ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBE...

נכתב על ידי bitchymee06

770K 26.7K 2.9K

R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innoce... עוד

AO2
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE

CHAPTER 26

19.8K 702 64
נכתב על ידי bitchymee06

Kinabukasan ay ramdam ko ang kaibahan ni Jairon, para siyang hindi mapakali o anuman.

"Natatae ka ba?" usisa ko nang hindi na ako nakatiis sa itsura niya.

Daig niya pa 'yong na-eebak kung mamawis ng todo. Nasa condo ko na ulit siya pagkatapos n'yang magbihis sa kanyang bahay. Kasalukuyan akong nag-aayos ng 'itsura ko sa salamin habang kunot-noong pinagmamasdan ang maya't maya niyang pagkuskos sa kanyang kamay.

Mabilis s'yang umayos ng tayo saka tumingin sa 'kin. Tipid niya pa akong nginitian at umiling.

"I am just... excited," he said.

My lips twitched because of that. "Malimit naman tayong mag-date, ngayon ka pa nangiba," kibit-balikat na sambit ko.

He just laughed 'though it seems like he forced to do it. "Don't mind me. Just continue fixing yourself."

Pinaikutan ko s'ya ng mata at itinuloy ang pagtatali ko sa aking buhok. Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha saka lipstick bilang pagtatapos ng gayak ko.

"Let's go." Tumayo ako at hinigit ko ang inihanda kong mini bag.

He looked at me from head to toe and smiled. "Gorgeous," he commented.

My cheeks automatically heated because of it. "Bola pa," tipid kong wika at nanguna sa paglalakad para maiiwas ang nangangamatis kong mukha.

Hindi na 'ata ako masasanay sa mga papuri niya. Palagi niyang pinabibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tinitingnan niya ako nang puno ng adorasyon habang nagbibitaw ng gano'ng linya.

Mabilis s'yang nakahabol sa 'kin at pinulupot ang kamay sa 'king bewang bago pa man ako makalabas ng silid.

"Nami-miss kana ni Mommy," he murmured.

Awtomatiko akong napangiti sa sinabi niya. Gano'n nga siguro kasaya sa dibdib kapag tanggap ka ng pamilya ng lalaking gusto mo. Nakakataba ng puso na kahit ano pa ang naging impresyon ko sa una naming pagkikita ng kanyang ina ay nagustuhan n'ya ako. Idagdag na rin ang ama niya na humawak sa isang pasaway na estudyanteng katulad ko. Hindi ko kailanman naramdaman ang pagkadisgusto nila sa akin, imbes ay ang galak ang lubos kong nakita sa kanilang mga mata.

Bigla ko tuloy naisip ang partido ko. Unti-unti akong nakaramdam nang pagka-unfair sa parte ni Jairon. Kilala man siya ng mga magulang ko ay hindi naman nila alam ang tungkol sa amin, ni kahit ang mga kasamahan ko ay hindi ko sinabihan tungkol sa kanya bukod sa nangyaring selebrasyon no'ng kasal ni Sophia.

"Where are we going?" tanong ko kay Jairon nang sumakay kami sa sasakyan niya.

"It's a surprise," tugon niya.

Napanguso ako dahil alam ko na kahit anong pilit ko ay hindi n'ya 'yon sasabihin, kaya naman kinuha ko nalang ang cellphone ko at binuksan ang GPS.

"May emergancy ba?" he asked quickly.

Bakas ang pagkabigo sa kanyang tono na pilit niyang ikinukubli.

I smiled at him then shook my head. "Wala, may ite-text lang ako."

Tila nakahinga naman s'ya nang maluwag kaya palihim akong ngumiti.

He really wants to be with me this day.

Itinuon ko ulit ang atensyon sa telepono at nagsimulang gumawa ng mensahe sa grupo namin.

Me:
Follow me. May ipakikilala ako sa inyo.

I chatted and put back my phone. Hindi na hinintay pa ang kanilang mga reply.

"You seem happy," puna ni Jairon sa 'kin habang pinapatakbo ang sasakyan.

"Why not?" I asked.

"Nothing. Ang weird lang dahil mas sumaya ka after mong hawakan cellphone mo," may halong pagtatampo niyang usal.

Mahina akong humalakhak. "Wala akong lalaki," iyon nalang ang sinabi ko para pagaanin ang loob niya.

He sighed and glanced at me. "I love you, bae."

