"TINGNAN ninyo 'yong mga mukha ng kupal. Aangas," natatawang sabi ni Gavin habang kumakain ng luto ni Aling Martha. Dumating na kasi ang Bad Company sa lugar kung saan sila maglalaban ng Battle Cry. Gavin didn't lie when he said that Bad Company is mayabang. Pero parang same lang, may mayayabang din na members ang Battle Cry.
Nakaupo kami sa sala ng boothcamp nila at mula sa TV nila sa sala ay napapanood namin ang nangyayari sa game since naka-livestream daw si Nemesis (Axel).
"Gavin," masama siyang tiningnan ni Coach Robert.
"Sorry, Coach." Sagot niya.
"Nasaan diyan si Oli?" Bulong ko kay Dion.
"The one who's wearing a shiny armour, 'yong nagyayabang na player pero mukhang tanga." Bulong niya sa akin pabalik at napatawa ako.
It's gonna be a 10v10 match o tig-sampung players ang magiging representatives ng bawat squad para maglaban-laban. They are allow using potions. May area lang kung saan sila maglalaban and once na lumabas ang isang player doon ay disqualified na siya. Simple lang ang rules, kapag naubos na ang isang team... Consider nang panalo ang kabilang team.
"Nag-i-start na?" May pumasok na isang lalaki sa booth camp, naka-tuck in ang polo nito at nakasuot siya ng salamin. Sa tingin ko ay mga nasa late-20's lang ang edad nito.
"Magsisimula pa lang, sir," sagot ni Gavin sa kanya.
"Sir Greg, si Milan nga pala," pakilala sa akin ni Dion sa lalaking dumating. Kinamayan ko siya at ngumiti ako. "Milan, si Sir Greg, Head hunter namin." Nasabi na sa akin ni Clyde once na Head Hunter ang tawag sa mga naghahanap ng talents sa game.
"Girlfriend mo?" He asked.
Bakit ganoon 'yong mga Pinoy? If a boy introduced a girl "friend" to his friends... Iyon ang unang tanong?
"Hindi, Sir." Sabi ni Dion
"No." Kasabay ko ring sabi.
"Issue rin 'tong si Sir, eh." Natatawang sabi ni Gavin na patuloy kumakain.
"She's Shinobi sa game, dinala ko lang siya sa booth camp para ma-observe niya kung ano ang nangyayari kapag nasa professional team na siya." Dion explained.
"Oh, She's Shinobi?" Sir Greg smiled. "Ilang beses ka na sa akin nabanggit nila Axel, Oli, ni Dion, pati si Coach." Hindi ko talaga ma-gets kung bakit gusto akong kuhanin ng Battle Cry. "Ayaw mo ba talagang maging pro player? I mean, we saw your potential, we can develop it with the help of the team."
Nahihiya akong ngumiti kay Dion.
"She's not ready pa, Coach." Dion said on my behalf. Buti na lang at nakaramdam ang isang 'to. Bumaling ang tingin niya sa screen. "Malapit na pala mag-start 'yong match. Focus na tayo sa game."
"If you ever change your mind, you can contact me. Lalatagan kita agad ng contract." Inabutan ako ni Sir Greg ng calling card at tinanggap ko ito.
Umupo na rin si Sir Greg sa mahabang couch at pinanood naming lahat ang nangyayari sa match. Sa isang abandonadong ruin ginaganap ang match nila na kung saan ay sila lang ang tao.
There is a countdown bago mag-start ang match at pumuwesto na ang mga players sa kani-kanilang taguan. Since kay Nemesis na point-of-view ang napanonood namin. Mag-isa lang si Nemesis na nagtatago sa sanga ng isang mataas na puno.
"If Axel can execute this battle strat, may laban tayo this summer cup." Nakahalukipkip si Coach Robert malapit sa TV. Tutok na tutok siya sa ginagawa ng mga players ng Battle Cry ngayon.
Wow, so ganito pala lagi ang sitwasyon sa mga professional team? Ang laking pressure kahit simpleng match lang. Bawat match ay binabantayan, bawat galaw ay nakaplano.
The battle started at nagsimula nang kumilos ang mga players sa area.
