My Perfect Disaster

By HEYNEENAMOR

19.5K 1.6K 341

"Hindi ka naman mahuhulog sa isang patibong kung hindi ka rin naman naghahanap sa simula palang." More

MPD : Noise
MPD : Coffee
MPD: Credit Card
MPD : Onions
MPD : No Way
MPD : Talk
MPD : Breakfast
MPD : Reklamo
MPD : Laway
MPD : Epal
MPD : Oslo
MPD : Tutorial
MPD : Leave
MPD : New
MPD : Late
MPD : Menudo
MPD : Pandesal
MPD : Pinto
MPD : See
MPD : Chismis
MPD : Vacuum
MPD : Pot
MPD : Video
MPD : Bawal
MPD : Indian
MPD : Sleep
MPD : Early
MPD : Tagay
MPD : Bad
MPD : Police
MPD : Lonely
MPD : Other side
MPD : Lagot
MPD : Gums
MPD : Lagot 2
MPD : Gulat
MPD : Lost
MPD : Isla
MPD : ID
MPD : Ayos
MPD : Kwento
MPD : Sleep
MPD : Weak
MPD : Vwisitt
MPD : Keys
MPD: Found

MPD : Untold

383 32 3
By HEYNEENAMOR

Rita's POV


Kahit na hindi ako pumasok ngayon ay inaasikaso ko parin dito sa bahay ang presentation na gagawin ko kay Rebecca. Sa totoo lang, wala akong ganang gawin ito pero dahil isa nga ito important client kuno ng Ka-Vogue ay napipilitan akong gawin. Kailangan kong ma-impress si Rebecca na alam ko namang malabo mangyari dahil in the first place, hindi niya ako gusto. Ramdam ko iyon sa paraan ng pananalita nito sa harap ni Ken noon.









Ibinababa ko ang iniinom kong gatas ng magring ang phone ko.








Bigla kong binato yung unan sa phone ko ng makita ko kung sino yung tumatawag. It was Ken. Dahan-dahan ko itong sinilip ulit at hindi parin tumitigil sa pagtawag. Tinaob ko na lang ang phone ko para hindi ko na makita ang pangalan nitong nag reregister.









Kinuha ko ang latop ko at pumasok ako sa kwarto para makapag concentrate ako sa pag edit ng presentation.









"RJ, ikaw na muna ang bahala kay Oslo. Sa kwarto lang ako.."








"Sige po Maam."









"Bawal kita i-kiss Oslo eh, may trangkaso ang Tata." pag b-baby talk ko dito..














Nang makapasok na ako sa kwarto ay pinagpatuloy ko na ang pag-eedit ko. Kinuha ko ang airpods ko at muling pinakinggan ang mga kantang nakakapagparelax ng mind ko...









Nakakailang slides palang ako sa presentation ng bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya nagulat ako. Niluwa nun si RJ at hawak hawak nito ang phone kong iniwan sa labas.







"Oh? Anong nangyari?" nagpapanic na tanong ko dahil bigla na lang nitong binuksan ang pinto ng kwarto ko na hindi naman nito ginagawa noon.. May emergency ba?







"Kanina pa po kasi ako kumakatok, hindi niyo binubuksan kaya ako na ang nagbukas.."








"Nakikinig kasi ako ng music, bakit ba? Ano bang nangyari?"





"Kanina pa po kasi tumatawag si Sir Ken sa phone niyo.." sabi nito sabay pakita ng phone..






"Wag mong sagutin!" utos ko dito pero nag peace sign ito at pinakitang nasagot na pala niya at kanina pa pala nasa line si Ken.. Kinuha ko ang phone ko kay RJ ..








"Bakit na naman ba? Istorbo ka." iritang sabi ko dito sa kabilang linya.







"Wow. Nakakahiya naman sa boss mo. Ako pa ngayon ang istorbo dahil tumawag ako. I called you multiple times pero hindi mo sinasagot!"









"At bakit ko naman sasagutin hah?" pagtataray ko dito.








"At bakit hindi? I just call you because I need some reports from your team. Iza told me na nasa iyo ang copy. " I rolled my eyes and napaupo ako sa kama habang nag iisip ng isasagot dito..





"Bakit kailangan mo pang tumawag? You can email me naman regarding sa report na hinahanap mo sa team ko..."









"I already emailed you pero walang reply so I decided na tawagan ka! At nakailang tawag pa talaga ako at si RJ pa talaga yung nakasagot. Ayaw mong sagutin ? Bakit?"









"Busy ako." iritang sagot ko dito.










"Ayaw mo akong kausap. Tama ako?"










"Alam mo Ken, I will end this call na. Mag rereply na lang ako sa email mo——-" he ended the call!!! Ni hindi pa nga ako tapos magsalita! Aba! Kita mo yung ugali nun!

















