ANJOLIX'S POINT OF VIEW
Umuwi akong mag-isa at nalulungkot. Nakaalis na si Thadner at hindi ko man lang alam kung kailan siya babalik. Gusto kong kulitin siya sa paulit-ulit na tawag dahil sa tingin ko 'yon ang paraan ko ng pagbawi sa kaniya pero mukhang malabo ko 'yong gagawin dahil alam ko namang may kailangan siyang uunahin.
Napangiti ako habang nakahiga sa kama ko. Ngayong alam na nila Pinky at Clarrize ang sikreto ko bakit hindi ako matatalo sa gitna ng entablado, mas nagkakaroon ako ng pagkakataong manatili sa Pilipinas. Nagkaroon ako ng pagkakataong makasali sa paparating na competition. Kahit pa ako ang dadalhin sa Norway, gusto ko pa ding makasali at ipakita sa lahat ng Madssonista na kaya kong ipaglaban ang aming paaralan sa iba't ibang kalaban. Kaya kong ipanalo ang aming paaralan sa lahat ng paparating na paligsahan.
Matagal kong pinangarap ang makatungtong ng World Stage dahil dito ako nag-aaral sa Madsson.
Matagal na akong nakatungtong ng World Stage dahil parte narin naman kami ng Ballet Organization.
Iyon ang pinagkaiba ng mga pangarap ko. Ang gusto ko sa ngayon ay ang dalhin ang Madsson sa iba't ibang bansa kahit pa palagi narin naman akong sumasayaw sa ibang bansa. Mag-aaral kasi ako ng Madsson, hindi pa nakarating ang aming paaralan sa ibang bansa at hindi pa umabot sa ibang World competition ang Madsson sa larang ng pagsasayaw kaya ang nang mag-umpisa akong mag-aral dito ay pinangarap ko nang dalhin ang pangalan ng Madsson sa ibang bansa. Kahit pa parte na kami sa isang Ballet Organization nais rin ng aking ina na makuha ang titulo tulad ng nakuha ng aking lola sa mas lalong madaling panahon. Ang dahilan, titigil na ako sa pagsasayaw dahil itutuon ko na ang atensyon ko sa negosyo namin. Kaya mas napepressure akong kunin ang titulo dahil ito na ang huling kompetisyon ko dito sa Madsson.
Ang Ballerina Palace ay magpapatuloy sa pagtanggap ng mga bagong estudyante at magpapatuloy sa pagdala ng mga estudyante sa ibang bansa para isabak sa ibang kompetisyon. Nakadipende sa desisyon ng kanilang pamilya kung nais nilang mag-aral o sasayaw habang buhay. Wala kaming pinipilit sa kanila dahil kung sino ang nagkukusang sumama, lumapit at saka mag-aral sa Palasyo ay sila itong tinatanggap namin at mas tinutulungan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Hindi pribado ang lugar namin pero 'yon nga lang, hindi kilala kaya naman kaunti lamang ang mga estudyanteng aming pinapaaral sa larangan ng pagsasayaw.
Ang mga pointe shoes na nakita nina Pinky at Clarrize sa aking Dance Area ay akin lahat ng iyon.
"Alam niyo, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari.. Mula kay Gajai, Thadner saka kay Ellys. Grabe.. Umabot pa talaga sa patayan ang kadesperadahan ni Ellys no?" nangibabaw ang boses ni Pinky at dire-diretsong nagsalita ng makarating kami sa Canteen. Lunes na ngayong araw. Ibig sabihin, lumipas na ang apat na araw nang makaalis si Thadner papuntang Norway.
"Ang sabi ni Thadner sa 'kin.. Binantaan daw kasi siya ng mga dati niyang kaibigan.. Sa WAS." sagot ko habang naghahanap kami ng pwesto.
"Tatlong taon na siya dito pero never niya sinabing nanggaling siya sa WAS. 'di ba si Zimmer do'n din nanggaling?" ani Clarrize habang papaupo. Si Pinky ang nag-order ng meryenda para sa aming tatlo.
