ATRÓMITOS ORGÁNOSI #2 : BOMBE...

By bitchymee06

770K 26.7K 2.9K

R18|MatureContent|Romance|Action #COMPLETED - - - One organization; five merciless women. Behind their innoce... More

AO2
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE

CHAPTER 25

19.4K 727 21
By bitchymee06

Hindi katulad noon ay masaya kaming naghapunan ng pamilya ko. Mayroon man sa aking loob na nalulungkot sapagkat malimit kong maalala si Quenevere ay ipinagsawalang bahala ko muna 'yon.

Sa unang pagkakataon ay napagdesisyunan kong magpalipas ng gabi sa bahay namin. Nagpunta ako sa kwarto ko at marahang pinasadahan ng tingin ang paligid.

Walang nagbago.

Iyon ang una kong napansin. Ang mga m'webles, kama at iba pang bagay ay hindi man lang naibo sa kanilang mga lugar. I sighed and laid down on my bed. Tulala kong tiningnan ang kisame habang inaalala ang mga masasayang kulitan namin ni Quenevere noon.

Ilang saglit pa ay narinig ko ng tatlong katok mula sa pintuan. Mabagal itong bumukas hanggang sa nakita ko ang imahe ni Daddy. He stared at me then roamed his eyes around my room. Tipid s'yang ngumiti bago naglakad papasok, palapit sa 'kin.

Bumangon ako at saka pinagmasdan ang kanyang kilos. He sat on my side as silence envelop the two of us.

"Ilang taon na rin pala ang nakararaan..." Pagbasag niya sa katahimikan.

Hindi naman ako nagsalita at hinayaan s'yang magpatuloy.

"That day... I blamed myself for what happened. Pakiramdam ko napaka-walang kwenta kong ama dahil hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga anak ko," aniya.

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko.

"No'ng nakita ko ang pagsisisi at panlulumo sa 'yo. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan para maghinagpis ng husto. Gustung-gusto kong bumawi sa 'yo, gusto kitang pasayahin, gusto kong ibagay lahat ng pupwedeng makapagpagaan sa loob mo. Kaya naman gano'n nalang ang pagbibigay ko ng atensyon sa 'yo," he continued.

"Hindi ko napansin na mali na naman ang daan na tinatahak ko. Masyado akong nabulag sa konsensya ko kaya pati ibang kapatid mo ay hindi ko na napansin pa."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya naman napabaling ako ng tingin.

Malamlam na nakatingin sa 'kin si Daddy. Bakas ang pagsisisi at kalungkutan sa kanyang mga mga mata, bagay na lalong nakapagpatindi ng emosyon ko.

"Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo ako kung lalo kang nahirapan dahil sa 'kin," puno ng emosyong paumanhin niya.

Marahan akong umiling saka pinunasan ang luha kong tumulo. "It's okay, dad. Wala namang perpekto na tao."

Tipid s'yang ngumiti at maingat na hinaplos ang mukha ko. "Magkamukha talaga kayo ni Quenevere," namamaos na saad niya.

Napangiti nalang din ako sapagkat totoong magkahawig kami ng bunso kong kapatid.

"Salamat sa lahat, Quennie. Paulit-ulit akong magpapasalamat sa Diyos na binigyan niya ako ng isang anak na katulad mo, tulad n'yo ng mga kapatid mo."

"Nagpapasalamat din ako na kayo ang naging magulang ko."

Ngumiti si Daddy sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at tumayo mula sa pagkakaupo.

"I already put Gerald as the CEO of the company. Pinasimulan ko na rin siyang turuan sa iba't ibang bagay," pag-imporma niya sa 'kin.

Natuwa ako ro'n kaya awtomatiko akong napangiti. "He deserves it," I said.

Tumango naman si Daddy bilang pagsang-ayon. "I'll be going to Singapore tomorrow for an overseas meeting. Pagbalik ko ay ako mismo ang magtuturo sa kapatid mo ng ibang bagay tungkol sa kumpanya."

"Mabuti kung gano'n. Mas magiging malapit kayo ni Gerald sa isa't isa," kibit-balikat na wika ko.

He chuckled and nodded again. "Are you going to sleep now?" he asked.

Tipid akong tumango bilang tugon.

"Goodnight then, sweet dreams," he said and bent down to kissed me on my forehead.

I smiled genuinely at my dad. "Goodnight."

Nagkatitigan pa kami bago siya ngumiti at tumalikod sa akin para lumabas ng silid.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang pagkakuntento. Tila ba walang gulo o galit akong nararamdaman sa oras na 'to. Bigla ko tuloy na naisip ang kagustuhan ni Jairon na ipabahala nalang sa otoridad ang lahat.

