CHAPTER 1

15 3 7
                                    

CHEATED                                                              

@DREAMERMILK
GISING

""I,Amabellia Alcero,take you Jason San Luis to be my husband,to have and to hold,from this day forward,for better or for worse,for richer,for poorer,in sickness and in health,to love and to cherish;from this day forward until death do us part" kitang kita ang labis na kaligayahan ko habang sinasambit ang mga salitang yun tiningnan ko si Jason na ngayon ay nakangiti sa aking harapan."I love you" senyas ko dito na ikinangiti nito

""I,Jason San Luis,take you Amabellia Alcero to be my wife,to have and to hold,from this day forward,for better or for worse,for richer,for poorer,in sickness and in health,to love and to cherish;from this day forward until death do us part" pagsasabi niya sa linya niya.Damang dama ko ang pagmamahal habang sinusuot na niya ang singsing sa aking daliri

"Hinding hindi ka magsisisi na pinakasalan mo ako Belle.Mahal na mahal kita" dinig kong sabi nito.Pinahid ko naman ang luha sa mga mata ko at saka siya sinagot "Mahal na mahal din kita Jason" matapos kong sabihin ang linyang yun ay biglang tumunog ang kampana ng simbahan kaya lahat kami ay napatingin sa kinaroroonan nun.Lahat ay nagtaka dahil hindi pa naman yun ang tamang oras na patunugin iyon at maski ang pari ay naguguluhan

"Pasensya na bago pa lang kasi ang nautusan naming magpatunog ng kampana kaya hindi pa niya kabisado ang gagawin" sabi ang Pari kaya ay tumango na lamang kami at itinuloy ang seremonyas ng kasal.

"Jason San Luis you may now kiss your bride" unti unting inangat ni Jason ang harang na nakalagay sa aking mukha.Hinapit niya ako papalapit sa kanya at pinagdikit niya ang mga noo namin.

"Kasal na tayo Belle.Sa wakas at matatawag na kitang akin" sabi niya kaya naman ay mahina akong natawa."Hindi pa man tayo kasal Jason,iyo na ako.Teka nga ang cheesy mo halikan mo nalang kaya ako" nakasimangot kong sagot na nagpatawa sa kanya.Unti unti niyang inilapit ang kanyang mga labi sa akin.Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga bago tuluyang naglapat ang aming mga labi.Nakakalasing ang pamamaraan ng kanyang paghalik kaya hindi ko na namalayan ang mga palakpakan ng mga dumalo sa aming kasal kaya naman ay agad akong humiwalay

"Kasal na ako!" masaya kong sigaw at itinaas ang hawak kong bulaklak.Hindi ko mailarawan ang labis kong kasiyahan sa araw na to.Sobra sobra ang pasasalamat ko dahil dumating ang araw na to sa buhay ko.Mula highschool pa kami ay si Jason lang ang tanging hiniling ko at labis akong nagagalak dahil pinayagan kami ng tadhana na maging mag asawa.Napapangiti ako sa tuwing iniisip ko ang masasayang alaala namin.Inangat ko ang aking paningin kay Jason na abala sa pagtanngap ng mga pagbati mula sa mga kamag anak at kaibigan namin.Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon ngunit alam kong masaya niya.Akmang sasakay na kami sa aming sasakyan ng may kanta kaming naririnig

"Teka kanta ng pamburol yun ah?" napatingin ako kay Freya sa sinabi niya.Maging ang iba pang mga bisita naman ay tila natuod sa kinatatayuan at napatingin sa gate ng simbahan

"Bakit may burol!" tila ba nagulantang na sigaw ng isang matanda.Nagsimula nang magbulong bulungan ang tao sa paligid pero bakit?

"Masama po ba yun?" Tanong ko sa matanda na nasa tabi ko.Hindi ako pamilyar sa kanyang mukha pero baka kamag anak ito ni Jason.Nanlamig ako sa pamamaraan ng pagtingin ng matanda sa akin at mas lalo akong kinilabutan nang ngumisi ito.

"Malas.Kamalasan ang ibig sabihin ng pangitaing yan iha.Mag ingat ka dahil ano mang oras ay nararamdaman mo ang ibig kong sabihin" sabi nito.Napahinga ako ng malalim at pinagmasdan ang isang sasakyan na puno ng bulaklak at lobo na kulay puti na papasok sa bakuna ng simbahan.Kinilabutan ako sa sinabi ng matanda kaya naman ay nauna na akong pumasok sa sasakyan.Hindi naman siguro yon totoo

GisingKde žijí příběhy. Začni objevovat