Tumango ako sa kaniya. "Nalaman ko nga lang noong sinabi ni Mommy sa akin. Dahil naging estudyante daw niya si Thadner nang elementary."
Nanlaki ang mata niya. Naroon siya sa harap ko. "Totoo? Kung gano'n ay matagal na nga siyang nag-aaral ng Ballet? Eh, diba madalang lamang yung ballet performers do'n?"
Tumango ako sa kaniya. "Sabi niya, siya lang naman daw ang sumasayaw ng ballet do'n.. Tsaka itong si Lacson na matalik niyang kaibigan."
"Ay.. Oo nga. Ang sabi ni Mommy nang nakaraan, siya nga yung lalaking nakita sa CCTV footage. Pero ang mas nakakagulat ay si Ellys mismo ang nag-utos no'n.."
"Siguro nagawa niya 'yon dahil ayaw niyang ma buking.. na hindi lang isang lalaki ang nilalandi niya, kundi tig-tatlo-tatlo pa." sumulpot si Pinky habang nilalapag ang mga naunang order namin. "Tsaka, matagal na talagang masama si Ellys. Kawawa lang si Gajai sa kaniya.. Akalain mo nga namang ginagawa lang niyang utusan. Tss." napasiring siya saka umupo sa tabi ni Clarrize.
"Hindi ko nga alam paano sila nagkakilala ng Lacson na 'yon bakit niya 'yon nautusan.." biglang banggit ko.
"Kaya nga.. Huwag niyang sabihing may koneksyon rin siya doon sa Lacson ah.. Ano 'yon? Hindi nakuntento sa isang lalaki? Apat pa talaga? Huwag niya ding sabihin na may nakaraan din sila ni Marcus ah!?" ani Clarrize dahilan para manlaki ang mata ko. Kumunot ng bahagya ang noo ko.
"M-Marcus? A-anong meron? Hindi ko alam yan ah?" sabi ko. Mahihimigan ang pagtataka.
Umawang ang labi niya batid kong pa basta-basta lang siyang nagsalita. "Hala.." aniya at tama nga akong wala sa sariling binnggit niya iyon. "Eh kasi.."
"Mm. Sabihin mo na, my friend." ani Pinky sa kaibigan niya. Nanunukso.
"Nanliligaw kasi si Marcus sa akin, sis.. Nang Birthday niya. Eh--hindi tayo magkasundo no'n kasi medyo nagtatampo ako no'n sa 'yo. Akala ko kasi pinalitan mo na si Thadner eh." ngumiwi siya.
Bahagya akong natawa. Lumapit ang waiter sa akin at nilapag ang order namin. "Ano ka ba? Walang kami. Tsaka, iyon nanaman ang kasalanan ko.. nagpa-uto nanaman ako." napanguso ako. "Tsaka.. Pangako ko na sa sarili kong hinding hindi na ako lalapit pa sa kung sino sa kanila dahil alam ko namang si Thadner ang mahal ko."
"Naaaaks!!" tumawa si Pinky. "Kahit natalo 'yung manok kong si Zimmer alam ko nang noon paman may gusto ka kay Thadner eh." tumawa siya tsaka tinuhog ang steak. "Anyway, itong si Clarrize at Marcus.. naku! my friend, may pa age doesn't matter pa talaga silang nalalaman."
Susubo na sana ako ng bigla ay natawa ako. "How old are you, Clar? You're 19, right?"
"Mm.. Saka, nanliligaw pa lang naman 'yon sa 'kin. Wag ka ngang ano diyan, Pinky. Okay rin naman siya kina Mommy eh." paglaban ni Clarrize.
"Marcus is 25. That'll be a good relationship if ever na sagutin mo siya. You're into a serious and matured one." kumindat ako saka ngumisi. Sumiring lang siya at tuluyan na kaming kumain.
"Maraming tinatago si Thadner no? Nakakainis.. Kahit sila Chyle at Megz hindi nila alam tungkol sa mga Junior, Senior ballerina at ballerino eh.." napangiwi si Pinky habang ngumunguya. "Saka, ano bang meron don sa mga title na pinag-aagawan ninyo? Parang title lang naman no? Hello..." dagdag niya saka pinalibot ang mata.