Makukuha ko ba ang hustisya para sa kapatid ko sakaling gawain ko 'yon?






"CONGRATS," tipid na wika namin ni Shiela nang lumapit si Sophia sa puwesto namin.

Today is her wedding day. Somehow, seeing her wearing a wedding dress made me think about my future.

Maging masaya rin kaya ako katulad n'ya? Makasal din kaya ako sa lalaking mahal ko?

Nagkaroon kami ng munting kasiyahan. Isang laro kung saan magbabagsak kami ng isang sikreto. Sa kinamalas-malasang pagkakataon ay ako ang unang natapatan n'yon.

"I am stalking a model," pigil ngiting sambit ko.

Yeah, I am stalking my suitor's whereabouts. Ewan ko ba pero naaadik akong sundan ang mga lugar na pinupuntahan n'ya. Nitong mga nagdaang araw ay sinimulan niya ang kanyang panliligaw kuno. Binibigyan niya ako ng bulaklak at iba't ibang klase ng tsokolate. Hindi n'ya rin ako nakakalimutang yayayain ng date kapag free ang schedule niya. We also talk a lot of things. Mga paborito ko, paborito niya at iba pa.

I know, I am falling deeply in love with him. Siguro gusto ko lang talaga mapanatag ang loob ko sa lahat bago ko siya sagutin. Nilinaw n'ya rin sa akin ang tungkol kay Ashley. No'ng nakita ko sila sa parking lot ay ang araw kung saan inamin niya kay Ashley na may ibang babae nang nagpapatibok ng puso niya. Hindi iyon matanggap ng babae kaya naman hinalikan niya si Jairon para iparamdam na may atraksyon pa rin siya rito ngunit hindi nagbago ang katotohanan, ako ang mahal ni Jairon Dela Merced.

Pagkatapos ng selebrasyon ay nagsimula na rin kaming maghiwa-hiwalay. Agad akong umuwi at humiga sa 'king kama dahil sa unti-unting pagsidhi ng pagod sa sistema ko. Nasa gano'n akong posisyon nang bumukas ang pinto ng aking silid. I rolled my eyes when I saw Jairon walking towards my bed.

"May I remind you, Mr. Dela Merced, you're condominium is not here."

He just smirked and took off his shirt then laid down beside me. Mabilis niya akong niyakap at isiniksik ang ulo sa leeg ko.

"I miss you," namamaos na sabi n'ya.

"Did you come here the moment I get here?" I asked.

Tumango naman s'ya bilang sagot. Napangiti nalang ako at hinayaan s'yang yumakap sa 'kin.

"Nasasanay ka nang matulog sa bahay ko, Jairon," pamumuna ko.

He slowly pulled himself and looked at me. "Sawa ka na ba?" naroon ang munting takot sa kanyang tono nang itanong n'ya 'yon.

Napamaang ako at ilang beses na napakurap. "Kahit kailan ang galing mo talagang mambaliktad," kunwaring asar na wika ko.

He chuckled and hugged me again as he buried his face on my neck. "Dito rin naman ang punta natin kaya ayos lang na masanay," bulong niya.

Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko dahil doon. Awtomatikong lumabas ang imahe naming nagsasama sa isang bahay sa isip ko.

Nakikita niya ba ang mga sarili naming magkasama sa hinaharap?

"I love you, bae."

I smiled and took a deep breath. "Let's sleep," I said.

Alam kong malulungkot s'yang muli, ngunit kailangan ko munang ayusin ang lahat bago ang sa 'min.

"May lakad ka ba bukas?" he asked suddenly.

Kunot-noo akong umiling.

"Ahmm... Can I date you?" alanganin niyang tanong.

I chuckled then nodded. "Of course," I answered.

Humigpit ang yakap niya sa 'kin at sinimulang halikan ang leeg ko. "Can we... make love now, bae?" he murmured huskily.

Napalunok ako at napapikit sa senyasyong ipinadarama niya. "We always made love, Jairon," I reminded.

He laughed under my neck and sucked it lightly. "Oh yeah, I remember," he said. "I just want you to be mine." Then he reached for my lips.

I am really yours, bae.

Continue Reading

You'll Also Like

462 110 22
(Writer × Bassist) (Completed) Armed with writerly wisdom, Crisanta Marie broke from tradition to chase music, despite her family's disdain. A sister...
31.5K 437 12
THE TAMING AFFAIR BOOK 2 LUCY Being married with JD was not easy. Sure, it was heaven being in love with him but I wasn't informed that being married...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...