REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

By spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 16

1.5K 128 48
By spirit_blossom

Bumagsak si Stephanie sa matigas na baldosa ng classroom namin nang sunggaban ko siya. Bago pa man siya maka-aray sa sakit nang maagap ko namang pinadapo ang kanang palad ko sa kaliwang pisngi niya.

"Puta ka!" nang padapuin ko naman ang isa pang palad sa kanan namang pisngi niya.

Napasinghap ang mga kaklase naming babae. Napahiyaw naman ang ilan naming kaklaseng lalaki na nasa room pa rin. Narinig ko ang pagkukuyog nila sa paligid. Hindi ako natinag kahit alam kong may nanonood sa amin. Wala rin akong pakialam kung masakit ang likuran ng bruhang ito nang patumbahin ko siya at patuloy akong nakadagan sa katawan niya para sabunutan.

"Let me go, bakla!"

"Tangina ka kakalbuhin kita!"

Umaalon ang ulo niya sa bawat sabunot ko. Sumusunod sa direksyon ng ginagawa ko para maibsan ang kirot. Napapakalmot siya sa akin kaso lalo lamang dumidiin ang hawak ko sa buhok niya na parang sipit.

"Don't you dare bad-mouth my mother, bitch!"

Okupado ang isip ko sa bruhang ito na nakalimutan ko ang kaniyang mga alipores. Napabitaw ako sa buhok ni Stephanie nang may humila sa buhok ko patungong kanan. Umingay lalo ang room. Hindi ko alam kung nasaan si Ava pero narinig ko ang boses niya sa gitna ng hiyawan.

"Monique, stop na!"

The other bitch didn't listen and continued pulling my hair. Hindi ako makapalag dahil nasa mali akong posisyon nang bigla niya akong hilahin.

"You think you're above us, ha? Lumaban ka!" ani Monique nang paalunin rin ang ulo ko tulad ng ginawa ko sa kaibigan niya kanina.

"Oh, my gosh!" tili ni Ava.

Nagsumikap akong abutin ang kamay ng bruha at nang magtagumpay nga ako 'tsaka ko binaon sa balat niya ang mga matutulis kong kuko. We've gone to a salon last time and I remember the manicurist praising my almond-shape nails that it was pretty. Huwag ko raw paiklian masyado kasi maganda lagyan ng nail polish pag mahaba.

I mentally noted myself to thank her the next time we visit. Hindi ko na talaga papaiklian ang mga kuko dahil totoo ngang maganda, maganda sa mga ganitong ganap. Bumitaw ang bruha sa buhok ko bago rumehistro sa pandinig ko ang iyak niya.

"You hurt me! Isusumbong kita sa mom ko!"

Bumaling ako sa kaniya at napansin ko nga ang mga maliliit na sugat sa magkabilang palapulsuhan niya. Wala ni katiting ng awa o konsensiya ang dumapo sa puso ko. Napangisi pa nga ako lalo na nang makita kong mangiyak-ngiyak ang gaga.

"Gusto mong makisali tapos ngayon iiyak ka? Gaga—"

"You bitch, how dare you hurt her!"

"Oh, my gosh, Steph! Wag mo siyang sabunutan, 'di niyo ba kilala 'yang inaaway niyo? Guys, please, stop them naman!"

Napahiga ako nang hilahin naman ako pabalik ng bruha sa kanina naming puwesto. Sumalubong sa paningin ko ang samu't saring pagmumukha ng mga kaklase naming nagkumpulan sa sabunutan namin. Marami sa kanila ang natutuwa sa nasasaksihan lalo na ang mga lalaki. Mayroon rin sa mga babae ngunit mas marami sa kanila ang nag-uudyok sa mga kalalakihan na pigilan kami.

Nakita ko sa kaliwa si Ava na pinipilit ang mga lalaki na awatin na kami, "I'm going to report this to ma'am! Lahat kayo isusumbong ko pag 'di niyo pa sila tinulungan!"

Bumaliktad ang sitwasyon namin na ngayon nakapangibabaw naman si Stephanie. Lahat ng pagkakataong gumanti ibinuhos niya habang nakadagan sa akin. Napakasakit ng anit ko sa bawat sabunot niya. Hindi ko man siya nasasabunutan pero sinigurado kong magmamarka ang mga kalmot ko sa mga pisngi at mga kamay niya.

