She is a Mafia Heiress

By Calystaly

19 2 0

She's Heatherine Hope Antalde Doukas Was destined to be a Queen, And She is a Mafia Heiress. More

She is a Mafia Heiress
Prologue
Chapter 2

Chapter 1

2 0 0
By Calystaly

𝐈 // "Heatherine Hope Antalde Doukas"

"Pakisabi na lang kay mama umalis na ako." Sabi ko habang nagsusuot ng sapatos, "Ate, basta uwian mo na lang po ako ng pasalubong ah? Hehe." Sabi naman ni Faith, nakababata kong kapatid.

"Oo na." Sabi ko at pinitik ang noo nya nang tuluyan ko nang masuot ang sapatos, kaya't napadaing siya. "Aray ko naman, ate!" Sabi niya habang nakahawak sa noo niya at nakanguso.

"Tss. Sige na, sige na, bye." Medyo natatawa kong sabi at tuluyan nang lumabas ng bahay.

"Hindi ka po magmomotor?" Pabahol na sabi ni Faith, "Hindi na, magko-commute lang ako ngayon. 'wag kang maingay masyado." Sabi ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-nguso niya ulit.

"Opo!~ Ingat ka ate! Basta, yung pasalubong ko po ah? Hehehe..." Lumingon ako sa kan'ya at bahagyang kinaway ang kamay ko.

---

Kakadating ko lang ngayon dito sa Casa de Dios, at dumaan ako dito sa likod na bahagi ng mansyon. Kukunin ko lang yung mga gamit ko na gagamitin para sa pasukan bukas.

Tinignan ko ang paligid at pinakiramdaman, nang masiguro kong walang tao ay dali-dali akong umakyat sa mabato at mataas na dingding ng mansyon. Nang makaakyat ako ay kumapit ako sa bakod ng veranda at dahan-dahang itinapak ang paa ko sa marmol na sahig.

Naglalakad ako ngayon dito sa tahimik na hallway ng mansyon papunta sa kuwarto ko, pansin ko mas tahimik ngayon, baka siguro may pinagkakaabalahan sila.

Naramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko kaya't agad ko itong nilingon, at halatang nagulat siya. Mukhang may plano siyang gulatin ako, kaso naramdaman ko kaagad ang presensya niya.

"Ano ba 'yan ate Erine, kahit kailan hindi pa kita nagugulat!" Mahina ngunit pasigaw na sabi ni Jennie sa'kin habang nakahawak sa dibdib niya, nginitian ko lang siya.

"Nasaan sila?" Tanong ko sa kan'ya, "Ah! Na sa pagpupulong sila ngayon, may bago sigurong plano para sa first day of classes bukas. 'Di ba may ibinigay na sa'yo last month? Kaya hindi ka na pinatawag." Mahabang paliwanag niya. Nagsimula na akong maglakad ulit at sumunod naman siya sa'kin.

Ayoko rin namang magpakita sa kanila.

"I hate it kasi parang wala namang mababago sa'kin even though first day of class na bukas, wala paring bago. I'll still stay here. Yun ang gusto nila mommy eh." Malungkot na sabi niya at bumuntong-hininga.

Bata pa si Jennie, magkasing-edad lang sila ni Faith na 12 years old. Ang pinagkaiba nila ay ang buhay na kinalakihan nila, itong si Jennie ay parang preso dito sa mansyon. Hindi siya nakakagala katulad ng ibang mga bata kagaya ni Faith, limitado lang kung hanggang saan siya, laging dapat siyang binabantayan. At homeschooled siya kaya bihirang-bihira lang talaga siyang nakakalabas.

"Baka siguro sa susunod, isama ka namin kung lalabas kami nila Faith. Ipagpapaalam kita, basta kasama natin si Jeyden." Sabi ko at bahagya siyang nilingon, nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya.

"Really, Erine? Thanks! I'll wait for that." Bakas ang saya sa tono niya.