"Bakit siya solo?" Tanong ko kay Dion. I mean, in this kind of battle. Mas maganda kung malapit ka sa mga kasama mo para mabilis ang response.
Parang sa exam lang, madali kang makakakopya kapag malapit ang mga kaibigan mo. (Disclaimer: Sina Shannah ang nangongopya sa akin)
"He changed class yesterday dahil level 20 na siya. He is Dark Assassin. Makikita mo kung bakit siya solo." Tumutok ako sa TV para manood.
Dalawang matulis na metal claws ang gamit na sandata ni Nemesis at bumaba na siya sa sangang tinutuntungan niya. He used the skill called Invisible State na kung saan hindi mararamdaman ng kalaban ang prisensiya niya. Mabilis siyang tumatakbo sa paligid.
Habang tumatakbo siya ay nababasa ko ang chat niya sa mga kasamahan niya.
Nemesis: Tatlong kalaban sa likod ng isang surang poste, dalawang magician at isang archer
Nemesis: Nag-skill na 'yong isang mage na nasa taas ng tower... Sa tingin ko ay 45 seconds ang cooldown nito... Pakiuna siya.
Nemesis: I saw a swordsman na bawas sa likod ng isang puno. Ako na bahala rito. Group B, magdala kayo ng potion sa Group A since paubos na ang potion nilang dala.
Wow. Hindi ko maiwasan na kilabutan sa taglay na galing ni Axel. Pinatunayan niya sa akin kung bakit siya ang Captain ng Battle Cry. Ang bilis niyang umiikot sa map at nire-report sa mga ka-team niya lahat nang nakikita niya.
"Anong ginagawa ni Nemesis?" Bulong ko kay Dion ulit. He looked at me and nag-peace sign ako. "Sorry, ang dami kong tanong."
"Shotcall." He said. Imbes na mainis sa akin si Dion dahil ang daldal ko ay binaling niya ang tingin niya sa akin.
"Sa team namin ay may tinatawag kaming shotcaller. Sila ang taga-report sa buong team ng kung ano ang nangyayari sa buong mapa. Kailangan mataas ang map awareness ng shotcaller at kabisado niya dapat ang cooldown ng bawat skill ng mga class kasi sa kanya nakasalalay ang gagawing atake ng team," mahabang paliwanag ni Dion sa akin.
Bumaling ang tingin sa amin ni Gavin. "Dahil Dark Assassin din ang class ni Nemesis. Kaya niyang pumatay kahit mag-isa siya ng mga mahihinang members ng kalaban. Hindi niya rin main objective ang pumatay. The purpose of our shotcaller ay para lang i-inform ang buong team sa nangyayari. Papatay lang ang shotcaller kapag sigurado siya na kaya niyang mapatay ang kalaban. Once kasi na ma-eliminate ang shotcaller ay mahihirapan na ang buong team."
Hindi maipagkakaila na kahit nalalaglag sa tournament ang Battle Cry agad ay isa pa rin sila sa pinakamalalakas na squad sa Hunter Online. Those players in the team ay may purpose.
Naputol ang panonood namin noong may nag-doorbell sa pinto. Kinuha ni Dion amg cellphone niyang nakapatong sa lamesa. "Gavin, nandiyan na raw 'yong in-order kong pizza, pakuha naman." Utos niya.
"Tangina, nanonood ako." Hindi maalis ni Gavin ang tingin niya sa TV.
Inabutan ni Dion ng pera si Gavin. "Ayan keep the change, kuhanin mo lang 'yong Pizza." He commanded.
"Sabi mo 'yan, ha!" Mabilis na tumayo si Gavin at naglakad papalabas.
Ang cute lang noong samahan nila. Siguro ay dahil puro lalaki sila, sanay silang tina-trashtalk ang isa't isa. Parang ang komportableng away lagi noong ginagawa nila.
Nakasibangot na bumalik si Gavin dala ang dalawang box ng Pizza. "Tanginang sukli 'yan, tatlong piso amputa." Natawa kaming lahat ng nasa sala at pinatong niya iyon sa center table.
Kumain kami habang nanonood ng game and the result? Battle Cry won, naintindihan ko na kung bakit si Axel ang Captain nila, he executed the plan well. Although, napapansin kong may mga times na nagpa-panic siya dahil sa dami nang kailangan niyang gawin but it was a good battle.
