect?

Tumabi naman ako sa kanya dun sa may upuan.. Nang maramdaman nya siguro yung presensya ko, isinara nya bigla yung sketchpad nya.

"How'd you know?"

"Huh?"

"Paano mo nalaman na ako si HaveYouSeenThisGirl?"

"Hmmm... Let me say, by the used of your pen."

"Huh?"

"I saw you writing it by red ballpen. Tumingin ako sa palagid at ikaw lang ang may gamit na red ballpen nun."

Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Ahh. So by that time, you’re observing me, huh?"

"Hahaha."

Whoa?! Music to my ears. I heard him laugh before pero ibang iba yung tawa nya ngayon.. Parang.. Ang sarap pakinggan..

-end of flashback-

Kinikilig pa rin ako dahil sa pangyayari na yun. Ewan ko pero bumait ata si Jaspher sa'kin ah? :">

Dalangin ko lang na sana wag ng magbago pa ang ihip ng hangin. Para palagi nalang syang mabait. Hoho.

Lalo tuloy akong nainlove sa kanya..

Hayyy. Kung alam nya lang sana, pero nah... Ayoko sabihin sa kanya, baka iwasan na ko nun.

Maaga akong nakarating sa school. Dahil sa tinatamad pa ko pumunta ng room, tumambay muna ako sa may bench. I saw him there kaya tinabihan ko na.

"Hey!"

Tinignan nya lang ako.

"Nagdodrawing ka na naman?"

"Obvious?"

Oww.. The Monster is back?

"Ah. I see. Sorry naman."

What's the matter with him? Ang hirap nya intindihin ah.

Di na ko nag atubili pang tingnan yung dinodrawing nya. For sure di naman nya sa'kin yun ipapakita. As Usual!!

Sinarado nya yung sketchpad nya at humarap sya sa'kin..

"Kamusta bakasyon?"

Waiiiittt? Is he asking me? O guni guni ko lang? Bah! Nag-open sya ng topic? Really??

"’Kay lang. Masaya naman.. :)"

Nginitian ko pa talaga sya no?! Haha. Aba, minsan lang kaya ako kausapin nito!

He smiled back at me.

Asdfghjkl! Yung puso ko, bumilis ang tibok dahil sa smile na yun. Wuuuuuu~ 

Uminit ata? Hangin hangin! Pengeng hangin!

Bihira ko lang kasi sya makitang ngumiti.. Kung hawak ko lang siguro yung celfone ko, pinikturan ko na sya. ^________^

Binuksan nya ulit yung sketchpad nya ang nagsimula na namang magdrawing dun..

"Habit mo na talagang nagdrawing no?"

"Yeah..."

"Kailan ka pa nagstart magdrawing?"

"Grade 6."

"Huwaaaw! Ang tagal na pala.”

Hindi na sya nagsalita ulit.

*Kruuu kruuu*

Sumandal naman ako dun sa bakal sa may likod ko. Sya doon sa may puno na katabi nya..

"Sana one time makita ko yung mga drawing mo."

"Someday makikita mo rin."

"Really?!"  Bigla akong naexcite.

"Uh.. We'll see."

Ay. Sabay ganun?

Naexcite pa naman ako.. Psh. Sana makita ko. Hehe..

"Gusto ko ring mabasa yung mga poems mo."

"........." 

*Silence*

"Oh, bakit ka tumahimik?"

"Ang daldal mo kasi."

Sagot ni jaspher.

Bigla naman akong nahiya sa sinabi nya.

"Sorry naman po ah?"

"Alam mo ba kung para kanino tong drawing ko? tsaka yung mga poems ko?"

"Hindi. Para kanino ba?"

"Alam mo kasi, hindi para saakin itong mga dinodrawing ko. Para ito sa taong mahal ko at mamahalin ko habang buhay."

“Wow! Talaga? Edi sya pala yang nasa drawing?”

Tumango sya.

Oh.. How sweet naman..

“Alam ba nyang para sa kanya yan?”

“Hindi.”

"Ahh. Kung sino man sya, ang swerte nya.”

Ang swerte nya talaga. Sino naman kaya yung babaeng iyon?

Nakita kong nakatitig sa akin si Jaspher kaya bigla akong nailang. Bigla rin akong nakaramdam ng init sa mukha ko.

"'Wag mo nga akong titigan." naiilang ako. Wag kang ganyan kinikilig ako!