Kinuha ko yung susi ng kuwarto ko at isinuksok sa seraduhan ng pinto nito para bumukas. Bumungad saakin ang tahimik kong kuwarto. Malinis naman ito dahil bihira lang akong pumupunta dito, wala ring mga alikabok dahil panigurado ay nililinis ito ni ate Athena. Masasabi kong maganda naman itong kuwarto ko, pero kahit anong ganda nitong lugar na 'to ay hindi ko kayang magtagal dito, nakakasakal para sa'kin ang presensya ng buong lugar na 'to.

Agad kong kinuha yung mga gamit kong kailangan ko lang para sa eskuwelahan at maayos itong ipinasok sa backpack na dala ko. Nang matapos ako ay agad din akong lumabas, naramdaman kong sumunod naman saakin si Jennie kaya't kinandado ko na agad yung pinto nito.

"You'll leave already?" Tanong sa'kin ni Jennie na bakas ang panghihinayang sa boses niya, "Oo, may pupuntahan pa kasi ako eh. Bibili kami ng gamit ni Channel para sa pasukan bukas. Alam mo rin namang ayaw kong magpakita sa kanila hangga't maaari." Sabi ko habang naglalakad pabalik kung saan ako nanggaling kanina.

Bumuntong-hininga siya, "Basta promise mo ah, isama nyo ako. I'm too bored na dito eh, lagi rin naman kasing busy sila ate." Malungkot nanamang sabi niya.

Isinuot ko yung backpack paharap sa'kin at humawak sa bakuran ng veranda. "I don't do promises." Sabi ko at sinumulan nang bumaba, "Eh diba sabi mo kanina?" Pansin ko ang lalong pagkalungkot ng boses niya, napabuntong-hininga naman ako. "Kusa na lang akong pupunta dito pag bakante ang oras ko, Jennie. Sinabi ko lang sa'yo kanina. Bye." Sabi ko habang patuloy na bumababa "Bye." Mahinang sabi niya.

Nang tuluyan na akong makababa ay tumingala ako sa kan'ya at kumaway, kumaway naman siya pabalik pero bakas ang lungkot sa mukha niya.

Tinignan ko muna ang paligid bago sinimulang maglakad. Dumaan ko sa kakahuyan, para na rin 'tong gubat na nakapaligid sa buong mansyon pero maliit lang.

Pagkalabas ko ay na sa highway na ako, agad akong pumara ng jeep na papuntang mall.

Tinignan ko yung relong pambisig ko, 10:19 am na, umalis ako kanina sa bahay papunta dito ng mga alas-otso.

Nang tuluyan akong maka-upo ay tinignan ko ang iba pang nandito kasama na ang drayber. Bale anim kaming lahat na pasahero dito, mukhang kapapasahe lang ni kuyang drayber mga mahigit trenta minutong nakalipas.

Sa kanang helera ako umupo, malapit lang sa bungad nitong jeep. Tatlong pasahero ang nakaupo sa harapan ko, isang payat na mama, isang magandang dilag na mukhang matanda lang saakin ng ilang taon, at isang ale na mukhang papasok sa pinagta-trabahuan niya. Ang sa kahilera ko naman ay isang kuyang naka-earphone habang may hawak na selpon, yung bag din niya ay na sa harapan niya katulad ng saakin at mukhang papasok palang din siya sa trabaho niya base sa unipormeng suot niya.

Sa harap naman na katabi ng drayber ay isang lalaki na nakatanaw sa labas, mukha pa naman siyang bata base sa ayos niya. Hindi ko nga lang makita ang kabuuan ng mukha niya kahit sa rearview mirror ng jeep dahil naka facemask siyang kulay itim.

Maya-maya pa ay napansin kong hindi kaaya-aya yung nagiging ayos ng upo ng mamang payatot na nasa harapan ko, masyado n'yang nilalakihan ang pagkakabukaka niya. Halos sakop niya na ng espasyong kasya ang tatlong tao.