Nakapagluto na ako ng dinner at medyo okay na din yung pakiramdam ko. Siguro sakto na yung pahinga ko para makapasok na ulit bukas. Patapos na din ako sa presentation na ginagawa ko para kay Rebecca. Habang nag-iisip ako ng susunod kong gagawin ay naalala kong kailangan ko pa palang pumunta ng grocery store ngayon dahil paubos na yung gatas ni Oslo. Nasa kabilang bahay si Oslo at hiniram muna nila Lola kaya pwede akong lumabas ngayon para bumili ng gatas. Kinuha ko ang wallet at phone ko tsaka ako lumabas ng bahay. Sakto namang paglabas ko ay kakarating lang ng kotse ni Ken. Ang aga naman yata nitong umuwi. Himala yatang walang ibang dinaanan.










Huminto ako sa paglalakad at nakatingin lang ako sa pinto ng kotse nito. Inaabangan ko na baka may bitbit na naman itong babae. Pero bumaba ito ng kotse ng mag-isa so wala nga.










"Oh, naka sick leave yan?" pang iinis na tanong nito sa akin bago siya pumasok ng bahay.






"Bibili lang ako ng gatas ni Oslo. Kung gusto mo ng kumain, nakaluto na din ako."  hindi ito sumagot at dumiretso lang sa pagpasok sa bahay. Minabuti ko ng umalis para hindi ako abutan ng rush hour sa daan.



















Ken's POV




Nakatingin lang ako sa orasan at hinihintay na umuwi si Rita. Wala pa namang 20 minutes ng umalis ito pero aantayin ko na lang ito para sabay na kaming mag dinner. Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng pag doorbell kaya lumabas ako para i-check ang gate.











"Yes? Sinong kailangan niyo?" tanong ko sa dalawang pulis na bumungad sa akin.








"Dito po ba nakatira si Miss Rita Daniela?" tanog ng pulis sa akin..






"Bakit niyo siya hinahanap?" ano ba, may nagawa na naman bang kasalanan yung babaeng iyon? Tsss. Lapitin talaga sa gulo.










"Actually, nandito kami to inform her na nahuli na namin yung driver ng riding in tandem na muntik ng makakuha ng bag niya kagabi.."










What?









"Ano? Riding in tandem? Kagabi? Ano bang nangyari kagabi?"








"She was invloved sa isang incident kagabi. Muntik ng makuha ang bag nito ng dalawang lalaking sakay ng motor. Naglalakad si Miss Rita sa madilim na kalsada ng Jupiter Street noon. Nanlaban pa si Miss Rita sa dalawang lalaki at mabuti na lang ay may mga tanod na nagpapatrol ng mga oras na iyon. Tumakbo ang dalawang lalaking at naiwan ang motor. Ang motor ang naging evidence namin at ang kuha ng CCTV para mahuli yung dalawa. Ayaw na mag sampa ng kaso ni Rita sa dalawa pero ng mahuli namin ang mga ito ay may iba pa palang naging biktima ang mga ito . Kaya gusto sana namin ulit tanungin si Miss Rita if magsasampa pa ito ng kaso para mas lalong bumigat ang kaso ng mga iyon.."








"Wa-wala kasi siya dito sa bahay. Pero ayaw ng ma involved pa ni Rita sa kaso ng dalawang iyan. I think buo na yung decision niya."











"Okay Sir. Thank you for the time, mauna na po kami.."















Pagsarado ko ng pinto ay nagtataka parin ako kung bakit hindi ito sinabi ni Rita sa akin kagabi. Mas lalo namang bumigat yung konsensya ko dahil sa hindi ko ito sinabay sa kotse.




















Rita's POV

KAHIT na malapit lang naman ang grocery store mula sa village namin ay nagtaxi na lang ako pauwi. Ayoko ng maglakad dahil natatakot na ako. Magmula ng nangyari ang isang nakakatakot na eksena kagabi ay mabilis na akong kabahan. I don't know pero nakakaramdam ako ng takot. Na baka posibleng mangyari ulit sa akin iyon. Pagbaba ko ng taxi ay pumasok na agad ako ng gate at ni-locked iyon. Bitbit ang dalawang box ng gatas ni Oslo ay mabilis akong pumasok sa pinto. Nakita pa ako ni Ken na nagmadaling pumasok ng lumabas ito mula sa kusina. Dumiretso ako sa kusina para ilapag ang binili kong gatas.





"Hindi ka pa kumain?" tanong ko kay Ken ng mapansin kong wala pang bawas ang niluto kong ulam at kanin.





"Sabay na tayong kumain." sabi nito at kumuha ito ng dalawang plato at mga kutsara at tinidor. Nagtataka naman ako sa ginagawa nito at the same time ay lihim na ngumingiti..