Tulad ng palaging nangyayari ay ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Napag-isipan ko na rin ito kanina. Siguro ay panahon na para pagbigyan ko ang relasyon namin ni Jairon. Maybe later after our date... I'll confess my feelings too.

Itinuon niyang muli sa kalsada ang atensyon, nakikita ko ang lungkot at pagkabigo sa kanyang mga mata na pilit niyang ikinukubli. Gustuhin ko man na pawiin agad 'yon ay pinili ko munang maghintay. Aaminin ko ang lahat pagkatapos ko siyang ipakilala sa mga kaibigan ko.

Halos mahigit tatlong oras din bago kami nakarating sa gusto niyang destinasyon. Narito kami ngayon sa isang resort sa Batangas. Maganda ang palagid. Ang asul na dagat, ang malinis na kapaligiran, ang mabeberdeng halaman at iba't ibang kulay ng mga bulaklak. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi magalak sa pakulo n'yang ito. Ibang-iba kasi ang diskarte niya ngayon kumpara sa mga nagdaan naming date.

"Like it?" he asked as he snaked his arms around my waist.

Nakatayo ako habang nakatanaw sa malawak na dagat. S'ya naman ay nasa likuran ko habang nakayapos sa 'kin.

"Hmmm. I love it," nakangiting pagtatama ko saka siya tiningala.

Ngumiti rin siya pabalik at inilagay ang takas kong buhok sa gilid ng aking tainga. "I am glad that you love it. Let's go?" he invited.

Tanging tango lang ang isinagot ko at nagpakaladkad sa kanya papapasok. Sa ambiance palang ng lugar ay alam kong may pagkasosyal ang resort.

Nagtungo si Jairon sa reception area at inasikaso ang mga kakailanganin namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay tuluyan na kaming nagpunta sa 'ming deluxe suite.

"Overnight ba tayo rito?" usisa ko habang inaayos ang mga gamit ko.

Napakamot siya sa kanyang batok at alanganing tumingin sa 'kin. "Kung pwede sana kahit... two days?" kagat-labing wika niya.

Napangiti ako dahil sa kanyang kilos. He looks like a kid, cute.

I wonder why destiny brought him in my life. We are totally opposite; he's innocent while me? What should I call myself? A killer?

Aaminin kong natitigil ako ngayon sa pag-obserba sa kalaban ko. Masyadong natutuon kay Jairon ang atensyon ko na pati ang paghihiganti sa kalaban ay napabayaan ko na.

Somehow, there's a little space in my heart that I want to be better. For me to deserves someone like him, but I really need to gave my sister the justice she should have.

"Okay," nakangiting sagot ko.

Nangningning ang mga mata niya sa tuwa at mabilis na lumapit sa 'kin para patakan ng halik ang labi ko. Hindi ko tuloy naiwasang humalakhak. I pinched his nose then stared at his eyes.

"Are you happy?" I asked.

"More than happy," he answered with a nod then leaned closer to my face, giving me a passionate kiss.

Agad nag-init ang katawan ko sa halik na ibinibigay niya. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nagdaan ay napapansin ko ang pagkakahilig ko sa pagtatalik. I really like our body being intimate with each other.

Napanguso ako nang putulin niya ang halik at tipid akong hinalikan sa noo. "Let's save it later. For now, kumain muna tayo," aniya.

"Then kainin mo ko," wala sa sariling sambit ko.

He chuckled sexily and hugged me tight. "Come on, bae. 'Wag ka masyadong advance," he said.

"Nagsa-suggest lang, e."

He groaned and buried his face against my neck. "One round and we'll eat outside okay?" tila isa akong bata na kinakausap niya.

Kagat-labi akong tumango bagamat may kaunting pagtutol sa dibdib ko sa tinutukoy niyang one round.

Tulad nang ginusto ko ay nagtalik nga kami ni Jairon sa loob ng inukupa naming suite. Hindi niya binali ang kanyang sinabi na isang beses lang kaming mag-iisa. Gustuhin ko mang magtampo ay unti-unti na rin akong nakaramdam ng gutom kaya nagpati-anod na ako sa kanya.

Labis ang kasiyahan ko nang dal'hin niya ako sa tabing dagat, naroon ang ipinahanda niyang pagkain. Naka-ayos ang lugar. May mga bulaklak at munting lobo na naka-arrange bilang puso. Ang madadaanan ko ay may mga petals din ng bulaklak na kulay pula.