Umurong yung katabi nitong babae palalapit doon sa katabi niyang ale, masasabi kong maganda siya at makinis. Agaw pansin talaga siya lalo na't nakasuot siya ng short, ngunit hindi naman sagwang tignan pero hindi talaga maitatangging mapapansin mo ito dahil nga makinis siya. Tsk, tipikal na pagnanasaan ng mga manyakis.

Napatingin muli ako sa patpating mama na nasa harapan ko nang napansin kong ginagalaw niya yung gitang bahagi ng shorts niya habang nakatingin kay ate, tinignan niya ito ng mula ulo hanggang sa tumigil sa makinis na legs nito.

Nakakadiri.

Umurong pa siya ulit ng konti papalapit sa babae at inilapit ang kamay niya sa braso nito staka mahagyang hinaplos-haplos gamit ang likurang bahagi ng kamay niya habang nakapatong yung braso niya sa may harang ng bintana. Gets? Basta.

Pasimple lang yung ginagawa nung mama, para kunyari aksidenteng napapadikit lang dahil sa pag-andar ng jeep, pero walang lusot sa'kin ang ginagawa ng manyakis na 'to.

Nagsimula akong makaramdam ng matinding iritasyon.

Tinignan ko ulit yung mga iba pang pasahero dito, mukhang kaming dalawa lang nung ate ang nakakapansin sa ikinikilos ng patpating mama, bakas ang pinaghalog pagkailang at takot sa mukha ni ate.

"Hoy. Tigilan mo 'yan, baka bigla kitang sipain." Kalmado pang banta ko dito sa mamang manyakis.

Lumingon ako doon sa ate, "Dito ka na ho pumwesto." Sabi ko sa kan'ya at isinenyas ang katabi kong puwesto kaya agad siyang lumipat dito.

"Anong problema mo?" Maangas na tanong sa'kin nung manyakis kaya sa kan'ya naman ako lumingon. Pinanlalakihan niya ako ng mata, halatang nainis sa ginawa ko. At pansin kong may kakaiba sa mata niya.

Nakatira pa yata 'to.

"Ikaw. Umayos ka ng upo mo." Maangas ding sabi ko sa kan'ya. "Sino ka ba para utusan ako, ha!?" Tumaas ang boses na sabi niya, halatang pumutok na ang butchi ng g*go.

"Aayos ka ng upo mo o sisipain kitang manyakis ka?" Kalmadong tanong ko sa kan'ya.

" 'wag kang mangingialam ah? Pakielamera ka!" Sigaw niya at lumapit saakin kaya inatras ko ang mukha ko hanggang sa makasandal na ito sa dingding ng jeep, pero hindi parin nakaligtas yung mukha ko sa tumalsik niyang laway, at masasabi kong hindi pa siya nagsisipilyo dahil sa tindi ng hininga niya.

Tinde, pwede nang gawing pampatulog.

Napapikit ako ng mariin, ramdam na ramdam ko ang matinding iritasyon pero pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. T*ngina lang, dugyot amp*ta.

Agad akong dumilat at tinignan siya ng nanlilisik na tingin, "Uupo ka, o uupo kang t*ngina ka?" Nagtitimpi kong tanong.

Mukhang nagulat naman siya ng konti sa'kin pero hindi parin nagpatinag, naglabas ng kutsilyo ang g*go at itinutok sa'kin. Sumulyap siya sa katabi ko bago ibinalik saakin ang tingin. Niyakap ko ang bag ko kaya napatingin siya dito, mahirap na.

"'Yan, akin na 'yan. Ibigay mo saakin ang gamit mo!" Sigaw niya at umambang sasaksakin ako sa mukha kaya mabilis kong tinampal yung kamay niya ng malakas, dahilan para mabitawan niya yung kutsilyo. Inapakan ko ito ng mariin gamit ang kaliwang paa ko para hindi niya na makuha.

Agad ko siyang sinipa sa gitnang ibabang parte niya kaya tumalsik siya at humampas ang likod niya sa dingding ng jeep na lumikha ng ingay, bumalatay sa mukha niya ang sakit.

Manyakis na magnanakaw pa amp*ta.