"Bakit? masama?"

"Oo."

"Bakit naman?"

"Baka mainlove ka sa'kin."

Ehhh?? Bakit ayan yung nasagot ko? Naman. Nakakahiya..

"Hahaha. Ang cute mo talaga!" Sabay pisil nya sa pisngi ko.

"Aray! Kainis to."

Nahihiya na nga ko sa kanya tapos ganyan pa sya. Anuberr?! Mas gusto ko pa ata yung masungit na Jaspher kaysa sa mabait. Mas lalo akong naiinlove sa mabait eh.. Tss!

"Alam mo para kang bakal."

Anu to? bumabanat?

"Bakit naman?"

"Mukha ka kasing kalawang. Hahahahaha."

Swear, hindi ako natawa. Ang corny! Kainis talaga 'to! Akala ko pa naman sweet ang ibabanat nya sa akin eh.

"Bagay kayo nung puno!"

Sabi ko.

"Bakit naman?"

Nakangiti pa sya nyang tanong ah.

"Mukha ka kasing UGAT!"

Tawa lang sya ng tawa kahit na hindi naman nakakatawa. Grabe, ibalik nyo nga yung dating Jaspher! Baka na-abduct na un ng mga alliens, oh noeesss!

***

Palagi na kaming nag-uusap ni Jaspher, bumait na ata sya ng tuluyan sa akin..

Tuwing wala kaming teacher asahan mo busy yan.. Busy saan? Saan paba? It's either nagdodrawing sya or gumagawa ng poems.. Sya na! sya na talaga mahilig sa ganun..

Hanggang ngayon di pa rin nya sa'kin pinapakita yung drawings and poems nya. Hayy..

It's February na pala. Lapit na valentines day.. Naku, di naman ako interesado. Wala naman akong admirers eh. Kung meron man, siguro torpe. idunno and i dont care..

*Valentines day*

Wala akong ganang pumasok. Program lang naman ang meron sa school. Tapos kung anu-anong booths ng mga organization. Mapapagastos lang ako. Magsasayang lang ako ng pera kaya wag na lang.

Balak ko nalang na gumawa ng assignments namin.

Pagbukas ko ng notes ko sa Math, may nakita akong post-it notes dun sa may first page.

"Feb. 14, 20**, pumasok ka. Hintayin kita."

Kanino naman kaya ito galing?

Biglang tumunog yung phone ko.

* i love, i love, i love the way you hold me. i love, i love, i love, i love the way you hold me.*

Akala ko may tumatawag, text lang pala.

From: 09058758***

‘Papasok kaba o hindi?’

Sino naman kaya 'to? Hindi ko naman nagawang replayan dahil wala naman akong load.

Bigla nalang kumilos yung katawan ko at nakita ko na lang ang sarili kong nasa loob na ng school.

Ang daming studyante. Kanina pa siguro nagsstart yung program.

Wala naman akong balak nanood kaya pumunta na lang ako sa may bench.. As usual, andun na naman si Jaspher, mag-isang nagdodrawing..

"Uhmm. Pwedeng tumabe?"

inaantay ko syang sumagot pero

No response..

kaya tumabi nalang ako sa kanya. Siguro naman 'Silence means yes' no?

Pagkaupo ko bigla nalang nya isinara yung sketchpad nya..

Tumayo sya at humarap sa'kin.

"Tara?"

Huh? Anu daw yun?

"Ano? Sasama ka ba o hindi?"

Saan naman kami nito pupunta?

"Saan tayo pupunta?"

"Sumama ka na lang sa'kin para malaman mo."

"Pwede mo namang sabihin eh."

"Sige, maiwan na kita. Bahala ka jan."

Ganun? Iiwan nya ko?

Tumayo na ko at tumakbo papunta sa kanya. Hindi pa naman sya gaanong nakakalayo..

"Teka! Sama ko."

Naglakad lakad kami at nakarating kami dun sa may 'dating booth'..

"Ano to? Magdedate tayo?"

Tanong ko. Syempre nagulat naman ako sa pinuntahan namin di ba? Wala naman syang sinabi at hindi naman nya ko niyayang magdate eh..

"Kakaen lang tayo. Hindi magdedate."