"Wow naman ! Pinagsisilbihan ako ng boss ko." pang aasar ko dito sabay upo sa upuam at parang bata akong inip na naghihintay ng ulam..




"Kumain ka na, madami tayong pag-uusapan." sabi nito na pinagtataka ko.




"Tungkol na naman ba sa trabaho? Pwede bang iwan mo na muna ang trabaho sa loob ng building ng Ka-Vogue? Nasa bahay tayo oh." Hindi na ito nagsalita pa at tahimik kaming pareho na inuubos ang pagkain. Matapos naming kumain ay tinulungan ako nitong ilagay ang mga hugasang plato sa sink.








"Mamaya ka na maghugas ng plato diyan, mag uusap muna tayo." seryosong sabi nito.









"Tungkol ba kay Oslo?" tanong ko dito pero umiling ito. Nag-isip pa ako ng posibleng dahilan kung bakit niya ako kakausapin ng muli itong magsalita.






"Bakit hindi mo sinabing may nangyari sayo sa daan kagabi?" medyo inis na tanong nito. Nagulat ako sa kanya. Papaano niya nalaman?!






"Teka, anong ibig mong sabihin?"








"Muntik ng makuha ang bag mo ng riding in tandem!"





"Paano mo nalaman??"






"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Sagutin mo ang tanong ko, bakit mo hindi ito sinabi sa akin kagabi??"




"Bakit? Kapag sinabi ko ba sayo may mababago ba? Nangyari na yung kagabi. Sabi ko naman sayo diba, mabuti pa at buhay pa akong nakauwi!"









"Dapat sinabi mo!"








"Para saan hah? Bakit? Nakokonsensya ka ba?!!"






"Oo!! Kasalanan ko kung bakit ka napahamak ng ganun. Hindi kita pinasakay sa kotse ko.."







"Wow. Mabuti naman at may konsensya ka pa!" Lumapit si Ken sa akin at kinuha ang kamay ko.. Hinatak niya ako pero hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.




"Ken! Bitawan mo nga ako."








"Pupunta tayo ng hospital para mapa-check ka. Ang sabi ng mga pulis, nanlaban ka daw."





"Teka, pulis???Pumunta sila dito? Tsaka ang Oa naman ng nanlaban! Wala naman akong alam sa suntukan, self defense lang ang alam ko.. Tsaka hindi ko na kailangan pumunta ng hospital, wala naman akong galos o sugat. Okay ako."








"Sa sobrang pagtitipid mo naman, bakit naisipan mo pang maglakad? Tss.."






"Yung mga ganung insidente, hindi naman iyon maiiwasan. May mga araw talagang minamalas ang mga tao. Tsaka pasalamat na rin ako kay Lord dahil walang nakuha sa akin at ligtas ako.. Tsaka wag ka na mag-alala sa akin, may kahati ka parin naman sa bahay."











"Hindi ako nag-aalala sayo, diba sabi ko sayo kanina, ayokong mamatayan ng empleyado." hirit nito kaya nasapak ko ito sa braso.








"Umayos ka nga ! Hmm. Pero salamat hah." nakangiting sabi ko dito.






"At bakit ka naman nagpapasalamat hah?"







"Nagpapasalamat ako kasi concern ka sa akin."








"Hah? Hindi nga ako concern sayo! Feeling ka."








"Leche! Kahit ano pang hirit mo, salamat parin. Kahit sinasabi mo na hindi ka concern, nararamdaman ko naman. Salamat parin." nakangiting sabi ko dito.






"Nananaginip ka ng gising hoy."








"Dahil ba concern ka sa akin, ikaw na ang maghuhugas ng pinagkainan natin?" tanong ko dito at bumubulong yung isip ko na sana nadadala ko ito sa arti-artihan ko.
Ngumiti ito..






"Hindi. Ikaw parin ang maghuhugas nun." sagot nito kaya mabilis ko itong inirapan tsaka nag walk out ako pabalik ng kusina.. Pero naramdaman kong hinigit nito ang kamay ko.








"I need your final draft para sa presentation mo kay Rebecca. Send to me tonight. Ako na ang maghuhugas, pumasok ka na ng kwarto mo." seryosong sabi nito tsaka niya ako iniwang nakatulala dito sa sala at tumungo na ito sa kusina..









Napangiti ako at lihim na sinundan ang naglalakad na si Ken papasok ng kusina.









Sus, hindi daw concern. Eh halata naman siya. hmmpp..












❤️

Continue Reading

You'll Also Like

31.9K 1.1K 44
"Deep love is seeing someone at their most vulnerable, often lowest point, and reaching out your hand to help them get back up. Because deep love is...
6.7K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
157K 1.8K 31
Tinawag na Boarding House ng mga Manyak ang Bahay ni Keith dahil sa pinsan nyang si Kyle at sa Dalawang kaibigan nya sina Phillip at Dustin na wala n...
28K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