"BABA!" Malakas na sigaw ko sa kan'ya, inuutusan ko siya.

Mukhang nagulat ko ang lahat ng narito kaya't napatingin na silang lahat saamin maging ang ibang pasahero sa kabilang jeep, ngunit hindi ko na sila pinansin.

"BABABA KA, O IPADADALA PA KITA SA POLICE STATION??" Sigaw ko muli sa patpating manyakis, ramdam ko ang kulo sa sistema ko kahit pinipilit kong kumalma.

Ihihinto na sana ng drayber ang jeep ngunit tinapat ko sa kan'ya ang kamay ko--- tandang tumututol ako. Wala akong pake kahit pa umaandar itong jeep, sayang sa minutong gugugulin non kung wala namang pumapara.

Namimilipit yung mama sa sakit habang nakahawak sa gitnang ibabang parte niya dahil sa lakas ng pagkakasipa ko dito.

Tss, bagay lang sa mga katulad mo 'yan.

Masama akong tinignan ng mama dahil sa pag-ngisi ko, pero ginantihan ko lang din siya ng mas masamang tingin.

nagdalawang-isip pa yung mama dahil tumingin muna siya saakin at sa labas, tila natataranta. Hanggang sa tuluyang tumigil ang jeep pati na rin ang ipa pang mga sasakyang kasabay namin, red light ata. Hindi ko inalis ang paningin ko dito sa mama.

"Ayokong makikita ko ulit 'yang pagmumukha mo kahit saan, naiintindihan mo?" Mababang boses na pagbabanta ko sa kan'ya at mabilis naman siyang tumango-tango.

Umasta na siyang baba ng jeep, pero hindi pa man siya tuluyang nakakababa ay tinadyakan ko na siya sa likod kaya napadapa siya sa kalsada. Napatingin saamin ang mga nakiki-osusyong pasahero at dumadaan, may nakita pa akong kumukuha ng video.

Itinuro ko ang manyakis na mama, nakita ko namang may traffic enforcer na papalapit. "'yan, manyakis 'yan... holdaper din. Kayo nang bahala diyan." Nababagot na sabi ko at muling umandar ang jeep.

Napabuntong-hininga ako, kinuha ko ang wet wipes at alcohol sa bag ko para punasan yung mukha kong tinalsikan ng laway. T*ngina, kadiri. Ang aga-aga nakakasira ng araw.

Ipapakilala ko ba yung sarili ko? Kailangan ba? Hmm, ako si Heatherine Hope Antalde Doukas. 'Yan ang full name ko.

Ayoko nang mag-kuwento pa ng kung ano-ano tungkol sa sarili ko kasi tinatamad ako, at masasabi kong masyadong boring ang buhay ko, hindi masaya. Kaya kung gusto mo pa akong makilala at makasagap ng chismis tungkol sa buhay ko, basahin mo na lang 'tong kuwentong 'to. Eh kung ayaw mo naman, eh ano pang ginagawa mo rito?

Habang pinupunasan ko yung mukha ko ng wet wipes ay naramdaman kong humawak sa braso ko yung babae kaya napatingin ako sa kan'ya, maluha-luha siyang nakatingin sa'kin. Natakot talaga siya doon sa payatot na mama kanina.

"Bhe, salamat ah? Pinagtanggol mo 'ko doon sa mama na 'yon, nakakatakot kasi siya kanina kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko." Bakas parin ang takot na sabi niya sa'kin, napabuntong-hininga na lang ako.

"Pag may nangyari ho ulit na gano'n sa'yo, dapat lakasan mo loob mo at 'wag ka magdalawang isip na ipagtanggol yung sarili mo kung wala namang masama. Walang mangyayari kung paiiralin mo lang yung takot mo." Sabi ko at naglagay ng alcohol sa aking kamay staka idinampi ito sa mukha ko.

"Nako iha, ang tapang mo kanina doon sa ginawa mo sa mamang 'yon, kanina ko pa nga napapansing may kakaiba sa kan'ya eh, mukhang naka-droga pa." Singit naman nung aleng katabi kanina ni ate. Hindi parin nawawala yung iritasyong nararamdaman ko.