"You planned all of this?" maluha-luha kong tanong.

He smiled and caressed my face gently. Doon ko namalayan na lumuluha na pala ako sa sobrang emosyonal.

"Yes," namamaos na tugon niya.

Mabilis akong yumakap sa kanya. "Thank you," sinserong usal ko.

Hinaplos niya ang buhok ko saka hinalikan ang tuktok ng aking ulo. "No need to thank me, bae."

Nanatili kaming gano'n bago ko napagdesisyunang humiwalay sa kanya. Inakay niya ako papunta sa isang upuan at pinaupo. S'ya naman ay pumunta sa kaharapan kong silya at doon pum'westo.

Nagsimula kaming kumain habang masayang nagkukwentuhan. Pakiramdam ko ay kuntento na ako sa mga sandaling ito, para akong walang problemang dinadala o iniisip.

Nitigilan ako sandali nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko ito saka tiningnan ang notipikasyon.

Aycxe
Hindi mo naman sinabi na isang sine pala ang aabutan namin dito.

Napatingin ako sa paligid. Mula sa likuran ni Jairon ay nakita ko ang mga kasama ko na nakakrus ang mga braso habang tamad na nakatingin sa direksyon namin. Napangiti ako dahil kahit si Sophia ay narito bagamat kakakasal niya lang, 'ayon nga lang kasama niya rin si Matthew. Mukhang sumama siya para siguraduhing ligtas ang kanyang mag-ina.

"Sino'ng tinitingnan mo?" puna sa 'kin ni Jairon saka lumingon sa kanyang likuran.

Nakita ko ang pangungunot ng kanyang noo dahil sa pagtataka. Sinamantala ko naman 'yon para tumayo at sumenyas sa mga kasama ko na lumapit. Gusto ko pang tumawa sapagkat sabay-sabay nila akong inirapan.

"Bae, these are my friends. The Atrómitos Orgánosi heads; Aycxe, Shiela, Noella and Sophia." Pagturo ko isa-isa sa kanila.

"He's my husband, Matthew," ani Sophia sabay lusot ng kanyang kamay sa braso ng asawa.

"And fvckers, here's Jairon. The man that I am talking."

Sabay na sumipol si Noella at Shiela habang tamad naman na nakatingin si Aycxe.

"Nice to meet all of you," pormal na wika ni Jairon bagamat halata ang pagkabigla sa kanyang mukha.

He looked at me, confused. Nginitian ko naman muna siya.

"Pinapunta ko sila," saad ko.

"I... I am surprised," naiiling na wika niya.

"Well, it's really a surprise," natatawang sambit ko.

Napangiti siya at marahan na napailing. "Kumain na ba kayo?" tanong niya sa kanila.

Agad na umikot ang mata ni Sophia. "Finally, you tanong din," aniya.

Nakita ko ang pagngiwi ni Matthew sa kanyang tabi. "Let's go? I'll feed the two of you."

"Gusto ko rin ng ganito," nakangusong wika niya.

Napahilot nalang si Matthew sa kanyang sintido at tumingin sa amin, nanghihingi ng permiso.

"It's okay," Jairon spoke.

"Aba kayo may mga date tapos kami wala? Ano mga sabit kami gano'n?" bulaslas ni Shiela.

Mabilis siyang binatukan ni Sophia. "You stop na marupokpok ka. You nga ang maraming dine-date sa atin. Maka-inarte naman 'to."

Natawa nalang kami sa kanila.

"Sige na, magpaayos na kayo ng inyo riyan sa tabi. Chupi na!" pagtataboy ko sa kanila.

"'Ayon, pagkatapos makuha ang gusto gano'n nalang. Ang sama mo talagang nilalang," kunwaring pagtatampo ni Noella.

"Hindi 'yan uubra sa 'kin. Alis!"

Inirapan nila ako at magkakasabay na tumalikod. Natatawa akong umupo muli sa silya at pinagmasdan si Jairon na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"Hindi ka naman nila parurusahan 'di ba?" tanong niya nang nakabawi sa pagkagulat.

"No. Hindi naman bawal magkarelasyon sa 'min. Isa lang ang pinaka bawal sa grupo namin," saad ko at uminom ng tubig sa baso.

"What is that?" tanong niya habang nakasandal sa kanyang inuupuan.

I looked at him then smiled emptily. "Obey, never betray."

"I felt goosebumps the way you said that," he said, shaking his shoulder.