"Palibhasa kasi Pinky artista kana, isang tawag lang sayo pipirma kana ng kontrata. Samantalang 'yung sa 'min? Hindi 'yun madali Pinky dahil nasa mataas na ranko ang lola ko.. Kami 'yung next generation nila kaya ito.. Kami 'yung nakandaugaga para sa title niya." napanguso ako matapos kong sagutin ang sinabi ni Pinky. "Saka, titigil ako sa pagsasayaw ko if it's a performance outside Ballerina Palace. I'm not going to stop dancing inside our school. Besides, all my talent fees were given to the students there. That's why lahat ng competitions dito at sa ibang bansa naipapanalo ko.. Hindi 'yon napupunta sa bulsa ko kundi sa kusa kong binibigay sa kanila 'yon.. Alam mo, kung gusto mo maging teacher do'n pweding-pwedi talaga.."
"Totoo?" sabay na tanong nila. Tumango ako.
"Kasu.. I'm proceeding medical course." napangusong sabi ni Clarrize.
"How about you?" tanong ko kay Pinky.
"I didn't know, you know?"aniya na tila tinutukso 'yung englisherang si Clarrize. "You know.. that's--Basta mag-aartista ako. Alam niyo namang Biterano't biterana yung parents ko at iba kong titos and titas di ba?"
Napangiwi nalang ako saka ngumuya. Tinapos na namin ang meryenda pero hindi parin kami umaalis sa mesa.
"Hindi nanaman pumasok si Zimmer no? Ano nanaman bang nangyari sa isang 'yon?" si Clareize ay saka sumimsim ng pineapple juice.
"Oo nga no? May tatlong buwan pa naman bago ang FOPA. Tsaka.. Sana lang maging fair yung resulta ng winners! Naku pag naging cooking show 'to magkakagulo talaga dito!" pagdidiin ni Pinky habang nagtataray. "Sana huwag nang maulit 'yung nangyari sa 'yo Alex ah. Yung nawalan ka ng malay.. Tss."
"Bakit naman?" kunot noong tanong ko.
"Loka! Ano? Gusto mo din bang maulit 'yon.. para maulit din yung pangalawang kompetsiyon sa Marso!? Nakakapagod sumayaw Sis!"
"Oo nga.. Yan tuloy hindi tayo nagkaroon ng recitals para sa pagtatapos ng school year. Kung hindi nga lang masama yang Ellys na 'yan edi sana may premyo din kami. Akalain mong, three million 'yung napanalunan ninyo? Tig-isang miluon kayo, tapos may Trip to Norway pa.. may scholarship pa may nga trophy.. Grabe." napabuntong ni hininga si Clarrize.
"Tss. Yung napanalunan ko binigay ko sa isang student namin. Alam niyo kaya mas pinipili kong manalo kasi yon ang way ko para makatulong.."
"Oh. Eh, ano naman ang gagawin ni Thadner sa Norway?"
"Pinili niya 'yung scholarship nalang kasi alam niyang ako 'yung makakalaban niya.. So, ayun.. Sa halip na kalabanin ako.. Mag-aaral nalang daw siya sa Norway..." napanguso ako.
"Pero magkakalaban parin kayo?"
Bahagya akong tumango sa bumuntong hininga. Napasulyap ako sa mga titig nila. "Para lang hindi ma disqualify ang Pilipinas kaya kunwari kalabanin niya ako. Kaya sinabi niya rin sa 'kin nang nakaraan na pinilit niya ang Mommy niyang kunin ang scholarship do'n kesa kalabanin ang taong mahal niya.." Napatingin ako sa palad kong nakapatong sa mesa.
"Mahal ka talaga ni Thadner.." mahinang sabi ni Clarrize. Hindi ko nagawang tumingin sa kanila. "Paano na 'yan? Mayroon din palang pas de deux.. Wala parin tayong participants do'n."
"Ako sa babae saka kakausapin ko si Zimmer kung pwedi siya." sambit ko.