Eh bakit hindi ikaw yung unang sumita? Kanina mo pa naman ho pala napapansin.

"Oo nga miss, ang astig mo doon! Kinuhaan ko nga kayo ng video kanina eh, mamaya ipo-post ko 'to sa facenote. Panigurado magva-viral ka kasi ang astig mo!" Singit naman nung kuyang katabi ko kanina.

Etchusero. Bakit hindi ka manlang tumulong kanina doon bilang lalaki para paalisin yung manyakis? Tss.

"Eh 'wag na ho, wala ho akong intensyong sumikat. Ginawa ko lang ho ang dapat at dahil babae rin ako." Sabi ko na lang.

Hindi na rin ako umimik pagkatapos non, wala rin naman akong magandang sasabihin sa kanila.

Napapansin kong dumarami na ang mga pasahero nitong jeep kaya nagsuot na ako ng face mask staka naglabas ng pamaypay dahil umiinit na rin.

"Bayad ho, manong. Sa may Happy mall po. Pasuyo na lang ho." Malakas na sabi ko habang nakikisuyo sa ibang pasaherong na sa unahan, napansin kong wala na yung lalaking na sa tabi kanina nung driver. Bumaba na siguro.

Napatingin ako sa naka-upo sa harap kong magkasintahang mukhang 15 at 16 years old, napailing lang ako dahil naghaharutan sila sa harap ko na parang silang dalawa lang ang tao dito. Isama pa yung nakaka-iritang bungisngis ng nene na parang kinikiliti dahil sa ibinubulong na kung ano ng kasintahan niya habang nakapatong ang kamay sa hita niya.. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila dahil naiirita nanaman ako.

Nakaka-asiwa tignan amp, ambabata pa eh. Alam ba 'yan ng mga magulang n'yo?

Maya-maya pa ay nandito na kami sa may babaan ng jeep sa mall, bababa na sana ako nang may humawak sa braso ko kaya nilingon ko naman ito. Ah, si ate pala kanina.

Parang nahihiya pa siya sa'kin nung lumingon ako sa kan'ya, pero ang ipinagtaka ko ay nakaabot saakin ang isa niyang kamay na may hawak na... Isang libo...?

Eh??

"A-ah, sa'yo na 'yan, bilang pasasalamat ko. Hi-hindi ko alam kung pa'no kita pasasalamatan eh. Salamat ulit, tanggapin mo na." Medyo nautal pang sabi niya, inabot niya yung isa kong kamay at pilit na nilagay yung pera sa palad ko.

Tatanggihan ko pa sana siya kaso mukhang nakababa na yung ibang pasahero at aandar na yung jeep, kaya bumaba na lang din ako.

Pagkababa ko ay nakatingin parin ako dito sa isang libong hawak ko, iniisip ko kung anong gagawin ko dito eh may pera naman ako.

Pagkapasok ko ng mall ay inayos ko yung face mask na suot ko at inilabas yung selpon ko, muntikan ko nang makalimutan na magkikita nga pala kami ni Channel ngayon.

: Asan ka na? Nandito na ako sa mall.
- Ako

Maya-maya pa ay nag-reply na siya.

; Otw na kamiii! ^_^
Basta hintayin mo na lang ako sa Jobillee :)
- Channel

Tsk, kanina pa kami nag-usap nung na sa bahay pa ako tapos papunta palang siya? Tss.

Ibinalik ko na yung selpon sa bag ko at tinignan nanaman yung isang libong binigay sa'kin nung ate kanina, iniisip ko parin kung ano bang pwede kong gamitin dito kasi nga may pera naman ako kaya hindi ko kailangan.

Papunta na ako sa isang fast food restau nang mapansin kong may lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko, iiwas na sana ako kaso huli na kasi masyado na siyang malapit sa pwesto ko. Kaya nagkabanggaan kami at parehong bumagsak sa sahig.

