My Alien Soulmate (boyxboy) [...

By Badorita

690K 20.5K 615

Si Abby isang simpleng hamak na binabae sa kinabibilangan niyang mundo. Siyempre iyon ay ang earth. Isa siyan... More

My Alien Soulmate
Prologue
Chapter One (The Selected One)
Chapter Two (Unidentified Follower Of abby)
Chapter Three (The Encounter)
Chapter Four (Mission Accomplished)
Chapter Five (Dreams or Reality)
Chapter Six (Reality is stranger than Fiction)
Chapter Seven (A Narrow Escape)
Chapter Eight (Mysterious Man in the Dark)
Chapter Nine (The Outrageous Alpha)
Chapter Ten (Same-sex Reproduction)
Chapter Eleven (A Mess Mind)
Chapter Twelve ( The Philetor and the Kleinos)
Chapter Thirteen (Unintentional Kiss)
Chapter Fourteen (The Beginning of Everything)
Chapter Fifteen (Romance begins in unexpected ways)
Chapter Sixteen (Two Old Friend)
Special Chapter (Valentine's Edition)
Chapter Seventeen (Under the light of a thousand stars)
Chapter Eighteen (Back to Earth)
Chapter Nineteen (Best friends are the best)
Chapter Twenty (Despedida Part One)
Chapter Twenty-One (Despedida Part Two)
Chapter Twenty-Two (Complex Equation of Love)
Chapter Twenty-Three (Love in the time of cholera)
Chapter Twenty-Four (Love goes through a bit of a rough patch)
Chapter Twenty-Five (Wear your heart on your sleeve)
Chapter Twenty-Seven (Sweet Smile Sweet Kisses)
Chapter Twenty-Eight (The love of two destined soul)
Chapter Twenty-Nine (The Mated Alpha)
Chapter Thirty (Something is coming)
Chapter Thirty-One (A grand adventure is about to begin)
Chapter Thirty-Two (First Trimester)
Chapter Thirty-Three (Vertigo of Love)
Chapter Thirty-Four (Congratulations)
Chapter Thirty-Five (Patrem Philcan's Confession)
Chapter Thirty-Six (Sometimes knowledge is disgusting)
Chapter Thirty-Seven (F.E.A.R.S)
Chapter Thirty-Eight (Secret Mission)
Chapter Thirty-Nine (Emergence of Clue)
Chapter Forty (The Battle of White and Red)
Special Chapter (A Tribute for the Graduates)
Chapter Forty-One (Abby versus Philcan)
Chapter Forty-Two (Serendipity of Love)
Chapter Forty-Three (First Move)
Chapter Forty-Four (Round One)
Chapter Forty-Five (Recrudescence)
Chapter Forty-Six (Old friend)
Chapter Forty-Seven (The Battle Plan)
Chapter Forty-Eight (Xenica War II Part 1)
Chapter Fifty (Goodbye is not the end)
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty-Six (Absence make the heart grow fonder)

11.9K 370 3
By Badorita

"Surely you don't expect the Lord to do everything for you, do you, Doc? You got to earn His presence. Then you got to recognize it and then you have to act on it."

Meacham, Cowboys and Aliens

_____

(Cerus' Point of View)

"Pare! Itigil mo na nga iyang pagpapabalik-balik mo! Nahihilo na ako!" Nasa harap niya si Philcan habang kumakain siya ng gummy candies na nabili niya sa earth. Para itong canes na ulol nitong mga nakaraang diebus.

"Saan ba kasi nila tinago si Abby, ayaw magsalita ni Avunculus, hindi ko rin masundan! Hindi rin malocate ng bangle locator ko! twa mensis na ah!" nagpabalik-balik ulit ito.

"Secret nga diba? Hindi mo talaga mahahanap iyon, kahit halughugin mo ang buong Xenica, na ginawa mo na nga! at dinamay mo pa kami!"

Alam niya kung ano ang nararamdaman ng kanyang kababata, kahit hindi ito magsalita alam niyang tuluyan na itong nahulog sa cute na cute na si Abby. Possible pala iyon sa mga Xygus na ang nakatadhana sa kanila ay ibang nilalang. Well on the first place magkapareho nga sila ng DNA kaya hindi na nakapagtataka iyon. Wala lang talagang alam itong kaibigan niya sa bagay na iyon. Kaya nga ang sarap nitong pagtripan. Hahaha. Forgive me for being naughty my dear fellas!

"Kapag hindi ko pa talaga siya nakita, wawasakin ko itong buong Xenica!" galit na galit na ito.

"Kapag ginawa mo iyon, eh nakasama r'on si Abby, hindi mo na talaga siya makikita, mag-isip ka nga!" nginangat-ngat niya ang isang gummy worm. Ang sarap talaga ng pagkain na ito.

Natigil ang lalaking balisa, mukhang pinag-isipan nito ang sinabi niya. Teka, wawasakin talaga nito ang Xenica, makita lang si Abby. Unbelievable. Oh well that's love afterall.

