Chapter 32 [Coming back to the past…]
Jade’s POV
“babe.. san ba tayo pupunta?”
Kakalabas lang ng hospital ni justin..
Pero niyaya niya agad akong lumabas…
Gusto ko sanang magpahinga na muna siya…
Kaso mapilit eh…
Nagdadrive ngayon si justin..
“basta.. maghintay ka lang..” --justin
“fine…”
Naiwan si lj kina best jane…
Ngayong tanggap na ni lj si justin bilang ama…. Ayaw humiwalay kay justin…
Tumigil si justin sa harap ng school namin sa high school noon..
Bumaba siya taposbinuksan ung pinto ng kotse..
“halika na.. babe..” –justin
Bumaba na ko tapos hinawakan ko ung kamay ni justin..
“anong ginagawa natin dito?”
Hinde ako sinagot si justin
Naglakad kami papunta sa gate…
“babe… natatandaan mo pa ung una tayong nagkakilala?”—justin
“oo… nung may project tayo tapos tayo ung magpartner…”
“alam mo bang masayang Masaya ako nun kc ikaw partner ko? Gusto na kc kita noon…” –justin
Ngumiti si justin tapos tumingin ulit sa school namin..
“ako din naman eh… crush kita nun… siguro itong school na to ay isa sa mga importanteng lugar para sa kin.. kc dito kita nakilala… dito tayo nagsimula..”
Niyakap ako ni justin…
“tama ka… importante ang lugar na to para sa tin.. sa tingin mo.. kung hinde tayo nagkakilala dito.. magiging tayo pa kaya?” –justin
“oo naman.. kc kung para tayo sa isa’t isa.. magkikita at magkikita tayo.. kahit saan… kahit anong oras… makikita natin ang isa’t isa..”
Umalis na din kami sa school…
Nagdadrive ulit si justin..
Hinde ko alam kung saan kami pupunta..
…….
“babe.. anong ginagawa natin dito?”
Nasa tapat kami ng bahay nina justin dati…
“natatandaan mo pa ung nagkuhanan tayo ng pictures natin dito para sa project?” –justin
“oo naman.. hinde ko un makakalimutan kahit na matagal na un… doon kc ako lalong napamahal sayo…”
“ginawa ko un para makasama kita at mapalapit sayo..” –justin
“at pumayag naman ako sa ganung dahilan din..”
Napatawa lang kami ni justin habang magkayakap kami…
Alam ko na ung ginagawa ni justin..
Binabalikan namin ang nakaraan namin..
Ang masasayang pagsasama namin..
Nasa mall kami ngayon ni justin…
“san na tayo pupunta ngayon?”
“eto.. nandito na tayo… “ –justin
Huminto sa paglalakad si justin..
Tapos nakatingin lang siya sa stall na nasa harapan niya..
Tinignan ko iyon…
O___o
Ung L’amour te destin café-restaurant…
“dito mo ko sinagot… dito mo sinabing mahal mo din ako… hinde ko makakalimutan tong lugar na to…” –justin
“ako din babe… sana pwede tayong bumalik noon..”
Hinawakan ni justin ung kamay ko.
“bakit ba tayo babalik sa nakaraan? Kung pwede naman gumawa tayo ng bagong masasayang alaala ngayon?” –justin
Ngumiti sa kin si justin….
Na para bang may binabalak siyang gawin…
“b-babe. Ba—“
Hinalikan ako ni justin
]
*****
Nasa harapan kami ng bahay ko…
“hmm… isa din ito sa espesyal na lugar para sa tin… natatandaan mo pa nung nagpakilala ako sa parents mo.. habang tulog ka…”—justin
“haha.. oo.. kinantahan mo pa ko noon… kantahin mo nga ngayon? Please??”
“ok.. kung un ung gusto mo babe..” –justin
Humarap sa kin si justin tapos hinawakan ung kamay ko..
“It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you... ooh...” –justin
Niyakap ko si justin…
“justin…”
*******
“babe… bakit pinuntahan natin to?”