"Sis! Kakasabi mo nga lang na hindi ka na lalapit sa ibang lalaki? Ano to?"
Kumunot ang noo ko. Ang pagkamalisyosa talaga ni Clarrize. "Huwag mo nga akong ginaganyan, Clarrize. Competition 'to, malamang kailangan din ng cooperation. Nanggigil ako sa 'yo.." tumiim ang bagang ko.
Napangisi lang siya. Sumulyap siya sa likuran ko pero umiwas ako ng tingin sa kaniya. "Naalala mo ba 'yung away sa pagitan nina Megz at Excy?" biglang aniya dahilan para sabay kami ni Pinky tumingin sa kaniya. Ngumuso siya sa pikuran ko. Marahan ko ding nilingon ang tinitingnan ng mata niya. "Yung mga araw na nandiyan si Thadner 'yon pala 'yung mga araw na malungkot siya.. Pinili niya ang mag-isa at walang mapagsabihan sa mga pinagdaanan niya.. Palihim ka niyang sinusulyapan kahit na nakangiti ka samantalang siya ay namumugto ang mga mata."
Napako ng paningin ko sa lamesa kung saan si Thadner noon naka-upo at kumakain.. Iniimagine ko yung araw na 'yon.. Kung sana nga pweding ibalik 'yung mga panahong 'yon, sana naging dahilan din ako minsan ng pagngiti niya noon. Sana natulungan ko siyang maging masaya sa kabila ng pinagdaan niya. Kung sana ay alam ko 'yung nangyari sa ama niya, sana nasa tabi niya ako noon..
"Alis na tayo.." anyaya ko. Pinipigilan ko ang pagaralgal ng boses ko.
"Ensayo na tayo.." ani Clarrize sabay tayo.
Zimmer's POV
"Sinong sinisisi mo? Kami? Eh, 'yang tanginang girlfriend mo ang sumira mismo sa relasyon ninyo tapos susulong ka sa'min dito?" nanlalaki ang mata ni Wil habang nagsasalita.
Tikom ang bibig ko habang pinipigilan ang galit ko sa kanila. "Kung hindi kayo mapera edi sana tahimik ngayon ang buhay ninyo! Kung ginagamit ninyo sa tama ang talentong meron kayo edi sana nabubuhay kayo ngayon sa kapayapaan!"
"Bawiin mo ang sinabi mo, Zimmer!"
"Ayokong bawiin dahil totoo ang sinasabi ko! Kung ako sa inyo.. Aalis ako sa grupong 'to!" wika ko. malakas ang boses.
"Mabuti pa! Hindi ka namin kailangan dito! May choreographer kami kahit wala na si Lacson dito! Kung hindi dahil diyan sa Alex na 'yan-- bwisit!" sigaw niya sa harap naming lahat. Napapadyak siya sa sobrang gigil.
Napaangat lang ang labi ko. "Dapat nga nandoon din kayo sa bilangguan bakit nandito pa kayo!?"
Bigla niya akong nilingon tsaka agad kong sinalubong ang kaniyang matigas na kamao.
"Wil!!" sigaw ng mga babae.
Napaupo ako sa sofa sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya. "Sisiguraduhin naming isasama ka sa bilangguan." nanggigigil ang boses niya habang hawak ang kuwelyo ko.
"Kung gusto mo edi sige.. Pero mauna na kayo." ngumisi ako saka agad na hinawakan ang kaniyang kamay at walang ka hirap-hirap na itinabi bigla sa gilid dahilan para matumba ang doon.
"Zimmer! Ano ba!? Wala ka na bang ibang dala dito kundi kamalasan!?" biglang nangibabaw ang boses ni Schiony. Nilingon ko siya saka ngumisi.
"Kamalasan? Ako pa mismo ang nagbigay ng kamalasan sa inyo? Ang galing niyo.." umiling ako habang ngumisi.
"Umalis kana.. " Iyon na ang huling beses na nagsalita siya dahil umalis na ako sa kampon nila.