Dumating naman ang pipi niyang kaibigan na nagsasalita lang ng marami kapag may interesadong nalaman at importante lang.

"Zion, ano handa na ba ulit ang mga first defense beta para sa training ko?!" tanong dito ni Philcan.

"Sila'y nagpapagaling pa dahil malala ang naging tama nila kahapon sa pagsasanay niyong ginawa," achievement iyon kay Zion na mahaba ang nasabi nito.

"Ano?! 'yong second na lang,"

Heto na naman po sila, sa tuwing naiinis kasi ang kaibigan nilang ito ay ibinubuhos nito ang galit, inis, pighati, pagkapoot sa training na nauuwi sa pagkaka-injured ng mga beta.

"Itigil mo na nga 'yan Pare! mag-inuman na lang tayo!"

"Hindi ako nalalasing,"

"Ay Oo nga," tiningnan niya si Zion.

"Ako'y h'wag mong umpisahan Cerus,"

"What?! Wala akong sinasabi, kayo naman masyado kayong negative, puro kayo bad vibes, tingnan niyo ako, good vibes lang parati, kaya maraming nagmamahal sa akin, and I love all of them!"

"Tumahimik ka na lang, kung wala ka namang maitutulong!" asik sa kanya ni Philcan.

"Fine! Evil spirits lumayas ka sa katawan ni Philtot!" ganito ang mga napapanood niya sa horror movie. Baka may evil spirit lang na sumanib dito.

Ayan na. Bubugahan na siya nito ng apoy, "Pare joke lang 'yon!"

"Cerus!" gigil na gigil na ito.

Time is up. Tumayo na siya. Ubos niya na rin namang kainin ang mga gummy candies niya.

"Saan ka pupunta?"

"Ayaw mo bang tulungan kita?" kumunot ang noo nito.

"Magsabi ka nga ng totoo sa akin Cerus, may alam ka ba? Ha?"

"Wala, kakausapin ko si Alala," nasanay na siyang tawagin ito sa pangalan simula ng matagal nila itong nakasama sa earth, "Mukhang bukod kila Patrem, siya ang nakakaalam kung nasaan ang kanyang pinagsisilbihan,"

Nakita niya ang pagkabuhay ng loob ni Philcan, "Omega!" tawag nito sa omega ng ama nito.

"Ano po iyon Alpha?"

"Nasaan ang omega ngayon ng Apolectus Unum?"

"Nasa kanya pong tinutuluyan ngayon, katatapos lang po kasing ihanda ang mga ipapadalang kasuotan sa Apolectus Unum, " sinasabi niya na nga ba.

Mabilis na naglakad si Philcan palabas ng bahay, nakasunod lang sila rito.

"How can I be so stupid?!"

"Because ako lang ang genius sa atin," ngumisi siya kay Zion ng tingnan siya nito, "Teka Pare! Alam mo ba kung nasaan ang bahay nila Alala?"

"Fuck!"

"You're being stupid again,"

"Stop mocking me Cerus! kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang tinusta,"

"Aww, you're so mean," nagpuppy face pa siya. Natutunan niya iyon sa earth. Ang cute kasi.

"Let's go!" lumipad na silang tatlo.

Nang nasa ere na sila ay kinokontak ni Zion ang information team para magtanong kung saan ang bahay ni Alala. Mauuna na sila sa Exiguus Societatis sa Uttara na kinatitirikan ng mga bahay ng mga Omega.

"Wooooh! Yaahooo!" naglalaro laro siya sa hangin. Ang sarap talagang lumipad, buti na lang may kaibigan siyang kayang komontrol n'on.

"Cerus! stop what you're doing! Ilalaglag kita!" banta ni Philcan sa kanya.

Hindi siya nakinig, alam niya naman na hindi nito iyon gagawin, "NapakaKJ mo talaga, kaya parating galit sa'yo si Abby,"

"Gan'on?!" bigla na lang nawalan siya ng kontrol at unti-unti ng nahuhulog.

"Philcan pare! joke lang!" sigaw niya, pababa na kasi siya ng pababa, "Tinulungan kitang mahanap si Abby, remember!"

Naging balanse na ulit ang hangin, pumantay na ulit siya sa mga ito, "Napaka hot headed mo 'no? bagay talaga sayo ang kakayahan mo, diyan ba nagmumula ang apoy mo sa pagiging mainitin ang ulo?"

Hindi siya nito pinansin.

"Philcan, narito ang lokasyon, zone 3, district 2, " sabi ni Zion ng matapos ang pakikipag-usap nito sa information.

"Bilisan natin," sabi agad nito.

Excited much lang, "Yahooooo!" mas lalo kasi silang bumilis.