Kabahan ka talaga dahil walang nabubuhay na trumaydor sa grupo namin.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa tuluyan na kaming natapos. Napansin ko sa kalayuan ang mga kasama ko na may kanya-kanya ring mundo. Minsan pa nila akong sinilip at nakangiting itinaas ang kanilang baso senyales nang pagsuporta sa 'kin.

Nagulat ako nang may lumapit na musikero sa lamesa namin ni Jairon. Taka ko s'yang tiningnan nang tumayo s'ya sa pagkakaupo at naglakad patungo sa gilid ko.

"Can I have this dance?" paglahad niya ng isang kamay sa harapan ko.

Ngumiti ako at tinanggap iyon. "Of course." Tumayo ako at hinayaan s'yang alalayan ako sa gustong mangyari.

Inilagay niya ang braso ko sa kanyang leeg at kinabig ako palapit. Nagsimulang tumugtog ang isang malamyos na musika kasabay nang pagyakap niya sa 'king bewang. Gusto ko pang matawa sapagkat talaga namang napakalapit namin sa isa't isa.

We swayed our body as the music goes by. Walang nagsasalita sa amin sa lumipas na mga minuto. Tila pareho naming ninanamnam ang payapang kaganapan sa sandaling ito.

"Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa 'yo at gano'n mo nalang nakuha ang puso ko..." Mahinang saad niya pagkatapos ng ilang sandali. "Pilit kong pinigilan ang sarili ko na mahulog sa 'yo dahil alam kong pinaglalaruan mo lang ako. Pero siguro nga ay isa akong marupok tulad nang nakikita ko sa internet. Kahit ano'ng pigil ko ay kusa akong nabibitag sa mga galaw mo," natatawang dugtong niya.

Tipid akong napangisi habang inaalala ang mga kalokohan kong ginagawa na palagi niya ring nababaliktad sa huli.

Mabagal siyang humiwalay sa 'kin at malamlam akong tinitigan sa mata. "Alam kong marami kang gusto na gawain sa buhay mo. Marami kang nakalatag na plano para sa kapatid mo. At naiintindihan ko ang takot mo na magpapasok ng tao sa buhay mo. Pero susubok pa rin ako, gagawain ko ang lahat at hindi ako susuko hangga't hindi ako nagiging parte ng buhay mo..."

Nagsimulang magtubig ang mga mata ko sa umaapaw na emosyon. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan niya.

He breathe deeply then stared at me, teary eyed.

"Quennie Rose Rado, my bae, I love you."

Natutop ako sa aking bibig nang nagsimula s'yang lumuhod kasabay nang pagbukas ng isang maliit na kahon sa harapan ko. Tumambad sa 'king paningin ang isang k'wintas. Simple lang ang disenyo n'on. Isang maliit na d'yamanteng pendant, bagay na talagang gustung-gusto ko sapagkat napaka elegante ng dating.

"Will you be my girlfriend?"

Ilang beses pa akong napakurap habang palipat-lipat ng tingin sa kahon at sa kanya. Gusto kong maiyak habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa harapan ko. At this moment, I can picture myself being with him in the future.

Ngumiti ako at astang magsasalita nang napansin ko ang paglapit ng mga kaibigan ko sa 'ming p'westo. Bakas sa mga mata nila ang lungkot at pag-aalangan. Maski si Aycxe na minsan ko lang makitaan ng emosyon ay hindi nakaligtas sa akin ang pagkabigo sa kanyang mga mata.

"What happened?" seryoso kong usisa sa kanila.

Nagkatinginan pa sina Shiela, Noella at Sophia, tila nagpapauyuhan sa pagsasabi.

"What happened?" muli kong tanong habang nakatingin kay Aycxe.

Nakita ko ang mariin niyang paglunok kasabay nang marahan na pagbuka ng kanyang labi.

"Y-Your father..."

המשך קריאה

You'll Also Like

50.6K 1.6K 42
WATTYS 2021 WINNER - WILD CARD CATEGORY Shin Takano used to be a notorious gang leader; living his life surrounded by money, alcohol, cigars, drugs...
1.1M 27.5K 45
ROMANCE|EROTICA|DRAMA ⚠️R18⚠️ "Beg me, Professor, as you serve my wrath." S: 02/24/23 E: 09/03/23
709K 19.5K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...
4.5K 607 23
Chandria Jules' love for Jaxon stems from when they were still young and immature. She was quick to draw the line between them once she begins to not...