Sa sasakyan ko ako tumambay buong magdamag dahil wala na akong natutuluyang condo. Wala na akong pera kaya binenta ko ng tinutuluyan ko. Hindi ako nakapag-aral ng maayos at pumapasok sa Madsson araw-araw.
Ilang linggo pa ang lumipas ay nakapagdesisyon akong pumasok ng Madsson.
"Finally, you're back. Edi, Welcome Back!" pinasiring ni Pinky ang mata niya ng makita ako. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa Boy's Dressing Room. Minadali ko lang ang pag bihis dahil alam kong matagal na akong hindi Nakapag-ensayo.
"Oh, Zimmer.. Bakit ngayon ka lang nanaman pumasok?" bigla ay tanong ni Clarrize nang papalabas na ako. Naplingon ako sa kaniya doon ko lang nakita si Alex. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Uh.. May problema kasi kaya hindi ako nakapasok." Sagot ko saka dumiretso muli sa boy's locker upang ilagay sa loob ang unipormeng hinubad ko.
Maya-maya pa.
"Zimmer is it okay for you if we'll be partners in pas de deux?" biglang nangibabaw ang boses ni Alex matapos ang drillings. Kumunot ang noo ko.
"B-bakit? Akala ko papasok na si Th-thadner? Akala ko siya na? Hindi pa ba siya pumapasok?"
"Nasa Norway siya."
Natigilan ako. "N-Norway?"
Nagsalubong ang kilay niya maging sina Clarrize at Pinky. "O-Oo.. Last week lang siya umalis." aniya dahilan para magtaka ako. "Bakit? May problema ba?"
"W-wala.. Ano nga ulit 'yung sabi mo? Pas de deux?"
"Oo.. Tayong dalawa nalang sasayaw sa Pas de deux. Substitute si Alexander sayo sa Swan Lake."
Napabuntong hininga nalang ako saka tumango. "Malapit na ang kompetisyon.. Makakalaban natin ang WAS." diretsong sambit ko. Napaupod silang tatlo sa sahig at nag cross-sitting position samantalang ako ay nakatayo at nakasandal sa dance barre. Nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang mga kunot nilang noo.
"Kakilala ba kayo ni Thadner??" biglang tanong ni Alex habang nakatingin sa salamin at inaayos ang tali sa buhok.
Umiling ako sa kaniya. "Hindi. Bakit?"
"Eh, 'di ba, sa Western Arts School ka nanggaling? Do'n din kasi siya nag-elementary hanggang grade 9 eh." dire-diretsong sagot ni Alex habang naglalagay ng clips sa buhok niya.
Natigilan ako. May kung anong kumabog sa dibdib ko. "H-ha? Doon din siya nanggaling?"
"Oo? Bakit hindi mo alam? Di ba sa WAS ka nanggaling?" ani Clarrize habang tinatali ng maayos ang Pointe Shoes.
Umiling ako. "Teka.. Hindi ko kilala si Thadner don.. Matagal na rin naman ako sa WAS eh.."
"Paanong hindi kayo magkakakilala? kasing-edad naman kayo bakit hindi kayo magkakilala? Hindi ba kayo magkaklase don?" sunod-sunod na tanong ni Alex. Napuno ng pagtataka ang mga mukha nila. Napalunok ako.
"Uhm.. Hindi naman permanente ang pag-aaral ko sa WAS.. sadyang naroon lang ko kung kailan ko gusto." napapahiyang yumuko ako.
"Ha?! Anong ibig mong sabihin?" Tumayo ang isa sa kanila. Ang pinakamadaldal na si Pinky.
"Eh.. Mahabang kuwento." sagot ko nalang sa kaniya.
"Maari mong ikuwento sa'min 'yan.." biglang sambit naman ni Alex. Umawang ng bahagya ang labi ko.
Humugot ako ng malalim ng hininga. "Anong gagawin niyo kapag nagsabi ako ng totoo?"
Natigilan silang tatlo. Napako ang kaniang paningin sa gawi ko. "B-bakit?? Pwedi mo bang sabihin samin 'yan?" kumunot ang noo ni Clarrize.
"I'm Remmiz Scott. 25 years old."