Umangat kalaunan ang katawan niya nang awatin siya ng mga kaklase namin, "Hindi pa ako tapos!"

"Huwag niyo kong hawakan, ano ba!" puna ko sa mga buwisit nang tulungan nila akong makabangon.

"Bakla!" sigaw ng bruha sa kabilang panig.

"Laspag!" ganti ko naman.

Tumigil siya sa pagpupumiglas at tila bulkang sasabog sa labis na pamumula ng mukha. Ang mga damit, nagusot; ang buhok, magulo; ang pisngi, namula; ang balat naman puro kalmot. I knew I had the same look, but seeing her like that made me smirk like the devil.

Dumalo sa tabi ko si Ava. Ganoon din ang mga alipores ni Stephanie sa kaniya. Puno ng pangamba ang dalawang mata ng kaibigan ko habang minamasdan ako. Nangingilid ang mga luha habang nanenermon at nagtatanong kung may masakit ba sa kahit anong parte ng katawan ko.

"Oh, my god, Rhian. Tingnan mo itsura mo. Look, ang haba ng kalmot mo sa leeg!"

"Masakit, wag."

"Tito Jon will get mad na naman, eh!"

Bumukas ang pinto ng classroom. Bumaling kaming magkakaklase. Dumagundong ang puso ko nang makita kung sino ang nakatayo sa labas.

"Oh, no, girl." bulong ni Ava.

Bumulong sa isa't-isa ang mga kaklase namin pagkat alam nila ang maaaring mangyari. Dumating sa classroom namin ang kolehiyong boyfriend ni Stephanie na nasa kabilang building.

Humigpit ang kapit ng kaibigan ko sa akin lalo na nang tumakbo sa lalaki si Stephanie. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan ng dalawa sa pintuan, pero alam kong isinumbong na ako ng bruha sa boyfriend niya sa kung paano ito umiyak, tumango ng ilang beses, at itutok sa akin ang sarili niyang hintuturo.

Bumaling ng matalim ang bigotilyong lalaki. Huminto ng panandalian ang paghinga ko sa bagsik ng titig niya lalo na nang humakbang palapit sa amin. Hindi ko alam kung lumamig ba ang kamay ni Ava o ako itong nakahawa ng panlalamig sa palad niya. Gusto kong tumakbo pero alam ko na mapapahiya ako, na magmumukha akong talunan sa away na sinimulan ko.

Tumigil ang boyfriend ni Stephanie sa harap. Tumingala ako sa kaniya. Walang pasabi nang bigla niya akong hawakan sa kuwelyo at paangatin. Hindi ko na agad maramdaman ang baldosa ng classroom namin nang lumutang ang paanan ko.

"Sinong nagsabi sayong salbahe-in mo girlfriend ko, ha?" tanong nitong may banta.

I wanted to answer, but I find it hard while struggling above ground. Narinig ko ang pagsagot ng kaibigan ko sa kaniya.

"U-uhm, kuya, p-please put my f-friend down p-po."

Bumaling sa kaniya ang lalaki. I took notice of his goatee and instantly find it ugly. Hindi bagay sa lalaki at literal siyang nagmumukhang kambing. The two were really meant to be for each other. Mga pangit ang mga gago.

I laughed. Huwag sanang magkalat ng lahi ang dalawang 'to.

Bumalik ang tingin ng lalaki sa akin, "Tangina ka anong tinatawa-tawa mo, ha?"

Hindi ako nakasagot nang idinabog niya ako sa whiteboard. Tumama ng marahas ang likuran ko. Napapikit ako sa hapdi at narinig ko sa kalagitnaan nu'n ang pagsinghap ni Ava.

"P-please, kuya, s-stop. Hindi n-niyo po ba alam kung s-sino 'yan? M-mayor po tatay—"

"Wala akong pakialam kung sinong puchu-puchu ang tatay nito! Sinong nagbigay ng karapatan sa kaniyang saktan ang girlfriend ko?"

"R-rhiannon didn't start the fight. S-stephanie did, k-kuya."