"Nice game!" Tumayo ang lahat ng players ng Battle Cry dito sa sala at nag-apir sa tuwa.
"GG!" Gavin raised both his hands in the air habang nakatingin sa akin.
"GG." I answered at nakipag-apir sa kanya.
"Ano 'yong GG?" bulong ko kay Dion after. Shit, mag-iisang buwan na akong naglalaro ng Hunter Online pero ang dami ko pang abbreviation na hindi ko alam.
Bakit ang hilig ng mga gamers sa pinapaiksing words?
"Good game." Sagot ni Dion at nakipag-apir sa akin.
Ilang minuto lang ang lumipas at maingay na bumababa ang mga players na nakipaglaban kanina. Ang ingay nila tapos 'yong iba nag-i-slam-an pa sa tuwa.
"Nice game. Nice game." Pumapalakpak na sabi ni Coach Robert habang nakangiting nakatingin sa kanila. He looks like a proud dad sa achievement ng mga anak niya.
"Manlilibre daw si Coach ng Milk tea!" Sugaw ni Oli at malakas na sumigaw ang mga tao rito.
"Milk tea! Milk tea!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Ganito talaga dito." Sabi ni Dion sa akin.
"Mukha nga," I answered. "Ang komportable ninyo sa isa't isa."
"We are living together kapag may malapit na tournament kaya ganyan na lang sila kaingay." Sabi ni Dion sa akin. "Ilang years na friendship na rin."
After that ay nagkuwentuhan na lang kami sa sala nila Kendrix, Dion, Gavin, Oli, at Axel sa sala. Habang 'yong ibang players ay nag-livestream. May ibang natulog. Tapos may ibang gumala.
"Milan may tanong ako," nagsalita si Oli habang pinapapakpak niya 'yong ham sa mga pizza.
"Ano 'yon?"
"Centralized ba 'yong aircon ninyo sa bahay?" Akala ako ay nagjo-joke siya pero seryoso siya sa tanong niya. "Kutis pangmayaman ka kasi noong una ka naming makita ni Dion. Medyo umitim ka lang ngayon dahil nag-swimming ka."
"Tanong mo kay Dion kung centralized 'yong aircon sa bahay namin," itinuro ko ang katabi ko.
"Bakit kay Dion?" Kendrix asked.
"Galing siya doon, eh." Sagot ko.
Natahimik sila at nagkatitigan. "Suwabe no'n, ah." Nakangising sabi ni Oli.
"Ha?" I asked.
"Wala-wala." Sagot ni Oli. "So, Dion, kumusta ang bahay nila Milan? Ang lakas ng loob mong pumunta roon ng naka-Mustang, hindi naman sa 'yo."
"Anak mayaman nga." Sagot ni Dion habang tumatawa.
Hinampas ko ang kanyang braso. "Huy, baka maniwala sila sa 'yo."
"Totoo naman, ah."
"Pero hindi centralized aircon bahay namin." Depensa ko. "Oh, noong nasa sala ka, electricfan lang 'di ba?"
"Hindi nga. Pero sa labas ng bahay ninyo kitang-kita na may aircon bawat kuwarto."
Naputol ang pagtatalo namin ni Dion noong umupo si Coach Robert at inabutan kami ng Milk tea. Nahiya nga ako dahil kahit ako ay kasama sa nililibre nila.
"So what do you think about the match earlier, Milan?" Coach Robert asked me. "Sabi sa akin nila Dion, you are a good strategist... So anong masasabi mo sa ginawa nila kanina laban sa Bad Company? May pagkukulang ba? May dapat bang i-improve?"
Lahat sila ngayon ay napatingin sa akin. "Huwag kang ma-pressure," bulong ni Dion. "He is just asking your opinion" dugtong niya pa.
Buti na lang talaga na magaling mag-handle ng bisita itong si Dion.
"Anong masasabi mo?" Axel seriously asked. Of course he is the Captain, mahalaga sa kanya ang opinyon ng ibang tao.
I sighed. "Your plan is well executed naman, guys. Lahat ay nasa posisyon and sumusunod sa sinasabi ni Captain." I smiled. "Pero why don't you try na ibigay ninyo ang trabahong shotcaller sa ibang members?"