Literal na natigil sila sa sinabi ko. silang tatlo pang ang nakarinig dahil ang iba ay naroon sa meeting area. Nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming apat.
"Z-zimmer.." mahinang sambit ni Clarrize.
"Kaibigan ko si Lacson na pumatay kay Gajai na inutusan ni Ellys. Hindi ko rin inaasahang si Ellys ang nag-utos no'n dahil ayaw niyang malaman kong may namamagitan sa kanilang dalawa ni Excy.. Tapos nang gabing tinawagan ako ni Ellys pumunta sa ospital nang mangyari ang pamamaslang ni Lacson kay Gajai.. Yun din pala ang gabing sinugod ng mga kaibigan ko si Thadner sa village nila.."
"Village?!" sabay-sabay silang nagsalita.
"We saw Thadner that night outside their village.. Iyon 'yung gabing may binubogbog siya." biglang sabi ni Pinky.
"Siya 'yung binugbog hindi 'yung siya ang nambugbog. Lumaban lang siya sa mga kaibigan ko."
"Kaibigan mo?! Magkaibigan din kayo sni Thadner?" umawang ang labi ni Alex matapos tanungin 'yon sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Anong pinagsasabi ninyong magkaibigan kami ni Thadner? Una sa lahat hindi ko siya kilala tsaka nakilala ko lang siya noon nang lumipat ako dito.."
Umawang ang labi ni Alex. "Lacson and Thadner were close friends since then, how could it be you're not familiar with each other?"
"Lacson tsaka si Thadner? Paano nangyaring magkaibigan sila? Matagal ko nang kaibigan sina Lacson.."
"H-hindi mo alam?"
"Ang alin?"
"T-tinuturuan ni Thadner ang mga dati niyang kaibigan sa WAS. Ang sabi niya binabantaan daw nina Lacson ang buhay ng mga taong malpit sa kaniya kaya 'yon ang dahilan bakit hindi na siya pumapasok. Tinutulungan niyang manalo sa paparating na kompetisyon."
Literal na umawang ang labi ko ng marinig ang lahat ng sinasabu ni Alex. Hindi ako makapaniwala na nagawa iyon ng mga kaibigan ko. Paano sila naging magkaibigan? Hindi kaya, matagal na nilang kilala si Thadner? Hindi kaya.. Siya 'yung sinasabi nilang sariling choreographer? Ginagamit lang nila si Thadner para makuha ang premyo?
"A-anong prizes ang maaring makuha ng mananalo?" biglaang tanong ko.
"N-norway parin.. Walang scholarships pero sasabak sa international competition.. Tapos doon na malalaman ang mga prizes.." sagot naman ni Alex.
"K-kailangan ko munang makausap si Thadner."
"Ha!? Bakit?" tanong ni Clarrize.
Huminga ako ng malalim. "Di ba nasa Norway siya? Magpapatulong ako sa kaniya hanapin ang Ina ko.. Wala na kasi akong matutuluyan. Wala na akong condo tsaka ang scholarship na napanalunan ko ipinangalan ko 'yon kay Ellys.. Nagsisisi nga ako na binigay ko 'yon sa kaniya akala ko buntis nga siya. Pinagmukha lang niya akong tanga." mabilis na nangilid ang luha sa mata ko. Marahang tumayo ang dalawang babae saka humarap sa akin.
"A-ano??" bulong nila..
"Ang sama talaga ni Ellys. Sana hindi na siya makakalabas ng kulungan." ani Clarrize.
"Isa ka pa eh! Ginamit mo din 'to si Alex noon! Nagpapauto ka rin diyan sa Ellys na 'yan! Ang taray ng actibg skills mo Zimmer." pinasiring ni Pinky ang mata niya nang bumaling sa akin.
"Remmiz.." sabi ko. "Kailangan kong makita ang ina ko.. 25 na ako sa naalala ko.. bata pa ako ng iniwan niya ako sa Norway. Lumaki lang ako sa piling ng Auntie at Uncle ko.. Nang mawala ang Uncle ko pinalayas ako ng Auntie ko sa Norway kaya nang mag-edad dyesi-syeti ako, napadpad ako dito sa Pilipinas.. May nakilala akong Schiony na siya ring dahilan bakit doon ako nag-aral sa WAS."
