Chapter 1- Chemistry Quiz

66 2 0
                                    

Narrator's POV

Friday afternoon, last lesson na ni Jazz ang Chemistry.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Jazz's Point
"Jazz, what did you get?" tanong ni Aleks na katabi nya.
"Don't ask." Pagsusungit nito.
"Class, if I say your names, just shout me your score ok?" Sabi ni Mrs. Dapat sa klase.
"Damn it." Sabi ni Jazz sa sarili.
"Jasper Agoncillio." Tawag ni Mrs. Dapat.
"yea?"
"What did you get Jasper?"
Naiiling sya at tinignan ulit ang papel nyang hawak.
"Jasper?" sabi ni Mrs. Dapat.
"4" mahinang sabi nya.
"I'm sorry?"
"4 po Ms."
"4/20, My god Mr. Agoncillio, you need to do something about my lesson ok."

Hindi nalalayo sa kanyang inuupuan, napatingin si Izzie sakanya at ngumiti pero binigyan nya nalang ng frown face ang dalaga. Pag katapos ng klase nila, nagpasyang magpunta sina Eriq at Jazz sa mall, si Eriq ay ang matalik na kaibigan ni Jazz. Pag kadating nila ng mall ay dumeretso sila sa acrdade.

"Eriq, seryoso ka na ba talaga sa panliligaw dyan kay Izzie?"
"Matagal ko na gustong ligawan si Izzie, ngayon lang talaga ako nag karoon ng guts na manligaw sakanya, alam mo naman yun diba?"
"Oo dude, pero sino na kasama ko sa pag girl hunting?"
At habbang kausap nya si Eriq ay may napadaan na sexy, maganda, mahaba ang buhok na babae na agad naman nilinggon ni Jazz.
"Yun yoon eh."
"Jazz, ano nanaman yang binabalak mo?"
"Rick, sige na pare one last chance na toh, alam ko naman na seryoso ka dyan kay Izzie mo diba at ako wala akong gf, kaya pede pakuha ng number nung chick na yun?"
"Ano pala si Cassie sayo? Hindi ba kayo?"
Napailing si Jazz ng marinig nya ang pangalan ni Cassie.
"Parents ko lang naman may gusto sakanya eh."
"Ano ba Eriq kukunin mo ba number nung chick na yoon?"
"Bahala ka Jazz."
Pinagpatuloy nalang ni Eriq ang paglalaro nya habbang kinuha ni Jazz ang numero at pangalan ng babaeng nakita nya at agad naman nitong binigay sa binata. Matapos gumala ng dalawang magkaibigan, agad nanaman silang umuwi
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Eriq's Point
"Ay, patay nakalimutan ko itext si Izzie, gago kasi tong si Jazz eh". Sabi sa sarili.
Agad naman nyang tinawagan nalang si Izzie at ng nagusap sila.
How's your day? Tanong ni Izzie kay Eriq.
"Ok lang naman, ayon si Jazz kasi may nameet nanaman na bagong babae kaya sinamahan ko muna, baka kung saan mag punta eh, alam mo nah."
Ganon? Baka naman ikaw din ha, may babae ka rin na kasama kanina.
"Uy concern."
Sa kalagitnaan ng kanilang paguusap ay biglang kumirot ang puso ni Eriq, binaba nya muna ang telepono at dumeretso sa kanyang kwarto. Ng makita ng kanyang mama na nahirapan sya, agad naman nitong kinuha ang bote naglalaman ng gamot para ibigay sa anak, at pinainom agad ito. Ilang sandali pa ay nawala na rin ang pagkirot ng puso ni Eriq at utos ng Mama nya na magpahingga nalang.
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Jazz's Point
"Hep, hep Jasper Zachery what time do you think it is now? Sigaw ng kanyang Mama ng makita syang dumating."
Pumunta sya sa may garden kung saan nandoon ang kanyang Mama at si Cassie, ang kanyang kasintahan, nagbeso-beso naman sya sa kanyang Mama at umupo sa tabi ni Cassie.
"Jazz anak, anong oras na? Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina ka pa hinihintay ng iyong girlfriend." sabi ng Mama nya.
"Mom, I'm with Eriq and we went to mall."
"Oh sige na, maiwan ko na kayo dyan at magusap kayo." Sabi ng Mom ni Jazz at umalis na ito iniwan ang dalawa.
"Anong ginagawa mo dito Cassie? Hindi masayang tanong ni Jazz."
"Jazz, I missed you binisita lang kita, masama ba yun? Hindi kasi kita nakita sa school kanina e" Sabi ng dalaga habbang niyakap nya ang kanyang kasintahan.
"Do you know what time is it? Cassie 10pm na nandito ka pa, baka kung ano na isipin ng parents mo kung nasan ka."
"They know I'm here so no worries."
"Ano oras ka uuwi? I'm tired, I want to go to sleep. Hindi na kita mahahatid."
"Ok lang, kasama ko naman si Mang Oscar eh."
Ilang sandali pa ay pinauwi na ni Jazz ang kanyang kasintahan at agad naman itong umakyat sa kwarto at nagpahingga.

Chemistry Romance(A Restored Story)Where stories live. Discover now