Napakunot ang noo nila. "But I am the Captain." Sagot ni Axel.
"Napansin ko kasing may mga times na nagpa-panic ka or nalilito ka sa dapat mong gawin. I mean, I highly praised you kasi napagsasabay mo ang pagiging Captain at pagiging shotcaller pero feeling ko mas okay kung ibibigay mo sa iba ang isang trabaho. You can't do two task in a match especially in a Tournament, mas mataas ang pressure sa ganoon, mas nakakablangko..." Nakatingin lang sila sa akin. "Uhm... Nage-gets ninyo ba 'yong pino-point ko?"
"Gets namin, ewan ko lang kay Oli." Sabi ni Gavin.
Even Coach Robert considered my suggestion.
"Pero that's only my opinion, ha! Ang galing mo pa rin Axel, you're a cool Captain." I praised and gave him a thumbs up.
"Talaga?" Kumamot siya sa ulo. "Salamat."
"Anong oras na ba?" Tanong ko kay Dion.
He checked his phone. "4:30. Ano, tara na?" He asked.
"Oo, baka mapagalitan na ako. Medyo malayo pa naman ako." I get my pouch and saglit na nag-unat.
"Coach, hatid ko lang si Milan." Sabi ni Dion.
"Bakit hindi na lang siya dito matulog?"
"Coach, babae 'yan." Natatawang sabi ni Oli. "Anak mayaman, strict parents."
"Uuwi ka na, Milan?" Tanong ni Kendrix at nakipag-apir sa akin. "Ingat, ingat. Balik ka rito next time o kaya chat mo kami kapag magpapatulong ka sa Quest."
Nagpaalam ako isa-isa sa mga players dito at lahat sila ay nakipag-apir sa akin na parang matagal na kaming magtropa.
"Magpaalam ka na kay Sir Greg, nasa office niya." Sabi ni Dion at itinuro ang isang pinto malapit sa kusina.
"Nakakahiya." Sabi ko. Kasi naman, ang respectable tingnan ni Sir Greg kahit medyo bata pa siya.
"Mas nakakahiya kung hindi ka magpapaalam." Sabi niya sa akin. "Sabihin mo lang, Sir Greg, alis na po kami akin na po 'yong contract ko for membership. Ganoon lang."
"Asabels." He chuckled at naglakad na ako papasok sa office ni Sir Greg.
"Sir, una na po ako. Thank you po!" Sabi ko kay Sir Greg at napatigil siya sa kanyang ginagawa.
"Oh, uwi ka na? Sino maghahatid sa 'yo?"
"Si Dion po."
"Pakisabi kay Dion mag-ingat sa pagda-drive. Balik ka rito, Milan, ha?" Mahinahong sabi ni Sir Greg. "If ever magbago ang isip mo, you can contact me... We will keep 19 players muna for now. Reserve ko na sa 'yo 'yong isang slot. Hintayin kita hanggang matapos ang Summer Cup."
Head Hunter nga 'to, ang galing mangonsensiya ng player.
"Sige po. B'bye po."
Naglakad na ako palabas.
"Ano?" Tanong ni Dion.
"Nakakahiya." Sagot ko.
Sa pagpapaalam ko sa mga players dito sa Boothcamp, iisa lang ang sinasabi nila— balik daw ako or laro daw kami next time. Ang chill lang nila kasama kapag hindi sila nagpa-practice.
"Wala ka nang naiwan?" Dion asked. "Cellphone mo, wallet, powerbank?"
I checked my pouch. "Nandito naman lahat."
"Sure ka, ha? Tara na." Ginamit niya muli 'yong pulang Mustang.
"F na F mo talaga 'yang Mustang ng boss mo." Natatawa kong sabi at sumakay.
"Siyempre, minsan lang ipagamit 'to, eh." He proudly said.
Tahimik lang ang biyahe namin ni Dion pabalik sa Bulacan. Nakikinig lang kami sa mga kanta ni Lauv at hindi naman umangal ang isa kong kasama.
"Mag-ma-My Day ako." Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang cellphone ko.