Ay. natutuwa na nga ako kasi magdedate kami yung pala hindi, kakain lang pala =3= pero ganun na din naman yun di ba? Parang date na rin.. Can i consider this day as our date? Pwede naman siguro 'no? Ako lang naman ang mag-aassume eh. Sa'kin nalang yun! Ahihi:))))

Nakaorder na kami at hinihintay nalang namin na iserve samin nung student yung order namin.

"Wait lang ah. Cr lang ako."

Tumango nalang ako kay Jaspher.

Pagkaalis nya, napansin ko yung sketchpad nya kaya kinuha ko..

Pag tingin ko, puro drawing ng isang babae. She looks familiar..

Tinignan ko lahat..

Meron doon, nakaside veiw yung girl habang nagsusulat..

Yung isa, mukhang nagrereport sa harap ng klase..

Meron pa, Close up yung mukha ng babae, nakangiti..

Tapos yung isa, Yung naka dress yung girl habang may hinahagis.

At ang pinaka nakakuha ng attention ko is yung picture ng dalawang tao.. Isang boy at isang girl na parehong nakaupo.. Si boy nakahawak doon sa pisngi ni girl..

Every drawing seems familiar..

Nagulat ako.

I’m speechless.

Tinignan kong maigi yung mga drawing. May nakita akong nakasulat doon sa may left side corner na ‘HaveYouSeenThisGirl’

Ako ba yung babae sa drawing?

Yeah right…

Bigla nalang may yumakap sa likod ko..

"Happy Valentines, Pearl."

Pumunta sya sa harapan ko.

"Nangealam ka na naman. Ayan tuloy.. Nabuko mo na ko. Hehe." 

Sabi nya habang nagkakamot sa ulo.

Tulala pa rin ako.

"Magsalita ka naman jan oh."

Anung sasabihin ko?

"Uy Pearl..."

".........."

Huminga sya ng malalim saka nagsalita ulit.

"Sorry kong palagi nalang kitang nasusungitan noon.. Ayaw ko lang ipaalam sayo yung nararamdaman ko para sayo.. Kaya ayaw ko ipakita sayo yung drawings ko kasi nahihiya ako. Pero ikaw kasi eh. Ang kulit kulit mo.. Lalo tuloy akong nahuhulog sayo.. Natakot naman akong amin sayo ang nararamdaman ko dahil baka layuan mo ako.. Nangako ako sa sarili ko na ipapakita ko 'tong drawing sa babaeng mahal ko kapag handa na ko. Kaso ayan, nauhan mo pa ako.”

Is he confessing?

Duh? Obvious Pearl?

Sheeeezz! Kenekeleg akooooo.

*^_____________^*

"I'm surprised. Thanks."

I hugged him…

"Ahm… Does the feeling's mutual?"

I nod.

"Akala ko hanggang sa mga drawing na lang kita mahuhug."

“Akala mo lang yun!”

"Haha. I love you, Pearl."

Aww.. Ang sarap sa pandinig lalo na sa feeling. :">>>

"I love you too.. Teka, PDA na to ah.."

He chuckles.

"Valentines naman ngayon. It's alright."

"Yeah.." 

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Nasaan na yung poems? Gusto ko na mabasa.."

"Kiss muna.." 

*3* nagpout pa talaga sya. :""")

So, i kissed him..

>/////<

_____________________________________________________________________________

A/N: sa lahat ng naisulat kong kwento, sa tingin ko ito ang pinaka maayos at matino. Haha. XD sana po nagustuhan nyo. Vote and comment Kung okay naman po yung story na to oh.. Salamaaaaaaatt! :*

Continue Reading

You'll Also Like

171K 2.8K 53
Makikilala mo ba kung sino talaga sya? malalaman ko kaya kung sino sya? Itinadhana bang mangyari ito? ayoko muna pero alam kong hindi ako ang nagdesi...
409 79 51
Actually... di ko naman talaga sya kilala, kaya lang, minsan kasi naguguluhan ako. Palagi ko kasi sya nakikita kahit di ko naman talaga gusto. At pag...
90 1 17
I hope you can enjoy this kind of story. I made this before as a one shot story but I decided to change it and turn into an one short story. Reminder...
86 0 17
Naranasan mo na bang magsakripisyo sa isang tao na akala mo mapapa-sayo. Yung tipong nakakalimutan mo nang unahin ang sarili mo, dahil laging sya an...
Wattpad App - Unlock exclusive features