Napadilat ako at nakita ko kung paano makiusap ang kaibigan ko sa tarantadong naka-kuwelyo sa akin. Nasa distansya na ang mga kaklase namin at tanging kaibigan ko na lang ang natira sa paligid.

"Hindi pa rin sapat 'yun para patulan niya si Steph. Hindi siya babae. Pag ikaw siguro ang nakaaway niya, baka mapatawad pa kita. Pero siya," nang bigla niya akong suntukin sa sikmura.

"Oh, my gosh!"

The punch was extremely painful. Tumama sa itaas na parte ng tiyan ko at halos nahirapan akong huminga. Nakaramdam ako ng pamimilit kaso 'di ko lang nagawa dahil hawak ako ng buwisit. Nanghina, nanglamig at tila nasusuka habang naka-angat pa rin ang dalawang paa sa hangin.

Tumakbo si Ava palabas ng room namin.

"Tch, iniwanan ka na ng kaibigan mo, bakla." mayabang na ani ng buwisit.

The human goat was right but I didn't care. Hindi naman ito laban ni Ava. Wala siyang kinalaman rito at mali ang magalit sa kaniya dahil lamang 'di niya ako tinulungan. I don't want her getting involve in my fights.

Dumura ako sa harapan. There was a mixture of my saliva and a little amount of red liquid in it. Tumama ito sa uniporme niyang puti.

"Gago, 'di ako tulad ng girlfriend mong sumbungera." I answered like the brat that I am.

"Tangina mo!" mura ng nobyo ni Stephanie at aktong padadapuan na naman ako ng suntok, kaso bago pa niya madampi ang kamao niya sa mukha ko nang bigla siyang dinamba ng kung sino.

Nabitawan ako ng bastardo. Napaupo ako sa matigas na baldosa. Napangiwi sa labis na kirot na nagmumula sa aking pang-upo, sa sikmura, sa halos lahat na parte ng sariling katawan.

Nagtilian ang mga babae kong kaklase. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil tila umiikot ang mundo ko sa mga kaganapan pero naririnig ko ang pagtumba ng mga upuan, ang pagbagsak ng mga kagamitan.

"Girl, gosh. Look at you," rumehistro sa pandinig ko ang boses ni Ava.

"A-ava."

"Can you get up? Tara, alalayan kita sa infirmary." mungkahi niya, at maski sumisirkulo ang paningin ko, napansin ko ang mga namamasa niyang mata.

"P-pero 'yung boyfriend ni Steph baka sumunod satin—" I asked, but she stopped me.

Bumaling siya sa kaliwa kung saan napadpad ang nobyo ni Stephanie. Bumaling rin ako. Bumungad sa paningin ko ang dalawang lalaki na nagpapalitan ng mga mararahas na suntok. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng mga mata ko pero nakita kong nakikipagbunuan si Gino.

The fight was equal even though one was younger than the other. Hindi halatang dehado si Gino sa pakikipagsuntukan sa isang kolehiyal lalo na sa tuwing natatamaan niya ito. Wala ni isa sa mga kaklase ko ang nangahas pumigil sa kanilang dalawa. Hindi dahil sa gusto nila ang nakikita kundi dahil natatakot silang madamay sa bunuan.

Napasinghap ang lahat nang matamaan sa isang pisngi si Gino, kaso bago pa man makadapo uli ng suntok ang nobyo ni Stephanie nang unahan niya ito paitaas. Sumunod ang katawan ng lalaki sa suntok niya at napatumba. Hindi pa sapat iyon at dinaganan ito ni Gino bago paulanin ng magkakasunod na suntok.

"P-paano—"

"I had no other choice, I'm so sorry. Hindi ko na alam ang gagawin kasi 'di siya nakikinig sa akin. I cried for help. Si Gino agad ang una kong nakita sa corridor kasi hinahanap ka rin niya," sagot niya.

Nanatili akong tahimik nang tila makaramdam ng kakaibigang galak sa puso. Hindi man si Gino ang inaasahan kong tutulong pero natuwa ang damdamin ko nang malamang mayroong lalaki na handang lumaban para sa akin.

I used to hate him and every fiber of his being before, na maski sabihin ng mga tao sa mansyon na mabait siyang tao pinili kong huwag maniwala. Nanatili akong bulag at nalason sa impresyon kong iyon, and now seeing him fight for me before my very own eyes makes me guilty.