Nasa harapan kami ng hotel noon..
Kung saan ginanap ung engagement nila ni Audrey..
“alam kong.. hinde magandang alaala to.. pero gusto ko pa rin ipaalala sayo…… alam kong nasaktan kita dito.. and im so sorry for that…” –justin
“kung sinabi mo sa akin iyong tungkol doon… matatanggap ko…”
“alam ko.. dun ako nagkamali noon babe… … dinala kita dito kc… para sa kin… importante din ung lugar na to..” ---justin
Tumalikod ako kay justin..
Paano naging importante tong lugar na to para sa kanya?
Dito natapos ung relasyon namin…
Dito ako nawalan ng tiwala sa kanya…
Niyakap ako ni justin sa likod… para pigilan ako..
“patapusin mo muna kc ako…” ---justin
“siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ung sasabihin mo..”
“oo naman.. importante sa kin to kc. Dito ko narealize na hinde ko kayang mabuhay ng wala ka… na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko… at dito ko din nalaman kung gaano kahalaga sa kin ang pagsasama natin..” –Justin
Humarap na ko kay justin…
“at dito ko narealize na mahal na mahal kita kahit na sinaktan mo ako… kahit na niloko mo ko… galit na galit ako noon sa yo. Kc para sa kin.. pinaasa mo ko sa wala.. ung bang niligawan mo ko.. tapos pag sinagot na kita… iiwan mo lang ako ng basta basta…”
“kahit kalian hinde ko intensiyon na paasahin at lokohin ka… babe… ---justin
“kung dati mo sinabi sa kin.. siguro sinampal na kita… haha..”
“kahit di mo ko sinampal noon.. mas masakit ung sinabi mong hinde mo ako kilala…” –justin
Naalala ko ung nangyari noon..
Nung bago kami pumunta ng paris ni jane…
“sorry.. kung anu-anong sinabi ko noon say o.. pero di mo ko masisisi noon.. kc nasaktan ako.. ikaw ang unang boyfriend ko.. tapos nalaman kong niloloko mo lang ako.. ano sa tingin mo magiging reaction ko?”
Niyakap ako ni justin..
“I know… halika.. alis na tayo dito.. marami pa tayong pupuntahan…” –justin
........................................
“dito?”
“oo… dito sa hotel na to.. dito mo sinabing pinatawad mo na ko sa nagawa ko sa yo..”—justin
Nasa hotel kami kung saan pinagdausan ung birthday ni jayden noon..
“ah… natatandaan ko na… andami pala nating lugar na espesyal para sa atin..”
“oo.. tama ka.. madami…” –justin
“matanong ko lang… bakit ba natin pinupuntahan to?”
“dahil gusto kong balikan ang nakaraan natin.. kung paano tayo nagsimula” –justin
“babe.. anong ginagawa natin dito sa bakod ng kapitbahay ko?”
“dito ako nagtatago noon… nung galit ka pa sa kin.. lagi akong nandito para Makita kita kahit sa malayuan man lang…” ---justin
“b-babe..”
Hinawakan ni justin ung kamay ko..
“nung nandito ako.. alam mo bang selos na selos ako pag nakikitang kong nihahatid ka ni luke dito… tapos nakita ko pang hinahalikan ka niya! Tapos hinde mo man lang pinigilan!” –justin
kitang kita ko ngayon kay justin ung pagkainis niya.. kahit na naalaala lang niya un..
Hinaplos ko ung mukha niya tapos kinurot ko siya sa pisngi…
“aaah… m-masakit…” ---justin
Hawak hawak ni justin ung namumulang pisngi niya tapos nakapout pa siya…
“wag ka ng magselos babe…. Matagal na un… tsaka… di ko naman ineexpect na halikan ako ni hunter.. tsaka wala naman sa kin un… “
“kahit na.. babe… ang sakit..” –justin
“tss.. tatampo pa to… halika nga..”
Hinablot ko ung kwelyo ng damit ni justin tapos hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan siya…
"i love you justin villanueva..."