Minsan lang siyang napupunta sa lugar na ito. Ito ang Exiguus Societatis ng mga Omega. Dito maraming nasawi ng kumalat ang 'The Reaper Death' virus. Maayos na ito ngayon. Nasa harap na sila ng maaliwalas at munting bahay nila Alala. Nagtaka pa ang mga Omega na nakakita sa kanila dahil naroon si Philcan. Natataranta tuloy ang mga ito. Yumuko na lang ang mga ito bilang paggalang sa kanilang Alpha.

Mabilis na lumabas ng bahay si Alala ng malaman agad nitong may bisita, "Alpha Philcan, Beta Cerus, Beta Zion," wow roll call. Nagtataka ito pero yumuko na rin.

"P'wede ka ba naming makausap Alala?" siya na ang unang nagsalita. Pinigilan niya si Philcan baka masindak na naman kasi nito si Alala. Hindi pa nila makuha ang pakay. Sinabihan niya na rin ito kanina na siya na ang bahala. Sumang-ayon naman sa kanya si Zion.

Nag-angat ito ng tingin, "Opo,"

"Good, p'wede ba kaming pumasok?"

"Sige po," nauna na itong pumasok. Sumunod lang sila.

"Cool ka lang Pare ha," bulong niya kay Philcan, "Alam mo naman siguro na trained 'yan ni Dominus, kahit bugahan mo siya ng apoy hindi mo makukuha ang impormasyon, ako ng bahala rito,"

"Fine," sabi lang nito. Alam din kasi nito na kahit mamatay ang Omega hindi nila ipagkakanulo ang kanilang pinagsisilbihan. The meaning of loyalty to them.

"Maupo po kayo," inilahad nito ang maliit na mahabang upuan sa kanilang tatlo.

"Gratia!," maaliwalas ang buong bahay, so refreshing sa bahay kasi nila sobrang laki, nakakapraning maghanapan, buti na lang pareho silang mabilis ng kanyang ama.

"Pasensiya na po kayo..,"

"Okay lang," mukhang nakita kasi nito na nag-uumpukan sila.

"Ano pong maipaglilingkod ko, may ipag-uutos po ba kayo?"

"Ah, wala naman, ano lang kasi, nag-aalala na kasi si Philcan kay Abby, aalamin lang sana namin kung maayos ba siya,"

"Sa pagkakaalam ko po, maayos naman po,"

"Nasaan siya ngayon?! Saan nila dinala si Abby?" hindi rin napigilan ni Philcan ang magtanong.

"Patawad Alpha Philcan," yumuko na lang ito.

Naramdaman niya ang namumuong galit ni Philcan. Pinigilan nila ito.

"Naiintindihan ka namin Alala, gusto lang talaga naming malaman kung anong lagay niya, batid mo naman siguro na naging malapit na siya sa amin,"

"Naiintindihan ko po kayo, huwag po kayong mag-alala nasa maayos po siyang kalagayan, patawarin niyo po ako kung wala akong maibigay na impormasyon kasi po hindi ko rin po alam, ang sabi lang po sa akin ni Alpha Alican kapag tinanong niyo po raw ako sabihin ko raw po sainyo na senk diebus simula ngayon ay babalik na siya,"

"Yon naman pala eh, hintayin na lang natin Philcan,"

"I can't wait any longer!"

"Nahintay mo nga ng twa mensis, senk diebus lang hindi mo pa kayang hintayin,"

"Bullshit!"

Iyon naman ang pagdating ng isang munting lalaking hingal na hingal.

"Gemina!" nanlaki ang mga mata nito ng makita sila. Yumuko agad ito.

"Sino siya?" tanong ni Philcan.

"Kakambal ko po,"

"Patawad Alpha," hinging paumanhin nito.

Hindi ito pinansin ni Philcan. Naglakad na ito palabas. Hay. The arrogant Alpha. Tinapik niya ang balikat ng munting lalaki nang dumaan siya sa harap nito, nag-angat ito ng tingin, kamukha nga ito ni Alala, lalaking version ni Alala, he saw a shimmering bright in his eyes.

Nginitian niya ito, "Hakuna Matata," nagtaka ito sa sinabi niya. Hehehe.

"Cerus!" tawag ni Philcan sa kanya.

"Nandiyan na, Salamat sa impormasyon Alala, bye!" patakbo na siyang sumunod.

"Vlex, bakit ka nakatulala riyan!"  

Continue Reading

You'll Also Like

2025 By boss ni wawie

Science Fiction

611K 39K 55
⚠️TW: Violence, Depression She's Yuan Ignacio and she cares. A 20-year-old thrill seeking girl risks everything, even her own life, just to fulfill t...
56.6M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
234K 8.3K 66
#314 - Humor 01/09/18 #35 - Humor 03/06/18 #32 - Humor 03/23/18 #4 - Twitter 07/05/18 #3- Twitter 07/08/18 #40- Teens 08/20/18 #27 - Teens 10/17/18 ...
197K 6.8K 23
Date Started: December 28, 2016 Date Finished: February 20, 2017 #25 IN HUMOR AS OF 03/04/2017 Book Cover: seolight