"G-gino," nanubok akong bumangon kaso napakahapdi na ng katawan kong napuruhan ng sampal, sabunot, at suntok.

"Girl, stop moving. Hayaan mo sila may aawat rin sa kanila!"

"I need to stop him," sagot ko sa kaibigan.

Hindi puwedeng madamay si Gino sa pinasok kong gulo. Hindi mapapalagpas ng tatay ko ang nangyari at pag nagkataon parehas pa kaming malilintikan. I have no doubts about my father granting me forgiveness like usual. Hindi man kinabukasan o sa mga susunod na araw pero alam kong mapapatawad at mapapatawad niya rin ako dahil anak niya ako. Hindi ako katulad ni Gino na kinupkop lamang ng tatay ko.

Siguro nga noon gusto kong mapalayas sa pamamahay namin ang kalbong iyon, pero ngayon nang maisip ko ito para bang hindi ko kakayanin. Siguro dahil sa magiging konsensiya ko, siguro dahil sa magiging panghihinayang ng tatay ko, o siguro dahil sa isang pakiramdam na nagsisimula pa lang lumago.

Narinig ko ang pamilyar na boses ng adviser namin. "Goodness! Martinez!"

Bumaling ang lahat sa direksyon ng pintuan maliban sa dalawa. Sumalubong ang mga mata ng babaeng guro sa akin at halos atakihin sa puso nang marahil masilayan ang aking kalagayan.

"Dios ko po! Fuego, anong nangyari?" bago siya nagmamadaling lumapit sa akin.

Fear enveloped her eyes behind those glasses. Bumaling uli siya roon sa dalawa 'tsaka ako napagdesisyunang iwan. I saw her ordering some of my frightened classmates to stop the fight. Hindi kumilos ang mga kalalakihan ngunit nang sumigaw si ma'am 'tsaka lamang sila nagkukumahog na sumunod sa kaniya.

Napasinghap si ma'am, "Papatayin mo ba siya, ha, Maginoo? Dios ko po!"

Hindi sumagot ang nakatayo nang si Gino. Humangos lamang ang dibdib niya at maski nandito ako sa distansya kita ko ang nakabagsak niyang mga kilay at nakakuyom na panga.

"Boys, what are you waiting for? Help them!" sita niya sa mga naka-estatwang kalalakihan.

Hindi sila hinayaan ni Gino. Umalis ito sa kanila bago pa man siya malapitan at tumungo sa kinalalagyan ko. Namalagi sa mga mata niya ang nagpupuyos na galit, kaso nang makalapit nawala na parang apoy na natupok sa tubig.

He was staring at me with such gentleness in his charcoal-black eyes, na sa sobrang amo naisip ko na kung ba't siya pinangalanang maginoo. Napuno ako ng pagkamangha habang nakatitig rin sa kaniya, not believing that beneath his benign demeanor a beast was lying dormant.

I laughed, "Wala kang galos, hayop ka."

Nanimbang ang titig niya sa akin. Nakita ko siyang ngumisi kalaunan. Gino held my hand gently. The roughness of his calloused palm registered into my skin. Nilapag niya ito sa ibabaw ng sikmura ko bago ako buhatin na parang prinsesa na karaniwan niyang tawag.

Hindi ako nag-atubiling tanungin si Gino kung saan niya ako dadalhin nang lumabas kami ng classroom. Nahihilo na ako sa pag-ikot ng paningin ko at kanina pa masakit ang buong katawan. Hindi ako nangamba habang buhat niya pagkat alam kong 'di niya naman ako ipapahamak. Marahan kong ipinikit ang mga mata para magpahinga. The smell of his scent, the feeling of his gentle yet imposing presence, the way his hard hands held me firmly on my back and under my legs.

Lahat 'yon dinala ko sa aking pagtulog. I heard his voice in the middle of my sleep. The same voice that used to visit me in my dreams.

"No one will harm you, my princess."

Napangiti ako bago tuluyang lamunin ng pagkakahimbing.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
12.1K 791 56
Coincidence? Luck? Mischief? You can say almost everything. But, Pin knows it's one thing: It's Love. What will you do if your love suddenly appears...
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...