Kinuhanan ko ng video mula sa bintana papunta sa mukha ni Dion.
"'Yong player na idol ninyo, service ko lang." Zinoom ko pa sa mukha ni Dion.
Marahan siyang natawa pero focused lang siya sa pagda-drive. "Baliw." Ako naman ang natawa at in-end ko na 'yong video. In-upload ko na rin sa Facebook ko. After ma-upload ay pinatay ko na ang data ko at nakinig sa kanta.
"So how's your experience?" He asked.
"Bitin." I answered honestly kasi natutuwa talaga ako sa asaran nila Oli at Gavin. Tapos ang dami ko ring natutunan kay Coach tsaka kay Captain.
"Tapos noong una ayaw mo pa? Awit din sa 'yo, eh."
"Akala ko kasi nakakatakot 'yong ambiance sa isang boothcamp! Siyempre, wala naman akong alam sa gaming masyado so ang first impression ko sa boothcamp ay parang training camp for players. 'Yong hardcore training talaga." I explained to him. "Nage-gets mo ba 'yong explanation ko?"
"Gets ko, kaya dapat nagpalatag ka na ng contract kay Sir Greg, eh, para makabalik ka na." He wiggled his brows.
"Utot mo."
Tawa nang tawa si Dion noong kinuwento ko sa kanya kung paano ko nakuha 'yong rare item na mayroon ako.
"Dapat pala hindi ko na kinuwento! Sabi ko na, ija-judge mo ako!" Reklamo ko.
"H-Hindi naman kita jina-judge," pero tumatawa siya. "Hindi ko lang maisip nang dahil sa pusa ay nakakuha ka ng Rare item."
"Paano pa ako? But I successfully found a cat that day. So mission accomplished, bonus na lang 'yong cape." Pagmamayabang ko.
Nakarating kami sa Casa Buena (subdivision na tinitirahan namin) nang hindi ko namamalayan ang oras. Ang dami naming napag-usapan ni Dion about sa game.
6:07 na nang gabi niya ako naihatid sa bahay. "Uy salamat, ha. Ang hassle para sa 'yo noong hatid-sundo na ginawa mo."
"Sinong may sabing hassle 'yon?" He asked and yawned.
"Hindi raw hassle pero humikab na dahil sa pagod."
"Nakakantok lang 'yong tugtog." Depensa niya. Anong nakakaantok sa More and More ng Twice? Reason nito, eh.
Bumaba ako ng kotse at sumilip sa garahe, yes wala pa ang kotse nila Kuya. Iwas issue.
Kumatok ako sa door window at ibinaba niya naman ito. "Ingat ka pabalik sa boothcamp." Sabi ko. "Chat ka na lang or text kapag nakabalik ka na roon."
"Paano ako magcha-chat, dinecline mo 'yong friend request ko."
I rolled my eyes at inilabas ang phone ko. Binuksan ko ang facebook app. "Anong name mo ulit sa Facebook?"
"Awit, kinalimutan."
"Hindi ko nga matandaan!" Natatawa kong sabi. "Bilis na."
"Dmitri Onyx Villanueva. May Dion na naka-parethesis." He explained. "Bakit?"
I searched his name on facebook. Bakit Dion ang nickname niya? Ang lakas kaya ng appeal ng Dmitri!
After I searched his name on Facebook ay lumabas ang profile niya. Logo ng Battle Cry ang wallpaper niya habang ang profile picture niya ay 'yong nakasandal siya sa fence at seryosong nakatingin sa camera. Kita ang Taal Lake as background sa profile niya.
I pressed the add friend at ipinakita sa kanya. "Ayan in-add na ulit kita."
"Decline ko 'yan." He said.
"Ay bahala ka, 'di na kita ia-add ulit." Natawa si Dion sa sinabi ko. "Ayan, friends na tayonsa Facebook, chat ka if ever makabalik ka na sa Boothcamp."
"Sige-sige." He smiled and looked into my face.
"May dumi ba?" I asked at kinapa ang pisngi ko.
"Wala. Sige na, mauna na ako."
"Ang weird mo." Itinaas na niya muli ang tinted na window at pinagmasdan ko siyang mag-drive papalabas ng subdivision.
I waved my hand for the last time before I entered in our house.