Bitter ba?

18 1 0
                                        

Nitong mga nakaraang araw, panay FOREVER ang nababasa ko sa mga social networking sites na nilalagian ko. “Walang FOREVER” “Magbebreak din kayo” “Sasaktan ka lang niyan”. Ilan lang ‘yan sa mga dialogue na nakakasalubong ko sa Facebook at Twitter. Nauunawaan ko naman na madaming taong sadyang ginagawa lang ang pagkabitter sa katawan nila. Nauunawaan ko din na ilan sa kanila ay sawi sa buhay pag-ibig (sige na nga, ako din). Pero hindi dahilan ‘yan para mandamay tayo ng ibang tao. Hanep. Mahirap talagang makakita ng mag-syota na magkaholding-hands, pasway-sway pa. Mahirap makabasa ng “happy monthsary baby, FOREVER na tayo”. Mahirap makakita ng picture ng mag-syota sa Facebook at makabasa ng mga “Iloveyou’s” nila sa Twitter. Yung sasakay ka sa jeep tapos sa harap mo naka-upo yung mag-syota. Yung tipong kakain ka sa fastfood pero yung nasa harap mo sa pila ay magkasintahan. Jusko! Lalo naman siguro kung kagagaling mo lang sa madamdaming Break-up hano? Pero lahat ng ‘yan ay may dahilan. Lahat ng yan may kapalit. Hindi naman masamang mainggit sa lovestory ng iba. Tandaan mo lang na ang inggit na ‘yan ay dapat dalin mo sa positive way. May dadating para sa’yo na mas better. Just keep on praying kapatid. Ipagpray mo kay God ‘yang dinaramdam mo. Don’t rush things iha. May FOREVER. Dadating din yung sa’yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bitter ba?Where stories live. Discover now