Isa, dalawa, tatlong buwan,
Tunay na ngiti nabibilang nalang.
"Masaya ka" ang pinapahiwatig ng iyong bibig sinta,
Ngunit salungat sa sinasabi ng iyong mga mata.
Tila luha mo'y napapadalas ang pagragasa,
Nakakalimutan mo na atang maging masaya.
Tanong sa sarili "pagod kana ba?"
Ngunit lagi mong sagot "kaya pa".
Isa, dalawa, tatlong buwan,
Ito ang bilang na ika'y tila lungkot lang ang nararamdaman.
Sa kabila ng lahat ng ito nais ko iyong malaman,
Na ako'y humahanga dahil sa iyong katatagan.