Ramdam ko yung lakas ng impact ng pagka-bunggo niya sa'kin kaya hindi ko naalalayan agad yung sarili ko at napaupo ako sa sahig, mabuti na lang kahit paano nabalanse ko yung sarili ko, kundi baka nakasalampak na yung buong likod ko sa sahig ngayon.

Pero shet lang, ansakit ng pwet at dibdib ko. Fvck.

"O-ow..." Rinig kong angil ng isang lalaki sa gilid ko kaya nilingon ko ito. Lalaking bahagyang nakadapa, nakasuot ito ng pink polo na nakatupi hanggang siko at black jeans.

Bigla akong napatigil nang may maalala ako... T*ngina, yung laptop ko!

Agad kong binuksan yung bag ko, anlakas ng pagkakatama eh. Oo, laptop yung kinuha ko kanina doon sa mansyon. Tsk, baka naapektuhan yung screen...

Kahit ansakit ng pwet ko sa pagkakabagsak, pinilit kong tumayo at lumapit sa pwedeng pagpapatungan ng laptop.

"Miss, papatong lang ho ah?" Paalam ko doon sa saleslady sa isang stall, hindi ko na siya hinintay pang um-awon.

Maingat kong ipinatong yung laptop ko doon at binuksan ito, kinakabahan ako kasi baka nasira yung LCD sa lakas ng pagkakabunggo sa'kin nung lalaki kanina.

Agad kong binuksan ito, mabuti naman walang problema sa screen. Pero tinignan ko naman ang kabuuan nitong laptop, baka kasi may barag o kung ano. Staka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita kong wala naman itong kung anong pinsala.

"Jihiro! HAHAHAHA huleee!" Rinig kong sabi sa bandang likuran ko habang inaayos ko yung laptop para ilagay na sa bag ko. "Oh, what happend?" Aning tinig naman ng isa.

"Tsh, I just bumped into someone."

"Huh? Oh, hindi manlang nag-sorry sa'yo?"

"I'm the one who should say sorry Cuzcuz, kasalanan mo eh..."

"Huh? Bakit ako?? Eh ikaw ang nakabangga eh!"

Hmm... Parang pamilyar yung parehong pangalang nabanggit...

Pagkaharap ko ay nakita ko yung lalaking nakabungguan ko kanina habang nakahawak sa kaliwang braso niya na tumama sa laptop ko, may kasama na itong dalawa pang lalaki. Mukhang mga kasing-edad ko lang yung dalawa maliban doon sa isang may hawak na supot ng kendi, parang mas bata siya. Pinakamatangkad sa kanila yung nakabangga ko at magkasing height naman yung dalawa niyang kasama na mas maliit sa kan'ya ng onti.

Lumapit ito saakin kasunod nung dalawa niya pang kasama,
"Uhh... Miss, sorry about that kasi nabangga kita. Are you hurt? H-how about your laptop?" Tanong nung lalaki, bakas ang
pag-aalinlangan na tanong niya.

Pasin ko yung pagka-slang ng Tagalog niya. Yayamanin ata 'tong mga 'to base sa ayos at tindig nila, mukhang may lahi din. Medyo singkit itong nakabangga ko at maputi, parang koryano.

"Oks lang, wala namang sira yung laptop ko. Sige, una na ako." Sabi ko at tumingin sa dalawa niya pang kasama pabalik sa kan'ya. Bahagya akong ngumiti kahit hindi naman kita dahil nakasuot parin ako ng facemask.

"A-ah, a-are you sure...?" Eh? Parang nailang naman 'tong koryanong 'to.

"Oo nga, tinignan ko na. Sige, una na 'ko. Salamat." Bahagya akong yumuko sa kanila at naglakad na paalis.

I'll see you when I see you...

Hindi ko maiwasang mapaisip, pamilyar yung pangalan nung dalawang nabanggit.

Ah, naalala ko na.

Long time no see...

Isinantabi ko na muna ang isiping iyon at dumiretso na sa fast food chain na pupuntahan ko pa sana kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
264K 6.6K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec GarcĂ­a. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...