"Kung gano'n.. Seryoso ka ngang 25 ka na?!" hindi parin nakapaniwala sina Pinky. Tumango ako sa kanila.
"Saan ba ang mama mo? Ang papa mo? May kapatid ka ba?" tanong ni Clarrize.
"Hindi ko alam kung nasaan sila.. Hindi ko alam kung may kapatid pa ako o may kapatid na ako."
"Paano kung meron?" tanong ni Alex. Natigilan ako. Nagtama ang paningin ko sa mata niya. Matagal bago ako makasagot.
"H-hindi na problema sa 'kin 'yon.. Tatanggapin ko ang magiging pamilya ko sa kaniya basta kailangan ko siyang makita.. Walang-wala na talaga ako dito sa Pilipinas.. Nasa Norway ang pamilya ko.. doon ako lumaki."
"M-may napanalunan tayong trip to Norway 'di ba?? Free lahat ng premyong 'yon.. Wala kang gagastusin basta sa Norway ang punta mo." ani Alex pero umiwas ako ng tingin.
"Lahat naibigay ko sa pamilya ni Ellys.. Pinatunayan ko kasing magiging ama ako ng anak niya 'yun pala gawa-gawa lang lahat ng 'yon."
Nasapo ni Pinky ang noo niya. Umiwas si Clarruze ng tingin tsaka si Alex naman ay napayuko sa sinabi ko. Hindi sila makapaniwala sa sinasabi ko.
"Ano bang Ellys na 'yan.. Ang sama talaga ng babaeng 'yon. Walang pinipiling taong gagamitin.." naiinis ang boses ni Clarrize. "Huwag kang mag-aalala Zimmer. Hindi ka pababayaan ni Mommy... Mabubulok 'yan sa kulungan yang mga taong ginagamit ka lang.."
"Clarrize.." suway ng dalawa niyang kaibigan.
Napabuntong hininga si Alex nang matingnan ang gawi ko. "Tutulungan ka nalang naming tatlo.. Kami nang bahala sa paglipad mo sa Norway.. Hindi namin alam kung saang probinsya si Thadner basta ang sabi niya sa isang Arts School daw doon.. Kami nang bahala sa gastusin mo.."
"Pero may training tayo di ba?" bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
"May tiwala ako sa 'yo.. Huwag kang mag-aalala.."
"H-hindi naman kailangang ngayon ako pupunta don.."
"Ngayon ka pupunta do'n kasi nandoon si Thadner... Matutulungan ka niya habang nandoon pa siya.. Paanonoung hindi mo nalaman na magkakakilala ang mga laingan mo tsaka si Thadner.. Edi baka mas lalo kalang nagpalaboy-laboy dito.." makikita sa mukha ni Alex na talagang nais niya akong tulungan.. "Tsaka kung next year kapa pupunta do'n baka wala nang sasama sa 'yo kasi kolehiyo na tayo,"
"Bukas ka nalang kaya umalis?" sabi ni Pinky. "Para habang malayo pa ang competition magkakaroon ka ng pag-asang mahanap ang pamilya mo do'n."
"Minamadali niyo yata ako eh? Marami pang susunod na taon.." sabi ko naman.
"Ang kulit mo din Zimmer eh no? Sabi na ngang ngayong linggo kana aalis para mas mahanap mo na ang pamilya mo.. Oo nga't sa Norway pa din ang premyo.. Paano kung matatalo kayo? Wala nang Norway Zimmer. Grab the opportunity." ani Clarrize saka ngumiwi.
"Bukas aalis ka.. Akong bahala kay Mr. Sansi.. Mas mabuting makakauwi ka do'n at mahanap ang pamilya mo." nakangiting sabi ni Alex saka tumingin sa mga kaibigan niya.
Ngumiti din ako sa kanila.. "S-Salamat sa tulong ninyo.." nahihiya man ako pero taos puso akong nagpapasalamat sa kanila..